Chapter 2: School

Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Masyadong mahaba ang buhok ko pero hinayaan ko lang itong ilugay. Hindi naman ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha.

"You ready?" ani Charli habang inaayos ang kanyang necktie.

Lumingon ako saglit sa salamin bago tumango sa kanya.

"Ganda mo masyado 'te, baka matunaw mga kaklase natin sa'yo," tawa niya.

Pagkalabas namin sa building ay maraming estudyante agad ang nagkalat. Ilan sa kanila ay nagkwentuhan pa at iba naman ay may sariling mundo. Napansin ko rin ang isang lalaking biglang naglaho sa kinatatayuan niya.

"Hayaan mo 'yan, mapaparusahan 'yan nila Ethan." ani Charli

Tumango ako kahit hindi ko kilala si Ethan. Kung sino man siya, sana sa maayos na paraan niya parusahan 'yung lalaki.

"Yan 'yung Dining Hall. Madalas diyan ako nakatambay kapag tinatamad ako pumasok."

"Oh? Buti hindi ka nahuhuli," tumawa ako.

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang tumahimik kami ay saka ko lang napansin ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Ilan sa kanila ay nagbubulungan pa at nagtatawanan pero nang dumaan ako sa harapan nila ay natahimik sila.

Tumikhim ako. "Ganito ba talaga dito?" bulong ko.

"Masanay ka na since bago ka lang naman dito."

Nakahinga ako nang maluwag nang marating namin ang classroom. May dalawang pintuan ito at nakapaskil ang entrance at exit. Huminto saglit si Charli at pinagmasdan ako mula paa hanggang itaas.

"Mukhang ready ka naman, tara?"

Hindi pa ako nakakasagot nang hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok. Tumahimik ang buong klase at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Lahat sila nakatitig sa amin, iba pa sa kanila ay nahinto ang kwentuhan dahil sa pagdatinh namin.

I'm dead. "Don't be too nervous. Ayos lang 'yan!" humalakhak si Charli habang pinagmamasdan ako.

Naglakad siya sa ganito kung saan may bakanteng upuan. Tinuro niya ito.

"Tara, dito."

Sumunod ako sa kaniya at tahimik na umupo. Napatingin ako sa sapatos ko dahil sa nakakabinging katahimikan.

"Siya ba 'yung bago?"

"Dagdag sa listahan na naman nila Ethan 'yan. For sure, susuway 'yan sa rules dahil bago." sagot ng isa.

Tumikhim ako. Ilang beses ko na naririnig ang pangalan na Ethan. Mukhang mataas ang position niya dito at ganon siya kinakatakutan ng mga estudyante.

"Ms. Hilton, nandito na ba siya?" bungad ng isang babae sa klase.

Hinanap niya ako at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya. Isa siya sa mga teachers na nakausap namin nila Mom.

"Yes, Ms.Holly." ani Charli at tinapik ako.

"Magpakilala ka," bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko bago naisipang tumayo. Gusto ko na lang umuwi at matulog dahil sa mga tingin nila sa akin. Dumiretso ako sa harapan at tipid na nginitian ang guro.

"I'm Elysse --"

"Ms. Holly, gwapo ba 'ko?" bungad ng isang lalaki galing sa entrance door.

"Omg, si Jack!" tilian ng mga babae.

Napakamot sa ulo si Ms. Holly bago nilipat ang tingin sa akin at sumenyas na maaari na akong umupo. Agad agad akong bumalik sa upuan ko.

"And you are?" nakangisi niyang tanong sakin.

"Mr. Jackson, kung inagahan mong pumasok sa aking klase, hindi ka magtatanong kung ano ang pangalan niya." ngumiti si Ms. Holly

Napakamot sa ulo si Jackson bago dumiretso sa kaniyang upuan. Pinagmasdan ko siyang tamad na umupo. Naramdaman niya siguro na nakatitig ako kaya lumingon siya sa akin at kumindat.

"Don't mind him, ganiyan talaga 'yan." tumawa ang isang babae sa gilid ko.

"Kilala mo siya?" lumingon ako sa kaniya.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa tinanong ko sa kaniya. Of course Elysse magkaklase sila kaya kilala niya 'yan!

"Yes, kahit madalas absent sa klase kasama ang mga kaibigan niya." ngumiti siya.

Tumango ako bago nilipat ang tingin sa harapan. Nakakapanibago dahil iba ang tinuturo dito. Hindi siya tungkol sa Math, Science at kung ano pa. Nakakapagtaka lang dahil ang topic namin ngayon ay tungkol sa depensa.

"That's all, class. Let's meet each other again tomorrow."

Tumayo ang mga kaklase ko. Iba sa kanila ay nagmadaling lumabas sa klase. Kinalabit ako ni Charli.

"Tara? kain tayo. Sagot ko na!" Aniya.

Ngumiti ako bago kinuha ang bag ko. Naabutan kong tulog si Jackson sa kaniya upuan. Nagkibit balikat na lang ako bago nilingon si Charli.

"Hi, pwede sumama sainyo?"

Lumingon si Charli sa kanya. "Oh, Sky? Wala kang meeting ngayon?"

Umiling siya. "Wala, e. Tapos na din naman training hours ko."

"By the way, I'm Sky Adriana. Sky na lang." ngumiti siya sa akin bago nilahad ang kamay.

