Rule #41 Last Heartbreak

NOTE: Elemental Five doesn't know anything about the relationships of She Royals and Black Parade. Except Zee and Bea. 


LHORRAINE's POV


I can't find anyone of them, they promised na walang hihiwalay but now kahit isa sa kanila hindi ko na mahanap. Nahihilo na rin ako dito sa malaking spotlight na umiikot-ikot. 


"Aww!" I gasped. Ang lakas ng pagkakabunggo niya sakin kaya napasalampak ako sahig. D*mn!!! It hurts!!! 


"Sorry Miss! Pasensya na may tinatakbuhan lang kasi ako." He said and caught my arms para iangat ako patayo. He's broad arms covered my thin arms as he easily pull me up. Napasinghap ako ng hawakan niya ang bewang ko pagtayo ko. 


And my eyes widen as I saw his face. I always knew gym is his second home but I didn't expect him to be this bulky as he is now. I think he could crush me just by holding me. 


"Okay ka lang? Hindi naman na bagok ang ulo mo?" He asked. Umiling ako sa kanya and he slowly let go of me. Napahawak ako sa chest ko sa sobrang kaba. I suffered from severe malnutrition. As a Wind Demon, we ought to eat less 'cause we need to be light as possible. We never really get hungry dahil na rin sa nature namin but it almost kill me when I became a human. 


I ended up having a Stomach Cancer, and the process of gaining weight was too painful for me. But now I am fine and totally healthy yet still gaining weight and muscles. 


"Miss are you okay? Dadalhin na ba kita sa hospital?" Briggs asked me. Umiling ako sa kanya and slightly smiled. 


"I-I'm okay." I answered kahit medyo masakit ang katawan ko. Bahagya kong pinampag ang suot kong dress. 


"Pasensya ka na ha? Yung girlfriend ko kasi naglilihi kaya lagi akong inaaway, nagtatago na lang ako minsan para hindi niya ko masaktan ayoko namang magalit dun." He chuckled. 


Natigilan ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ofcourse, after all these years he deserved to be happy, masaya ako dahil nahanap na niya ang babaeng magmamahal sa kanya ng buo. 


"You're soon to be a Daddy then?" I fake my smile. I miss this guy. 


"Yeah, nauna na ang honeymoon." He laughed. "By the way, I have to go, hindi niya ko pwedeng abutang nakikipag-usap sa babae." He winked and slightly tapped my shoulder bago nagtatakbo paalis. 


Napahawak ako sa braso, it was a slight tap pero masakit. Masakit sa braso at masakit sa puso.


"MAMA!!" I heard a familiar voice kaya napalingon ako. My world froze when I saw Ash na naglalakad papalapit sa direksyon ko. Isang batang halos 2 years old pa lang ang nasa mga balikat niya at nakahawak sa buhok niya. 


"She's not your Mom, Macey." Ash said. His cold broad voice makes me shiver. Hindi naman ganito kalalim ang boses niya noon. He's towering me, mas mataas siya kaysa kay Briggs, he's body may not be as broad as Briggs pero halatang hindi nito pinapabayaan ang sarili niya. 


"Mama!" 


Natigil ako sa pagmumuni-muni as I looked at the child. Parang gumuho ang mundo ko when I realized their resemblance. I clenched my fist, it is not impossible, halos ilang taon kaming di nagkita, hindi na nga rin niya ko maalala. Hindi nga impossibleng may makilala siyang iba na may iba pa siyang mamahalin. 


Rinig na rinig ko ang pagkadurog ng puso ko. I bit my lower lip at tinalikuran silang dalawa. I am not needed here anymore. 


"Lhorraine saan ka pupunta?" I saw Yancey. I pressed my lips tightly at yumuko. 


"Macey baby, come here." Napataas ako ng tingin at napatingin ako kay Yancey na kinuha mula kay Ash yung bata. 


"This is Macey, Lhorraine. Anak namin Thunder." Yancey said and I gasped. 


