Chapter 15: Pioneer Academy
Isang araw na makalipas simula nung training ko. Kahapon ay bumalik na sa klase sila Charli at Cheska pero hindi ko pa sila natatanong kung anong nangyari kila Dylan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mahagilap ang dalawa.
Pinili kong mapag-isa at sinubukan hanapin ang pwedeng sumagot sa mga katanungan ko. Nung una ayaw pa akong pakawalan ni Jackson but thanks to Cheska, nakaalis ako.
Dumiretso ako sa library at agad na hinanap ang libro tungkol sa paaralang ito. I know, simula nang makapasok ako dito maraming katanungan pa din ang hindi naisasagot, masyado lang akong nakampante.
Sinubukan ko na din tanungin si Charli tungkol kila Dylan at Ethan, ang madalas nilang pagliban sa klase at ang mission nilang hindi ko malaman. I'm part of the highest seven pero feeling ko hindi sapat iyon para malaman ko ang mga pinagkakaabalahan nila. They are keeping their secrets from me. I'm not stupid para hindi ko mapansin iyon
Ilang beses kong sinuri ang mga libro at agad akong napangiti nang makita ko ang hinahanap ko
Monarch Academy: The History
Umupo ako sa pinakadulo at tahimik na sinimulang basahin ang unang pahina nito.
Ipinakita dito ang larawan ng dating headmaster nitong paaralan, Amber Philips. 1990
Hindi ito nakangiti at diretso lamang ang tingin nito. Mukhang hindi interesadong magpakuha ng larawan. Sumunod naman dito ay ang mga dating kilalang mga guro nitong paaralan.
Unang ipinakita nito ang isang lalaki na nakangiti sa larawan at sa ibaba nito ang kaniyang pangalan, Hermes Zsach. Teacher I, Class I-A
Katabi ng larawan nito ang isang litrato ng babaeng nakangiti at natatabunan nito ang kalahati nang kaniyang pagmumukha. Weird.
Ezra Reus. Teacher II, Class I-A
Agad naman dumako ang tingin ko sa dalawang natitira. Isang babae at isa ding lalaki. Hindi ko maiwasan na isipin ang apat na guro ngayon sa dati. Kilala kaya nila ang isa't isa?
Vivid Finn. Teacher III, Class I-A
Christian Haven. Teacher IV, Class I-A
Inilipat ko ito sa isang pahina at mga guro lamang ito ng mga ibang sections. Sabi, History bakit ganito lamang ang laman? Ilang beses kong nilipat ang pahina at blanko na ito. Tuluyan na ako nawalan ng pag-asa.
"Nandito ka lang pala."
Napatalon ako sa aking inuupan nang umupo sa aking harapan si Charli.
She looks stressed this past few days lalo na nung makabalik sila ni Cheska, hindi ko na siya makausap ng maayos.
"Ahh.. oo eh." sagot ko dito habang sinara ko ang libro. Napunta naman dito ang tingin niya at agad na bumuntong hininga.
"I don't want you to involve but pilit ka dinadamay ng tadhana.." aniya at malungkot na tiningnan ako sa mata.
Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"I don't think, you deserve here." aniya at iniwan akong gulat sa mga sinabi nito.
---
Tahimik akong lumabas sa library at hindi ko maiwasan na masaktan sa sinabi ni Charli sa akin. Ano ba ang gusto niyang iparating?
Nasa hallway na ako nang makasalubong ko si Sky na may bitbit ng isang sandamakmak na papeles. Agad kong nilapitan ito at mukhang hindi niyang inaasahan na ako ang tutulong sa kaniya.
"Bigay mo sa akin yung kalahati." ngiti ko dito.
Agad naman itong umiling sa akin at ngumiti pabalik. "No, thanks. I can handle it." aniya at bahagyang naihulog ang isang papel.
Inunahan ko na siyang kunin ito dahil mukhang hindi niya naman kaya. I wonder, bat hindi nalang niya gamitin ang abilities nito.
Nang damputin ko ito ay bahagya kong nakita ang nakasulat sa papel.
Pioneer Academy.
Agad niya namang dinampot ang papel mula sa akin. At nagpaalam na kailangan niya na daw magmadali. Hindi ko maiwasan na ma-weirduhan habang pinagmamasdan siyang nagmamadali makaalis. I don't want to use my abilities to her, she's my friend. Baka kailangan niya lang talaga magmadali.
