Rule #6 Guilt
SOMEONE's POV
"Umaayon lahat sa plano mo." Sabi sakin ni Zero. Napangisi na lang ako at sumandal sa trono ko.
"Magtatagumpay ako Zero." Bahagya akong tumawa at nilaro sa mga daliri ko ang maliit na punyal na hawak ko.
"Anong gagawin mo sa mga Prinsesa?" Tanong niya sakin.
"Sila ang kusang lumayo, mas mabuti na yun ng mas mapadali ang pagkuha ko sa mga Elemental Weapons."
"Kakalabanin mo ang palasyo ng mag-isa. Baka mapahamak ka." Sagot niya.
"Tumigil ka na Zero, alam mong wala ka ng mapapala sakin." Alam kong gusto ako ni Zero. Pero hindi kami pwede. At hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal na binibigay niya.
"Nag-aalala lang ako sayo!"
"Kaya ko ang sarili ko! Hayaan mo na lang ako pwede ba?! Suporta lang ang kailangan ko sayo Zero, hindi pagmamahal. Aalis na ko."
JANA's POV
"Baliw ka ba?"
Agad kong pinampag sa kamay ko yung paru-parong dumapo sa daliri ko. Tinatakot ko lang naman kasi yung paru-paro na kakainin ko siya pero nakita pa ni Crimson.
"Ano bang pakealam mo? Kumuha ka ng sarili mong paru-parong kakainin." Irap ko sa kanya.
"Baliw ka na nga talaga." Naiiling na sabi nito.
"Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit hindi ka nagtretraining?" I asked.
"I am about to pick some roses ng may makita akong nangangain ng butterfly." He smirked. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"At saan mo naman gagamitin yung roses?" I asked. Tumaas ang kilay niya sakin at pumitas ng rosas na pula.
"Ito daw kasi ang paboritong rosas ni Aurora." He said.
"A-Aurora? S-sino naman yun?! At tsaka bawal pumitas ng rosas dito sa royal garden!" I hissed at inagaw sa kanya yung rose na pinitas niya.
His forehead creased. "Bawal pumitas pero kinakain mo?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha! Anong akala niya sakin?! Patay gutom?!
"Akin na nga yan. She's expecting this!" He hissed and grab the rose from my hand. Mabilis siyang naglakad paalis kaya sinundan ko siya.
"Sinong Aurora?!" I exhaled. Mabilis ang lakad niya kaya halos habulin ko na siya.
Bigla siyang tumigil at humarap sakin kaya bumangga ako sa katawan niya. Buti na lang napaatras lang ako ng konti.
Bakas na bakas ang galit at pagtataka sa mga mata niya. Napalunok tuloy ako at napahawak ng mahigpit sa palda ko.
"Wag mo kong pakealaman, dahil nawalan na ko ng pakealam sayo." His voice is freakin' cold. He left me shocked and dumbfounded.
Nagtaka pa ko. Kasalanan ko naman talaga. I deserve this pain and his hatred. I chose the easiest yet crookest way.
----
"Ayos lang yan." Libra tapped my back. Kanina pa kami nandito sa veranda ng kwarto namin.
"Hindi naman siguro ganun kadaling magmove on diba?" Dagdag pa niya.
"Naguiguilty lang kasi ako, they don't deserve to be treated like this, pero yun ang kailangan. Konti na lang ang oras." I sighed.
"Magtiwala ka lang sa kanila Jana. The ring chose them." She smiled. I forced a smile kahit papano'y gumagaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko si Libra.
She's more of like a sister to me. Kaya kahit wala sina Lhorraine, alam kong may kakampi ako.
KRISTINE's POV
"Bumalik na po kayo sa Kastilyo." Pagpupumilit sakin ni Agua. I am invinsible in water kaya mas pinili kong manatili dito sa kagubatan to train myself.
Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang mga sinakripisiyo namin.
"I can handle myself Agua, just leave me be." I said.
"P-po?"
Napabuntong hininga na lang ako. Ofcourse, she can't understand English.
"Kaya ko ang sarili ko Agua, bisitahin mo na lang ako linggo-linggo." I sighed.
