Chapter 14: Where are you?

A/N: Hi everyone! how's your day? stay safe po! Anyways, someone told me that this story is kinda similar to 'Charm Academy'. So, i tried to read it and it was sooo beautiful. It was a very inspiring story but it makes a huge difference between our stories. Wait and look forward to the next chapters! Thankyou!

---


Pagkatapos namin makinig sa discussion ni Cher Jade ay nagplano naman kaming kumain sa Dining Hall. Hindi na sumama sila Ethan at Dylan dahil binigyan sila nang panibagong gawain ng apat na guro.

"Ely, tomorrow is your first training with Ethan. Aren't you scared?" bahagya siyang sumulyap sa akin habang naglalakad kami patungo sa Dining Hall.

Agad akong napahinto sa sinabi nito at napaisip. Alam kong hindi magiging maayos ang training namin kung siya ang makakasama ko pero naniniwala ako sa mga guro na dapat ngang si Ethan ang gumabay sa akin.

"I don't know." tipid na sagot ko dito

Nang makarating kami sa Dining Hall ay expected na marami ang titingin sa aming gawi. Pinili naming umupo sa gitna. Si Charli na ang bumili ng pagkain ko habang si Jackson at Cheska ay nagbabangayan sa isang bagay.

"Just fvck with yourself, Jack. My lipstick doesn't concern you." inis na sabi ni Cheska at inirapan ito

Ngayon ko lang nalaman na ang pinag-aawayan pala nila ang shade ng lipstick ni Cheska. Bagay naman sa kaniya at ano bang pake ni Jackson dito?

"Mukha ka kasing 90s people." ani Jackson habang tamad na nakasandal sa upuan.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May alam pala siya sa mundo ng mga tao?

"Damn, your face is funnier than Cheska's lipstick!" ani Jackson habang tinatawanan ako

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko ah!

Agad kong hinablot ang tenga nito at ilang beses na pinitik. "Go, Elysse. Galingan mo pa!" pagcheer sa akin ni Cheska habang tumatawa na din

"O-Ouch!" daing nito habang ako naman ay hindi matigil sa kakatawa. Mas nakakatawa ang mukha niya!

"Oh anyare naman sa inyo?" tanong ni Sky habang nilalapag ang pagkain na binili. Agad ko naman binitawan ang tenga ni Jack na namumula na sa sakit.

"Nothing." ngiti ko

Napailing naman ito at sumunod na dumating si Charli na may hawak ng mga inumin namin.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagpaalam para makapagpahinga na sa mga sariling kwarto. Habang naglalakad kami ni Charli ay napansin kong gumaling na ang sugat nito mula sa training nila ni Cheska.

"We have the best healer, Elysse." aniya.

Napagtanto ko sa mga training nila na hindi agad gumagaling ang sugat nila gamit lamang ang kapangyarihan nito. Kailangan mo pang dumaan sa proseso ng isang healer para mabilis na mapagaling nito. Our body is normal katulad ng mga normal na tao pero having the abilities? ito ang nagiging dahilan kung bakit abnormal kami. Lol

Nang gumabi ay nauna na akong lumabas para kumain. Hindi ko na ginising si Charli dahil alam kong pagod ito mula training. Sinarado ko nalang ang pinto at tinahak ang Dining Hall.

Naabutan kong masinsinan na nag uusap ang tatlo pero tumahimik lamang sila nang makarating ako dito. Kumunot naman ang noo ko sa mga inasta nila.

"What happened?" tanong ko at tumabi kay Cheska.

"Alam mo, Ely.. kung ako sayo nagdadasal na ako." ani Jackson at nginitian ako.

"Para saan?"

"Bukas na kasi ang training mo, baka lang naman nakakalimutan mo." aniya at tumayo para umorder ng pagkain.

"Tinatakot niya ba ako?" tanong ko kay Sky pero nagkibit balikat lamang ito.

Mabilis natapos ang pagkain namin at agad na akong bumalik sa dorm para masilip si Charli. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong humihilik na ito habang nakadapa sa kaniyang kama.

-

Kinabukasan ay agad akong nilamon ng kaba. Ilang beses na akong pabalik balik sa mini kitchen namin at iniisip kung ano ang pwede kong idahilan kung sakaling panget ang kinalabasan ng training.

"Tara na?" tanong ni Charli habang nakakunot ang noo nito.

