Chapter 16: Childhood Friend
Nanatili ako sa kinauupuan ko at inisip ang lahat ng mga sinabi ni Dylan sa akin. Pioneer Academy, what is your secrets?
Nakarinig ako nang bolang tumatalbog at agad kong nailipat ang tingin ko sa isang lalaking nakangisi malayo sa akin. Napailing nalang ako at kumaway dito.
"Kelan pa umuso ang bola sayo?" tanong ko dito.
May hawak kasi siyang bola at mukhang maglalaro ito ngayon. Walang pinagkaiba ang paaralan na ito sa mundo ng mga tao and it's weird. Napaisip tuloy ako kung kamusta na kaya ang mga kaibigan ko dun?
"Dati pa." at kumindat ito sa akin.
Pinanood ko lamang siyang maglaro at hindi maiwasan na humanga sa kaniya. He's good!
Agad naman akong napangiwi nang ginamit nito ang special abilities para makalapit agad sa ring. Typical Jackson. Hindi marunong lumaban ng patas.
Nang makailang shoot na ito at tagaktak na din ang pawis nito. Huminto naman ito sa paglalaro at tumabi sa akin.
"Ew, pawis ka!" sabi ko dito habang dinidikit ang buhok niya sa akin na basa.
"Pawis lang pero hindi mabaho noh!" tanggi niya. Umupo naman ito at ininom ang tubig na dala niya.
"Whatever."
Nang matapos itong inumin ang tubig ay agad naman itong humarap sa akin at mukhang may gustong itanong.
"Nakita ko si Dylan lumabas galing dito. Anong ginawa niyo?" tanong nito habang mariin akong pinagmamasdan.
"Anong pinag-usapan kamo!" pagtama ko sa kaniya. Napakamot naman ito sa ulo.
"Yeah, kung ano man yun." pagsuko niya.
"He told me about Pioneer Academy." sagot ko dito.
Napansin kong biglang huminahon na ito at pinanood kong isandal niya ang kaniyang ulo sa bench.
"So, alam mo na pala." aniya
"Dapat ko bang hindi malaman?" tanong ko dito.
"Kailangan mo talagang malaman. Hindi masabi saiyo ni Charli kasi natatakot siyang baka may gawin kang iba." ani Jackson at inayos ang tubig niyang nasanggi kanina.
"Charli? Sa pagkakaalam ko, galit ata sa akin iyon." matabang na sabi ko dito habang inaalala ang kaniyang sinabi sa akin sa library. I don't deserve here huh?
Tumawa ito at humarap muli sa akin. "Same old, same old Elysse." aniya habang umiiling sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Wala, naalala lang kita sa kababata namin. Our precious friend." aniya at muling binalik ang pwesto kung saan sumandal ito. Hindi ko alam na may kaibigan pa pala sila?
"Precious friend? Sino?" tanong ko dito.
"We called her, Leilei. She hates her name." at bahagyang ngumiti sa kawalan.
"Childhood friend namin iyon nila Cheska, Dylan and Ethan." dagdag pa nito.
Bahagya akong natigilan nang banggitin niya ang mga pangalan ng mga nakakasama ko sa paaralan na ito. So, magkakaibigan pala sila ever since?
"Siya ang pinakabata sa amin, Dylan loves her... of course as a friend. Mas close sila non." aniya
Bahagyang pumasok sa akin ang huling sinabi ni Dylan sa akin kanina.
"Someone from your past, little Marleigh."
"While Ethan? hilig non awayin si Leilei. Kami ang taga-rescue non tas si Cheska ang aaway kay Ethan." ani Jackson habang hindi mawala sa kaniyang mukha ang isang ngiti. I'm curious, who are you Leilei at bakit ganiyan ang epekto nila saiyo?
"Nasaan na siya ngayon?" tanong ko dito at mukhang natigilan si Jack.
"Nilayo siya sa amin and that's the last time i saw her." aniya at tumayo na.
Humarap naman sa akin ito at inilahad ang kaniyang kamay.
"Tara na."
---
Sumunod lamang ako kay Jackson kung saan man mapadpad ito. Dumaan kami sa Dining Hall at bigla na lamang siya huminto. Kung hindi ako huminto malamang tumama na ako sa likuran niya
"Nagugutom kaba?" tanong nito.
