Rule #35 Shining
Daisy's POV
Everything becomes weirder. Si Leif at Rose may LQ, si Kristine at Wave nag-iiwasan. Si Crimson at Jana sweet na sa isa't-isa.
"May nangyari ba sa inyong dalawa?" I asked Wave and Kristine. Nanlaki ang mga mata nila.
"W-Wala ah! Ang dumi ng utak mo!" Kristine gasped and her face turned red.
My forehead creased. "Huh? I was just asking if nag-away ba kayo or what? Anong madumi dun?"
"Wala ba talaga?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Daemon sa kanila.
"Wala Daemon! Duhh! And please stop prying!" Kristine spat and then walked out. Napatingin ako kay Wave at Daemon na nakangisi sa isa't-isa.
"Kung makangisi kayo sa isa't-isa parang kayo magkakatuluyan ah?" I shot at them.
"Haha, wala Daisy, walang nangyari samin ni Kristine, bad mood lang yun kasi wala ngang nangyari." Wave laughed and I am so puzzled right now.
"Stop it Wave, alam mo namang limited lang ang capacity ng utak ni Daisy, hindi kayang iprocess ng utak niya yang sinasabi mo." Daemon teased me kaya sinapak ko na sa balikat.
He just laughed at me kaya inirapan ko na.
"Tara na nga, sasamahan mo pa kong mamamasyal sa bayan." He said pagkaakbay niya sakin. Pagkalabas namin ng palasyo may karwahe ng naghihintay samin. Lakas makaCinderella.
Salitan sina Daemon at Leila sa pagbisita ng mga bayang nasira sa digmaan, almost everyday silang naglilibot to determine the needs ng mga nasasakupan nila.
He's busy most of the the time, I'm also busy watching him. Naiintindihan ko naman kung bakit wala na siyang masyadong oras para sakin. It's fine. It's okay.
"Tara na sa palasyo..." He said. Pagkabalik niya dito sa karwahe.
"Huh? Diba dapat hanggang hapon pa tayo dito?" I asked him. Halos kararating lang namin.
"I know my priorities, at sa ngayon ikaw muna ang priority ko." He winked at me. Napangiti na lang ako as I glanced at him.
"Baliw... I'm fine."
"Baliw, I'm not. Kahit magkasama tayo araw-araw, namimiss pa rin kita." He said. Napailing na lang ako as I bit my lower lip. He pressed his palm on my cheeks and made me look at him in the eyes.
"Naiintindihan mo ba? Medyo slow ka pa naman." He chuckled.
"Ang hard mo talaga sakin!" I rolled my eyes at him. Tumawa lang siya, at sinabihan yung coachman na ibalik na kami sa palasyo.
"Si Rose." I told Daemon when we saw Rose sa labas ng gate. She's staring at the gate blankly. Pinatigil namin ang karwahe at agad kaming bumaba ni Daemon.
"Rose..." Daemon called her. Lumingon siya samin and smiled.
"Kamusta?" She asked.
"Anong ginagawa mo dito sa labas? Sumabay ka na samin papasok." I told her. Bumuntong hininga siya at tumingin sa kawalan.
"Galit pa rin ba siya?" She asked us.
"Mag-usap kayo Rose." Daemon told her.
"Oo nga Rose, don't be like Jana na puro kabitter.n ang alam, tignan mo ang tagal bago naglevel up yung relationship status niya." Dagdag ko pa.
"Infairness Daisy talino mo today." Rose grinned. Napabuga na lang ako ng hangin and rolled my eyes at her.
"Let's go. Magmomoment pa kami ni Daisy." Daemon winked at Rose as he held my hand. Feeling ko tuloy ang pula-pula ko na as Rose kept on grinning at me.
-------
Tahimik kaming lahat while we're watching Rose and Leif staring at each other. Nagtititigan lang sila for few minutes now.
"Magsasapakan kaya sila?" I heard Jana whispered.
"You knew that won't help." Kristine whispered back to her.
"And you think nakakatulong itong panonood natin sa kanila?" Lhorraine responded.
"They need back up, malay mo magsapakan talaga sila."--Jana
"I think they need more privacy than back up." Dagdag ko naman.
"Come on guys, hayaan na natin silang mag-usap." Daemon said. Narinig naman namin ang pag-angal ni Jana at Kristine but they don't have any other choice. Nagkanya-kanya na rin kami ng alis.
"Besides, we also need some privacy." Daemon grinned at me at inakbayan ako.
"You're acting creepy." Sabi ko. Tumawa lang siya. Pumunta kami sa garden, sabi niya gusto niyang mag-usap kami buong araw. He wants to know me more, and if possible everything about me.
Buti na lang may mga maids na nagseserve ng tea habang nag-uusap kami.
"I just have to get something, dito ka lang." He said, tumango lang ako sa kanya as I looked at him run away.
"Isang tanong, isang sagot." I gasped ng biglang nagpop in si Leila sa harapan ko out of nowhere.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Why is he so obsessed with you? May lahi kang mangkukulam noh?!" She spat.
"Sabi mo isang tanong lang?" Kunot noong tanong sa kanya.
"Eh di tatlong tanong, basta may sagot!"
"You really don't like me, do you?" I asked her. She's polite sometimes, but most of the time stingy siya sakin.
"You're taking my brother away from me, paano kita magugustuhan?" Nakahalukipkip na sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako at sumundal sa backrest ng upuan ko.
"He's not yours, you don't own him." I said, trying to conceal the bitchiness in my voice.
"He's my brother..." She hissed.
"He's JUST your brother." I emphasized. She clenched her jaw and gritted her teeth. "And we should stop this, we both love Daemon."
"You knew this is just temporary, masasaktan lang siya kapag bumalik na kayo sa mundo niyo." Natigilan ako sa sinabi ni Leila, she's definitely right. Alam namin yun, we're aware of it na hindi na kami magtatagal dito.
"Leila..." Sabay kaming napatingin ni Leila kay Daemon. "You can now leave us." Matigas na sabi ni Daemon sa kanya. Leila bit her lower lip, naiiyak siyang tumakbo paalis at palayo samin.
Umupo si Daemon sa dati niyang pwesto and held my hand.
"I'm sorry." He said. Umiling ako sa kanya and smiled at him.
"It's okay, I'm not the perfect girl for you Daemon, but as long as humihinga ako, hindi kita bibitawan."
He smiled at me and pinched my cheeks. "Kahit bitawan mo ko, hindi ka na makakawala, dahil itatali na kita."
My eyes widen ng bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko, holding a tiny box with a shining diamond ring in it.
"W-what?" I gasped.
"You don't have any other choice but to marry me." He declared and put the ring on my finger.
D*mn! I'm still 18!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top