Chapter 22: Dagger

Elysse POV

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa dorm habang lutang ako nagiisip.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita nila sa akin si Leilei. Tanging alam ko lamang sa kanila ay kaibigan nila itong hindi na nagpakita pa. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot akong isipin na nakikita nila sa akin Leilei gayunman, ako si Elysse.

Ginagamit ba nila ako?

Nakarating ako sa kwarto habang iniisip kung bakit nagawa sa akin ni Ethan yon. He's soft when it comes to Leilei. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Should i accept this? Ang hayaan na ituring nila akong Leilei? God, hindi ko na alam.

Kumuha ako ng tubig dahil pakiramdam ko uhaw na uhaw ako sa mga nangyayari. Bahagya akong umupo sa mesa at nag isip isip.

Sino kaba talaga Leilei?

Mas mabuti pang huwag ko nalang isipin ang problema nila. Si Leilei at ako ay magkaiba. Iyon.

Pumunta ako sa higaan habang nililibot ko ang paningin sa kwarto. It's already 7:30pm. Pauwi na kaya si Charli?

Hinubad ko ang aking earrings at naisipang ilagay sa cabinet nang may napansin akong kakaibang alahas. Kinuha ko ito at bahagyang pinagmasdan ang kwintas. It's a silver necklace with a shape letter of 'L'.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan kaya naman ibinalik ko agad ito sa pinanggalingan. Kung kanino man iyon, kailangan kong isauli baka mapagbintangan pa akong magnanakaw.

"Aga mo naman bumalik?"

Tumango ako dito dahil wala naman akong gagawin kung mananatili ako don. Hindi ko alam basta gusto ko nalang tumakas sa kanila at hindi mapagbintangan na si Leilei.

"Yeah, medyo pagod eh."

Tumango naman ito at dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig. Pinasadahan niya pa ako ng tingin bago nilagay sa sink ang baso.

"Hinahanap ka nila Sky kaso di ka naman mahagilap." aniya

"Tapos naba ang party?" pag iiba ko.

"Oo, everything went smooth." sagot nito.

Tumango ako dito at naisipan muna na maglinis ng katawan bago matulog. Hindi na siguro ako kakain, medyo busog pa kasi ako.

Inaayos ko ang aking higaan nang bahagyang tumabi sa akin si Charli na parang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"Wala, I'm still wondering kung ano ang pagkahawig niyo ni Leilei." aniya

"Kilala mo si Leilei?"

Umiling ito sa akin. "Nakwento lang ni Jack." aniya

"Kung sino man yon, malamang malaki ang pinagkaiba niyo. And i'll choose you, no matter what happens."

Natigilan ako sa sinabi nito.

"Sige na, kakain na ako sa Dining Hall. Hindi kaba talaga nagugutom?" tanong niya ulit.

"Hindi na. Medyo napagod ako." pagdadahilan ko.

"Okay, see you."

-

Nagising ako sa isang ingay na nagmumula sa kusina. May mga nagtatawanan at iba naman ay nagsusuway na baka magising ako.

Kinusot ko ang aking mata at tumayo sa higaan. Pinuntahan ko kung saan nagmumula ang ingay.

"Masyadong pinanggigilan nila ang booth ni Jack. Hotdog lang naman laman." ani Cheska habang nakaupo sa upuan.

"Ang bad mo naman sa akin." ani Jackson at ininom ang kape.

"Oh, Elysse. Gising kana pala!" ani Charli at lumapit sa akin.

Tumango at pinagmasdan silang magsiksikan sa kusina. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti sa itsura nila. Si Cheska na nakaupo sa upuan katapat nito si Jackson na umiinom ng kape. Katabi naman nito si Sky na nakangiti sa akin.

Inabot ko ang gatas na binigay ni Sky at napiling tumabi kay Cheska.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Staying. We're having a chitchat here." ani Cheska at tamad na naglagay ng lipstick sa kaniyang labi.

Nagpaalam ako para maligo dahil nakaramdam din naman ako ng hiya. Lahat sila ay nakaayos na at mukhang masayang pinagpatuloy ang usapan tungkol kahapon. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka kung bakit nandito pa din sila, may klase pa naman.

Saktong paglabas ko ng cr ay bumungad sa akin ang dalawang nilalang na may hawak ng pizza at drinks.

"Here." ani Ethan at nilapag ang tatlong box ng pizza.

"Tagal niyo ah!" ani Sky

Lumapit na sila at sinimulan na kainin ang pizza. Nanatili lamang akong nakatayo habang pinoproseso sa utak ko ang nangyayari.

"Are you not going to eat?"

Napalunok ako sa sinabi nito at dahan dahan lumapit sa mesa. For pete's sake, he's watching me.

"Why?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

"Just eat." aniya at tinalikuran na kami.

"Galing mo kumanta." ani Dylan at tumabi sa akin.

"T-Thanks."