Nagkwento si Sky tungkol sa meeting niya. Abala naman ako sa pagpili ng mga pagkain. Tumaas ang kilay ko na mapansing wala sa listahan ang paborito kong Adobo.

"Try this one. Masarap 'yan." ani Sky at tinuro ang isang pagkain na puno ng gulay.

Hilaw akong ngumiti sa kanya. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga gulay. Sadyang hindi ko talaga gusto ang lasa nito. Pinagmasdan ko ang ibang pagkain. May tinuro si Charli na karne.

"Eto na lang, ako na oorder ha?" Tumayo siya at nagpaalam.

"Ikaw si Marleigh Elysse, right?" ngumiti sa akin si Sky.

Ngayon ko lang napansin ang maikling buhok nito na bumagay sa itsura niya. Nakasalamin siya at may bangs katulad ni Charli. Morena ang kutis nito na mas lalong nagpatingkad sa itsura niya.

"Binasa ko ang student profile mo. Galing ka sa mundo ng mga normal na tao." Seryoso niyang sinabi habang tinitigan ako.

Kinabahan ako sa paraan na pagtitig niya sa akin. Parang pinapanood niya ang buong kaluluwa ko. Tumikhim ako.

"May pinagkaiba ba kung doon ako galing?"

Ngumiti siya. "Wala."

Tumango ako. Sakto ang pagdating ni Charli kasama ang mga pagkain dahil hindi ko na rin gusto ang paninitig sa akin ni Sky. Kada minuto yata ay pinapanood niya ang galaw ko. Kapag naman nahuhuli ko siyang nakatingin, nginingitian niya lang din ako.

"I'm curious, what is your powers and abilities?" Lumingon sa akin si Charli at inabot ang pagkain.

"Air and she's a Mind Controller." sagot ni Charli

"Wow, first time ko lang yata makakita na may ability na Mind Control." ngumiti siya.

Hilaw akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ang dami niyang alam tungkol sa akin pero mas pinili niya lang magtanong kesa ipahalata ito. Umiling ako sa naiisip ko.

"Sila Ethan ba 'yon?"

Lumingon ako sa likod ko. Apat na estudyanteng naglalakad sa entrance ng Dining Hall. Halos lahat ng estudyante dito ay tahimik na pinapanood ang galaw nila.

Nakangisi si Jackson habang kumikindat sa mga babaeng nakakasalubong niya. Sa tabi niya, may babaeng nakahigh ponytail at nakapulang lipstick ito. Kausap niya ang isang lalaking tahimik na nakikinig sa kaniya. Matangkad ang lalaki at moreno. Ang nasa likuran nila ay isa pang lalaki na diretso ang tingin. Matangos ang ilong, maputi at mapungay ang mga mata. Tinatangay ng hangin ang magulo niyang buhok.

Nahinto lamang sila sa pag uusap nang may babaeng lumapit dito.

"C-Can you read my letter?" kabado nitong tanong, inabot ang papel.

Tumaas ang kilay ko nang napagtantong nasa likuran niya ito inaabot. Ngumisi si Jackson. Tumigil ang babaeng nakahigh ponytail at nilingon ang babae. Tamad na huminto ang lalaki na nasa likuran.

"Hindi 'yan papansinin ni Ethan," bulong ni Sky.

"Lakas rin ng loob ni Ate girl. Hindi ba siya aware na lahat ng babae dito, pinaiyak na ni Ethan?" ani Charli at sumubo sa pagkain.

Nagkibit balikat ako at binalik ang tingin sa pagkain.

"Shit!" agad na tumayo si Sky.

Nagsi tilian ang mga tao sa Dining Hall. Pati ang mga janitor ay nagulat sa pangyayari. Naabutan kong nakahiga na ang babae sa sahig, umiiyak.

"Jack, clean this mess." aniya at umalis na parang walang nangyayari.

Napakamot sa ulo si Jack at tinulungan ang babae tumayo.

Lumingon ang lalaking suplado, "Not that one." tinuro ang gusot na papel.

Agad nag init ang ulo ko. Sino siya para ganyanin ang babae? Pwede naman mag reject sa maayos na paraan. Bakit kailangan pa ipahiya ang babae sa lahat ng tao dito sa loob?

Naglakad na paalis 'yung tatlo pero naiwan si Jackson na tinutulungan ang babae. Lumapit ako dito at hinablot ang kamay ng babae.

"Stand up, find another guy."

Mangiyak ngiyak na lumingon sa akin ang babae. Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. Mariin niya akong tinitigan bago umalis at tumakbong luhaan.

Ngumisi lang sa akin si Jackson bago ako tinalikuran at iniwan ang mga papel na nagkalat.

"Paki linis na lang, salamat!" sigaw niya bago biglang nawala sa paningin ko parang hangin.

"Tamad talaga kahit kelan." ani Sky at tinulungan akong ligpitin ang mga kalat.


"Grabe talaga si Ethan, walang pinipiling babae." komento ni Charli habang naglalakad kami pabalik sa dorm.

"You know him?" I raised my brow.

Tumango siya. "Not really. Mga close friends niya lang siguro."

"Well, I hope someday, may magpapa iyak diyan sa lalaking 'yan. 'Yung tipong hindi siya papatulugin nito dahil nag mamakaawa sa babae." inis kong sinabi.

"I don't think so," ani Charli.



WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top