Chapter 1: Welcome to Monarch Academy!
Pumasok ako sa Building 1 katulad ng sinabi sa akin. Malawak at tahimik ang hallway. Walang mga estudyante na nagkakalat kaya siguro mas mapapadali ang paghahanap ko.
Nang mapansin ko ang elevator ay agad akong pumasok at pinindot ang 3rd floor. Napatalon pa ako nang biglang may nagsalita sa elevator.
"Third floor." boses mula sa kung saan.
Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Napaka elegante ng dorm. Puno ng mga vase kung saan may mga bulaklak sa loob nito. Mahahalata mo agad na mga babae ang nakatira dito. Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang maalala ko nga pala kung bakit ako nandito. Hahanapin ko pa room ko.
Tinahak ko ang pakanan at nagpatuloy sa paglalakad habang pinagmamasdan ang mga pinto kung saan may mga number ito na nakalagay.
Agad akong napangiti nang makita ko na ang hinahanap ko. Kakatok pa lang sana ako nang bumukas ito nang dahan-dahan. Tumambad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng puting damit.
I sighed heavily. "Ikaw ba ang sinasabi ni Ms. Holly?" ngiti niya.
Tumango ako. Binigyan niya ako ng daan para makapasok sa kwarto. Nilingon ko siya habang siya ay nananatili sa kanyang pwesto.
"Charli Hilton, you are?" tanong niya.
"Elysse."
Tumango naman siya at agad akong hinila papasok sa loob. Napansin kong dalawa ang higaan sa magkabilang direksiyon. Itinuro niya ang bakanteng higaan.
"Upo ka," excited nitong sabi.
"Tagal ko na dito, buti naman tumuloy ka," dagdag niya habang tinitigan ako.
Pakiramdam ko natutunaw ako sa titig niya. Ngumiti ako pabalik sa kaniya bago naisipang libutin ang kwarto. May napansin akong maliit na mesa sa tabi ng higaan. Ito siguro ang magiging study table namin.
"Ay, sorry kung makalahat ah? hindi ko pa kasi naliligpit." nagmamadali nitong sabi habang nililigpit ang mesa. Tumawa ako sa naging aksyon niya. Hinayaan ko na lang ito magligpit.
"Matagal ka na bang mag-isa dito? Bakit hindi ka kumuha ng kasama?" nilingon ko siya.
Nagkibit balikat lang siya bago dumiretso sa sofa kung saan may maliit na tv dito.
"It was an order," sagot niya.
Naghintay ako sa susunod niyang sasabihin pero nginitian niya lang ako at niyayang umupo sa tabi niya.
"Hindi ko alam na may paaralan pala dito. Halos lahat ata pinasukan ko na bukod dito," pagkwento ko sa kanya.
Tumango siya sa sinabi ko na parang naintindihan ang sinasabi ko. Excited nitong hinawakan ang kamay ko.
"What powers do you have?" tanong niya.
Isa sa mga ipinagbabawal sa akin ay sabihin kung anong meron at kakayahan ako. Mas mabuting mag-ingat sabi ni Mom.
"Ah, e paano mo nalaman?" pag-iiba ko sa tanong niya.
"Duh, lahat ng estudyante dito ay may kanya-kanyang kapangyarihan. 'Wag mong sabihing wala ka nito?" inirapan niya ako.
Kung ganon, hindi lang ako ang nag iisa dito. Huminga ako nang malalim.
"Meron, kontrolado ko ang hangin." Pero hindi ko na muli itong magamit.
Bigla naman siyang tumili na parang excited sa sinabi ko. Napangiti naman ako sa reaksyon niya.
"Awesome!"
"We can be partner!" dugtong pa nito.
Tumaas ang kilay ko. "Ano ba 'yung iyo?"
"Water!" ngiti niya.
Inikot namin ang dorm kahit hindi naman gaano kalakihan. Sakto lang siya pang dalawahan. May mga bakanteng gamit at mga nakatambak na bagay na hindi naman nagagalaw. Mag-isa lang naman daw siya.
"Maliit lang ang kwarto pero malaki ang kitchen. Weird 'no?" tawa niya.
Niyaya niya akong uminom ng kape. Pinagmamasdan ko lang siyang gumagawa nito habang nakatalikod sa akin.
"By the way, what is your special abilities?" tanong niya habang abala ito sa pagtimpla ng kape.
"Mind control."
"Mind control?" paninigurado nito, nilingon niya ako.
"Alam mo bang ikaw lang ang may ganiyang abilities?" lumapit ito sa akin at inabot ang tasa. Umiling ako bilang tugon. Tumango naman siya at umupo sa harapan ko.
