Script 3

INT. DINING ROOM – NIGHT
Kumakain sina Cong at ang pamilya niya maliban kay Junnie na busy sa larong DoTA.

CONG:
Junnie, hindi ka pa ba kakain? Sumabay ka na sa amin.

JUNNIE:
Kuya, mamaya pa ako. Saglit lang.

CONG:
Kakain ka o ipapaputol ko ang internet para matigil ka dyan?

JUNNIE:
Eto na nga, kakain na.

Inis na umupo si Junnie sa tabi ni Cong. Nahalata iyon ni Cong kaya kinausap niya ang kapatid.

CONG:
Bakit masama pa ang loob mo? Junnie, kanina ka pa dyan pagka-uwi mo. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakalaro?

JUNNIE:
Kuya naman, naglalaro lang eh. Wala namang masama doon.

Hindi na iyon pinansin ni Cong. May tinanong na lang siya kay Junnie tungkol sa eskwela.

CONG:
Junnie, kamusta pala ang exam mo kanina?

JUNNIE:
Hindi ako nakapag-exam kuya eh.

CONG:
Ha? Bakit? Nagbayad naman ako doon last two weeks ago ah.

JUNNIE:
Eh kasi kuya, tinaya ko sa DoTA kaso talo eh.

Agad na nag-iba ang mukha ni Cong. Kitang-kita mo nag alit siya sa kapatid.

CONG:
Walanghiya naman. Anong klase ka?!

Galit na galit na tumayo si Cong ay pumunta sa kwarto. Natahimik rin ang lahat lalo na si Junnie.

MOM:
Ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo?! Kahit kalian ka talaga! Hindi ka na naawa!

JUNNIE:
Ako na naman, ako naman lagi ang may kasalanan kung bakit galit si kuya eh!

Galit na umalis na si JunnIe sa hapagkainan at pumasok na lang sa kwarto niya.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top