Rule #37 Limit
"Lakas makaEmergency meeting Yancey ah?" Jana grinned at Yancey nung ipatawag niya silang lahat. The Elemental Five, Tieflings, Leila, Stella, Throne and Hunter.
"May importante akong sasabihin sa inyo." Yancey said seriously kaya pati si Jana nanahimik na lang. Kahit papano alam niyang tumahimik.
"Kailangan niyo ng bumalik sa mundo niyo mga Tieflings."
Natigilan ang lahat sa narinig. They weren't expecting that. They knew eventually kailangan nilang bumalik but not this soon.
"Sa lalong madaling panahon, kung pwede lang sanang ngayon na, then let's go." Yancey said insensitively.
"W-Why that soon?" Wave asked her.
"Hindi para sa mga tao ang Underworld, we have different kind of air to breath, iba yung tubig namin, yung pagkain and everything, nakatagal lang kayo dahil sa protection ng elemental rings, at ngayong wala na ang mga ito, your bodies are no longer immuned, everything will be poisonous."
Ni isa walang gustong magsalita they were all thinking and confused.
"You just have to go then?" Jana said like it's just as easy as 123.
"Just go?! Ganun-ganun lang? We don't know what will happen next, makakapunta ba kayo sa mundo namin?" Crimson asked hysterically.
"No, they will stay here. The portal will close pagkalabas niyo." Yancey said.
"What?! Wala na bang ibang paraan Yancey?" Lhorraine asked her. Bumuntong hininga si Yancey at umiling.
"Nung una pa lang pinaalalahanan ko na kayo, human and demons were never bound to be together." Malungkot na saad ni Yancey.
Kristine bit her lower lip as she was trying so hard not to cry but she couldn't help it. Napaubob na lang siya sa mesa and poured her heart out. Wave stroked her back and kissed the side of her head to comfort her.
Si Lhorraine naman hindi na mapakali, thinking of any possible way para makasama niya pa si Ash. Ash clenched his jaw at marahas na sinuntok yung pader.
Kanina lang nagkaayos sina Rose at Leif, but here they are on the verge of breaking up again.
Napahawak na lang si Daisy sa engagement ring niya, it broke her heart knowing that she won't marry the guy she wanted to spend the rest of her life with.
Jana is just sitting there blankly, para na siyang napapalibutan ng itim na aura ngayon. She already lost everything pati ba naman si Crimson mawawala pa sa kanya.
Halos magwala na silang lahat, so frustrated that this day has arrived.
DAEMON's POV
I clenched my jaw as I looked at them. Nothing but frustration, sadness and anger are seen on our faces.
"Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko, masasaktan ka lang." Leila said to me. Napatingin ako kay Daisy na napayuko na lang.
D*mn! Naiiyak ako! Bakit ba kailangang humantong lahat sa ganito?! Tsk.
"If that's the case then kailangan niyo ng maghanda, bawat segundong nagtatagal kayo dito nagiging mas delikado." Dagdag pa ni Stella. We looked harshly at her pero nagkibit balikat lang siya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang balikat ni Daisy and faced her. Kitang-kita ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya na mas lalong nakapanghina ng loob ko.
"Y-you have to go..." I stuttered. Napasinghap siya at napayuko bago ko narinig ang paghagulgol niya.
"I'd rather want you to live the rest of your life without me, kaysa hayaan kang unti-unting mamatay sa mga bisig ko." Matatag na sabi ko. He held my arms at umiling-iling. Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ang mga luhang umagos dito.
"Wala na tayong magagawa, I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Humagulgol siya sa balikat ko. I can hear the pain in her voice. I hugged her tighter dahil ramdam ko na ang panlalambot niya.
I need to be strong for her even if it's killing me.
ROSE' POV
"I guess wala na talagang pag-asa." I gritted my teeth dahil pinipigilan kong umiyak. He's looking at me na may bakas ng galit at lungkot. Like telling me na hindi na dapat ako magtapang-tapangan.
He was right, I'm already at my limit. Hindi ko na kinaya. Napaupo na lang ako sa sahig and cried my heart out silently. Umupo sa tabi ko si Leif and he was just silently listening.
"Hindi yan ang gusto kong makita sa pag-alis ko." He said as he cupped my face at bahagyang pinunasan ang mga luha ko.
I grab his shirt habang nangangatal ang bibig ko. I wanted to say something pero nahihirapan akong huminga sa sobrang pag-iyak.
"Gusto kong baunin ang mga ngiti mo sa pag-alis namin." He smiled at me. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng makita kong napaluha siya habang nakatingin sakin.
"Ayoko. Hindi ko kaya." I sobbed. He wrapped me in a warm hug at hinalikan ang ulo ko. Humahagulgol na ko sa dibdib niya and wala na kong pakealam ganu man kalakas ang pag-iyak ko.
