Rule #38 POVs 1
A/N: From kakilig Human World to Bitter Undeworld, ganun talaga... LAM POREBER.
CRIMSON's POV
The first time I saw her, I knew she wasn't ordinary, nasa 20th century na tayo pero kung manamit sila kala mo galing pa silang Stone Ages. Matapang siya, matigas ang ulo, palaaway.
When did I start to feel something weird towards her? Siguro nung naglinis kami ng locker rooms after ng away nila ng She Royals. The moment I touched her nung mahulog siya sa hagdan, corny mang aminin but I felt sparks baka nga hindi lang sparks kundi boltahe na yung naramdaman ko.
I witnessed how sad she looks kapag nakakakita siya ng ulan, then I realized, even though she's a strong woman, she's still fragile.
"Akala mo ginusto ko toh? Napilitan lang ako noh!" Pagtataray niya sakin nung siya ang magtututor sakin noon.
"Bakit akala mo rin ba natutuwa akong ikaw ang tutor ko? Mas gugustuhin ko pang pwersahin ang sarili kong pumasok!" Sumbat ko. But deep inside I was so d*mn happy.
It was a bliss for me to see her get irritated, ang cute niya kasing tignan kapag naasar siya, kapag siya naman yung nababara. But I felt so bad when she almost cried dahil nilagyan ko ng permanent marker yung mukha niya.
I wanted to hold her that moment but I restrained myself, baka bumigay lang ako.
Mas tumindi pa yung nararamdaman ko para sa kanya nung dumating si Carla, I felt the happiest whenever I am with her, whenever I get her attention kapag inaasar ko siya, whenever she's near me I could almost wrap her in my arms.
Then nagsimula na ang kalbaryo ko when she got to meet Throne na akala namin kabarkada namin, I was almost her bestfriend, lagi siyang lumalapit noon sakin kapag may itatanong siya, ako yung kasama niya kapag may pinupuntahan siya, but it changes nung dumating si Throne.
I was so furious, I know wala lang ako sa buhay niya but she already occupied a huge space in my heart.
She's the first girl I have ever danced with, ni hindi ko pa nga isinayaw si Mommy. Her laughs were like music in my ears, that moment I know, I wanna spend all my first times with her.
Yeah, it was the first time I ever fell in love.
Kahit matapang sila at palaban, She Royals are still gangsters, we wanted to protect them at all 'cause even if it means breaking our hearts. But again, nagkamali na naman kami ng akala they were different, they were stronger, they don't even need a protection.
Things got more complicated nung dumating si Daemon, whom we thought was Lhorraine's fiance, pero kay Jana pala. I feLT betrayed. I felt like I was shattered into pieces, I admit I got mad, but every time I see her, mas lalo ko lang siyang namiss. Mas lalo ko lang siyang gustong yakapin ng mahigpit.
I wanted to snatch her from Daemon, I wanted her for me and only for me.
Then we found out they were Demons, feeling ko gumuho na ang mundo. She is too far different from me. My mind was battling with my heart, halos mabaliw na ko kakaisip kung anong gagawin ko, kung anong iisipin ko, kung anong mararamdaman ko.
Yet, still I decided to risk everything, wala na, talo na ng puso ko ang utak ko. I chose her over my life as a human. Alam kong galit siya sakin, it took us too long para marealize naming gusto namin silang protektahan magkamatayan man.
Then Rion came, siya na siguro ang pinakamalaking hadlang saming dalawa, I was so frustrated, she treated them as friends pero mas marami pa silang nagawa para sa kanya kaysa sakin. Paano ko magagawa lahat paRa sa kanya when she doesn't even need me?
Sapat na bang mahal ko siya? Hindi diba? I wanted her to need me, just not to love me, gusto ko ako yung una niyang tatawagin kapag may pupuntahan siya, una niyang tatanungin kapag meron siyang hindi alam, I just wanted to be first in everything in her life kahit gaano man yun kaliit o kababaw.
Sino nga ba ko sa buhay niya? Ano nga bang papel ko? When she can almost do anything for herself?
