Chapter 20: Monarchians Party

A/N: Hi, thankyou sainyo at first time kong ganahan magsulat hanggang sa umabot na tayo sa kalahati ng chapters. Yey! Thankyou po.

I just want to promote my stories:

1.) Goddess in the Sheets (Ongoing)
    Genre: Teen Fiction

2.) Step by Step: 3 Collection (COMPLETED) Oneshot stories

hope u'll support this too!

---

Umakto ako na parang wala lang yung sinabi niya pero sa loob ko, hindi ko maitanggi ang bilis ng tibok ng puso ko. This is my first time, makaramdam ng ganito.

Kasalukuyan kaming nagpaplano sa room kung saan kaming pito lamang ang maaaring makapasok dito. Ito ang lugar kung saan nag-discuss si Cher Jade sa amin tungkol sa apat na bayan.

"I'll suggest magkaroon tayo ng Jail Booth! Diba, Charli?" ani Sky habang pinagmamasdan ang papel kung saan sinusulat ang flow ng party.

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanila dahil wala naman akong balak mag-suggest ng mga booth. Tutulong nalang siguro ako.

Bahagya kong sinilip ang gawi nila Ethan at Dylan na tahimik na nag-uusap sa gilid. Mukha silang may sariling mundo dahil hindi naman sila nakikisama sa grupo namin. Hindi ko tuloy maiwasan na umismid sa tabi.

Wait, ano bang pake ko kung nag-uusap sila? tsaka ayoko silang makasama, masyadong delikado.

"Common naman masyado yan!" angal ni Jackson nang makita ang lineup ng mga booth.

Sumilip ako sa papel kung saan sinusulat lahat ni Charli ang maaaring gawin namin bukas. Hindi ko din maiwasan na ngumiwi nang makita yon.

Wala kaming training ngayon at mukhang ito ang pagkakaabalahan namin buong araw.

"Lagyan natin ng free taste booth tas si Jackson ang magha-handle para manahimik." ani Cheska at tamad na nakasandal sa pader.

Tumango naman ako sa sinabi nito. I heard Jackson is good making some dishes. Pwede nya rin ito pagkakitaan no! I can't imagine na si Jackson ay magtitinda sa kalsada haha.

"What's funny, Ely?" iritadong tanong sa akin ni Jackson kaya naman hindi ko maiwasan na humalakhak sa itsura nito.

"Wala." sagot ko nalang

"How about, gumawa tayo ng mini concert? We can use the stage." boses mula sa likuran ko.

Agad akong naistatwa sa aking pwesto dahil ramdam na ramdam ko ang presensya nito mula sa aking likuran.

Agad naman tumaas ang kilay ni Cheska habang nakamasid sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang sa tingin nito. Halata ba kami masyado? W-wait. Wala naman kaming ginagawang masama ah? Stupid Elysse.

"Sino naman kakanta?" kunot noong tanong ni Jackson habang palipat lipat ang tingin nito sa amin.

"Si Elysse nalang! Wala pa naman siyang nahahawakan na booth dito." ani Sky n agad kong pinandilatan ito ng mata. I can sing but hindi ako masyadong komportable kung sa harapan ng maraming tao!

"Then, it settled. I'll handle the background system. While Dylan is going to play some instruments." aniya

Sinulyapan ko si Dylan na tumatango tango sa sinabi ni Ethan. Dylan can play? It looks like, planado na nila itong dalawa. I guess, ito ata ang pinag-uusapan nila kanina.

Bumuntong hininga nalang ako sa plano nila. They look excited para bukas at ako? ewan ko na.

---

Today is the opening for our Monarchians Party. Nandito kami ngayon sa Gymnasium kung saan gaganapin ang mga nakaatasang gawain namin. Ang sabi ng apat na guro sa amin ay kami na ang bahala sa takbo ng party na ito. May importante lang daw silang gagawin bukod dito.

Pagkatapos nito ay naghiwa-hiwalay na kami ng mga gawain. Handa na ang mga booth na pinlano namin kahapon. Kasalukuyan akong naglilibot para matingnan ang mga ginagawa ng mga kasamahan ko. Mamaya pa kasi akong 6pm para kumanta.

"Elysse, can i take a picture with you?" sabi ng isang lalaki habang nakangiti ito sa akin.

Sinulyapan ko ang vest nito. Class I-B

"Sure!" sagot ko dito

Bahagya akong tumabi sa kaniya para ngumiti sa harapan ng kaniyang camera. Saktong pag-press nito ay agad naman may humablot ng camera sa kaniya.

"Students should stay at their chairs." malamig nitong sabi.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sa pagkakaalala ko, wala naman ginagawang masama ito. He just want to take pictures with me. What's the problem?

