Rule #5 Human World

Multiples of 5 po ang update ko for Human World Chapters. Afterall they are still part of the story :).

Every weekend po ako magUUD and it still depends on number of votes and comments lav yah! :)

JANE's POV

"3 boxes of Hawaiian Pizza, for special delivery." Vixen grinned and put it on top of the mini table.

"Akala ko ba sumabay ka kina Zee sa check up ni Bea?" I asked and opened the box of pizza he bought.

"Nauna na kong umuwi, may dadaanan pa daw sila." He said. 6 months na ang ang tiyan ni Bea. We are all excited na nga para sa panganganak niya.

"Wow! Pizza!" I heard Briggs exclaimed. As usual nakabalandra na naman ang malaki niyang katawan habang nakasabit sa balikat niya yung tshirt niya.

"Ang bastos mo talaga kahit kailan!" Hinampas ni Junea yung braso ni Briggs habang kumukuha ito ng pizza.

"Ikaw paraparaan para makatsansing eh!" Tawa ni Briggs and bit his pizza.

"Ang kapal mo ha! Baboy ka naman!" Junea squealed kahit sobrang pula na ng mukha nito.

"Muscles toh Pandak, kapag nauntog ka dito magkakaamnesia ka." He laughed wholeheartedly. Mas lalong napikon si Junea kaya pinagkukurot niya ang pinagyayabang nitong mga muscles na nakakaamnesia.

Natawa na rin ako sa kulitan ng dalawa. I took a bite on my pizza at sinubuan si Vixen.

Hindi kami magboyfriend, but we're dating. We're sweet with each other pero friends muna.

"Etoh oh Coke, ikaw Jheraine?" Alok ni Vixen habang nagsasalin siya ng coke sa baso.

"Juice lang yung akin." I heard Jheraine said. Hindi man obvious pero siya ang pinakahealth concious samin.

Actually, naggagatas pa yan everyday-everynight. Twice a year ang executive at dental checkups. Naglalagay pa yan ng polbos at nagpapapunas ng pawis sa likod.

Hindi niyo kami agad nakilala I know, at yung first impressions niyo ay hindi rin naging maganda. But I hope you'll eventually appreciate our existence.

"Yaya, nakapagsqueeze ka na ba ng orange juice ni Jheraine?" I asked the maid.

"Ah opo ma'am, wait lagyan ko lang po ng yelo." She said.

"Okay thanks po!" Jheraine grinned at tinuloy ang paglalaro sa Ipad niya.

"Asan nga pala si Rion." Junea asked pagbalik niya mula kung saan man sila nakarating ni Briggs.

Kumuha siya ng pizza pero bago pa niya kinagat mat umagaw na nun sa kanya. Well sino pa ba?

"I heard may meeting sila with the BODs alam niyo naman pinaghahandaan ang future nila ni Jhe." Pang-aasar ni Vixen.

Mas lalong nagsumiksik sa sofa si Jheraine para itago ang pamumula nito.

"Wow si bunso kinikilig." Junea chuckled. Napangisi na lang ako.

"Jheraine kumain ka ng pizza ang payat-payat mo na." Alok ni Briggs.

"Wow! Ikaw pa talaga nag-alok nahiya namin kami sayo sinolo mo na yung isang box." Singhal ni Junea dito. Hindi siya pinansin si Briggs at tuloy lang sa paglantak ng pizza.

Biglang umilaw ang phone ko and I saw how Vixen stared at it. Si Wave pa rin kasi ang wallpaper ko.

Hindi naman kasi parang pagpapalit lang ng damit ang pagmomove on. It takes time.

I took my phone and read the message.

From: Bea
On the way na kami. Bumili lang kami ng new toys for the babies' room.

Binasa ko yun ng malakas para marinig nila. Dito kasi kami sa bahay nila Zee at  Bea nakatambay.

"They've been buying stuffs everyday." Sagot ni Jheraine na ngayo'y nakataas na ang paa sa sandalan ng couch.

"Umayos ka nga Jheraine, nakabestida ka uyy." Saway ni Junea dito.

"Eeehhh! Bakit ba? Naglalaro ako." Nakangusong sagot nito tapos umikot na naman para dumapa sa couch.

"Kamusta na kaya sila sa Underworld?" I asked.

"Magkakasama naman silang twelve so I think there's nothing to worry about." Briggs said. Umupo ito sa armrest ng couch na inuupoan ni Junea. Mamaya magwrestling na naman yang dalawa.

"Buti na lang Kuya Thunder can manage well the school. Lalo't hindi pwedeng umuwi si Miss Yancey." Vixen said.

Sumandal ako sa couch. Andami na ring nangyari dito. Si Kuya Lander, yung kuya ni Leif nalaman na niyang siya ang Daddy ni Carla and I guess ikakasal na sila ni Ate Cyan soon.

Si Blake naman yung kuya ni Wave, I think may something sila ni Ate April yung ate ni Junea.

Well, mapaglaro talaga ang tadhana.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng makarinig kami ng ugong ng sasakyan.

"Ang bilis naman nila?" Briggs asked at pasimpleng pinagapang yung kamay niya sa mesa para kumuha ulit ng pizza pero tinampal yun ni Junea.

"Sorry I'm late." Automatic namang napaayos ng upo si Jheraine sa biglaang pagdating ni Rion na agad nakipagfist bump kina Vixen.

"Sina Zee?" He asked at umupo sa tabi ng nagtataray na si Jheraine.

"Pauwi na sila, bumili lang ng mga toys." I answered.

