Chapter 12: Training Room

[NOT EDITED]

Nagising ako sa isang malambot na higaan. Ngayon ko lang napansin na nasa kama ko na pala ito. Teka, ano bang nangyari?

Inilibot ko ang paningin ko sa dorm. Tahimik at nakabukas ang bintana namin. Sinilip ko ang orasan at saktong 6:30 na ng umaga. Shit!

Saktong pag-angat ko ng ulo ay biglang nanakit ito. Geez! Ang sakit masyado.

Narinig kong bumukas ang pintuan mula sa banyo at iniluwa nito si Charli na nakabihis na ng uniform. Agad naman siyang lumapit sa akin nang makitang gising na ako

"Elysse! Okay kana ba?" natataranta niyang tanong sa akin. Tumawa naman ako at tumango

"Yes, okay na ako. Maliligo na ako baka ma-late pa!" natatawa kong sinabi at tumayo

Hinawakan naman niya ako sa kamay. "Magpahinga ka muna, utos yon ng mga guro." aniya

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad naman pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Yung pagsayaw namin ni Jackson at ang paglapit ko kila Charli na hindi naituloy dahil sa biglang pananakit ng ulo ko. Shit! Bakit muntik ko na makalimutan?

"Ano ba kasi nangyari?" tanong ko. Umiling naman siya at isang malungkot na ngiti ang binigay niya sa akin.

"Soon, I'll tell you but for now, you need to rest." aniya at niyaya akong bumalik sa higaan.

Sinunod ko ang gusto niya at humiga kahit na nagtataka pa din ako sa kinikilos niya. She looks sad pero ayaw niya ipahalata sa akin. I tried to open her mind pero sarado. Teka, how come na kaya niyang gawin yon?

Sinabihan lang ako ni Charli na may pagkain na sa mesa at babalik daw agad siya pagkatapos ng klase. Dahil isa akong dakilang pasaway, naligo agad ako nang makaalis siya.

Sinuot ko agad ang uniform ko at sinilip muli ang orasan. 7:10 am na

Sumubo ako ng konting ulam sa hinanda ni Charli at agad na nagmadaling umalis. Halos takbuhin ko na ang kabilang building para lang maabutan ko pa ang klase

Nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase kong babae. "May teacher na?" tanong ko dito

Mukhang nagulat sa biglang paglapit ko sa kaniya at agad naman itong umiling. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito at agad na nagmadali para makapunta sa klase

Nang makarating ako ay isang tanong agad ang sumagi sa isip ko. Nasaan sila? Bakit bakante ang mga upuan nila?

"Uy, Elysse. Ikaw pala, bakit nandito kapa? Tinawag silang lahat eh." sabi ng kaklase kong lalaki

"Saan daw?" tanong ko pero nagkibit balikat lang ito sa akin

Agad naman akong nagpasalamat at umalis. Wala naman silang ginagawa sa room at puro kwentuhan lamang ang nangyayari tungkol sa event kahapon

Pinuntahan ko ang office pero walang tao dun bukod sa mga taga bantay. Ngayon ko lang napansin na humigpit ang seguridad nitong school. Mas dumadami ang mga nagbabantay sa paligid

"Uhm, nasaan po sila?" tanong ko sa isang lalaking nakauniporme at may tatak ng Monarch Academy

"Nasa training room po silang lahat." aniya

"Saan po iyon?"

"Main building, 3rd floor po ma'am." sagot nito

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na tumakbo sa kabilang building. Ginamit ko nalang ang elevator para madaling makaakyat sa lugar kung nasaan sila.

Nang makarating ako sa ikatlong palapag, hindi na ako nahirapan pang hanapin ang room dahil may nakapaskil ito sa itaas at higit na ipinagbabawal ang pagpasok dito kung wala kang permiso

Agad kong binuksan ang pintuan at halos manlaki ang mata ko sa loob. It's a dark room. Puro itim ang makikita mo dito sa loob. Agad naman naagaw ang pansin ang isang glass wall sa harapan. Kasalukuyang naglalaban si Ethan at Jackson using their elemental powers.

"Elysse? Why are you here?" ani Cher Holly at lumapit sa akin.

