Rule #42 Last Breath



Pabalik-balik sa paglalakad sa harap ng Operating Room si Rose. Lahat sila nanginginig na ngayon sa sobrang nerbyos at takot sa kung anong pwedeng mangyari.




"Berlin! Rome!" Kristine called them pagkarating ng mga ito. Jana's surgery was scheduled tomorrow kaya wala sila sa hospital nung isugod si Jana dito. Sina Paris at France pa lang ang nasa loob.





"What did she do this time?" Berlin asked them.


"Hindi kasi siya nakainom ng gamot." Umiiyak na sabi ni Rose. Nagkatinginan sina Berlin at Rome. Like they're thinking the worst thing might had happened.





"Pinayagan ba ni Paris na lumabas si Jana?" Rome asked them. Tumango si Rose sa kanila. Rome uttered some curses.





"That brat alam na nga niyang hindi na niya kayang lumabas!!" Berlin breathed harshly. Agad nilang inayos ang kanilang suot na scrubs and fixed their mask bago sila pumasok ng O.R.





"Jana's cancer is already at Stage 4, kahapon lang tinaningan na nila ang buhay niya." Their world froze dahil sa sinabi ni Yancey. "She pleaded Paris to make her see Crimson for one last time, it's her last wish."





"W-What?! Then bakit niyo pa siya pinalabas?!" Tumaas ang boses ni Kristine na agad namang inawat ni Wave.





"I told you, may taning na ang buhay niya. Bukas o makalawa bibigay na ang puso niya. It's her last chance." Yancey gritted her teeth. Hindi naman sa wala siyang puso pero alam niya ang mga pinagdaanan ni Jana. Etoh na nga lang ang makakapagpasaya sa kanya sa mga nalalabi niyang sandali ipagkakait pa ba niya?





Himala na ang pagtagal niya ng halos limang taon sa kalagayan niya. She was born a fighter and will die a fighter.





"Hanggang ngayon ba kailangan pa rin niyang lumaban? Siya ang may pinakamaraming sakripisyo ngunit bakit siya pa ang mas lalong pinaparusahan." Lhorraine sobbed. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang pag-iyak. Buti na lang nasa tabi niya si Ash para bigyan ito ng comfort.





Halos limang oras din ang itinagal ng apat na doctor sa loob. Lahat sila ay napatayo ng lumabas ang mga ito.





"PARIS!!!" Rose gasped. Laglag ang balikat ng apat as they removed their face masks.





"Ginawa na namin ang lahat." France hissed. Napasuntok sa pader si Rome at tila tuluyan ng gumuho ang mundo ng mga nakarinig.





"That can't be true!!! Asan siya?! I need to see her!!!" Pilit na inaawat nina Wave si Crimson. He was crying already at halos magwala na ito.





"Ginamit na namin ang natitira naming kapangyarihan para dagdagan pa ang buhay niya. She only has one last hour Crimson. Sayo na namin papaubaya ang mga huling sandali." Paris tapped Crimson's shoulder.





Kristine gasped at napatakip ng bibig. Hindi sinayang ni Crimson ang mga huling sandali, for him every seconds counts. Binitawan na rin siya nina Ash.





CRIMSON's POV


Agad kong tinanggal ang mga aparatong nakakabit sa kanya. Those four are the best doctors in the world, pero kung sila sumuko na, ako hindi pa.





"Crimson..." she sounded so weak. Agad ko siyang pinasan sa likod ko and took her out of her room.





"Crimson saan---" Hindi ko na narinig pa ang sasabihin nila. I don't care about anyone anymore. Pinindot ko ang elevator button na agad namang nagbukas.





Itinakbo ko siya palabas ng hospital at dinala sa may dalampasigan kung saan malapit na ang paglubog ng araw sa may kanluran.





Pinaupo ko siya sa may buhangin. Umupo ako sa likod niya at niyakap siya sa likod so she can lean on me.