But I stopped asking that to myself, I became selfless, she looks like she can do everything on her own, but atleast I wanted her to feel my support, na andito lang ako para sa kanya, kahit maliit na tulong lang.
This time, tapos na ang digmaan, I thought we can already start anew. Pero bago pa kami makapagsimula ng bago, wala na pala, natapos na.
I wasn't able to make her feel my love, I wanted to court her, dahil hindi ko siya naligawan noon, gusto ko sanang dumikit sa kanya to the point na wala ng iba pang makakalapit sa kanya. Gusto ko pa sanang iparamdam sa kanya na siya ang mundo ko.
Na ganito ako magmahal, na ganito magmahal ang isang Crimson Vince Zanders...
Pero mukhang huli na ang lahat...
I guess hindi ko na matatanong sa kanya ang mga katagang nais ko sanang banggitin after kong maging successful sa buhay at makapagpatayo ng sarili naming mansion.
Siguro kikimkimin ko na lang hanggang sa huli...
"Jana, mahal kita. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay...."
WAVE's POV
Siguro nga sa aming magbabarkada ako lang talaga ang mahilig sa babae, I admit mas lapitin si Leif kaysa sakin, pero ako nakukuha ko lahat ng babaeng nagugustuhan ko.
Pero nagbago lahat ng iyon nung dumating siya, lahat ng ayaw ko sa isang babae nasa kanya. She was ugly, sensitive, baduy at higit sa lahat--virgin. Nasanay akong napapatili ang mga babae kapag dumadaan ako, every girls wanted me, I was confident with that but she was different.
She always looked at me na parang nakakadiri ako kahit mas mukha siyang nakakadiri kaysa sakin.
Kailan nga ba nagsimula ang lahat? Siguro sa locker room nga talaga, may magic din pala yung locker room na yun. Naramdaman ko na lang na naiinis ako kapag ngumingiti siya sa ibang lalaki, na mabait at maayos naman siyang makipag-usap sa iba.
But why can't she be nice to me? I also wanted to see her smiles at me kahit ang pangit ng braces niya. Kaya siguro simula noon lagi na kong nakadikit sa kanya, para asarin siya, pikunin at makuha ang atensyon niya.
I was too confident na magugustuhan niya ko if I pester her, but I was wrong ako pala ang nahulog sa kanya.
I thought hindi ko kayang magseryoso but I was wrong, everything about her gusto ko seryosohan. I never thought I would be d*mn obsessed with a girl na hindi naman kagandahan.
Hindi pala babaeng magaling sa kama ang hanap ko, kundi babaeng makita mo lang feeling mo heaven na.
I was so d*mn happy nung maging kami, wala ng ligaw-ligaw kami na agad. I cannot express how happy I was. It's just everything just felt so magical and I felt like I was the luckiest man alive.
Marami kaming pinagdaanan, maraming awayan, maraming sakitang naganap. Pero kahit ganun, kahit nalaman naming iba sila hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit pilit ko noon pinapatay yung nararamdaman ko, kahit pilitin kong sundin ang utak ko, it kills me everytime she's near.
Kahit anong pilit kong ibaling sa iba yung nararamdaman ko I can't,
I end up realizing I already gave her all my heart kaya wala na akong maibigay sa iba. Everyday without her, kalahati ng pagkato ko ang nawawala. I felt empty, I felt like I was walking dead, parang nawalan ng saysay ang buhay ko nung binitawan ko siya.
And winning her back wasn't the easiest thing to do, I knew I've hurt her, I even doubted myself if worth it pa ba ko sa kanya.
But yeah, the struggle was real, pakapalan na lang talaga siguro ng mukha. I'd used the fact the mahal pa rin niya ko kahit may totoy Vixen na nakikisawsaw. I know she likes him pero kumapit ako sa katotohanang mas mahal niya ko.
Siniksik at dinikit ko ang sarili ko sa kanya. I know it wasn't the most worth it thing to do, but I was too desperate to win her back. She was mine and always be mine.
I am Wave Daniel Montereal,
Kristine Sapphire's handsome owner and possession.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top