Chapter 11: Spell
[NOT EDITED]
A/N: This is it! Marleigh Elysse's bestfriend POV. Please welcome, Charli Hilton haha! Hope you enjoy her POV.
---
Charli's POV
We're doing our task right now while enjoying this party. Medyo nangangalay na nga ako kakangiti para lang salubungin itong mga bisita. Akala ko masaya pero nakakapagod din pala hmp!
"Hi, madam. Welcome to our party!" ani Sky at malaking ngiti ang binigay niya sa bisitang papasok na. Tumango naman ito sa amin at pumasok na sa loob.
Ganun ang eksena namin sa mga oras na lumipas, nakakapagod pero itong si Sky parang hindi napapagod kakabati sa mga bisita. Well, she's enjoying this task but im not.
Sinulyapan ko ang kaibigan kong nakaupo sa table, hindi masyadong malayo sa amin. She's with Jackson at sila ang nagmamasid para sa mga estudyanteng nanatili lamang sa kanilang mga upuan. Yung iba kasi nagsasayawan pa at hindi na nila sakop yon.
Si Cheska naman ay palakad lakad sa loob. Ako yung nahihilo sa kaniya e, maya't maya kasi ang balik niya. Nakikihalubilo din siya sa ibang tao katulad ni Dylan. Magugulat kana lang kung saan saan sila sumusulpot. Kaloka
Si Ethan? Malay ko don. Sa pagkakaalam ko, siya ang bahala sa cctv cameras. Malamang nasa isang kwarto iyon para bantayan ang mga nangyayari sa paligid.
We're acting normal people here, ngayong araw nalang din kasi na ipinagbabawal na gumamit ng abilities para maiwasan ang gulo at mag enjoy lang sa araw na ito. Kaming pito lamang ang pinayagan na gumamit pero patago para hindi magreklamo ang ibang mga estudyante. Anyways, bukas naman ay balik na ulit sa dati.
"Uy, look at him! Ang pogi!" ani Sky at itinuro ang paparating na lalaki sa entrance. Tumango ako at hindi maiwasan na sumang ayon sa kaniya. He looks perfectly fine, mala Dylan ang datingan but Dylan is more handsome than him. I can say that
"Hi girls." bati nito sa amin nang makalapit.
Hindi ko maiwasan na titigan siya at napansin kong hindi naman pala namin kaedaran ito. I think his age is around 30s at hindi mo maiiwasan na humanga sa kaniya dahil sa aura nito.
"Hello, welcome to our party!" bati ni Sky at bahagyang tumili ito.
Dumako naman sa akin ang tingin niya. Bigla itong ngumisi kaya kinilabutan ako. Something is wrong.
Kung kanina ay nagawa ko pang humanga sa kaniya pero ngayon hindi ko na masabi. Iba ang nakikita ko sa aura niya, the way he smiled at me.
Tumalikod na ito sa amin at pumasok na sa loob. Isa lang ang naisip kong gawin para magamit ko ang abilities sa kaniya.
Agad kong hinabol ito at hinawakan sa likod. Humarap naman siya sa akin at hindi pa rin matanggal ang ngisi sa kaniyang mukha
"Why?" ngisi niya
Napalunok ako sa sinabi nito at iniisip kung ano ang pwedeng dahilan kung bakit ko siya hinawakan
"I-I forgot to greet you. Anyways, enjoy the party!"
Agad akong umalis habang mabilis na ang tibok ng puso ko. Lumapit naman ako kay Sky at hinawakan ito sa balikat. Bakit ba ako hinihingal?
"S-Sky.."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya dahil nilalamon na ako ng kaba
"H-Hinabol ko siya.."
Kumunot naman ang noo nito sa akin at hinawakan ako sa kamay. "What happened?" tanong nito
Huminga ako nang malalim at itinuloy ko ang dapat kong sabihin
"I think... he's dangerous!" halos hiningal ako habang sinasabi sa kaniya
Agad naman nanlaki ang mata niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko
"You sensed him?" tanong niya. Agad naman akong tumango sa kaniya.
