Chapter 17: Dylan Owen Dalton
A/N: Hi guys! So, I'm planning to give every characters POV. So, this chapter will be Dylan's POV. Enjoy!
---
Dylan's POV
(this is the time when Dylan and Ethan was sent for a mission. If you missed something, go and check 'Chapter 14: Where are you?')
Tamad akong bumangon sa higaan nang malaman kong pinapatawag kami sa office ni Ethan. Madaling araw na, ano bang pumasok sa mga kokote ng matandang Henry na 'yon?
Saktong pagkabukas ko ng aking pintuan ay tumambad sa akin ang isang lalaking bagong hila pa galing higaan. Nakahoodie pa ito at magulo ang buhok. Tss
"Bakit ngayon pa? kung kelan malalim na tulog ko." iritadong sabi ni Ethan sa akin
Pinagmasdan ko lamang ito at iniwan. Wala akong panahon para sagutin ang walang kwenta niyang tanong. Hindi lang naman siya ang naistorbo.
Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin at tahimik namin tinahak ang kabilang building kung saan ang office ng mga teachers. I know, something is wrong kung bakit ganito kami kaaga pinatawag. Please, not this time.
Nang makarating kami sa office ay naging alerto ang mga guro. Tumayo si Cher Henry, nginitian lamang kami nila Cher Holly at si Cher Raven na mukhang inaasahan ang pagdating namin.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I need to send both of you sa bayan ng Sandovas. May outsider na nakapasok dito at ngayon, nawawala ang isang bata. Pinaghahanap na nila kung sino man ang nakapasok dito." ani Cher Raven habang nakatayo sa gilid at mukhang malalim ang iniisip.
"Magdadagdag kami ng mga taga bantay niyo. You need to stay there for atleast 2 days. Bantayan niyo ang mga kahina hinalang kinikilos. Kung maayos na, maaari na kayong makabalik. But please, stay alive." ani Cher Henry at muling kumuha ng kaniyang yosi sa ilalim ng kaniyang mesa.
"Wala ba kayong hinala kung sino ang pwedeng gumawa nito?" agad na tanong ni Ethan.
Pinagmasdan ko ang reaksyon nito. Alam kong wala itong pakielam sa paligid bago pa man dumating ang bagong student dito sa MA. Bigla na lamang ito nagkaroon ng pakielam at mukhang pursigido itong malaman kung sino man ang pangahas na pumasok sa bayan ng Sandovas. I know, this is not the right time para sabihin sa mga kaibigan ko. I should keep it for myself. Hindi pa ako siguro kung siya ba talaga iyon, kung siya ba talaga ang kaibigan naming nawawala.
"Wala pa, kaya kayo ang ipapadala namin don. Tulungan niyong maibalik muli ang katahimikan sa Sandovas." ani Cher Holly
---
Saktong alas tres ng madaling araw kaming nakalabas sa MA. Tahimik lamang kami habang nilalakbay ang bayan ng Sandovas.
Familiar na ako sa lugar na ito kung saan may daraanan pa kami na isang gubat bago makarating sa bayan. Nakakapangilabot pero nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang paligid.
"Can't you use your abilities? Para naman malaman agad natin kung sino man ang outsider na tinutukoy nila." ani Ethan at tamad na sinisipa ang bato na humaharang sa daan niya
"My abilities has limitation." tamad na sagot ko dito. Narinig ko na lamang nagmura ito.
Nang makarating kami sa bayan ng Sandovas ay sinalubong kami ng ilang mga taga bantay nito. Binigyan kami ng isang maliit na kwarto kung sakaling kinakailangan namin ng pahinga. Agad naman dumiretso dito si Ethan at agad na binagsak ang kaniyang katawan sa higaan.
"Tulog muna ko." aniya
Iniwan ko na ito at sumama sa mga taga bantay ng bayan upang malaman ang nangyari. Ayon sa kanila, walang naganap na paglusob pero may nakakita na may nakapasok at kinabukasan na nila nalaman na may nawawalang bata.
"Kaninong pamilya galing?" tanong ko
"Pamilyang Serosa po." sagot ng isa akin.
