Rule #2 Threat

Sobrang busy po ako . Kaya natagalan :).

THIRD PERSON'S POV

"Kailan po tayo lulusob kamahalan?" Tanong ng kanang kamay ni Hades na si Zero.

"Hayaan muna natin sila Zero. Darating ang tamang panahon." Hades said. Madilim ang buong kaharian.

Ni liwanag ay hindi na atah tumatalab dahil sa kaitiman ng budhi ng mga Black demons. Nagkalat ang mga buto sa sahig.

"Kamusta na ang anak ko Zero?" Tanong ni Hades dito.

"Kasalukuyan siyang nag-aaral sa palasyo kasama ang iba pa. Napag-alaman ko rin pong umiibig ang iyong anak sa isang tao."

Kumunot ang noo ni Hades sa narinig. Si Jana ang gusto niyang maging reyna ng Underworld at mangyayari lang yun kung pakakasalan niya si Daemon.

At kung hindi man mangyari yun. Mas mabuti ng mamatay na silang lahat.

"Ikaw na ang bahala sa taong yun Zero. Hihintayin ko ang ulo niyang gugulong sa harapan ko." Hades smirked.

CRIMSON's POV

Literal na dumugo ang dila ko sa lakas ng pagkakakagat ko. Muntikan pa kong matumba sa pagkagulat.

"D*mn! Where's that boar!" I hissed. Ang baboy ramo nila dito ay kasing laki ng isang elepante pero ang bilis namang tumakbo nahihirapan na nga ang mata kong sundan ang mga ito.

Bumaba ako sa kabayo ko and hold my spear firmly. Pinakiramdaman ko ang paligid.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-approach sakin ng isang bagay. Agad akong tumalon pataas. At hinagis yung spear sa wild boar.

Tumagos ito sa bungo niya at lumagapak sa sahig. Ilang mga kahoy pa ang nagkandabali-bali dahil naarado nito.

Kinuha ko yung tali sa bag ko sa may kabayo at tinalian sa paa yung wild boar.

Dahil sa training namin dito. Malaki na rin ang naidagdag sa lakas namin. Itong wild boar na kasing laki ng elepante ay kaya na naming hilahin.

Pero yung mga Demons kaya nilang buhatin kahit isang kamay lang.

"Tapos ka na rin pala?" Leif asked me habang tinatalian yung huli niya.

"Oo medyo mabilis eh. Sina Ash?" Tanong ko.

Napatingin kami ni Leif sa taas. Nakasakay sa Pegasus si Ash at gamit nito ay bow and arrow na nanghuhuli ng mga ibon.

Si Wave nasa dagat at nakasakay sa SeaHorse at nanghuhuli ng Sea Monsters. Parang Percy Jackson lang ang peg.

"Dadalhin natin yang mga yan mamaya sa kusina ng palasyo. Magkakaroon ng piging para sa kaarawan ng mahal na reyna." Gen. Aros said.

"Birthday ni Queen? Hindi mo man lang sinabi Daemon." Leif said pagkasakay nito sa kabayo niya.

Daemon grinned at us. "Nakalimutan ko rin eh." He chuckled.

Ilang saglit pa at bumaba na rin sina Ash. Kinuha na ng ibang kawal ang huli niya at ganun din sa huli ni Wave na isang giant squid.

"Buti na lang maaga tayong uuwi ngayon." Ash said. Nakasakay na kami sa kanya-kanya naming mga kabayo.

"Buti na lang talaga, hindi pa kasi kami okay ni Libra, ang harsh magtampo nun." Hunter commented habang nakasakay sa kabayo niya.

"Ahay buti na lang hindi ganun si Leila, mababaliw ako kapag nagkataon." Throne laughed.

"Isusumbong ko kayo." Biglang entrada ni Daisy, etoh kasi ang mahirap kapag kasama namin siya hindi kami makapag MEN's TALK.

"Oh sige kung gusto mong mag-away-away tayong lahat eh di magsumbong ka. Learn to understand our part also hindi yung lagi na lang kaming naglalambing kapag nagtatampo kayo kahit kayo na yung mali." Wave exclaimed.

Napatango-tango naman kami sa komento niya and Daisy just rolled her eyes at us.

"Swerte kayo, mag-isa lang akong babae dito. Pinagkakaisahan niyo ko ha?" Naniningkit ang mga matang sabi niya.

Nakarating kami sa palasyo at agad na naghanda ang mga tagaKusina.

Nagkaroon din kami ng pahinga at pinanood na lang namin sina Jana sa dance lessons nila. As usual si Jana na naman ang nagpapasaway na nakaupo lang sa gitna at nanghihila ng palda ng mga kasama niyang napapalapit sa direksyon niya.

"Hi! Kamusta ang pangangaso niyo?" Jana asked at yumakap sa bewang ko. Inakbayan ko rin siya at marahang hinalikan sa pisngi.

"Okay lang naman, ikaw? Bakit di ka nagpaparticipate?" I asked. Ngumuso siya sakin saktong paglapit nung iba.

"Eh ayaw ko sa mga ganito, gusto ko yung bakbakan na." She grinned.

"Kailangan na nating maghanda para sa piging." Leila said.

