Chapter 27: Checking

"Ely, kung saan saan kita hinanap! Nandito ka lang pala!"

Humarap ako kay Jack at hindi maiwasan na ngumiti. He's cute. Mukhang kanina niya pa ako hinahanap dahil may tumulong pawis mula sa mukha niya.

Kinuha niya naman ang kamay ko at hinila pabalik sa pwesto namin. Bahagya pa akong sumulyap sa pwesto namin kanina kung saan nakausap ko ang batang babae.

Binitawan niya ang kamay ko at hinarap. "Huwag mo na gagawin ulit yon, malalagot talaga ako nito."

Tumango ako dito. "Oo na po at kanino ka naman malalagot?"

Umiling ito at hinatak na ulit ako pabalik sa bahay. Nang makarating kami ay dumiretso ito sa sala at umupo. Tumabi naman ako dito.

"Kamusta na kaya sila?"

Tumingin ito sa akin. "They're doing fine kaya dapat ikaw din." masungit na sabi nito.

Tumawa naman ako at hindi maiwasan na kurutin ang pisngi. "You're cute!"

Tumawa ito habang pilit tinatanggal ang kamay ko.

"Lei, i said stop."

"Err, i mean.. Elysse." dagdag niya

Natahimik ako sa sinabi nito. Ganun naba talaga ang epekto sa kanila ni Leilei kaya pati ako napagkakamalan?

"Can you please tell me about Leilei?"

Tumikhim ito at mukhang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya pero wala itong nagawa kundi  tumango

"She's our friend, childhood friend." panimula niya.

Sumandal ito sa sofa at pinagmasdan ang kisame. "Dylan loves her, Cheska loves her, Ethan loves her and syempre, love ko din yon." aniya at ngumiti

"Swerte niya pala sainyo noh."

Tumango siya. "Swerte din namin dun, she's an angel for me. Minahal talaga namin siya noong bata pa lamang kami. Siya ang dahilan kung bakit nabuo ang pagkakaibigan naming lahat."

Ngumiti ako dito. True. Nagawa niyang palambutin ang isang Ethan na minsan ko na din nasaksihan.

"Everytime na tumatambay sila sa mansion namin puro 'Nasaan naba si Lei?' o di kaya 'Tagal naman ni Lei!'" aniya at bahagyang tumawa.

"Hindi ko nga alam kung sino ba talaga ang anak sa amin ni Mama, si Leilei ba o ako. Everyone loves her." aniya

Tumango ulit ako at walang ginawa kundi hangaan ang isang Leilei. She's really something.

Humarap na siya sa akin. "And everyone loves you too." aniya

Umiling ako. "Hindi naman siguro, may pagkakahawig lang siguro kami ni Leilei kaya minahal din ako ng mga kaibigan mo." sagot ko.

Nagkibit balikat siya. "Basta ako, mahal kita bilang ikaw."

Natahimik ako sa sinabi nito. Bahagya siyang tumingin sa akin at umiling.

"As a friend syempre!" aniya at sabay kaming tumawa.

Hindi ko tuloy maiwasan na isipin, paano kaya kapag totoo nga ang sinabi niya? Mahal ko din naman si Jackson pero hanggang kaibigan lang yon. Hays, kaibigan nga lang diba? Bakit ko ba iniisip to.

Tumayo na ito at pinagpagan ang pants na akala mo'y nadumihan. "Let's eat na." aniya

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako para umakyat at magpahinga. Pakiramdam ko lalagnatin ako na ewan. Hindi ko alam.

Naligo ako at bumalik sa kwarto para matulog. Medyo nainitan pa ako kaya ginamit ko ang aking elemental powers para buksan ang bintana at pumasok ang simoy ng hangin.

-

Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog. Naramdaman kong may kumaluskos sa pintuan kaya naman agad akong bumangon at pinakinggan ang tunog nito. Madilim na ang paligid, siguradong tulog na ang mga tao.

Nagpatuloy ang pag kaluskos na parang gustong buksan ang aking pintuan. Dahan dahan akong lumapit dito at inihanda ang aking sarili.

Gumawa ako ng isang maliit na ipo ipo sa aking kamay at handang ibato iyon kung sino man ang nasa likod ng aking pintuan.

Nang buksan ko ang pintuan muntik ko nang ihagis sa kaniya iyon nang maanigan ko ang mukha nito.

"Fvck!"

"E-Ethan?"

Tumama sa akin ang kaniyang tingin at naging mahinahon ang itsura nito nang makita ako. Bahagya kong ibinaba ang aking kamay at lumapit sa kaniya.