"Kailanman hindi kita nakalimutan Jana." I whispered to her. I tried so hard to sound fine. Pinigilan ko ang sarili kong pumiyok.





"Siguro dahil iyon doon sa asul na apoy na binigay mo sakin. Ilang taon kitang hinintay, ilang taong ikaw lang ang laging laman ng isip ko. I thought I would go insane. Pero nung nalaman kong nakabalik kayo, mula kay Yancey, halos araw-araw akong nasa tabi mo. Laging ako ang nagtuturok sa mga gamot mo, kahit ano mang oras bumabangon ako para alagaan ka."





"But when the time that you gain consciousness mula sa pagkakacoma. Pinadala naman ako ng mga magulang ko sa America para ipagpatuloy ang pag-aaral ko."





My voice broke ng maramdaman ko ang paghawak niya ng mahigpit sa mga kamay ko. Like saying that she's just there, listening.





"Pero kahit kailan hindi ka naalis sa puso't isip ko. Lagi akong tumatawag kay Paris para makibalita sayo. Kung umiinom ka ba ng gamot mo sa tamang oras, kung nakakapag-exercise ka ba..."





I gritted my teeth as tears started to stream down my face. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol.





"W-wala man lang ba akong prize? Ako lang ang hindi nabura ang mga alaala Jana. Bakit ang lupit naman ng tadhana satin?!"





Niyakap ko siya ng mahigpit at binaon ang mukha ko sa balikat niya. Her body feels so cold already pero ramdam ko pa rin ang mga kamay niyang mainit na nakahawak sakin.





She's still here. She's still with me.





"S-Salamat..." She whispered and my heart started to break. Kahit mahina iyon tumagos iyon sa puso ko.





She said thank you, pero para na rin siyang namamaalam. I never thought 'Thank You' would have any other meaning.





Nagsimula ng mag-agawan ang mga kulay sa langit. Mahigpit kong hinawakan si Jana. She's still with me. Ramdam ko pa rin ang init ng mga palad niya.





"C-Crimson..." she called me. Nagpunas ako ng luha.





"Hmmm? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba?" I asked her at hinalikan ang ulo niya.





"Inaantok na ko..." She whispered. Umiling ako at humikbi. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.





"No, maaga pa." I said.





"Kapag ba nakatulog ako hinding-hindi na ko magigising?" She asked.





"Sshhh wag mong sabihin yan..." I whispered to her. Napalunok ako dahil sa sobrang panunuyo ng lalamunan ko.





"I love you..." She whispered...





Niyakap ko pa siya lalo at siniksim ang mukha ko sa leeg niya. "Mahal na mahal kita." I sobbed...





Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.





She's still here with me...


Napatingala ako sa langit para bumuga ng hangin dahil hindi ko na kinakaya ang bigat sa dibdib ko. Unti-unti ng nagdidilim ang paligid.




Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak ni Jana sa mga kamay ko.



"No! No! No please..." Umiiyak kong sambit. Malakas ang aking pag-iyak habang pilit kong hinahawakan ng mahigpit ang mga kamay niyang ngayon ay nanlalamig na.




Hindi na siya nagrerespond. Wala na kong maramdamang init mula sa katawan niya. Wala na kong marinig at maramdamang paghinga.





"WAAAAHHHHHHH!!!!!!" I screamed at the top of my lungs kasabay ng tuluyang paglubog ng araw at pagdilim ng paligid.





"JANAAAAAAAAA!!!!!" Niyakap ko ng mahigpit ang babaeng tangi kong minahal, ang babaeng nagbigay kulay sa boring kung buhay, ang babaeng nakakapaglagay ng ngiti sa king mga labi...





Binuhos ko lahat ng hinagpis at sakit na nararamdaman ko sa pagsigaw at pagluha. Ramdam ko ang unti-unting pagkamatay ng pagkatao ko, ng puso ko...



Wala na....



Wala na siya....


Jana, mahal ko kung asan ka man... tandaan mo... Mahal na mahal kita...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top