I just can't let go of him. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
LHORRAINE's POV
Ito na siguro ang pinakamasakit, pinakamahapdi at pinakamahirap na pagsubok. Feeling ko tuluyan ng gumuho ang mundo ko as I stare at Ash blankly. Dumudugo na ang kamao niya kakasuntok sa pader.
"I'm sorry, wala akong magawa." I said. He looked at me at umiling.
"Don't say that, it's not your fault. But d*mn! I need you." He cried and embraced me. Sinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko and poured his heart out. I am too hurt now to even cry.
If only I can cure emotional pain, kung bakit kasi walang gamot sa heart break. Hindi sana ganito kasakit ang nararamdaman namin ngayon.
If this it the end of us, sana dito na rin magtapos ang buhay ko. Losing him, is like killing a big part of me. Mawawalan ng sigla at kulay ang buhay ko sa pagkawala niya.
Kakayanin ko ba? Hindi ko alam.
"H-Hey, I love you." He said as he cupped my face. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at dun na bumuhos lahat ng sakit na kinikimkim ko. Nawalan na ng bisa ang pagiging Demon niya and he can't be a demon again dahil ikakamatay na niya ito, dito na talaga magtatapos ang lahat.
"Be strong my love, magkalayo man tayo, I promised to live my life to the fullest. Gusto ko ganun din ang gawin mo, I know it's hard and painful, but please I want you to promise me na mag-iingat ka at magiging masaya ka." He said.
Tumango ako sa kanya kahit sa kaloob-looban ko, alam kong ayoko at hindi ko kaya. But he promised me he'll live a better life and I couldn't ask for more. He has done more than enough.
Siguro nga oras na para sarili naman niya ang isipin niya.
Oras na para magparaya.
KRISTINE's POV
I'll die a virgin.
Sigurado ako dun, wala na... Wasak na wasak na ko. I can't think straightly. Mababaliw na talaga ako!!!
"Tumigil ka na kakaiyak, babahain na tayo." I heard Wave commented kaya nahampas ko na.
"Nagagawa mo pang magbiro eh pinaghihiwalay na nga tayo!" I whined at umiyak ulit. Bumuntong hininga siya and clenched his fist.
"Paano na ko?" I sniffed, I looked at him and he was just staring at me blankly.
"Paano na tayo?" He asked.
"MagpakaRomoe and Juliet na lang tayo." I said weakly at nakaramdam naman ako ng matinding kurot sa pisngi ko.
"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, reality is just so cruel. Pinagtagpo tayo, pero hindi itinadhana. Baka yung totoo talagang para sa atin nasa tabi-tabi lang."
Marahan kong tinapik ang pisngi niya para tignan niya ko sa mga mata.
"How can you say that? Tayo ang nakatakda para sa isa't-isa." I hissed as I bit my lower lip.
"Sorry. Mahal na mahal kita. I can't take this anymore." He sobbed at niyakap ako. He's trying to sound strong and fine pero alam ko, gaya ko, hirap na hirap na rin siya.
"Kaya natin toh. Kakayanin natin toh, masakit, mahirap pero kakayanin, diba?" I said as I was holding his hands tightly. He smiled at me while tears are streaming down his cheeks.
D*mn! I love this man so much. Hindi ko atah ito kakayanin.
JANA's POV
Wala naman silang dapat ihanda pauwi dahil wala naman silang gamit na dinala dito. Mga sarili at puso lang namin ang kailangan naming ihanda para sa agaran nilang paglisan sa mundo namin.
"May gusto ka bang sabihin sakin?" Crimson asked habang nakatingin siya sa malayo. Wari'y kinakabisa ang itsura ng buong kaharian.
"I won't say my goodbyes." I gritted my teeth. Humarap siya sakin at naglakad papalapit.
"Mahal mo ba ko?" He asked and I just nodded at him. Biting my lips tightly para pigilan ang sarili kong mapaiyak.
"Then that's enough, I'll take your heart with me, as I leave with you my heart." He said giving me a faint smile pero bakas ang lungkot sa mga mata niya.
"Malulungkot ka ba kapag wala ako sa tabi mo?" I asked him and he nodded.
"Darating ba yung araw na makakalimutan mo ang nararamdaman mo sakin at magmamahal ka ng iba?" I asked. He clenched his jaw and glared at me.
"Are you pushing me away?" He gritted his teeth at mahigpit na hinawakan ang mga balikat ko.
"I am not. Pero hindi impossible diba?" I asked him kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Tao sila, parte na ng pagkatao nila ang pagmamahal, natural na iyon sa kanila. Pero samin hindi.. Natuto lang kami dahil sa kanila. '
Mabilis magbago ang nararamdaman ng mga tao. Pero mananatili samin ang pagmamahal na ito sa loob ng ilang daang taon. Ilang daang taon kaming mangungulila.
Pero ganun naman diba? Demon kami at Tao sila, kahit pagmamahal hindi yun mababago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top