"What are you doing here? Gabi na ah! Baka may makakita--"

"Shh, let me in." aniya

Tumabi naman ako at hinayaan siyang makapasok sa kwarto. Sinilip ko pa ang hallway kung may nakakita man sa kaniya. Baka kasi pagkamalan itong magnanakaw at hindi magdalawang isip na paslangin.

Sinarado ko ang pinto at naabutan siyang nililibot ang aking kwarto. "You can sleep here?"

Tumango ako dito at lumapit. "Bakit kaba nandito? Paano yung mission? Si Cheska?" sunod sunod na tanong ko.

Napairap ito sa akin at umupo sa higaan. "She's fine, she can handle that." aniya at pinasadahan ako ng tingin.

Tumikhim ito. "Can i sleep here?"

Natigilan ako sa sinabi nito. Wala na siya pwedeng mahigaan bukod sa kama ko. Hindi naman alam ng mga katulong na darating siya kaya walang naihanda para dito.

"Okay, tabi nalang tayo."

Tumango siya at agad na binagsak ang katawan sa higaan. Narinig ko ang marahan nitong hinga. Umupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan siya.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"

"Checking." tipid na sagot niya at tumalikod na sa akin.

Ilang minuto lamang, tumahimik na ito at hindi na gumalaw. Mukhang nakatulog na nga.

"Goodnight, Ethan." bulong ko

-

Nagising ako nang may sinag ng araw ang tumama sa aking mukha. Mga huni ng ibon ang naririnig ko sa bintana kaya naman napangiti ako dito.

Ginawa ko ang mga kailangan kong gawin bago bumaba. Wala na si Ethan sa tabi ko na mukhang umalis na at bumalik na sa bayan ng Javier.

"Dude, di ko naman alam na darating ka pala!" boses ni Jackson

"Di mo natiis noh?" pangangasar pa nito.

Lumapit ako sa kusina at naabutan ko silang kumakain sa mesa. Tahimik si Ethan at medyo magulo pa ang buhok nito habang si Jackson naman ay hindi mawala ang ngiti sa mukha.

"Akala ko umalis kana." bungad ko sa kanila.

Palipat lipat ang tingin sa amin ni Jackson na parang may ginawa kaming masama. "Alam mo?" tanong niya.

"Malamang, natulog siya--"

"Eat." aniya at inabot sa akin ang plato na puno ng mga pagkain. Ang dami naman masyado!

Nagkibit balikat nalang si Jackson at pinag patuloy ang pagkain. Sumubo na din ako sa aking pagkain.

"Kelan ka uuwi?" tanong ko

Tumingin ito sa akin. "Later, kailangan kong balikan si Che at baka magsumbong yun."

Tumawa naman ako dito. "Kailangan mo talaga."

"Is it okay to you? Balita ko, mag iikot daw kayo mamaya para magpatrol." aniya

Tumango ako at ngumiti

"Err, guys? I'm here naman." singit ni Jackson

Tumawa kaming dalawa ni Ethan. Pakiramdam ko, isa na ito sa mga magandang araw ko sa Sandovas. Sana ganito nalang palagi.

Naging maingay ang kusina dahil kay Jackson na kanina pang inaasar si Ethan. Hindi ko kasi maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya tumahimik nalang ako.

Natahimik lamang ang dalawa nang lumapit sa amin si Manang.

"Pinapatawag na po kayo ng aming pinuno." aniya at bahagyang tumungo sa amin.

Tumango ako at tumayo na kagaya ni Jackson na mukhang tapos na din kumain. Sumunod naman sa amin si Ethan na nakapamulsa.

Lumabas kami sa bahay at tumambad sa amin ang isang sasakyan sa gilid. Ito siguro ang ginamit ni Ethan kagabi.

"I'll go." aniya

"Ingat ka dude!" paalam ni Jack

Lumipat sa akin ang tingin ni Ethan at ngumiti. "Be careful, stay with Jackson." aniya at inulit lamang ang sinabi niya sa akin noon.

Kumaway na ako dito at tinalikuran na. Narinig ko na lamang ang sasakyan na papalayo sa amin.

Nang makarating kami sa bahay ng pinuno. Bahagyang nanghina ang aking katawan na kanina pang nagpipigil. God.

---

A/N: Hi! This is my official acc, so you can dm me. You can ask me about my stories or we can be friends! Anyways, THANKYOU FOR 600 READS❤️

twtter: @tffnypn
ig: @tffnyopena
fb: tiffany opena

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top