"May anak na kayo? How come I didn't know? Ni hindi ko alam na kinasal ka na pala!" Gulat na gulat na tanong ko. 


"Well, that's life." She smirked and left me dumbfounded. Kaya pala may resemblance yung bata kay Ash kasi anak yun ng kuya niya. Since, when did I become this stupid?! Tsk. 


Suddenly, I felt the awkwardness as Ash kept on staring at me. Feeling ko nga tumatagos ang bawat titig niya sakin. 


"E-Excuse me---"


"Lhorraine..." He utter in a deep, broad voice. Napalunok ako as I tried to glance at him. Nanlaki ang mga mata ko when he suddenly pull me. His face is just few centimeters away, he slightly sniffed me. He looked at me in the eye after, na para bang kilala niya ang amoy ko. 


Hinapit niya ko sa bewang kaya napasinghap ako as his mouth fully covered mine. Nawindang ako sa biglaang pangyayari especially when he slightly pulled me up to kiss me fully. 


Muntikan na kong matumba when he let go of me as I immediately covered my mouth. 


"It's been years but I still remember your scent, I can still remember your taste." He said as he licked his lips. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Marami pa namang tao sa paligid namin!!


"But who are you? Why have I been longing to touch you? To kiss you? To make love to you? When I don't even know you?" Naglakad siya papalapit sakin kaya napaatras ako. 


Ang lakas ng pintig ng puso ko, I feel like I'm gonna faint soon. 


Umiwas ako when he was about to touch me again, baka tuluyan na kong mahimatay kapag hinawakan pa niya ko, my heart can't handle this situation anymore. 


I squint when he grab my arm tightly. Then, suddenly binuhat niya kong parang sako sa balikat niya. 


"Put me down!" I screamed. 


"Not until you promise me that you won't leave me again!" Mabilis siyang naglakad and I don't know where he's taking me. 


"Ash ano ba?! Nakakahiya! And FYI, hindi kita iniwan, ikaw ang nang-iwan at ikaw ang nakalimot!!" Nahihilo na ko sa posisyon ko. Agad niya kong binaba at inalalayan ako para hindi ako matumba. 


Wala ng ibang tao sa lugar kung saan niya ko dinala and his hand is not leaving my waist. 


"Don't you find it weird?" I asked him. Pinagsiklop niya ang dalawang kamay niya sa likod ko slightly pushing me towards his body. 


"Our dreams already answered our questions. Our memories left our minds but not our hearts." He totally wrapped his arms around me kaya nakayakap na siya sakin ngayon, sniffing me again. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.


"You smell heavenly, I don't wanna think anymore. But I am pretty sure, someone owns me, someone owns my heart. I know it's you Lhorraine." He said. He glanced at my face at bahagyang hinaplos ang mukha ko. 


"Ako'y sayo at ika'y akin lamang..." Korning sabi niya. 


------------------

KRISTINE's POV

"Umuwi ka na baby... Umuwi ka na baby, hindi ako sana'y na wala ka, mahirap ang mag-isa." 


He has been and will always be a chick magnet. Nakaupo lang ako sa gilid watching him serenade the ladies with that cringy song. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang playboy. His grins are drowning the crowd. 


Napabuntong hininga na lang ako at ininom ang wine na iniabot sakin nung waiter kanina. Nagstay na rin ako dito sa pinakasulok at madilim na parte dahil kanina pa ko hindi tinatantanan ng mga bachelors of all ages.


I didn't suffer anything worst since I became a human, mostly body pains, poisons and bone fractures lang. 


"Are you enjoying the party?" Napahawak ako ng mahigpit sa baso ko. It was Jane, the ever bitch Jane. Why is she talking to me anyway? As if kilala niya ko! She's not friendly I know!


"Wave looks so dazzling as always." Nangalumbaba siya sa mesa and as she watches Wave on the stage. 


"I know that." I said with my bitchy tone. 


Ngumiti siya sakin na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Nanlaki ang mga mata ko when I saw something sparkly on her finger. It's a ring, an engagement ring to be specific. Bigla akong nanginig sa nakita ko. 


