Rule #9 Curse

JANA's POV

"Jana." Napalingon ako kay Leila. Kasama niya si Libra. Nitong mga nakaraang araw nawalan na rin kami ni Daemon ng oras para sa mga kaibigan namin.

Nakakaguilty tuloy.

"Saan kayo pupunta?" I asked them. Inayos ko ang leather suit ko dahil kailangan ko ring magtraining. May kakanya kaming training menu and mine is a big secret.

"Mamamasyal kami sa bayan. Bibili ng mga gamit. Ikaw? Aalis ka na naman? Kauuwi mo lang diba? Ilang linggo ka ring nawala." Libra said.

"Alam niyo kung bakit." Bumuntong hininga ako. Napansin ko ang damit nilang gaya pa rin ng dati. Hindi siguro sila naliligo. Ang eww lols.

"Sama ka na samin! Saglit lang naman tayo." Pagpupumilit sakin ni Leila. Humawak pa siya sa kamay ko.

Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Pero kasi--"

"Nakakatampo ka na Jana." Nakangusong sabi ni Libra. Ano nga ba naman ang magagawa ko kung pinipilit nila ang kadyosahan ko diba? Baka sabihan pa nila akong snob kapag tumanggi ako.

"Oh sige na! Pero saglit lang ha?" I said. Nag-apir naman yung dalawa bago ngumisi sakin.

----
"Etoh bagay sakin?" Pakita sakin ni Leila nung dress na off shoulder.

"Asan yung likod?" I asked her. Binaliktad naman ni Leila yung damit. Kumunot ang noo ko.

"Yung likod mo sabi ko? Asan ang likod mo, dalawa kasi eh." I grinned at bigla na lang niya kong hinampas.

"Nakakainis ka! Lalaki din ang mga toh noh!" She snorted at kinuha yung mga damit na pinili niya. Tumawa na lang ako. Pikon eh.

Ang dami niya naman kasing dinidibdib eh wala naman siyang dibdib kaya ayan. Back to back ang kapatagan.

"Wala kang bibilhin Jana?" Tanong ni Libra sakin. Umiling na lang ako.

"Wag na baka mahiya kayo sa yaman ko." I chuckled and she laughed.

"Baliw ka talaga, sa tingin mo maganda itong mga kwintas?" She asked. Yung mga kwintas ay magkadikit pero pwedeng paghiwalayin para dalawang kwintas na sila. Yung pendant is isang silver na bilog tapos nakadikit sa gitna yung ruby stone.

"Oo ang ganda, bibilhin mo?" I asked her.

"Oo, sakin yung silver tapos sayo yung ruby." She smiled. Binayaran niya yung kwintas at iniabot sakin yung isa.

"P-pero bakit?" I asked her.

"Utang ko ang buhay ko sayo. Para na rin kitang kapatid Jana and I want you to always remember me." She said. Umikot siya sakin at inilagay yung kwintas sa leeg ko.

"Bagay." She grinned.

"Salamat Libra." I smiled.

"Uy uy uy! Bakit kayo may ganyan?!" Leila asked.

"May dibdib kaming sasalo eh, ikaw? Baka mapagkamalan kang sabitan ng kwintas." Bara ko dito. Natawa na lang si Libra habang nakanguso sakin si Leila.

I miss doing these. Sana bumalik na sa normal ang mga buhay namin.

(Few scenes for Jana. I won't give more details about her. She will be back soon.)

CRIMSON's POV

It has been months. Oo, ilang buwan na rin ang nakakalipas. We were sent on a journey after that hellish training.

At ngayon, parang kami naman ang isinumpa. And our job is to look for the elemental weapons.

Hindi gaya ng nakasulat sa sinaunang libro na lumalabas ang elemental weapons sa rings. Ngayon, kailangan na itong hanapin.

At ang mga elemental rings ang magsisilbing gabay namin sa paghahanap ng mga ito.

"We have already crossed 3 mountains!" Daisy growled. Napaupo ito sa may batohan at halatang pagud na pagod na.

"Crimson magpahinga muna tayo. Isang linggo na tayong walang kain at tulog." Leif said.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganun na pala katagal.

