Script 6

AFTER 2 DAYS..

INT. CONG’S HOUSE- DAY

May kumakatok sa pintuan ng bahay nila Cong kaya agad namang binuksan iyon ni Junnie.

JUNNIE:
Ay, sino po ang kailangan nila?

VIEN:
Nandyan ba si Cong? Ibibigay ko lang sana itong adobo na niluto ni Mama. Pa-thank you ko sana sa kanya.

JUNNIE:
Sige, tatawagin ko si kuya sa loob. Ano bang pangalan mo?

VIEN:
Ako si Vien, iyong tinulungan niya sa holdaper. Gusto ko lang sanang magpasalamat ng personal sa kanya eh.

JUNNIE:
Ah, oo. Kilala ko na. Sige, umupo ka muna dyan at tatawagin ko lang si kuya.

Umupo si Vien sa sala pagkatapos ay nilapag naman ni Junnie ang adobo sa dining table.Pumunta na agad siya sa kwarto ng kuya niya.

JUNNIE:
Kuya! Andyan si Vien sa labas! May dalang adobo. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ang ganda pala noon?!

CONG:
Ikaw talaga, kung ano-ano ang nasa isip mo! Sabihin mo, teeka lang. Lalabas na rin ako.

JUNNIE:
Sige, kuya.

Lumabas na si Junnie sa sala at hinarap niya si Vien.

JUNNIE:
Palabas na raw si Kuya. Hintayin mo na lang.

VIEN:
Sige.

Lumabas na si Cong pagkatapos ng ilang minuto.

CONG:
Oh, Vien. Naparito ka. Anong meron?

VIEN:
Nandito ako para magpasalamat sa iyo. Dahil sa akin ay muntik ka nang mawala. May dala pala akong adobo dyan, gawa ng Mama ko. Sana magustuhan niyo ang luto niya.

CONG:
Naku naman, nag-abala ka pa. Salamat ha? Wala iyon. Masaya ako kasi nakatulong ako sa kapwa. Ang importante naman ay walang nanakaw sa iyo at safe tayo pareho. Okay na iyon.

VIEN:
Salamat talaga, ha? Hindi mo alam kung gaano ang impact noon sa akin.

CONG:
Anytime, nandito naman ako lagi at handing tumulong sa lahat.

Nag-usap pa sila at nakilala pa nila ang isa’t isa. Agad namang naging interesado si Junnie kay Vien.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top