"Y-You're engaged..." I uttered. She smiled at me and showed me her ring. A blue sapphire ring with diamonds. "It's pretty." 


"I know, I am so happy I could wear it even if we're already married." She said sabay tingin sa direksyon ni Wave. I bit my lower lip. So they did end up together??? 


I silently grasped for air. I feel like I'm choking. I walked out. Hindi ko na kinaya ang mga nasa utak ko. Mababaliw na ko kapag nagstay pa ko dun, and worse baka kung ano pang magawa ko. 


"Hey Miss, you alone?" Someone approached me kaya napatigil ako sa paglalakad. Umirap lang ako sa kanya at nilagpasan siya but he caught my arm. 


"I'll tell you one thing, back off!" I hissed.  He clenched his jaw at akmang sasaktan ako when someone caught his arm on the air. 


"Leave or I'll call the police." He said firmly. Marahas na hinawi nung lalaki yung kamay niya and glared at me bago umalis. 


"Are you okay?" Vixen asked me. I am too surprised to see him. Bakit siya nandito sa party eh diba galit-galit sila ng He Royals? 


"Ah yeah, kaya ko naman sarili ko." I said coldly. 


"Medyo revealing ang suot mo kaya siguro kanina ka pa nila nilalapitan, do you want to borrow my coat?" He offered. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. 


"Look I mean no harm, kanina pa kasi kita napapansin and you look irritated dahil sa mga lumalapit sayo, well kapansin-pansin ka naman talaga, you're too beautiful to ignore." He said. I harshly looked at him. 


Simula nung naging tao ako naging kalbaryo ko na ang itsura at katawan ko. I feel like I need to cover up most of the time, hindi ko na maisuot lahat ng gusto kong isuot 'cause I can't protect myself anymore. Hindi ko na kayang protektahan ang sarili ko laban sa mga mapagsamantala. 


"I'll wear anything I want." I hissed. 


"Ofcourse you can, pinapaalalahanan lang kita." He smiled at me. He took off his coat pero bago pa man niya yun ibigay sakin. Someone already covered my back and wrapped me with his coat. 


"People will misunderstood you." Wave said to Vixen. Nahigit ko ang hininga ko. Even with his coat on, ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya na nakadantay sa balikat ko. My heart is pounding hard inside my chest right now. 


"It's okay, I hope you're okay now miss." Jane approached us. Umakbay sa kanya si Vixen and he kissed the side of her head. Biglang sumakit ang ulo ko dahil gulung-gulo na ko. 


"I thought..." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. I heard Jane chuckled. 


"No! This guy here is the love of my life." Jane said as she looked at Vixen with full of love. Nailang ako sa klase ng tinginan nila. D*mn! This is so awkward and weird. Nakamove on naman na ko kay Vixen, but d*mn hindi pa ko nakakamove on sa pag-uugali ni Jane!!


But it's been years, people change and sana nga she won't hurt him kundi gigilitan kon siya ng leeg. Tsk... 


"Don't look at them with those jealous eyes." Wave whispered to me. Ngayon ko lang narealize na sinusundan ko pala ng masamang tingin sina Jane at Vixen  na masayang naglalakad palayo samin. 


Agad akong lumayo kay Wave at hinawakan ng mahigpit ang coat niya sa balikat ko. He looked at me blankly with both hands inside his pockets. He looks so good in his white tuxedo. Bigla akong gininaw sa klase ng tingin niya sakin. 


Maangas siyang nakatingin sakin. Inilapit niya ang mukha niya kaya napaatras ako. 


"Uuwi ka na ba baby?" He smirked at me. Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. 


"Don't start with me, allergic ako sa mga playboy." I hissed. 


"No worries baby, I never touched anyone romantically after high school kasi alam kong uuwi ka rin sakin." He added. I clenched my jaw. 


"Wag mo kong igaya sa ibang babae mo Wave, hindi mo ko mauuto, you don't even know me!" I snapped. 