"Pero mahal na prin--"
"Please." I said. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya yung sinabi ko o hindi pero umalis na siya.
Nasa gitna ako ng kagubatan kung saan may talon. I will be okay as long as there's water.
Napasinghap ako ng maramdaman kong may mainit na katawan ang bumalot sakin. My eyes widen when I saw Wave.
"A-anong ginagawa mo dito?!" I gasped at agad na kumawala sa yakap niya.
"I missed you." Malungkot na saad niya. Parang may kung anong tumarak sa dibdib ko ng makita ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya.
"Hindi ka dapat nandito! Umalis ka na!"
"No. Ayoko." Napabuntong hininga na lang ako.
Umupo ako sa may batuhan at tumabi naman siya sakin.
"You're making this hard for us." I said at dinamdam ang agos ng tubig mula sa talon. The water is cold, freakin' cold.
"I know, we will be going to an intensive training. Gusto lang kitang mayakap before we set each other free." He said.
Ako ang pinakaiyakin samin pero ngayon ayokong umiyak. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gustong-gusto ng pumatak.
"Just go Wave." I said.
"I want us to have a proper break up. Ayokong magkahiwalay tayo ng may hinanakit sa isa't isa." He said. Pero hindi ako lumingon sa kanya. Ayaw kong makita niya kung gano na ko nasasaktan ngayon.
"Please umalis ka na. Baka makita ka pa niya." I said.
"Who?!"
"Ang lalaking mapapangasawa ko Wave." I sighed. Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang mararahas na mura galing sa bibig niya.
"Ganun na lang ba kadali para sayong itapon ang lahat?!" He yelled at me. Kasabay ng paghila niya sakin ay ang pagpatak ng mga luha ko.
"I-I don't wanna hurt you but I fell out of love." I said. Marahas ang naging paghinga niya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Kristine." She sobbed. Niyakap niya ko ng mahigpit and all I did was to cry along with him.
"I'm sorry." I sobbed. Bumitaw siya ng yakap sakin at bakas sa mga mata niya ang sakit, galit at pagkamuhi.
"You'll regret hurting me." He hissed at iniwan na ko. I immediately jump off to the water.
I need to be cleansed. I need to find myself. Hinayaan kong anurin ako ng agos ng talon. Hinayaan kong tangayin ako ng tubig papunta sa hindi ko alam kung saan.
Pagud na pagod na kong masaktan at mahirapan. It's time for me to build a wall around my heart. I need to kill my emotions. I need to freeze myself.
And I can only do that by learning the ICE MAGIC.
LHORRAINE's POV
Lumagapak ako sa sahig sa sobrang pagod at sakit ng katawan. Si Ama ang nagtretrain sakin. He was once a general more on strategic plans kaya alam na alam niya kung ano ang kahinaan ng kalaban.
"Tama na muna yan mahal na hari." Sabi ni Ina. Sobrang hinang-hina na ko.
"Tandaan mo Lhorraine, walang pahinga-pahinga sa gyera." My Dad said coldly. I gritted my teeth. My Beast Form is no par with his normal form.
Pano na lang kapag nagDemon Form siya, baka hindi na niya ko makilala bilang anak.
"Halika na Lhorraine, ipagamot mo na yang mga sugat mo." Alok sakin ni Ina.
"Why am I even doing this?!" I hissed. "Bakit po hindi ako nagsasanay kasama sina Jana?" I asked.
"Lhorraine, binura namin sa alaala mo ang isang tao--"
"Tao? Pano ako makakakilala ng tao? Walang tao dito." Kununot ang noo ko. My Mom can be a story maker sometimes.
"Lhorraine, alam mo ba kung anong kahinaan mo?" She asked. She pointed my heart kaya kumunot ang noo ko.
"Masyadong malakas ito na kahit utak mo naapektuhan, binura namin ang mga emosyong nagiging hadlang sa kapalaran mo." She said.
"Para sa kapakanan ko kaya ginawa niyo yun?"