Hindi ko nalang pinansin si Dylan at sinimulan na kainin ang pizza na nasa mesa. Baka mamaya, masama na naman tingin sa akin non. Maingay ang paligid dahil sa bangayan nila Jackson at Cheska sa hindi ko malaman ang dahilan.

"Bakit hindi pa kayo pumapasok?"

Tumigil naman sa bangayan sila Cheska at bahagyang napatingin sa akin.

"We have schedule sa training room. In short, wala tayong klase." sagot ni Jackson

Tumango ako sa sagot nito. Dumako ang tingin ko sa higaan at iniisip kung naroon ba si Ethan o baka naman umalis? Ganon naman palagi yon.

"Let's go na, I'm full." ani Cheska at tumayo na sa kaniyang pwesto. Sumunod din naman dito si Sky.

"Tara na, Ely."

Tumango ako sa kanila at tumayo na rin para iligpit ang kalat kaso pinigilan ako ni Dylan.

"Go ahead, ako na." aniya

Nauna nang lumabas ang iba habang ako ay nanatiling nakatayo sa harapan ng cabinet. Napagdesisyon ko na dalhin na lang kwintas at ilagay sa bulsa. Baka nandito lang kasi ang may ari.

Lumabas ako at saktong kasunod ko na si Dylan na mukhang tapos nang magligpit. Naghihintay pa din sila sa labas.

"Diretso tayo training room?"

Tumango sa akin si Sky at lumapit sa akin para kumapit sa braso.

Nang makarating kami sa Training Room ay naroon na din ang apat na guro pati si Ethan na nakasandal sa pader. Nakangiti sila sa amin nang makapasok kami pero napako lamang ang titig sa akin ni Cher Raven.

"We're going to do the duel match type using a dagger." ani Cher Henry

Nakangiti si Charli nang marinig ang balita. She's going to enjoy this.

Pumasok kami sa isang kwarto at nakahanda na sa isang mesa ang ibat ibang uri ng dagger. Lumapit kami dito at pinagmasdan ito.

Hindi ko pa nasusubukan na gumamit ng dagger pero i know some of moves because Dad taught me how to take move when enemy is coming or attacking.

Pinag-partner kami sa dalawa at saktong kaming tatlo nalang nila Dylan ang wala pang partner. Jackson with Cheska and Sky with Charli.

"Hirap nito, kay Charli pa talaga ako napartner." angal ni Sky at tumabi sa akin.

"Well, we planned that. Para naman hindi na kayo magulat pa sa mga makakalaban nyo." ani Cher Jade kasama ang tatlong guro na nakatayo sa gilid.

"Pass." ani Dylan at lumapit sa guro.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Bahagya pang tumango ang apat na guro at sumilip sa gawi ko. "Ethan with Elysse." ani Cher Henry.

Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Sigurado akong higit na mas maalam ito kesa sa akin. Saan ko ba siya tatamaan? Mukha o Katawan?

"Good. Kami na mauna." aniya at kumuha na ng isang dagger.

Kinalabit ako ni Charli at kinindatan. "Galingan mo." aniya at pumunta na sa pwesto kung saan sila manonood.

Tumalikod na din ako at kumuha ng isang dagger. Bahagya pa akong napasilip sa aking bulsa nang lumitaw ang kwintas. Suotin ko kaya 'to? lucky charm ko nalang sana.

Isinuot ko ito at at tinago sa damit. Lumapit na ako kay Ethan na mukhang kanina pa akong hinihintay.

"Focus para matapos agad." aniya

"Remember, nakashutdown ang powers niyo dito. You can't use your abilities." sigaw mula sa malayo ni Cher Henry.

Tumango ako at pumwesto katulad niya. Sinusubukan kong basahin ang isip nito ngunit tama nga si Cher Henry, nakashutdown nga ito.

Hindi pa ako nakaka-recover nang ibato sa akin ang dagger. Agad akong nag-bend para maiwasan iyon. Shit. Muntik na.

"I said, focus!" sigaw sa akin ni Ethan na mukhang namumula na sa galit.

Ginawa ko ang sinabi niya at agad  siyang sumugod sa akin. I tried my best para iwasan iyon ngunit nadaplisan pa rin ako sa braso.

"Fvck." bulong niya

"Tamaan mo sa mukha, Ely! Shoot him!" sigaw ni Jackson.


Kumunot ang noo ni Ethan sa sinabi nito at bahagyang sumulyap sa pwesto nila. I grab this chance at tinamaan nga siya sa mukha. Daplis lang ang ginawa ko at umikot sa kabilang pwesto.

Nagulat pa siya nang hawakan niya ang kaniyang pisngi na may pahid ng dugo. Dito na siya tuluyang ngumiti sa akin.

"Good." aniya

"Mas mabilis ka palang matuto kesa sa inaasahan ko." dagdag pa niya at agad akong sinugod.

---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top