"Kristine Sapphire Royal, 22, with a Vital Stat of 34-23-36. I also know your cup size." He grinned. Agad akong napayakap sa sarili ko.


"Napakamanyak mo talaga!" Hinampas ko siya sa braso pero tumawa lang siya. Ofcourse, ang paghampas ko sa kanya ay mahina na at hindi na niya ramdam. I bit my lower lip in frustration. 


"I saw you once sa dating bahay ni Yancey dahil minsan napadaan ako doon. You were looking outside the window, looking very sick. But still kahit namumutla ka, kahit payat na payat ka noon you still captured my heart or the better term is you already have my heart. I don't care how you look....


Noong nakita kita, nagkaroon ng sense ang mga panaginip ko. I realized that my dreams were my memories of you. Lagi ka ng nagpapakita sa panaginip ko, so how can I not know you, when you're everything I think about, especially the day that I can hold you again." 


Hindi ko namalayang umiiyak na pala ko. He held my waist at dahan-dahang isinaway ako while I'm wiping my tears. 


"So please, umuwi ka na baby, hindi ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag-isa..."  He sang and I just laughed at him. 


"Baliw wala naman tayong bahay." I chuckled. He kissed the tip of my nose. 


"Sorry, pero matagal ko ng naipatayo ang mansion natin." He smirked. 

--------------------

JANA's POV


What's the price I paid? 


Well, hindi lang price kundi kasama na ang patung-patong na interest na hanggang ngayon hindi ko pa nababayaran!!! 


Ang laki ng galit sakin ni Zeus grabe!!  *cough!* cough!* 


Well, I had a multiple organ failure. Damaged liver, kidney and other parts na hindi ko maalala, nacoma ako for about 3 years. I suffered obesity. Yeah, tumaba ako ng bonggang-bongga, naging diabetic din ako na mas nagpahirap sa mga surgeries na pinagdaanan ko.


All is well I think, until I had just been diagnosed with a Stage 3 Leukemia. But I trust our doctors, malaki ang tiwala ko sa kanila because of course they demons, they've created vaccines na nakapagpagaling sa mga sakit na hindi magamot-gamot dito sa Pilipinas. 


I'll have my last surgery tomorrow bago ako iconfine ulit for my chemotherapy. 


Hindi ko napansing napuno ko na pala yung plato ko ng mga pagkain. Napabuntong hininga na lang ako, mapapagalitan na naman ako nina Paris kapag hindi ko sinunod yung diet ko. 


"Bahala na, last na toh promise!" I exhaled. 


Tinusok ko ng tinidor yung fried chicken na nakita ko pero may nakasabay ako sa pagtusok nun. 


"Ang ayoko sa lahat yung may kaagaw ako!!!" Hinahighblood na sabi ko sa lalaking kaagaw ko ng Fried Chicken who happens to be Briggs. Kahit kailan talaga siya ang kalaban ko sa pagkain. 


"That's the last piece at ako ang unang nakakita niyan!" He shot back. Napabuga ako ng hangin at hinila papunta sakin yung chicken but he's holding it firmly. 


"Bitawan mo sabi! Ano ba?!" I shouted. 


"Marami ka na ngang pagkain diyan sa plato mo!" Sagot pa niya. Pinapainit talaga ng bulldozer na ito ang ulo ko!!


"Knowing you, I'm sure kanina ka pa nakatambay dito, nagmumukha ka na tuloy Bulbasaur!!" Naniningkit ang mga mata kong sabi. 


He laughed at me, "Whoah, sabi ng babaeng mukhang Jigglypuff!" Pang-asar pa niya. Noon pa man inaagawan na niya ko ng pagkain, hanggang ngayon pa rin ba?!!!! 


"BRIGGS!! Ano ba?! Pinagtitinginan na kayo ng mga tao!" Nabitawan ko yung chicken when I saw Rion. Bigla tuloy akong nahiya and became conscious sa itsura ko. 


