Script 4
INT. DINING AREA- DAY
Lumabas si Junnie sa kwarto niya habang nakain ng umagahan si Cong. Dumeretso si Junnie sa computer niya.
CONG:
Halika na. Kumain ka na rito. Nagluto ako kasi tulog pa si Mama.
JUNNIE:
Hindi kuya, mamaya na lang ako. Mauna ka na.
Patuloy lang si Junnie sa pagtingin sa kanyang computer. May aayusin kasi siya sa laro.
CONG:
Umupo ka na ditto. Kailangan nating mag-usap.
Wala nang nagawa si Junnie kundi umupo sa dining area at sabayan ang kuya niya sa pagkain. Seryoso pa din sila at hindi nag-uusap.
CONG:
Ikaw naman kasi, alam mo naman na pinaghirapan koi yon tapos ganoon lang ang gagawin mo?
JUNNIE:
Alam ko kuya. Nag-isip na rin ako kagabi. Aminado ako na mali talaga ako doon. Sorry na.
CONG:
Totoo na ba iyan? Hindi mo na gagawin ulit?
JUNNIE:
Oo, kuya. Pasensya ka na talaga. Medyo napabarkada lang ako.
CONG:
Napagdaanan ko rin naman iyan kaya naiintindihan kita. Basta huwag mo na lang ulitin ulit, ha?
JUNNIE:
Hindi na, magtitino na talaga ako. Tara na, kumain na tayo kasi baka tumulo pa uhog ko dito.
Nagtawanan silang magkapatid at kumain na silang dalawa. Okay na ulit.
CONG (V.O)
Ganoon naman kasi talaga minsan. May mga hindi pagkakaunawaan pero at the end of the day, magkapatid pa rin kami ni Junnie kaya kahit ano man ang gawin niya sa akin ay patatawarin ko siya nang paulit ulit. Kahit nga hindi niya hingin iyon ay ibibigay ko pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top