"Para sa kapakanan ng Underworld, wala kaming pakealam kung kamuhian mo kami balang araw, ang mahalaga para samin ay magampanan mo ang misyon mo. Ang tanging solusyon ay ang pagbura namin sa mga alaala mo sa lalaking yun."
"Hindi ko alam kung sino man po ang tinutukoy niyo pero kung para po sa kapakanan ng Underworld, wala po akong pakealam kung makalimutan ko siya kahit naging mahalaga man siyang parte ng buhay ko. Kung dapat siyang kalimutan, kakalimutan ko siya." Matigas na sabi ko.
Napangiti si Ina sa nasambit ko. I don't know who he is pero kung isa naman siyang malaking hadlang, nararapat lang talagang kalimutan ko siya.
"Mahal na Prinsesa..." Napangiti ako ng makita ko si Carlo. Isa siya sa mga tapat na alagad ng angkan namin. Magkasing edad lang kami at kababata ko siya.
"Ikaw pala Carlo, anong sadya mo?" I asked.
"May ipapakita po sana ako sa inyo kung ayos lang." Namula siya sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga aliping naglilinis ng sugat ko.
"Pwede niyo ba kaming iwan ni Carlo?" I asked.
"P-pero mahal na prinsesa--"
"Babalik kami agad." I said. Lumapit ako kay Carlo na nakasakay sa isang pegasus. Nasa may garden lang naman kasi kami.
Kumapit ako ng mahigpit sa bewang niya. "Saan tayo?" I asked him.
"May nakita po akong batis, may kakayahan po itong makagamot agad ng mga sugat." He said.
Nasa tuktok ng isang malaking ulap ang buong Wind Kingdom. Bumaba ang Pegasus sa isang maliit na kakahuyan sa ibabaw ng ulap.
Parte pa rin ito ng Wind Kingdom. Inalalayan niya kong bumaba. Agad naman akong tumakbo sa may batis na bahagyang natatakpan ng ulap.
I took off my shoes at dinama ang init ng batis gamit ang paa ko.
"Tara na Carlo! Maligo na tayo!" I grinned. Namula ito at bahagyang tumawa.
"Babantayan ko na lang po kayo mahal na prinsesa pero pangako po hindi ako maninilip." Sobra ang pamumula ng mukha nito.
Natawa na lang ako. I took off my clothes, kasabay nun ang pagtakip ng mga ulap sa kahubdan ko.
"Hindi ka talaga sasabay?" I asked him. Nakatalikod na siya at nakaharap sa pegasus.
"H-hindi po."
"Sabi mo eh." I chuckled at sumulong na sa tubig. The water was refreshing, mainit na mahapdi sa balat pero masarap sa pakiramdam.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang na nakayakap ako sa mainit na katawan at tumatama sa mukha ko ang hangin.
"C-Carlo?" I asked. Hindi siya sumagot o kahit ano pero ramdam ko ang pagtigas ng katawan niya. Pamilyar ang init ng katawan niya, parang ang sarap lang yakapin.
"Hindi ikaw si Carlo. Asan si Carlo?" I asked him. Hindi siya sumagot pero hindi ko rin naman magawang tanggalin ang mga braso kong nakayakap sa kanya.
"You're unfair Lhorraine." He said. Hindi ko kilala ang boses niya pero parang pamilyar.
"Hindi kita kilala, ibaba mo na ko." I told him.
I can fly pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong bumitaw.
Hindi nagtagal bumaba kami sa hardin ng palasyo. Nakita ko ang mukha niya, ang mga titig niyang nagyeyelo. Hindi kakakitaan ng kahit anong bakas ng emosyon.
Hindi ko siya kilala pero parang sasabog na ang puso ko sa bawat pagtama ng mga titig namin sa isa't isa.
"I will be back. And be sure that by that time, you already remember me or else I'll force you to be mine again." He hissed.
Hindi ko alam kung bakit naintindihan ko ang banyagang salitang ginamit niya. Pero isa lang ang masasabi ko...
Masaya ako...
-----------
TBC.
Next UD yung iba :)
Hindi ko na inedit. Pasensya na sa mga mali.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top