Hindi na ako natulog at dumiretso na lamang ako sa isang pagtitipon na magaganap para mapag-usapan ang nangyari sa bayan. Higit labing lima kaming nasa loob ng isang kwarto kasama ang mga namumuno sa bayan ng Sandovas.
"Ikinagagalak namin ang pagdating niyo sa aming bayan. Malaking tulong na ito para sa amin."
Tumango ako sa taong namamahala sa bayan na ito. I don't know his name and i don't even fvcking care. Masyado pa akong maraming iniisip at wala sa plano ko ang alamin ang mga pangalan nila.
Magsasalita sana ako nang bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang lalaking nagkukusot pa ng mata. Tamad itong pumunta at tumabi sa akin. Typical Ethan.
"Isa lang naman nawawala sainyo diba?" ani Ethan habang tamad na tinatapik ang mesa. Agad akong tumikhim para humingi ng tawad. Mapapahamak pa kami dito eh!
"Paumanhin kung humingi pa kami sainyo ng tulong. Ayon sa nakakita, hindi ito normal na napadaan lamang sa bayan." sagot naman ng isang taga bantay.
Tumango ako at bahagyang pinandilatan ng mata si Ethan para ipabatid na tumahimik ito pero inirapan lamang ako. The fvck.
Tumikhim ang matanda at bahagyang sumenyas kung maaari naba nitong ipagpatuloy ang sasabihin. Tumango naman ako dito bilang sagot.
"Kahapon lamang nalaman na may nawawalang bata mula sa aming bayan." aniya
Tumango ako sa sinabi nito. Kung ganon, pagkatapos makita ang outsider ay kinabukasan, nawawala na ang bata. Posibleng may kinalaman ito mula sa pagkawala ng bata.
"Nakita ba na may dalang kakaiba ang outsider?" tanong ni Ethan. Tumango ako sa sinabi nito. Panigurado parehas kami nang naiisip. Sigurado akong hindi nag-iisa ang outsider na tinutukoy nila.
"Wala na, isa lamang ito at nahirapan pa kaming hanapin." dismayado na sabi ng isa sa mga taga bantay.
Bahagyang tumango si Ethan at napahawak sa kaniyang baba na mukhang may iniisip. Tahimik lamang akong nagmamasid sa mga kasamahan namin. May mali.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga taga bantay na tahimik na nakikinig sa aming usapan. Labing isa ang taga bantay na kasama namin ngayon at tatlo sa mga namamahala. Dalawa kami ni Ethan. I know, nonsense itong iniisip ko but i think, something is wrong with them.
Natapos ang isang araw namin sa paglilibot sa bayan ng Sandovas. Hindi namin ipinahalata sa mga tao na may problema ang bayan na ito. Iyon din ang hiling sa amin na huwag ipabatid sa lahat at baka mas lalong lumala ang mangyari.
Pagkatapos naming mag-patrol sa bayan ay inanyayahan kaming kumain bilang pasasalamat na din sa pagsama namin sa kanila. Habang abala ang iba sa paghahanda ng pagkain ay tinawag ko na si Ethan para masabi ang napapansin ko sa paligid.
"Ethan, wala kabang napapansin?" kalmadong tanong ko dito.
Kumunot ang noo nito at bahagyang lumapit sa akin. "May mali." aniya
Tumango ako. Mukhang napansin din niya na may mali simula't umpisa pa lamang. Ang sabi kasi sa amin, isang taga bantay ang nakakita sa outsider pero wala siya sa mismong araw na nagtipon kami dahil lamang napagod daw ito at humingi ng permiso na lumiban.
Hindi makakaalis ang outsider kung may pumigil dito. Dahil wala, nakaalis agad ito sa bayan. Mukhang may kinalaman ang nakakita sa outsider. It's either traydor ito o binalaan na huwag magsalita.
"Hindi makakaalis ang outsider kung hindi ito hinayaan. Posibleng may tumulong dito o marami sila sa paligid." aniya at bumalik na sa mesa para kumuha ng pagkain.