Tumango naman ako at sumunod na sa kaniya

Tahimik ang naging klase at nakikinig kay Cher Raven. Kapag kasi si Cher Raven na ang nagtuturo, asahan mong makikinig lahat ng mga estudyante. Nakakatakot kasi ang dating nito

Tinapos nito ang klase nang walang pumapasok sa isip ko. Masyado akong nilalamon ng kaba kapag iniisip kong may schedule ako ngayon

Naramdaman kong tinapik ni Jack ang balikat ko at hindi matanggal sa mukha niya ang ngisi. Kanina pa niya ako tinatakot, eh kung siya kaya tapusin ko?

Napansin kong bakante ang upuan nila Dylan at Ethan simula kahapon. Agad naman akong napailing nang maalala ko, kelan ba sila sinipag pumasok?

"Tara, lunch!" ani Sky at nakangiti sa akin

-

Tapos na kaming kumain at pansin kong mas bumibilis ang oras. Wala pang bakas ni Ethan mismo ni Dylan, hindi ko mahagilap. I tried to ask Cheska but she refused to answer. Hindi niya din daw alam.

Naglalakad na kami papuntang training room nang sumalubong sa amin si Cher Holly habang natataranta. Nanlamig ako sa kinikilos nito.

"Cheska and Charli, sumama kayo sa akin!" aniya at hinawakan agad sa kamay ang dalawa.

"For what?" tanong ni Cheska habang hindi na rin mawala sa kaniyang mukha na kabado na rin siya sa nangyayari.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko dito. Agad tumama ang tingin nito sa akin at biglang huminahon ang mukha.

"Dylan used his abilities to warned us na hindi maganda ang nangyayari sa kanila ngayon." aniya at bumuntong hininga.

"Kaya we'll send some students kasama sina Cheska and Charli. We need to hurry!" aniya at hinila na ang dalawa.

Huminto ito sa pagtakbo at hinarap kaming naiwan ni Jackson na halos hindi na gumagalaw sa pwesto dahil sa gulat.

"Ikaw muna ang mag-train kay Elysse." aniya at agad na humabol sa dalawang nauna nang umalis.

-

Lutang ako nang makarating kami sa training room. May pinindot kung saan si Jackson at agad naman bumukas ang isang glass wall.

"Are you ready?" tanong nito habang nauna nang makapasok sa loob.

Tumango naman ako dito at pumasok na sa loob.

Nang maisara ang pintuan ay halos mahilo ako sa biglang pagbago ng paligid. Kumunot ang noo ko nang malaman na nasa isang disyerto kami napunta.

"Bakit dito?" tanong ko kay Jackson. Nagkibit balikat lamang ito sa akin at naglakad palayo sa akin.

"Today, we're going to do the 'Duel' match type." aniya at inilagay ang kamay sa bulsa nito.

"Duel is an arranged engagement in combat between two people with matched weapon but instead of that, we're using our elemental powers. Did you get it?" tanong nito.

Tumango ako at inihanda ang aking sarili. I need to focus then.

"Game on." aniya at ngumisi sa akin

Nagulat na lamang ako nang tumakbo ito nang mabilis sa kabilang direksiyon gamit ang kaniyang special abilities. Nang maramdaman kong nasa likod ko ito ay agad kong bumuo ng isang ipo-ipo gamit ang mga buhangin sa paligid.

"You're good but not as good as me!" sigaw nito at agad niyang itinaas ang kaniyang kamay at nakatutok ito sa langit. Agad na kumulob na ikinataka ko

Sinubukan kong pasukin ang kaniyang isip at nalaman ko ang plano nito. He tried to make thunder storm and something that can distract me bago tumama sa akin ang isang kuryente.

Katulad nang plano niya ay agad kong iniwasan ito at tumakbo sa kabilang direksiyon. Inangat ko ang mga buhangin at agad ibinato sa kaniya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko

"Fvck, my eyes!" sigaw nito

"Dapat si Ethan nalang ang pinuntirya mo!" reklamo nito habang iniiwasan ang mga buhangin na nakapalibot sa kaniya.

Agad kong tinapos ang training at hinawi ang mga buhangin na nakaharang sa kaniya.

"Hanggang dito nalang tayo." sabi ko dito at agad na umalis sa aming pwesto. Bumalik ito mula sa ayos ng dati at naging transparent glass wall nalang ito. Lumabas ako dito at agad na tumakbo para makaalis.

I hate his name!

Its just one question pero hindi ko mahanap ang sagot. Fvck

"Where are you, Ethan?" bulong ko sa aking sarili.

---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

@missky07







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top