"P-pasensya na hindi ko namalayan." I sighed.

"Ayos lang yan. Pati rin naman kami hindi namin namalayan." Sagot naman ni Wave at umupo na rin.

"Dito na tayo magpalipas ng gabi. Mukhang may malapit namang ilog dito." Ash said.

We started to find food for the night. Nag-ayos na rin kami for bonfire. Pinauna na rin naming maligo si Daisy. Ofcourse, kahit papano babae pa rin siya.

"This journey is taking too long." Ash said. Nag-iihaw ng isda si Leif at nakahiga naman si Wave na nakatingin sa kalangitan.

"And this is kinda stupid." Wave sighed. "Miss na miss na natin sila pero sila anong ginagawa nila? They're forgetting about us about all these sacrifices."

"Kung pwede ko lang sanang isiping ginayuma nila tayo para maging ganito tayo kabaliw sa kanila." Leif replied.

"Maybe they're also struggling. Nararamdaman kong hindi lang tayo ang nahihirapan sa sitwasyon natin. Let's put our trust on them." I said.

"Crimson is right. Let's just do our job. Makakahanap din tayo ng sagot sa mga katanungan natin" Bungad ni Daisy samin.

We had our dinner tapos naligo na rin kami. We had our very first rest after the training.

Tulog na tulog na sila pero hindi ako makatulog sa dami ng bumabagabag sakin.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya agad kong kinuha ang espada ko.

"Magpakita ka!" I hissed.

"Ibaba mo ang armas mo dahil wala ka rin namang laban sakin." He said. Unti-unti siyang lumabas mula sa dilim.

"Zero!" I hissed at mas humigpit ang hawak ko sa espada ko.

"Hindi ako pumunta dito para paslangin kayo. Nandito ako para magbigay ng babala." He said monotonously.

"Anong babala?!" I glared.

"Tiwala. Yan ang papatay sa inyo." He said in just a snap, he vanished.

"D*mn it!"

"What do you think he meant by that?" Hindi na ko nagulat na nagising sina Ash.

I put down my sword and sighed. "I wasn't able to move. Ngayon lang ako nanginig sa takot ng ganito." Tuluyan na kong napaupo sa lupa.

I am still weak. Kumbaga wala pa ko sa kalingkingan ni Zero. How am I suppose to protect her if I'm like this. Nakakaawa ako, wala along kwenta.

Tinuloy naming and paglalakbay namin. We don't know exactly where to go but one thing is for sure. Nakatatak na sa utak namin ang mga katagang binitawan no Zero. There is a reason kung bakit kami ang pinili nila and we must prove our worth.


It may be painful to be far from them pero kailangan naming magtiis. We decided to choose this path. Kahit mahirap, nakakalungkot at masakit. Hindi namin maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Jana may be acting strange but I believed everything they do comes with a valid reason. 


Their feeling for us is not that shallow. I swear babalik kaming malakas at babawiin namin sila. 

"Oh sh*t!" Wave cursed ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad naman kaming naghanap ng masisilungan.


"Sana tumila ang ulan bago mag-umaga. Hindi tayo makakalayo kung maputik ang daraanan natin. Mapanganib pa naman ang mga bundok dito." Leif said habang nagpupunas ng sarili. We managed to get some woods para sa campfire dito sa kwebang nahanap namin. 


"Narinig niyo ba yun?" Daisy immediately stood up na para bang may kakaiba siyang narinig.


"Sa lakas ng kulog at kidlat, himalang may narinig ka ah?" Wave teases her. Sumimangot lang Si Daisy sa kanya at bahagyang naglakad papunta sa bukana ng kweba. 


"Wag kang magpaulan hindi tayo pwedeng magkasakit." Ash told her. 


"SShhh! Wala ba kayong naririnig--"


Nanlaki ang mga mata namin sa liwanag na sumabog sa harapan namin. Naestatwa kami sa kinatatayuan namin at walang nagawa kundi ang panoorin si Daisy na nilalamon ng kidlat. Everything happened in just a blink of an eye. 


"D-Daisy." I muttered without a sound. Paulit-ulit na tinamaan ng kidlat si Daisy na walang malay.


"This is the start of the curse." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top