Chapter 26: Sandovas
Saktong alas tres ang usapan namin na magkita kita sa labas ng MA. May mga sasakyan daw na maghahatid sa amin papunta sa mga bayan. Kasalukuyan kong inaayos ang aking gamit habang si Charli naman ay mukhang antok pa dahil hindi pa nito nagagawang kumilos man lang.
"Uy, Charli. Bangon na diyan."
"Oo na.." aniya at tamad na bumangon sa higaan.
"Anong oras naba?"
"2:30 na." sagot ko
Naramdaman ko naman siyang nagmamadaling kumilos.
"Ano ba yan! hindi mo man lang ako--"
"Goodmorning!"
Napatalon ako nang bumukas ang pintuan. Agad naman tumakbo si Charli sa cr nang makita ang mga kaibigan namin na mukhang handa na sa pag-alis.
Kumunot ang noo ko nang makita si Jackson na bahagya pang nakapikit at medyo magulo ang buhok.
"Paidlip saglit." aniya at dumampa na sa higaan ko.
Si Sky lamang ang nakangiti sa kanilang lima. Si Dylan naman ay pumunta sa kitchen habang si Ethan nanatiling kalmado habang nakasandal sa gilid ng pinto.
"Goodmorning." bati niya
Tumango ako dito at hindi ko maiwasan na magulat. This is the first time na binati niya ako na walang halong inis o galit man lang.
"I want some coffee, nadadamay ako sa kaantukan ni Jack." ani Cheska at sumunod na kay Dylan sa kitchen.
Nagkibit balikat na lang ako at niyaya ang dalawa na pumunta sa coffee. Umiling lang sa akin si Ethan habang pinagmamasdan pa din ako.
"I'll stay here." aniya
"Saan pala si Charli?" tanong ni Sky habang nagsasalin ng gatas.
"I'm here."
Pinasadahan ko ng tingin ang ayos nito. Katulad namin, nakasuot din uto ng hoodie at nakapantalon. Medyo magulo nga lang buhok nito dahil hindi pa nakakasuklay.
Inabot ko sa kaniya ang gatas na tinimpla ko. Ngumiti naman siya sa akin at kinuha iyon.
"Thanks." aniya
"It's already 2:50, we need to go." ani Dylan at tumayo na sa upuan. Sumunod naman si Cheska dito at lumabas na.
Lumabas ako sa kitchen at naabutan ko si Jackson na nagkakamot na ng ulo.
"The fvck? Bakit kailangan may batok pa akong matatanggap?" aniya
Nagkibit balikat lang ako dito at kinuha na ang gamit ko. Isang backpack lamang ang maaari naming dalhin para hindi masyado mahirap kung sakaling dalhin naman iyon. Good for five days na din.
Sinarado na ni Charli ang aming kwarto at bahagyang bumuntong hininga nang makalapit ito sa amin.
"I'm gonna miss this place." aniya
Lumapit naman ako dito at yumakap sa kaniyang braso. "Oh? then, I'll miss you too!" sabi ko dito.
Ngumiti naman siya sa akin
"Hindi ba ako kasama diyan?" ani Sky at kumapit na din sa kabilang braso ni Charli.
Nang makarating kami sa labas ng MA. Saktong may apat na sasakyan ang nakaabang sa amin. Nandito na din ang apat na guro habang nakangiti sa amin.
"Tandaan niyo ang mga bilin ko. Strategies and tactics. Be alert and stay with your partner." ani Cher Raven
Tumango kaming pito dito at hinayaan kaming bigyan ng oras para magpaalam sa mga kasamahan namin.
"Be careful guys ha!" ani Cheska habang nakangiti sa amin.
Tumango naman ako dito at niyakap ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bibigyan ko din ba ng yakap si Ethan.
Bahagya akong lumapit dito at agad na binigyan ng madaliang yakap. Nagulat ako nang yakapin din ako nito. Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga.