"Oh my god, we need to tell them!" aniya at natataranta na
Napilingon kami sa aming kanan at nakita kong papalapit na sa amin sila Elysse at Jackson. Agad nanlaki ang mata ko nang bumagsak sa sahig si Elysse na namimilipit sa sakit
Lalapit sana kami nang may humawak sa braso namin. Inis kong tinanggal ito at hinarap kung sino man iyon.
Tumambad sa amin si Cheska na umiiling at itinuro niya ang pwesto nila Jackson. And then, i saw Ethan.
-
Pinagpatuloy ang party na parang walang nangyari. Our teachers already announced na okay lang ang lahat kahit hindi.
Nandito kami ngayon sa clinic, kasama si Dr. Jen na isa sa mga magaling na healers na mapagkakatiwalaan namin
"I'm going to find that asshole." ani Ethan at agad na umalis sa kwarto.
Tahimik lamang ako sa gilid at iniisip pa din ang itsura nung lalaki kanina. Hindi ko alam kung may kinalaman ba siya sa nangyari. Paano kung meron?
Umiiyak si Sky sa tabi ni Elysse na mahimbing na ang tulog ngayon. As of now, ayos na daw ang kaniyang pakiramdam at kailangan lang magpahinga dahil masyadong naabuso ang kaniyang pag-iisip.
Yes, you're right. Naapektuhan ang utak niya sa nangyari kanina dahil sa spell na nailagay sa wine glass. Ang sabi ni Jackson ay hindi naman gaano uminom ito dahil nailuwa daw ito ni Elysse sa hindi namin malaman ang dahilan.
"Someone tried to shutdown her abilities temporarily. Masyadong advance ang gumawa nito dahil alam niyang malalaman ni Elysse kung ano ang takbo ng isip ng isang tao." ani Dr. Jen habang nakatayo sa tabi ni Elysse.
Wala ang apat na guro ngayon dahil isa sila sa mga umasikaso sa mga estudyante para maituloy ang event.
"Small portion lang ang nakuha ni Elysse mula dito pero nagkaroon pa rin ito ng side effect. Nilalabanan nang kaniyang abilities ang spell na kumakalat sa kaniyang katawan."
"But for now, everything is okay. Nakayanan ni Elysse ang spell na lumalamon sa kaniya. Masyadong makapangyarihan ang isang 'to." aniya at ngumiti kay Elysse.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang sinabi niyang ayos na ito. Okay na ako don, akala ko pa naman mawawalan agad ako ng kaibigan. No, hindi siya pwede mawala.
"I'm going out, i need to talk our chef para dito." ani Dylan at umambang aalis na nang may pumasok sa kwarto at iniluwa nito si Ethan na hinihingal.
"Fvck, burado ang copy nung cameras kanina!" inis nitong sabi at bahagyang sinabunutan ang sarili.
Kumunot naman ang noo ko dito. How come na nabura kung mahigpit naman ang bantay namin sa bawat kwarto?
"We saw someone kanina."
Lahat sila natahimik nang magsalita ako. I need to tell them, ito nalang ang maitutulong ko ngayon.
"He's weird when he entered. I tried to act normal pero yung katawan ko, hindi magawa. I used my abilities and nalaman ko na may tinatago siyang hindi ko malaman pero alam kong delikado siya!"
Hindi ko na napigilan na umiyak. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito kung sinabi ko agad edi sana..
Naramdaman kong may yumakap sa akin. Sky Adriana
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" galit na tanong sa akin ni Ethan. Umiling ako at nag patuloy na lamang sa kakaiyak. Kasalanan ko lahat ng ito!
"Tama na, I'll try kung kaya kong ibalik ang oras kanina. Sana lang hindi malakas ang pwersa nila." ani Dylan at lumabas na sa kwarto. Sumunod naman dito si Cheska
Naramdaman ko nalang na may tumapik sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko at sumalubong sa akin ang isang malungkot na ngiti galing kay Jackson.
"Wala kang kasalanan dito." aniya at tumalikod na sa akin.
Sana
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top