Script 5
INT. ROAD- DAY
Naglalakad si Cong papasok sa trabaho nang biglang may narinig siyang babae na nahingi ng tulong.
BABAE:
Tulong! Tulungan niyo ako! Magnanakaw-
HOLDAPER:
Tumahimik ka! Kundi, sasaksakin kita! Akin na ang bag mo!
Nakarating na si Cong sa pinangyarihan. Agad niyang tinawag ang atensyon ng holdaper.
CONG:
Hoy! Itigil mo iyan at bitawan mo siya!
Lumapit si Cong sa kanila at sinuntok niya ang holdaper pero sa kasamaang palad ay nasasak si Cong ng holdaper sa may tiyan. Agad na kumaripas ng takbo ang holdaper at nabitawan na niya ang bag ng babae.
BABAE:
Tulong! Tulungan niyo ako! Nasaksak iyong tumulong sakin!
Dumating ang mga tao at tinulungan silang makapunta sa ospital. Pinilit ni Cong na magising sa mga oras na iyon pero hindi niya kinaya dahil sa saksak na natamo niya.
INT. HOSPITAL – DAY
Nagising si Cong na nasa ospital siya. Agad siyang gumalaw pero masakit pa rin ang tinamo niyangs saksak sa tiyan.
CONG:
Aray ko! Masakit. Nasaan na ako? Ang puti ng paligid. Nasa langit na ba ako?
Dumating si Viy, ang girlfriend niya. May dala-dala ito para kay Cong na mga pagkain.
VIY:
Oh, love. Gising ka na pala. Teka, tatawagin ko lang ang mga doctor ha?
CONG:
Love, nasaan iyong babae? Okay lang ba siya? Ano na nangyari?
VIY:
Okay naman si Vien, love. Medyo may mga sugat rin siya kaya nasa kabilang kwarto siya at tinitingnan pa ng mga doctor.
CONG:
Salamat naman sa Diyos at okay siya.
VIY:
Teka lang, tatawagin ko lang ang mga doctor para tingnan ka.
Na-check na si Cong ng doctor at nurse. Okay naman daw abg kalagayan niya kaya uuwi na sila agad sa bahay at doon na lang magpapagaling ng saksak.
CONG:
Sabi ko na sa iyo, love eh. Kayang-kaya ko ‘to! Malakas kaya ang boyfriend mo.
VIY:
Iyan ka na naman, porket nalagpasan mo lang ang saksak eh. Paano kung napuruhan ka ng holdaper at nawala ka sa akin?
CONG:
Naku, hindi naman mangyayari iyon eh. Masama akong damo at hindi agad ako mamamatay dahil lang sa saksak.
VIY:
Pero seryoso love, hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina noong may tumawag sa akin mula ditto sa ospital. Hinfi ko ma-imagine ang buhay ko kung wala ka.
CONG:
Tigilan mo nga ako sa pagiging cheesy mo. Alam mo namang hindi ako sanay dyan eh. Ikaw talaga! Ang importante, buhay ako.
VIY:
Promise mo muna sa akin na hindi mo na gagawin iyon. Kinabahan kaya ako. Hindi ka naman modernong superhero na may powers para kayanin mo ang lahat, love. Tao ka lang rin, pwede kang masaktan.
CONG:
Alam ko naman iyon, pero kilala mo naman kasi ako. Tutulong at tutulong ako kapag kaya ko.
VIY:
Paano kung dumating ang araw na hindi mo na kaya?
CONG:
Edi kakayanin ko pa rin. Iyon naman kasi talaga ang dapat gawin.
Dumating sa ospital ang nanay ni Cong, Junnie at Pat. Umiiyak ang nanay ni Cong nang pumasok siya sa kwarto ng anak.
CONG’S MOM:
Kuya naman! Bakit mo naman ginawa iyon?
CONG:
Ma, hayaan mo na. Okay naman na ako. Tingnan mo oh, buhay pa rin naman.
CONG’S MOM:
Haynaku. Paano kung napuruhan ka ng holdaper na iyon?! Kuya naman, be carefull na next time.
CONG:
Opo, Ma. Hindi na mauulit. Ang mahalaga ngayon ay maayos na ako. Okay? Huwag ka na umiyak, napangit ka.
JUNNIE:
Si kuya talaga, nakuha pang magbiro eh. Buti na lang talaga nakaya mo iyon, kung ako iyon eh wala na agad ako.
CONG:
Syempre, masamang damo ako eh.
Nagtawanan silang lahat at tuluyan nang inalagaan si Cong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top