Script 7
INT. PARK- DAY
Nakaupo si Cong sa isang bench sa park.
Kasama niya si Viy.
CONG:
Love, alam mo ba na akala ko eh mawawala na ako noong araw na nasaksak ako?
VIY:
Akala ko rin. Buti na lang talaga hindi dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon kung wala ka na.
CONG:
Akala ko rin makikita ko na si Kevin. Hindi pa rin pala.
VIY:
Kung nasaan man siya, alam kong proud sa iyo iyon dahil maayos kang kuya.
CONG:
Pero, mas maayos pa rin siyang kuya kaysa sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon.
VIY:
Kung pwede lang mawala ang sakit ‘no? Kaso hindi eh, kapatid mo iyon at kahit anong gawin mo. Masakit pa rin ang pagkawala niya.
CONG:
Minsan, gusto kong ibalik ang oras. Kung pwede lang, kaso hindi eh. Kailangan ko na lang maging malakas para sa kanila.
VIY:
Sa bawat paghina mo, nandito naman ako eh.
CONG:
Oo naman. Wala si Cong kung walang Viy sa buhay ko.
VIY:
Hindi rin naman mabubuo ang isang Viy kung walang Cong sa buhay niya.
CONG:
Isa sa mga natutunan ko noong naaksidente ako eh maikli ang buhay. Maikli ang buhay kaya gawin mo na dapat kung anong kaya mo.
VIY:
Isa rin sa natutunan ko eh maging malakas ka sa buhay kahit na gaanoiyon kahirap. Para kapag hindi mo na kaya, atleast nagawa mo ang dapat at sapat.
CONG:
Oh, tara na. Nagtext na sa akin si Mama eh.
VIY:
Halika na.
FADE IN :
Tumayo na si Cong at Viy mula sa bench at maglakad na papunta sa kotse. Magkahawak ang kamay nila.
FADE OUT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top