"Sorry, she's just fun to teased." Briggs laughed. "She really looks like Jigglypuff when she's mad." Dagdag pa nito. Muntik ko na lang talagang higitin yung tinidor at isaksak sa muscles niya bwisit. 


"I'm sorry miss." Rion apologized to me. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. I clenched my jaw as I looked at Briggs na tatawa-tawang umalis. 


"Okay lang." I told Rion, ngumiti siya sakin habang kumakain ako ng salad, healthy living na kasi ako ngayon. 


"May girlfriend ka na ba?" I asked him. Sumandal siya sa table at humalukipkip sa tabi ko. 


"Hmm kind of." He chuckled. Napabuntong hininga na lang ako. Buti pa siya may kaforever na. Pero tiwala lang maghihiwalay din sila. "Nalate ka kasi ng dating." 


Galawang breezy... 


"Kung sabihin kong mas nauna ako sa kanya?" I asked him. He faced me at naningkit ang mga mata niya. "Alam mo ang cute mo, kamukha mo talaga si Jigglypuff." He giggled and pinch my cheeks. 


Yeah I know, tanggap ko naman na medyo chubby pa ko, na mabilog yung mukha pero tiis-tiis lang, pag ako pumayat ulit, who you sila sakin. 


"Pinaglihi ka siguro sa muscles ni Briggs." Irap ko sa kanya but he just laughed at me. 


"Hon! Kanina pa kita hinahanap!" Muntikan na kong masuka nung makita ko ang pagmumukha ni Jheraine. And what?! Hon?! Sino si Hon?!


"Sinasamahan ko lang itong bisita natin hon." Rion said at hinapit sa bewang si Jheraine para halikan sa harapan ko. Muntikan na kong maduwal sa ginawa nila. Lalagnatin atah ulit ako dito. 


"Oh Hi! I'm Jheraine, and you met my husband? Rion?" She smiled at me. 


*cough!* *Cough!* "H-Husband?!" I gasped kasabay ng pag-ubo ko. 


"Yeah, hey are you okay?! Why are you coughing blood?!" Rion held my arm para alalayan ako. Umiling ako sa kanya and wipe a tissue at my mouth. 


"Nakagat ko lang yung dila ko." I lied. Nagtatakbo ako palayo sa kanila at nagtago sa likod ng mansyon as I calmed myself. 


D*mn! Blood never tasted good anymore. I gazed at my hand na halos mapuno na ng dugo. 


"Ewww." Nakangiwing sabi ko. I wiped my hand on my black dress. The mark of blood stayed on my palm but it's okay, huhugasan ko na lang sa CR mamaya kapag kumalma na ko.


I covered my nose with the back of my hand as my nose started to bleed.. Na kay Rose kasi yung mga gamit at gamot ko. 


"Let me..." Napakislot ako sa gulat pero mas nagulantang ako when I saw his face. May dala siyang box ng tissue and rolled a sheet para ilagay sa nostrils as he gently wiped my palm.


"Asan ba yung mga gamot mo? Did you take them already? It's already past 9." He said. Para na kong natuod sa harapan niya. Medyo madilim dito sa part namin kaya tanging ang lamp post lang sa gilid ang nagbibigay liwanag sa pwesto namin. 


"Na kay Rose yung bag ko, and I can't find her." I said. 


"Okay, wait for me here. Kukunin ko lang yung mga gamit mo." He said. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod sa harap ko and I immediately grab his hand. 


"Crimson..."


"Let's talk later... Kailangan mo munang uminom ng gamot." He said hinalikan niya ang noo ko bago siya nagtatakbo paalis.


Bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkaginaw. Then suddenly I felt hot, I shivered. I felt something shutdown inside of me. Unti-unting lumabo ang paningin ko until everything became pitch black. 


I closed my eyes as I felt relieved. Unti-unting naging tahimik ang paligid, unti-unti na rin akong nakaramdam ng antok, I feel so cold, but I'm too weak to even move a finger... 


Oras na siguro para matulog.... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top