Hindi na nakasagot ang lalaki at agad na lamang ito umalis dala ang kaniyang camera. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot sa lalaki.

"Bumalik kana sa gawain mo." aniya at agad na umalis sa tabi ko.

Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa booth ni Jackson. Buong akala ko ay magkakaroon ng problema sa booth na ito dahil isang Jackson ang hahawak. But I'm wrong, he's enjoying this task.

"Chill, lahat kayo makakatikim ng hotdog ko." aniya

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi nito. Lumapit ako para masilip kung ano ang mga naihanda niyang pagkain. Hindi ko tuloy maiwasan na ngumiwi nang makitang puno ito ng mga hotdog.

"Bakit hotdog?" tanong ko dito.

Hindi niya ako nasagot dahil sa dami ng mga tao ang naghihintay ng free taste niya. Iniwan ko nalang ito at pumunta sa pwesto nila Charli na abala din sa paghahanda ng Jail Booth. Ayon sa kanila, si Cheska ang manghuhuli ng tao na maililista dito at makakalabas lamang sila kapag nagbayad ito ng ginto.

"Paabot nga ng gunting." sabay turo ni Charli sa tabi ko.

Inabot ko naman sa kaniya ang gunting at pinagmasdan siyang mahirapan na gawin ang isang disensyo para sa booth nila. Bahagya siyang napakunot ng noo nang agawin ko ang gunting sa kaniya

"Mali, ganito kasi."

Inagaw ko sa kaniya ang gunting at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Nanatili lamang siya nakatayo sa gilid ko habang pinagmamasdan akong tapusin ang isang disenyo. Nang matapos ko ito ay agad ko namang binalik sa kaniya ang gunting.

"Wow, thank you." aniya

Nagkibit balikat na lamang ako bilang sagot. Bigla akong natigilan nang makitang may nanonood sa amin. Nakapamulsa ito habang tinititigan ang pwesto namin.

"Let's go, magstart na ang concert mo." aniya at tinalikuran na ako.

Nagpaalam naman ako kila Charli na abala pa din sa mga disenyo. Susunod nalang daw sila.

Hindi ko maiwasan na kabahan habang umaakyat sa stage. Maraming tao na ang nag-aabang sa gagawin namin. Hindi ko tuloy alam kung magagawa ko ba ito nang maayos. Sana.

Katulad nang usapan namin, umakyat na din si Dylan sa stage at kinuha ang isang acoustic guitar sa tabi. Bahagya pa akong lumingon sa likod at sumenyas kay Ethan kung ayos naba ang lahat. Tumango naman ito sa akin.

Humarap ako sa mga taong nag-aabang sa amin. Pumikit ako nang marinig ko na ang pag-strum ni Dylan.

I'm going under and this time I fear there's no one to save me

This all or nothing really got a way of driving me crazy

I need somebody to heal

Somebody to know

Somebody to have

Somebody to hold

It's easy to say
But it's never the same

I guess I kinda liked the way you numbed all the pain

Iminulat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang mga naging parte ng buhay ko. I'm not broken hearted or what. I'm just...

Now the day bleeds

Into nightfall

And you're not here

To get me through it all

I let my guard down

And then you pulled the rug

I was getting kinda used to being someone you loved

From the time na makarating ako sa paaralan na ito. Wala akong maasahan kundi ang aking sarili lamang. It was always me. At ngayon, ramdam ko na ang parte sa buhay ko na nawala. And it makes me feel sad dahil bakit pati itong tao na ito ay nakalimutan ko na?

I was getting kinda used to being someone you loved

Ngayon, sa panibagong mundo. Alam kong marami ang nag bago. Marami pa rin akong hindi alam at sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para malaman ang sagot. Alam kong hanggang dito lang talaga kami. I know him, from the very start na hindi siya normal na tao para lang sa akin. Isa siya sa mga taong hindi ko inaasahan na mawawala sa akin. I know, naguguluhan kayo but please, trust me this time.

Narinig ko na lamang ang malakas na sigawan mula sa mga estudyante. Agad kong binitawan ang mic at nagmadaling maka alis sa mga tao.

Napahinto ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. I froze. Hindi ko alam bakit ang bilis ng pantig ng puso ko.

"Since day one, you always have my heart. I've always been with you since the beginning." aniya

Naramdaman ko na lamang ang yakap nito.

"Thanks for coming back, Leilei."

---

A/N: Hi guys! How's your day? Anyways, Magrerelease ako ng dalawang story with prologue. I just want to see if maganda ang kalabasan nito. But I'm still going to finish this one then may 'Gone with the Wind' pa akong tatapusin. Hope u'll check my other stories!

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top