"Be careful, stay with Jackson." tipid na sabi nito at kumalas na sa yakap.
Tumango ako dito. "Ingat din kayo ni Cheska."
Tumango lang din siya sa akin at ngumiti. "I will." aniya
Dahan dahan na akong lumayo sa mga kaibigan ko at kumaway. For sure, I'll miss them.
"Let's go?" ani Jackson
Tumango ako dito at bahagyang sinulyapan muli ang mga kaibigan ko. Pumasok na sa loob sila Charli at Sky gayundin si Cheska habang si Dylan at Ethan nag-uusap pa din.
Lumingon sa amin si Ethan sa malayo at binigyan ng signal na pumasok na sa loob. Kumaway ako dito at sumunod na kay Jackson.
We'll see each other again, Ethan.
-
Nagising ako nang napadaan ang aming sasakyan sa isang lubak. Rinig ko ang pagmura ni Jackson sa tabi ko.
"Manong, dahan dahan naman!" inis na sabi nito.
Dumungaw ako sa bintana. Maraming puno ang nasa paligid at madilim pa din. Ilang oras ba ang byahe papuntang Sandovas?
"Oh, Ely. Nagising ba kita?"
Umiling ako dito at muling isinandal ang ulo. "Malapit naba tayo?" tanong ko.
Tumango ito sa akin
"Lapit na." aniya
Nang makalagpas kami sa gubat ay tumambad sa amin ang isang bayan. Ito na siguro iyon.
Huminto ang aming sasakyan, senyales na nandito na kami. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip kung nakarating na din ba ang mga kaibigan ko.
Tahimik at simoy ng hangin ang sumalubong sa amin. Napakalawak ng bayan na ito at puno ng mga palamuti sa paligid.
"Ely, tara na."
Sumunod ako kay Jackson na pumasok sa isang bahay na malapit lamang sa pwesto namin.
"Magandang umaga po sa inyo." bati sa amin ng isang matandang babae.
Sinuklian ko ito nang ngiti at pinagmasdan ang paligid. Maliit lamang ito ngunit may ikalawang palapag. Naroon siguro ang mga kwarto.
"Nasa taas na po ang inyong mga kwarto. Maaari muna kayong magpahinga at ipagpatuloy ang inyong tulog." magalang na sabi nito sa amin.
Umakyat agad si Jackson at napatigil ito sa kalagitnaan ng hagdanan nang malaman niyang wala ako sa likuran nito. Sinulyapan ko ang matanda at nagpasalamat.
"Walang anuman po." aniya
Sumunod na ako kay Jack at umakyat sa ikalawang palapag. May tatlong kwarto ang nakahanda at mukhang cr na ang isang kwarto.
"Left or Right?" tanong ni Jack.
Hindi na ako sumagot dito at pinili na lamang ang kanan. Binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang isang puting higaan at mesa sa tabi nito.
"You okay here?"
Lumingon ako kay Jack na bahagyang sinulyapan din ang kwarto ko.
"Okay na ako. Matulog kana din."
Tumango siya at sinara na ang pintuan. I sighed.
---
Nagising ako sa isang katok mula sa aking pintuan. Sumilip ako sa bintana. Shit. Umaga na.
Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin si Jackson na nakangiti.
"Goodmorning, sleepy head. Baka nakakalimutan mo may meeting tayo sa pinuno ng Sandovas." paalala niya
Tumango ako dito at nagmadaling pumasok sa cr para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumalik ulit ako sa aking kwarto at naabutan kong nakaupo sa aking kama si Jackson.
"Let's go. "
Sumunod kami kay Manang dahil iyon daw ang itatawag namin sa kaniya. Siya ang namamahala sa bahay na pansamantala naming titirhan ni Jackson.
"Kumain muna kayo at maaari ko kayo muling ihatid sa aming pinuno." magalang nitong sabi at iniwan kami sa kusina ni Jack.