Naalala ko yung unang araw ko palang dito. Charli told me na may Gymnasium sa likod ng Main Building kaya naisipan kong pumunta dito.
Hindi na ako nagulat nang malaman kong nag-iisa lang akong estudyante dito. Umupo naman ako sa bench at tahimik na pinagmasdan ang paligid. Peace.
"Why are you here?"
Agad akong tumingin kung kaninong boses mula ito. Napansin ko si Dylan na tahimik na naglalakad palapit sa akin. Hindi ko maiwasan na mapangiti dito, ngayon ko nalang ito nakita. Mabuti naman kung ayos na ang lagay nito.
Agad naman kumunot ang noo ko nang mapansin na may benda ito sa ulo. "Anyare diyan?" tanong ko dito.
Umiling naman ito at bahagyang tumawa sa tanong ko. "Napuruhan lang." tipid na sagot nito.
Hindi ko na sinundan pa ng tanong dahil mukhang wala naman balak itong magsabi. This is my first time na makasama siya nang kaming dalawa lang. Iniisip ko tuloy anong klaseng Dylan kaya ang makikita ko ngayon. Mysterious one.
"I know you want to find some answers from your little mind." aniya at nanatiling nakatayo sa harapan ko.
"How did you know?" ngumisi ito sa akin na parang may nakakatawa sa tanong ko. Oo nga pala, he's Dylan.
"Those people in the book are gone." aniya
"So, you used your abilities huh?" sarcastic na tanong ko dito. It's obvious, ginamit niya ang kaniyang special abilities para malaman ang ginawa ko kanina.
Tumawa ito at umiling sa akin.
"I have to." sagot niya.
Bigla naman itong tumikhim at mariin na tinitigan ako. Hindi ko mawaisan na mailang sa paraan niya. May naalala lang ako sa ganiyang tingin.
"They are now in Pioneer Academy." ani Dylan at nakuha nito ang atensyon ko. Ito ang school na nakita ko mula sa papel na nahulog ni Sky!
"Remember the first time you saw me? Tinatanong ka nila kung saan ka galing. That asshole, didn't know how to shut his fvcking mouth." aniya at tinutukoy si Jackson na siyang dahilan kung bakit akong napagkamalan na traydor.
"They're right, we only have 2 Academy in our world. It's either Monarch or Pioneer Academy." dagdag pa niya.
Ito ang gustong ipalabas sa akin ng mga kaklase ko. It's either Monarch or Pioneer. Pero, ano nga ba ang meron sa Pioneer?
"Pioneer Academy is full of witches. They have the abilities like the normal witches have. Spell and some weird stuff. " aniya
"Marami ang estudyanteng nag-aaral don pero hindi maipagkakaila na mas marami ang estudyante dito sa Monarch." dagdag pa niya
"Siguro naman aware kana sa bayan ng Javier diba?" tanong nito sa akin.
"Yup, yung diniscuss ni Cher Jade." sagot ko. Tumango ito sa akin at inilagay ang kamay sa bulsa.
"Kung merong paaralan para sa may mga elemental powers and special abilities. Meron din para sa mga Witch." ani Dylan habang nililibot ang paningin sa paligid.
"Hindi maiwasan na magkaroon ng kompetensya sa dalawang paaralan. Hanggang sa umabot na maging magkalaban na ito." magkalaban?
"Syempre, it's one of laws na bawal dumaan sa dahas ang dalawang paaralan. Kung hindi, mapipilitan na pabagsakin ang paaralan kung sino man ang lumabag dito." aniya at ibinalik ang tingin sa akin.
"Your friend is too coward to tell you this stuff. Kaya ako nalang ang nagsabi saiyo." aniya at umambang tumalikod na. Mukhang hanggang dito nalang ang pag-uusapan namin.
Agad ko naman itong tinawag at hindi ko maiwasan na maitanong sa kaniya. Bahagya itong sumulyap sa akin pero nanatili pa ding nakatalikod.
"Who are you, Dylan Owen?" tanong ko.
Naramdaman kong ngumisi ito.
"Someone from your past, little Marleigh."
---
A/N: Hi guys! Someone asked me kung hanggang ilang chapters nalang ang Monarch Academy. Balak ko pong tapusin ito hanggang 39 Chapters then Epilogue. See you on my next one! ❤️
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top