"Kung ganon, malalaman mo rin." ngiti niya.
"Sabi pala ni Ms. Holly, samahan daw kita libutin ang Academy." lumapit ito at hinawakan ako sa kamay.
"O nga pala, hindi ka pwede basta basta gumamit ng powers at abilities dito. Hindi mo rin gugustuhin na maparusahan." tawa niya.
Parusa? Kung ganon, mukhang hindi ko gugustuhin suwayin ito. Alam kong naging matigas na ang ulo ko kila Mom at Dad pero wala na akong balak pang sundan 'yon.
"Ikaw? Ano abilities mo?"
"Emotions." Nagkibit balikat ito. "Pero hindi ko pa talaga kontrolado kasi masyadong mahirap." dagdag niya.
"Pinag-aaralan ba 'yon dito?" tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin.
"Depende sa abilities mo. 'Wag ka mag-alala, lahat naman dito tinuturuan," ngiti niya.
Magaan agad ang loob ko kay Charli. Hindi naman siya mahirap pakisamahan. Halos ikwento ko na nga sa kanya ang mga karanasan ko sa dating school. Pagkatapos namin magkwentuhan at lumabas kami sa building habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Tinuro niya ang katabing building namin.
"Building 2 'yan, para sa mga lalaki." Huminto siya sa paglakad at hinarap ako.
"Isa pang rules ay bawal kang pumasok sa building na 'yan bukod sa mga teachers or kung may mataas na pwesto ka naman dito sa school. Katulad natin, bawal din sila sa atin unless kung may pwesto ka." paliwanag niya.
Tinuro niya ang malaking building sa gitna na may tatak ng Monarch Academy.
"Main building 'yan. Nandyan naman yung Classrooms, Auditorium, Dining Hall, Training Room at kung ano pa."
Tumango ako. Nasaan kaya ang mga estudyante?
"Bakit wala 'yung mga students dito?" nilingon ko siya.
"Nasa klase ang iba, 'yung iba naman nasa training." sagot nito.
Magtatanong pa sana ako nang hatakin niya ulit ako. Ipinaliwanag niya sa akin ang tatlong malalaking building. Sa gitna o ang Main Building ay para sa mga estudyante. Ang Building 1 ay para sa mga dorm ng mga babae at Building 2 para sa mga lalaki. Building 3 naman para sa mga advisers.
"Hindi naman ikaw 'yung tipong mahilig lumabag sa rules kaya siguro madali na lang ito sa'yo." lumingon siya saglit sa'kin bago binalik ang tingin sa Main Building.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Charli habang iniisip niya ang mga pwedeng ibilin sa'kin. Curly at maikli ang buhok nito samahan mo pa na may bangs. Maputi rin kagaya ko at mas matangkad sa akin.
"Ah, wala na siguro ako nakalimutan 'no? Ay, 'yung Gymnasium pala nasa likuran lang ng Main Building." aniya
Tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Buti na lang daw excuse si Charli sa klase para samahan ako. Aniya tinatamad daw siya makinig. Nagkibit balikat na lang ako at iniisip ang pwedeng mangyari bukas. Hinatid na rin sa dorm ang uniform na gagamitin ko bukas kasabay ng iba kong gamit.
Pinagmasdan ko ang kulay light brown na skirt na sobrang ikli at ang long sleeve na polo kulay white kasama na din ang vest nitong color black. May necktie din ito na kakulay ang skirt namin samahan mo pa ng mahabang medyas na color black.
"Ako na ang magluluto." Tumawa siya sa sinabi ko.
"Kahit gusto ko tikman luto mo, 'wag na lang baka mapagod ka pa. Hindi naman natin kailangan magluto." aniya
"May taga luto ba tayo?" tanong ko.
Tumango siya at tumayo sa higaan. May kumatok sa pinto kaya pinagbuksan niya ito. May lalaking naka uniform na may tatak ng M.A dala nito ang isang tray na may pagkain.
"Sakto" Agad siyang nagpasalamat dito at sinara ang pintuan.
Pagkatapos namin kumain. Hindi pa natapos ang mga bilin sa'kin ni Charli.
"Maaga ang klase dito hanggang lunch time. May training naman kapag sa hapon pero pili lang ang mga pwedeng magtrain sa ganung oras."
Training? Naalala ko ang sinabi niya kanina na may Training Room sa Main Building.
"To train our skills," aniya.
Niligpit niya ang plato ko bago nilagay sa hugasan. "You have no room here if you're scared."
♡
WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top