Rule #25 The Goddesses

Nakatingin lang ang mga Tieflings sa Fragile Form ng tatlo. They don't know what to think and believe anymore. Kahit ano namang gawin nila'y wala silang laban, walang magbabago. 


They don't know if they should trust them or not. But they did what they said. Binantayan nila ang kanilang mga Fragile Forms. Parang tumitibok ang mga fragile forms nila kasabay ng pag-ilaw-ilaw ng mga ito. 


JANA's POV

Naalibadbaran na ko! Bakit laging POV ko na lang?! Tsss. 


I met with Stella and Daemon after naming libutin ang Underworld, mukhang wala pa namang hinala si Hades but I can sense that Zero is not trusting us that much. He can be a great asset, magiging malaki siyang tulong kung aanib siya samin, but his loyalty is with my father. 


"How is it?" I asked them. 


"Ignis can protect them, but still after all of these, alam kong nahihirapan silang unawain at pagkatiwalaan tayo but I hope they would." Daemon said. I clenched my jaw. 


We know hindi maganda ang ginawa namin but we need to rush things, we need to kill them for them to be born again at mag-evolve ulit at makuha ang tiwala ni Hades. But still I'm in doubt kung magiging sapat na ba ang pwersa namin laban sa kanya. I failed to measure his power. He can conceal them. 


Kailangan ko ring mag-ingat kay Ina, she's a Black Demon now, kapag nakipaglaban kami ni Stella sa kanya, I'm pretty sure, Stella will be slayed. I need to be stronger hindi ko hahayaang mawala ulit ang kapatid ko. 


THIRD PERSON's POV

They've been quiet for hours, natrauma sila sa mga nangyari sa kanila. They are just unconsciously waiting for Princesses to be born again, hindi na nga rin nila maramdaman ang gutom at antok. 


Ignis roared napahiyaw silang lima sa gulat. 


"D*mn this Dragon!" Crimson cursed. 


"Malapit na silang maisilang muli." Ignis said through telepathy kaya nagkatinginan silang lima. 


"You can actually talk." Daisy gasped. 


"Ilagay niyo ang perlas sa batis." He said. Nagkatinginan muna silang lima then did what he said. Maingat nilang dinala sa batis ang perlas. Nakakasilaw ang liwanang nito as soon as it touched the water. 


"Ilagay niyo sa ibabaw ng higanteng kabute ang bahay-uod (cocoon)." 


And again they did what he said.


"Ipatong niyo sa kumpol ng mga dahon ang itlog." 


"Ngayon mga tieflings, kumuha kayo ng kaliskis ko at sugatan ang inyong mga palad, ipatak niyo ang inyong dugo sa batis, sa higanteng kabute at kumpol ng mga dahon." 


They don't know what to think anymore they just let him order them around, gusto rin nilang mabuhay ulit ang tatlo at maniwalang totoo ang sinabi ni Daemon na hindi talaga sila mga kalaban. 


Inuna nila ang batis. Pumatak ang kanilang mga dugo sa batis at isang nakakasilaw na liwanang ang bumalot sa kanila. When the light subsides, nakita nila sa ilalim ng napakalinaw na tubig ang unti-unting pagcrack ng giant pearl. 


They were like seeing a development of a cell to fetus to a baby in time lapse mode. Hanggang sa lumaki ito ng lumaki and really Kristine was born again. 


Nanlalaki ang mga mata nila sa nasaksihan, they even shivered. 

Mabilis na lumangoy sa ilalim ng tubig si Kristine, nagpatalon-talon pa siya bago umahon. 


"Sh*t! Ang sakit ng katawan ko." Kristine hissed. Their jaws dropped. 


"Y-You're back." Wave stammered. Napatingin sa kanila si Kristine, umahon siya sa tubig and her tails immediately transformed to legs. 


She cracked her fingers and clenched her jaw. "Humanda sakin yang Jana na yan, sasabunutan ko siya." She hissed. 


Kristine: The Goddess of Water



"Magmadali kayo mga tieflings!"  Ignis said agad silang tumakbo papunta kay Lhorraine pero naiwan si Wave sa harapan ni Kristine na tulala pa rin. 


"Wave! Ano ba?!" Ash shot at him, napakurap-kurap si Wave at agad na tumakbo papunta sa itlog. He gazed at Kristine na nakaupo na sa may batuhan at nagsstretching. 


They clenched their fists para pumatak ang dugo nila sa mga dahong nakapalibot sa itlog. Again blinding light succumbed them. Tumibok-tibok ang itlog ng papalakas at papabilis until it cracked and exploded. 


Napahiga sila sa lakas ng impact and then they saw Lhorraine lying on the leaves unconscious. Agad na bumangon si Ash at binalot ng blanket ang katawan ni Lhorraine, she's shivering in cold. 