Rion took off his blazers and folded his sleeves bago kumuha ng pizza.

"Kumain ka na?" He asked Jheraine.

"I'm good." tipid na sagot nito.

"Just give her the pineapples Rion, hindi yan mahilig sa fastfoods." Junea said bago inumin ang coke niya.

Pinanlakihan kami ng mata ni Jheraine at kunwaring naglalaro ulit. Ganyan talaga siya kapag walang nakakaalam sa gusto niya.

"Wala bang pineapple chunks sa ref?" Rion asked.

"Meron, kaya yan nagtatampo at naglalaro lang sa Ipad niya. Syempre para yun kay Bea tapos may baby damulag pang nakikiagaw." Junea rolled her eyes. Natawa na lang ako. It may sound OA pero totoo yun.

"Junea!" Jheraine snorted.

"Here, sayo na itong toppings." Inilapit ni Rion yung Pineapple sa bibig ni Jheraine pero pabebe pa toh.

"No, I said I'm fine." She rolled her eyes. Napabuntong hininga na lang si Rion.

"Buti na lang di tayo nag-aaway pandak." Briggs said at inakbayan si Junea.

"Wow! Di pa kayo nag-aaway sa lagay na yan? Pano na lang pagnag-away kayo?" Natatawang tanong ni Vixen.

Sinapak naman ni Junea sa sikmura si Briggs bago niya irapan ito.

"Ouch! Pag yung abs ko nadeform! Who you ka sakin!" Singhal ni Briggs dito.

Dumating na rin sina Bea at tuwang-tuwa itong pinakita yung mga pictures ng ultrasound niya.

"So, boy and girl? Anong ipapangalan niyo?" Jheraine asked. Nagkatinginan naman si Zee at Bea.

"We wanted to mix our name." Bea said.

Bea Serine at Zee Alexis.

"Sa lalaki, it's Breeze Rexis tapos sa babae, Zabrine Seal." Nakangiting saad ni Zee.

"Wow! Ang OA!" Tawa ni Junea. Napatitig ako sa mga larawan. I unconciously touched my womb. Nakaramdam ako ng kaunting inggit.

Bea already found her happily ever after at such young age. Ako up until now, isa lang akong malaking Desperada.

"Gusto ko Bryan at Brianne kapag satin naman pandak." Inakbayan ulit ni Briggs si Junea na nakatikim na naman ng sapak.

"Asa ka, baka nga supot ka pa eh." She smirked.

"A-ako?! Diba nakita't nahawa--" hindi na naituloy ni Briggs yung sasabihin niya ng biglang takpan ni Junea ang bibig niya tsaka niya ito hinila palayo samin.

"Mukhang may susunod na sa inyo." Vixen laughed.

"Akala namin kayo ang susunod." Bea teased us. Nagkatinginan kami ni Vixen pero agad akong nag-iwas ng tingin. My cheeks heaten up.

Every weekend, dito talaga kami kina Zee nakikitulog. Kasalukuyang nag-iinuman yung mga boys. Si Jheraine alas otso pa lang tulog na.

Junea was taking good care of her twin sister. Hindi man obvious pero magkapatid talaga si Junea at Bea.

Junea was a product of a huge mistake. They were a case of Heteropaternal superfecundation, it occurs when two or more of a woman's eggs are fertilized by different men within the same ovulation period.

Kambal ang Daddy ni Junea at Bea kaya nagkamali noon ang mommy ni Junea ng nasipingang lalaki right after she and her husband made love.

Para silang case ni Dianna at Ashley sa Half Sisters. Akala talaga ng lahat they're cousins. Pero ang totoo, kambal sila, na magpinsan, na maghalf-sisters.

Dinikdik ko sa ashtray yung sigarilyo ko. I gazed again at the full moon. Nandito kasi ako sa veranda at nagpapahangin.

"Bakit hindi ka pa natutulog." Hindi ako lumingon. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa leeg ko and gently kissed my head.

"Alam mong may insomnia ako." I said.

"Come on, ihehele kita." He said. And slightly pull me up.

"I'm not like Jheraine, na kailangan pang kantahan bago matulog. I'll just take my sleeping pills." I said.

"I told you to stop using those." Naiinis na sagot niya. Umiling ako.

"I have to kailangan--"

"Come on. If I need to sing to you everynight, to read you bedtime stories or caress you, then I will. Just stop drinking those pills." He said. Hindi na ko nakapalag dahil mas malakas siya sakin.

I should be sleeping with Jheraine pero pinakiusapan ni Vixen si Rion. Kaya no choice din si Briggs at Junea dahil kailangan talaga nilang magtabi.

I closed my eyes and sighed. Nakapikit ang mga mata ni Vixen at marahang naghuhum. Tinatapik-tapik niya ang hita ko. Lihim akong napangiti.

"Masasanay ako niyan." I whispered. Minulat niya ng konti ang nga mata niya at tinitigan ako. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"It's okay, wala naman akong balak na itigil toh." He said and close his eyes again. Biglang tinambol ng mabilis at malakas ang puso ko. Marahan akong hinila ni Vixen papunta sa kanya.

He pinned me to his body. Sumubsob ako sa dibdib niya and it felt so good. Ang bango niya. Tinatapik-tapik niya pa rin ang tagiliran ko habang naghuhum. I put my arm on his waist and closed my eyes.

And for the first time in a long time, I had a good sleep without the help of sleeping pills.

----
May bago po akong story. Please pakibasa. The link is in the first comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top