Tumango ako at sumunod sa kaniya hanggang sa pumila na ito at hinayaan akong humanap ng pwedeng maupuan. Ilang minuto lamang nakarating na ito habang may hawak ng tray ng pagkain.
"Eat and we will go." sabi nito. Kinuha niya din ang kaniyang pagkain at sinimulan na itong kainin.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat kami sa 3rd floor at mukhang Training Room ang tatahakin namin. Ano bang gagawin namin dito? As far as i know, wala akong schedule ngayon.
"Nandito sila eh." aniya at binuksan na ang pintuan.
Sumalubong sa amin ang dalawang kaibigan kong kasalukuyan na naglalaban sa loob ng glass wall. Parehas nakangiti ito at masayang tinatapos ang laban. Tumabi ako kay Cher Henry na kasalukuyang may hawak na yosi at seryosong pinagmamasdan ang dalawa.
Inilibot ko ang tingin ko at nagbabasakaling makita ang taong hinahanap ko.
"Saan si Dylan?" bulong ko kay Jack na pinagmamasdan din ang dalawa.
"Baka nasa isang kwarto." sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. Nagkibit balikat na lamang ako at pinagmasdan ang dalawa sa unahan.
Napansin kong may pinuntahan si Jackson na isang tv monitor sa gilid kung saan makikita dito ang lugar nang kanilang pinageensayo. Nakamonitored dito ang galaw ng mga nasa loob. Sa isang forest ngayon sila Charli at Sky.
Pinagmasdan ko si Charli habang iniiwasan ang mga tira ni Sky. Sky is good using her element powers but Charli is good at attacking using a dagger.
Nanlaki ang mata ko nang mapansin na may ginagawa si Sky sa mga lupa. Gumagalaw ito pati na rin ang mga ugat ng mga puno. Mukhang isa ito sa mga strategies niya. Agad naman iniwasan ni Charli ang mga puno malapit sa kaniya.
Agad naman kumunot ang noo ko nang makitang inangat ni Charli ang kanyang dalawang kamay at kasunod nito ang hindi namin inaasahan. She's creating a tsunami!
Nanlaki ang mata ko nang sinakop silang dalawa nitong tsunami na ginawa ni Charli. Hindi ko alam bakit kinabahan ako sa ginawa nito pero agad din akong nakahinga nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang hindi matigil kakatawa.
"Dapat pala sinabihan mo ako mag-bikini kung papaliguan mo lang din pala ako!" ani Sky habang inabutan siya ni Cher Holly ng isang towel pati na rin si Charli.
Humalakhak ang dalawa at mukhang tuwang tuwa sila sa kanilang pinagagawa kanina. Tumikhim si Cher Henry na ikinatigil nang dalawa.
Lumapit ako sa kanila at hindi maitanggal ang ngiti sa aking mukha. Agad naman dumako ang tingin nila sa akin habang nanlalaki ang mata.
"Congrats, galing---"
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang salubungin nila ng yakap. Medyo basa pa sila pero hindi ko na iyon pinansin. Namiss ko lang itong dalawa noh!
Kumalas naman sa yakap si Charli at napansin kong may tumulong luha sa kaniya.
"Uy, bakit ka naiyak?" natatarantang tanong ko dito.
"Eh kasi naman, akala ko magagalit ka sa akin eh!" aniya na parang bata
Tumawa naman ako dito nang maalala ko ang sinabi ni Dylan at ni Jackson. Of course, i love Charli. She's my friend..... at dapat hindi ko siya pagdudahan.
Nagbigay na lamang ng komento si Cher Henry sa dalawa at agad na nagpaalam. Tumango naman at agad akong hinarap nila.
Pumasok kami sa isang kwarto kung sana dito naganap ang training nila Cheska at Charli. Puno pa rin ito ng mga ibat ibang klase ng dagger sa paligid at agad naman nahinto ang tingin ko sa dalawang kasalukuyan na nag-aaway
"You shouldn't tell her about that! You know our situation, please. Huwag muna ngayon!" sigaw ni Cheska habang mariin na tinititigan si Dylan na tahimik lamang.
Tumikhim si Charli at agad nailipat ang tingin ng dalawa sa amin. Nanlaki ang mata ni Cheska habang nakaharap na sa amin while Dylan? He just shrugged at nilagpasan kaming lahat. For the first time, nakita ko ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa akin.
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe! See you on my next one!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top