Chapter 21: Exchange
A/N: Hi guys, hope u'll support my new stories! Prologue lang po muna ang nilabas ko para sainyo. You can check it!
1.) Goddess in the Sheets (Teen Fiction)
---
Third Person POV
Planado ng apat na guro ang magbigay ng isang party para sa mga estudyante. Ito ang magiging gabay nila habang gagawin nila ang kanilang plano na pumunta sa Pioneer Academy, kung saan ito ay paaralan ng mga Witch.
Lumabas ang apat na guro sa paaralan at inaasahan na nila ang kanilang kaibigan na si Frias at Isaac ang sasama patungo sa kabilang paaralan.
"Kamusta ang anak namin?" tanong ni Isaac sa apat na guro.
Tumango ang babaeng tinatawag ng mga estudyante bilang 'Cher Holly'
"Kasalukuyan silang nasa party para kahit papaano, hindi nila mapansin ang paglisan namin don." sagot nito.
Tumango ito kahit na bakas sa mukha ng Ina ni Elysse na hindi nito maiiwasan na mag-alala sa kaniyang anak. Ngunit ito lamang ang tanging paraan para sa kanilang anak na maging ligtas, ang pananatili nito sa paaralan kasama ang kaniyang mga kababata.
"Tara na at alam kong handa na sila sa pagdating natin." ani Henry habang hawak nito ang yosi.
Tumango ang apat at bahagyang tumabi para mabigyan ng daan si Jade, isa sa mga kakayahan nito ang gumawa ng isang lagusan patungo sa kanilang destinasyon.
Pumasok sila sa isang puting liwanag at bumungad dito ang isang kwarto kung saan may mesang pahaba at may mga pagkain ito. Hindi maiwasan na magtaka nina Isaac at Frias sa kanilang nakikita.
'Planado ang pagdating namin' iyon ang nasa isip ni Henry habang nililibot ang tingin sa kwarto.
Kasalukuyan sila ngayon sa isang office ng Pioneer Academy. Hindi maiwasan mamangha ng ibang guro sa itsura nito. Malinis at maayos ang pagkakalagay ng mga kagamitan sa paligid tila iniingatan ito nang mabuti.
"Bakit hindi muna kayo maupo?" sabi ng isang lalaki mula sa isang pintuan.
Nagulat sila nang makita ang itsura nito. Ibang iba sa inaasahan nila. Namayat ito at hindi maiwasan sa mukha ang katandaan pero hindi mo maitatanggi na malakas pa din ang tindig nito.
"Amber Philips." bulong ni Holly habang pinagmamasdan nito.
Tumango ang lalaki at bahagya itong napangiti nang maalala nito ang kaniyang pangalan. Pangalan kung saan, isa siya sa mga nagtatag ng isang paaralan na tinatawag na ngayong Monarch Academy.
"Ako nga." may halong respeto ang pag sagot nito.
Umupo ito sa gitna at hindi pinansin ang titig ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Bahagya pa siyang tumawa nang makitang hindi gumagalaw sa pwesto ang kaniyang mga bisita.
"Maaari kayong umupo." aniya
Unang umupo ang isa sa mga guro na si Raven. Isang taong mala-misteryoso ang dating, mahirap basahin ang isang tulad niya. Sumunod naman dito ang tatlo pang guro at huli, ang magulang ni Elysse.
"So, ano ang pag-uusapan natin?" balewalang tanong nito.
Ngumisi si Henry sa nakita niyang pag-akto ng matanda sa harapan. "Alam mo ang pakay namin." aniya
Humalakhak ang matanda sa sinabi nito. Animo, hindi makapaniwala sa taglay na katapangang ipinakita ng nag-iisang Henry sa mundo.
"Hindi ko alam ang pakay niyo, maaari niyo bang sabihin?" pagtanggi nito.
Kumunot ang noo ni Raven at tila binabantayan ang kilos ng matanda. Isa lamang ang naiisip nito. Pinaglalaruan niya kami.
Bumuntong hininga ang guro na si Jade at sinabi ang pakay nila. Gusto nilang pag-usapan ang nangyaring pagsugod ng mga estudyante ng Pioneer sa bayan ng Sandovas, pagkawala ng bata at ang totoong pakay ng Pioneer Academy kay Elysse.
Ngumisi ang matanda nang makitang maayos na ipinaliwanag ni Jade ang pakay nila.
"Bakit hindi niyo tanungin ang magulang niya?" tukoy nito sa magulang na nawawalang bata sa Sandovas.
"Ang kaniyang magulang ay pinaslang ang isa sa mga estudyante namin. Maaari namin siyang parusahan diba?" nakangiti nitong tanong at tila binabantayan nito ang reaksyon ng bawat isa.