Sa pagkakaalam ko ay ang apat na guro ay narito sa training room pero tanging si Cher Henry at Cher Holly lamang ang napansin ko

Agad nailipat ang tingin ko sa dalawang nasa glass wall. They are laughing habang naglalabas ng mga kapangyarihan sa loob. Ethan's throwing a fireball kay Jackson habang ito naman ay iniiwasan using his speed abilities.

"Elysse?" tawag muli sa akin ni Cher Holly. Umiling lamang ako at ngumiti.

Tinanong niya pa ako kung ayos naba ang pakiramdam ko, sinagot ko naman ito kaya naman bumuntong hininga ito. Itinuro niya ang isang pintuan sa tabi. Kulay itim din ito

"Nandiyan sila." bulong nito

Tumango naman ako at tinahak ang pintuan na kulay itim. Saktong pagbukas ko ay kasalukuyang may hawak na dagger sina Charli at Cheska. Sugatan na ang pareho pero tuloy pa din ang training.

Hindi ko alam kung bakit lubos na namangha ako sa kanila. Ibang iba sila sa mga nakikita ko nitong mga nakaraang araw. Pursigido silang gawin ang nararapat and now, they are here.

Kumaway sa akin si Sky na nakaupo sa gilid. Katabi nito si Cher Raven at seryosong nanonood sa dalawa

This is the first time na makaapak ako sa training room. Nilibot ko ang paningin ko at puno ng mga dagger sa isang mesa. Lumapit ako dito at pinagmasdan

"You should watch them Elysse para naman may idea ka sa susunod." ani Sky na nasa tabi ko na ngayon

Tumango ako dito at niyaya siyang panuorin na lamang ang dalawa. Ayon kay Sky, ang dalawa ay kasalukuyang ineensayo ang paggamit ng dagger para mas mabihasa ang skills mo bukod sa powers. While Ethan and Jackson, elemental powers ang naka-schedule sa kanila ngayon.

"Malamang nakita mo na yung dalawa sa labas. Hindi kasi nila tayo nakikita once na ma-activate yon. Nasa loob sila ng isang illusion and you can always pick your place kung saan niyo gusto mag-ensayo." aniya at nakatitig na sa dalawang nag eensayo pa din.

Pinagmasdan ko si Charli, hinding hindi mo makikita ang isang Charli na mahinhin. I can say that, she's good in combat using a dagger.

"Si Cher Raven ang nagbantay sa kanila. He's good in strategies and tactics. While Cher Henry, he's a monster when he used his elemental powers." ani Sky at mukhang natakot sa sinabi nito

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang kaya ng apat na teachers. Of course, they've all mastered their abilities.

"Cher Jade is good at healing. Tomorrow, i have a schedule with her." aniya

Tumango naman ako at inisip kung magkakaroon ba ako ng schedule sa kanilang apat. "I bet, you'll have a schedule." aniya at pinapanuod pa rin ang dalawa

Bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang dalawang pawisan na nilalang. May sugat sa pisngi at mukhang nadaplisan ito sa mukha ni Jackson while Ethan, may sugat sa braso.

"Elysse!" ani Jackson at agad na lumapit sa amin. Nagbalak pa siyang yakapin ako pero nakarinig kami ng isang tikhim.

"Oops, sorry" aniya at umatras na

Kumunot naman ang noo ko dito at hindi maiwasan na tumingin sa likuran nito. Nakatingin din ito sa akin at mukhang sinusuri ang palagay ko. Ngumiti ako dito pero inirapan lamang ako nito at umalis na. The fvck?

"You guys are doing great." bati ni Cher Raven at nilapitan ang dalawang babae na pawis din sa kanilang mga itsura

Napangiwi ako nang makitang may dugong tumutulo mula sa kamay ni Cheska pero parang wala lang iyon sa kaniya. Nakangiti pa ito habang kinakausap sila ni Cher Raven na mukhang binibigyan ng komento tungkol sa kanilang pageensayo.

"Elysse." ani Cher Henry na nasa harapan ko na pala. Hindi ko ito napansin dahil sa kakatingin kila Charli


"You'll have a schedule tomorrow with Ethan using elemental powers." aniya


---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

@missky07













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top