Umupo ako at sinimulan na kainin ang pagkain na nakahanda sa amin.
"Nasa bayan naba sila?" tanong ko kay Jack habang nginunguya ang pagkain.
Tumango ito at hindi ako tinapunan ng tingin. "Yeah, malamang nasa meeting na din sila." aniya
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na kami sa kabilang bahay. Malaki ito hindi katulad ng amin. Halatang maimpluwensya ang nakatira dito dahil na din sa mga nagbabantay sa loob pati sa labas.
Umakbay sa akin si Jack na hinayaan ko nalang. "I heard may fiesta mamaya." bulong niya.
Tumango ako sa sinabi, nakakamiss din maki-fiesta no!
Nang makarating kami sa isang pintuan ay pinagbuksan kami ni Manang at tumabi para bigyan kami ng daan. Tumambad sa amin ang isang matandang lalaki na nakangiti sa amin.
"Welcome, students from Monarch. Ikinagagalak ko ang pagpunta niyo dito sa aming bayan." aniya
"Kami rin po."
Niyaya nito kaming maupo malapit sa kaniyang mesa. Napahalumbaba ito habang pinagmamasdan kami.
"Nanggaling na dito ang dalawang estudyante galing din sa paaralan niyo. Kamusta naba sila?" nag aalalang tanong nito
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nanggaling na pala sila? Sino naman tinutukoy niya?
"Ah, okay naman po sila." sagot ni Jack at sinulyapan ako.
Tumango ito. "Mabuti kung ganon dahil mas pinahigpitan na namin ang pagbabantay sa bayan lalo na't mamaya may fiesta. You can join, im sure masaya iyon!" aniya habang nakangiti sa amin
"Sure po." sagot ko
Dumako ang tingin sa akin ng matanda at pinasadahan ako ng tingin. "Hija, Nanggaling kana ba dito?" tanong niya
Agad naman akong umiling. Kung nanggaling na ako dati dito malamang familiar na ako sa paligid. Masyadong welcome ang pagpasok namin dito. Mukhang masayahin at magalang ang mga nakatira kahit na ganon ang estado nila sa buhay.
"Ganon ba..." aniya at tumango sa amin.
"So, I'll see you both. Aasikasuhin ko pa ang ilan sa mga taga bantay para masiguro na ligtas ang mga kababayan ko. Alas kwatro ang simula, ipapatawag ko nalang kayo." aniya
Tumayo na kami at nagpaalam sa kaniya. Sinamahan ulit kami ni Manang pabalik sa bahay.
"Saan ka?" tanong ko kay Jack nang dumiretso ito sa sala.
"Dito muna ko, ikaw ba?"
"Kwarto muna. See you later." paalam ko. Kumaway naman siya sa akin at ibinalik ang tingin sa isang maliit na television.
Bumalik ako sa kwarto at umupo sa higaan. Kamusta na kaya sila?
Dumako ang tingin ko sa mesa ko kung saan ko nilagay ang ilan sa mga gamit ko pati na rin alahas. Oh.
Kinuha ko ang silver na kwintas at pinagmasdan. Hindi ko alam kung kanino ko ba ito ibibigay.
Napagpasya kong isuot at itago muna sa loob ng aking damit. Naghanda na din ako ng maaari kong suotin mamaya at napili ko ang isang floral dress. Lumabas ako para maligo nang makasalubong ko si Jack na kakalabas lang din sa banyo.
"Oh, kala ko nanonood ka."
Pinunasan niya ng tuwalya ang kaniyang buhok. "Boring palabas." aniya at tiningnan ako.
Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa leeg ko.
"Saan mo nakita yan?" kunot noong tanong nito.
Nilabas ko ang kwintas. "Hindi ko din alam eh, nakita ko nalang sa cabinet ko." sagot ko.
Hinawakan niya ang pendat.
"Kilala mo ba ang may-ari nito?" tanong ko. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.