"Sigurado ba kayong pinatay nila ang estudyante niyo? Maaaring may kinalaman din ang estudyante niyo." ani Holly na mukhang hindi na nagugustuhan ang pag haba ng kanilang usapan.
"Siguradong sigurado, walang palya." sagot nito habang nakangisi.
"Ngunit, hindi namin pinaslang ang kanilang anak. Kinailangan lamang namin ang kaniyang kapangyarihan." aniya at dito na niya naagaw ang atensyon ng lahat.
"Kapangyarihan?"
Tumawa ito na parang walang isang kwentang tanong. "She can read minds, of course I'll do everything to get rid of it." aniya
Nakaramdam ng kaba ang Ina ni Elysse sa sinabi nito. Elysse. Ramdam ang tensyon mula sa grupo. Ito ang inaasahan ni Raven, darating sa punto na maaari nang kumitil ito ng buhay para lamang sa hangad nitong kapangyarihan.
"Why do you need to take her abilities? For Pete's sake, she's young!" galit na sabi ni Holly, iniisip pa lang niya kung anong klaseng krimen ang ginawa nito sa bata. Nakakaawa. Tinanggalan niya ng karapatan ang bata para mahalin ang sarili nitong kakayahan.
"Holly." ani Raven na sinasabihan na huminahon ito.
Humalakhak ng malakas ang matanda at tila natutuwa sa tapang na ipinakita ni Holly. Hindi niya inaasahan na pagtataasan siya nito ng boses. Madaling madala ng emosyon aniya.
"Amber, itigil mo na ito." mahinahong sabi ni Raven.
Kumunot ang noo ng matanda sa sinabi nito. "Why? Im enjoying this thing. You should be happy for me!" aniya
Napailing si Henry sa akto ng matanda na tila wala ng pag-asa dahil halatang uhaw na uhaw ito sa kapangyarihan. Hindi ito makuntento sa sarili nitong kapangyarihan at gusto pa maghangad ng iba.
Nanatiling kalmado ang apat na guro habang ang Ina ni Elysse ay hindi mapakali. Alam niya ang gustong iparating ng matanda. Kapangyarihan ng kanilang anak.
"Binalik ko din naman ang bata pagkatapos and now she's safe but living like a normal people." nakangisi nitong sabi.
Napakagat ng labi si Henry nang marinig ito. Kumunot naman ang noo ni Raven. Hindi naman mawala sa dalawang guro ang pagtataka sa sinabi nito.
"Bakit kailangan mong gawin iyon?" nagtitimpi na sabi ni Frias.
Dumako ang tingin ng matanda kay Frias tila natuwa pa itong makita ang reaksyon. Oh, here comes the Mother of my Key.
"Nagawa ko ngang hawakan ang isang matagumpay na paaralan ngayon... Paano pa kaya kung buong mundo na?"
Hindi na natiis ni Raven ang sinabi nito. "Alam mo kung bakit ka pinaalis sa Monarch Academy." saad niya.
Tumango ang matanda sa sinabi nito. Pumasok sa isip nito kung paano siya pinatalsik sa paaralang minsan niya nang minahal ng lubos nang dahil lamang sa pagbintang na hindi niya naman ginawa. Isa itong mapait na karanasan, ayon sa matanda.
"Oo, at kayo ang pumalit diba? Masyadong madaling kausap ang Head mistress niyo." iling niya.
Nanlaki ang mata ng apat na guro sa sinabi nito. Bakit nadamay pa ang walang alam na head mistress?
"Siya lang naman ang kasabwat namin kung bakit napadali ang pagpasok ng isa sa amin sa Acquaintance Party niyo diba?" aniya
Tumawa ito. "Wag kayong mag-alala, she's just possessed with Vivid's illusion spell." sagot nito.
Isa ito sa mga dating guro ng Monarch Academy, Vivid Finn. Isip ni Holly
Tumayo ang matanda at bahagyang lumapit sa bintana upang masilayan nito ang mundong mapapasa kanya anumang oras. Hindi nito maiwasan ngumiti.
"Itigil mo na ang kahibangan mo." seryosong sabi ni Isaac.
Hindi humarap ang matanda at pinagpatuloy lamang ang pagtanaw sa kaniyang kapaligiran.
"Ano ba ang kailangan mo?" halos mangiyak na sabi ni Frias at hindi lubos mawala ang pag aalala nito sa kaniyang anak. Wala pang alam ang anak nito sa mundo ng ginagalawan niya, maaari siyang mapahamak.
Dito na humarap ang matanda sa kanila.
"Alam niyo kung sino ang gusto ko. She's the key of my plan."
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
See you on my next one!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top