"Ayos lang siya, masyado lang mahina ang katawan niya para dito. Magiging maayos din siya." 


Ignis assured them. Napatingin si Ash kay Ignis and clenched his jaw. 


Lhorraine: The Goddess of Wind


Hinayaan muna niyang mahiga si Lhorraine at makapagpahinga. Pumunta naman sila sa cocoon sa ibabaw ng isang higanteng kabute.


Pinatak nila ang kanilang mga dugo sa giant mushroom, gumalaw-galaw ang nasa loob ng cocoon hanggang sa mapunit yung cocoon, isang giant caterpillar ang lumabas at nag-evolve in time lapse mode again.


It was seriously Rose, nakacrouch sa ibabaw ng mushroom, she grew fairy wings. Dahan-dahan siyang umupo then opened her eyes. Mabagal ang kaniyang paghinga as she fixed her sit on the mushroom.  


The view was just breathtaking for the Tieflings, they knew Rose has angelic face but she is the most savage of all the savages.. They knew she is dangerous when she gets mad. 


As soon as Rose relaxed herself, may malaking paru-paro ang dumapo sa daliri siya, she can't helped but smile. 


Rose: The Goddess of Earth


JANA's POV

"Magaling, magaling, magaling." I slow clapped as we approach them. Agad silang umatras at naging alerto. My plan has just succeeded, they evolved to their Goddess Form. 


Naglakad ako palapit sa kanila, I saw Lhorraine na ilalayan ni Ash na tumayo dahil mukhang nanghihina pa siya. 


I gasped when Rose grabbed my jaw at pinisil ang pisngi ko making me look like a fish right now. 


"If you had a plan like this dapat sinasabi mo samin! Hindi yung sinusurprise mo kami!" She nagged. Tinampal ko yung kamay niya at ngumuso sa kanya.


"Kapag sinabi ko sa inyo hindi na kayo matatakot, you all need to feel fear, anger, grief etc para maging matagumpay ang pagshrishrink niyo!" Irap ko sa kanila. Nasa holy bullet na tumama sa kanila ang lahat ng mga plano ko kaya nagkakaroon sila ng vision about my plans habang nasa fragile form sila.


"We're sorry if we have to do this, pasensya na kung pati kayo Tieflings ay nadamay. But we need a stronger force. We don't know how strong Hades is, we need strong forces as much as possible." Stella explained. 


"It's okay Libra, I mean Stella, iisipin ko pang kinocontrol ka ni Jana kaysa isiping trinaydor mo kami." Kristine rolled her eyes at me. 


"Shut up, baka ihawin kita ng wala sa oras." Irap ko naman sa kanya. 


"Shut up ka rin, baka sabunutan kita ng wala sa oras!" She shot back. Napabuga na lang ako ng hangin. 


"But how come? You became a full black demon Jana, diba dapat naging masama ka na rin?" Lhorraine asked me. Nagkatinginan kami ni Stella.


"Yeah, I am a full time black demon already, itim na itim na rin ang puso ko. But during my secret training with Stella, nakahanap kami ng kakampi, he put something in us para hindi kami tuluyang kainin ng kasamaan. He is a strong ally and he will come at the right time. He will help us. But now, kailangan muna nating gawin lahat ng makakaya natin." Mahabang litanya ko. 


"H-How about us? We become useless then?" Crimson asked me. 


"No, I destroyed the rings but not the gems." Inilabas ko ang mga elemental gems na nakalagay sa mga elemental rings noon at isa-isang iniabot sa mga tieflings. 


"Lunukin niyo ang mga bato at sumigaw kayo ng Darna." I added. 


They glared at me. 


"Seryoso ako! Kailangan niyo talagang sumigaw ng darna!"


"Hindi na kami magpapauto sayo." Naniningkit ang mga matang sabi ni Ash sakin. Napabuga na lang ako ng hangin nung lunukin nila ang mga bato na parang gamot and they transformed back to their Elemental Knights form. 


"Nakakaasar." I rolled my eyes at them. 



"Pwede pasabunot Jana gigil pa rin ako sayo." Daisy glared at us. I pressed my lips tightly at nagtago sa likod ni Daemon. 


"Daisy--"


"HUWAG MO KONG MA-DAISY! DAISY!!" Bulyaw at duro niya kay Daemon. Mukhang naestatwa pa si Daemon sa biglaang pagsigaw niya. Pinigilan ko lang ang sarili kong mapahagikgik. 


"Jana..." Stella warned me. Napanguso na lang ako. Daemon pulled Daisy away maybe para magpaliwanag. 


And now, they're all looking at me like I have a lot of explaining to do. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top