"Close friends." tipid na sagot niya at nagpaalam na para bumalik sa kwarto.
Close friends? Bakit hindi niya kinuha sa akin?
Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa banyo para maligo.
-
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto. Bahagya kong itinali ang aking buhok at naglagay ng konting ayos sa mukha.
Nakasandal na sa pinto si Jackson habang nakakunot pa din ang noo nito. "Anong problema?"
Umiling ito at nginitian ako. "Bagay sayo yung kwintas." aniya at tinuro ang leeg ko.
Nginitian ko siya at sinabing maaari niya bang ibalik sa may-ari kaso hindi ito pumayag at nagpumilit na sa akin muna pansamantala.
Inakbayan ako nito nang makababa na kami. Nakangiti sa amin si Manang. "Tara na po." aniya
Hindi ko maiwasan na mamangha sa paligid. Maraming tao ang nagkalat at tila masaya sa araw na ito. Ilan sa kanila ay sumasayaw at iba naman ang kukwentuhan sa tabi. Ang ganda!
Tumawa sa tabi ko si Jack. "Looks like first time mo lang?" aniya
Umiling ako dahil naranasan ko din ang maki-fiesta nung nasa mundo pa ako ng mga tao.
Lumapit kami nang makita namin ang pinuno ng Sandovas. Nakaayos din ito at nakangiting salubungin kami.
"Welcome here in Sandovas!" aniya.
Tumango kami at inanyayahan na lumapit sa isang mahabang mesa kung saan puno ito ng mga pagkain. Lumapit agad dito si Jack at kumuha ng plato. "Kain ka?" tanong niya
Umiling ako at sinenyasan na kumain muna siya. Busog pa kasi ako eh.
"Okay, diyan ka lang ha!" aniya
Nilibot ko ang tingin ko sa ibang tao. Ilan sa kanila ay tumutungo kapag nakikita nila ako.
Napansin ko ang isang batang babae na kapwa nakatingin din sa akin. Nanlaki ang mata nito at iniwas ang tingin.
"Hey, baby girl." tawag ko sa kaniya at lumapit.
"Hi po." aniya at hindi makatingin sa akin.
"Come here, hindi ako nangangain." biro ko. Ngumiti naman siya sa akin at lumapit.
"Kumain kana ba?"
Tumango ito sa akin at hinila ang kamay ko sa isang tabi.
"Alam niyo po ba pangarap ko makapag-aral sa Monarch!" proud na sabi nito.
Ngumiti ako dito. "Sure, hintayin kita don ah!"
Bigla naman lumungkot ang mukha nito at umiling. "Pangarap ko lang po." aniya at tumungo.
Lumapit ako dito at hinawakan sa buhok. "Bakit naman? I'm sure you have some elemental powers."
Tumingin ito sa akin. "Wala po kong elemental powers." aniya
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Baka hindi pa nalabas, how about special abilities?" tanong ko ulit.
Umiling ito. "Feeling ko nga po, galing ako sa isang bangungot dahil paggising ko, wala akong maramdaman. Feeling ko normal na tao lang ako hindi katulad nila Mama." malungkot na sabi nito.
Tumango ako dito at hinawakan sa kamay. "I'm sure you'll have that, someday."
Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang magsasalita nang may tumawag sa kaniya.
"Tara na anak, makisalo tayo sa kanila!" sabi ng isang babae nang makalapit ito.
Napahinto ito nang dumako ang tingin niya sa akin at bahagyang nanlaki ang mata. "A-Anak, tara na." aniya at agad na hinatak ang bata.
Kumaway naman sa akin ang batang babae at nagpaalam. Kumaway din ako pabalik habang pinagmamasdan ang kaniyang nanay na nakakunot na ang noo.
"Diba sabi ko sayo, wag kang lalayo?"
"Delikado ang isang tulad niya."
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
See you on my next one!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top