Nang matapos ang munting salo salo na inihanda para sa amin ay agad naman kaming nagpaalam para makabalik na sa MA. Dalawang araw lamang ang binigay sa amin at mukhang ayos naman ang bayan. Alam kong mas hihigpitan na nila ang pagbabantay dahil sa nangyari. Sila na ang bahala sa paghanap ng bata, kami naman ang hahanap kung sino ang outsider na nakapasok.
Nasa gubat na kami nang huminto sa harapan si Ethan. Kumunot ang noo ko sa ginawa nito. Kasama namin ang higit pitong taga bantay na galing sa MA. Nakapalibot din sila kagaya namin.
Agad akong naalerto nang tumango sa akin si Ethan. Senyales na kailangan namin magbigay ng warning sa MA. Tumango naman ako dito at naglabas ng munting ilaw mula sa aking kamay at itinapat sa itaas. Alam kong makakarating ang puting liwanag sa MA. Please, make it sure.
"Nandito sila!" sigaw mula sa aming likuran
Shit! Mukhang isang patibong ang ginawa nila sa amin!
Agad na nagpalabas ng fireball si Ethan sa paligid. May mga witch na nagkalat at pinalibutan kami. I saw one of them wearing the logo of Pioneer Academy.
Nanlaki ang mata ko nang matumba ang lahat ng mga kasamahan namin. They used their fvcking spell para makatulog sila!
"Shit."
Ginamit ko ang dagger na nakatago mula sa damit ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa kundi patayin ang ilan sa kanila. Kung hindi ko gagawin iyon, malamang kaming dalawa na ang walang buhay ngayon. I tried to kill all of them pero tila malalakas din ito at mukhang pinaghandaan ang pagdating namin dito. Fvck!
Hingal na hingal ako habang tumatakbo at sabay ibinato ang dagger sa isang lalaki na mukhang tatamaan niya ang likod ni Ethan.
"Watch out!" sigaw ko
Agad naman naging alerto si Ethan at ilang segundo lamang naging abo na ito. Masyadong malakas ang kalaban
Sa gitna nang laban napansin ko ang biglang paghina ng katawan ni Ethan at bumagsak ito sa lapag. Agad ko itong nilapitan at tinitigan sa mata. Blanko ang paningin nito. Shit! Mukhang na-hypnotize ito ng isa sa kanila! I tried to use my abilities para mahinto ang oras pero mukhang traydor din ang kapangyarihan ko dahil hindi ito gumagana.
"Damn it!"
Nilayo ko ang katawan ni Ethan at ipinagpatuloy na ubusin sila. May tama na ako sa bandang ulo dahil sa isang matulis na bagay na ibinato nila sa akin. Fvck. Hindi sila nauubos.
"TABI!"
Muntik na akong sumubsob sa isang pitak ng yelo mula sa likuran. Damn it! Walang habas ang gumawa non!
"Why are you here?!" sigaw ko mula sa isang babaeng kasalukuyan na nakikipaglaban gamit ang kaniyang elemental powers which is the ice.
"Saving you! Idiot!" sigaw nito mula sa kabila. Agad naman itong gumawa ng matutulis na yelo at walang tigil na isinaksak sa puso ng mga kalaban.
"What? You shouldn't be here! Leilei needs you!" sigaw ko.
Agad naman itong napahinto at kunot ang noo nito habang patakbong lumalapit sa akin. Agad niyong hinablot ang buhok ko at sinapak sa mukha. The fvck? Ako na nga nagsabi na kailangan siya ng kaibigan namin, ako pa itong nasapak? What's wrong with her?
"H-Huwag mong sabihin si Leilei.... si Elysse?" paninigurado nito. Tumawa ako at iniwan itong tulala sa kaniyang pwesto. Kailangan na namin tapusin ito.
Napansin kong hindi lang ito nag-iisa. Kasama nito si Charli na kasalukuyang ginagamit ang dagger para makipaglaban. Agad naman akong humarap sa ibang kalaban at binigyan ng isang leksyon na hinding hindi nila malilimutan.
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
See you on my next one!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top