"Eeehhh! Pwedeng mamaya na lang? Pagod pa ko eh!" Kristine pouted habang nakayakap sa likod niya si Wave.

Napabuntong hininga naman si Leila. Pansin ko rin ang bahagyang pagpisil ni Throne sa kamay niya like saying that she should just let us go.

"Okay sige, pero 1 hour lang ha? Matatagalan pa tayo sa pag-aayos." Leila said.

WAVE's POV

Nakakabakla mang aminin pero kasalukuyan kong bine-braid yung buhok ni Kristine, nakalugay kasi ito at tumatakip sa mukha niya.

"Anong shampoo mo?" I asked her. Ambango kasi ng buhok niya tapos ang lambot pa.

"Hmmm? Pinagdidikdik kami ng mga bulaklak ng mga alipin, kayo ba?" She asked.

"May stock si Yancey ng mga shampoo at conditioner from our world." I said after kong itali yung buhok niya.

"Hindi ka naman nahirapan sa pangangaso?"

"Nope! Ang easy-easy feeling ko mas magaling pa ko kay Percy Jackson sa paglaban sa mga Sea Monsters." I chuckled.

"Mas gwapo naman siya sayo." She laughed.

"So, may ipinapahiwatig ka atah?" Naningkit ang mga mata ko and started to tickle her. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa sumuko na siya.

"Oo na! Ikaw na! Ikaw na pinakagwapo! Pasalamat ka mahal kita." She giggled. I pulled her to me at niyakap siya before kissing her head.

"Kahit mas maganda sayo si Jana, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sakin." Pagbibiro ko. Bigla niya kong kinurot sa braso at sinimangutan ako.

"Etoh naman! Bawal magjoke?!"

Umalis na rin kami after an hour, mag-aayos pa kami at ganun din sina Kristine. As usual nauna kaming nakarating sa Grand Hall.

Malakas na ang tugtog ng banda at may mga mesa na sa gilid. We took some wine, parami na rin ng parami ang mga tao dito.

"MAGBIGAY PUGAY SA ATING MGA PRINSIPE't PRINSESA!"

Someone yelled. Bumaba mula sa hagdan sina Kristine. They never fail to amuse us everytime. Lumapit naman sila samin.

"Isayaw mo ko later ha?" Kristine asked.

"Why? May balak kang makipagsayaw sa iba?" I asked. Ngumiti siya sakin at pinisil ang kamay ko.

"We have to, malay mo drating si Percy Jackson." She chuckled.

ASH' POV

Kasalukuyang nag-aasaran sina Wave at Kristine habang si Jana at Crimson dumiretso na sa food section.

"Want me to grab a chair for you?" I asked Lhorraine.

"Hindi na. We should really just stand, kumain ka na ba?"

"Not yet, ikaw? Nagugutom ka na ba? Should I get you food?"

Umiling lang siya. Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay at parang nanlalamig siya.

"May problema ba? Are you not feeling well?"

"Kinakabahan ako Ash, parang may hindi magandang mangyayari." She said.

"A-Are you sure?"

"I don't know. Baka nga nagoover react lang ako."

Pansin ko ang pagiging uneasy niya so I called Rose and told them.

"Wag niyo munang ipagsabi sa iba, we'll call Yancey." Rose said. Si Leif na ang nagprisintang tumawag kay Yancey.

"Laging tamang hinala kasi si Lhorraine kaya hindi natin pwedeng ipagsawalang bahala ito." Kristine said.

Bumalik na rin sina Crimson pero kumakain pa rin si Jana.

"Wala namang She Royals dito." Jana said. Muntikan na siyang batukan ni Crimson dahil nagawa pa nitong magbiro.

"We can't make a fuss ng dahil lang sa hinila, I'll be making the knights stay alert. Maghanda rin kayo, we need to protect the King and Queen." Sabi samin ni Yancey.

We tried to keep our cool para hindi makahalata ang mga bisita. Sumayaw din kami at nakiramdam.

Lumabas na ang Queen at nakipagsayaw dito sa asawa niya pati kay Daemon.

Biglang lumindol. Malakas ang paglindol na nagcrack pa ang mga walls at columns sa paligid namin.

Naging alerto ang mga kawal at agad na nakalabas ang lahat. Then it started raining and lighting strikes. Thunder roared and the earth kept on shaking and cracking open.

Nagpapanic na halos lahat.

"MATAKOT KAYO AT LUMUHOD SA HARAPAN KO!"

The voice sounds very devil and very broad. Sobrang lakas nito at nakakatakot. I held Lhorraine's hand at mahigpit siyang yumakap sakin.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo at hindi man lang ako imbitado?" The lightning striked at naliwanagan ang mukha ng isang matandang lalaking may suot na itim na korona.

He's wearing a black cape at pulang-pula ang mga mata nito while he's floating in the air. May kasama itong kawal na may malaking sungay ang helmet.

"HADES!" someone called.

"Hades?" Napatingin ako kay Lhorraine and I saw how terrified she is. Maging sina Kristine at iba pa ay ganun ang reaksyon.

"Nagustuhan niyo ba ang aking surpresa?" He laughed devishly.

Umeecho ang tawa niya at nakakapangilabot.

"Umpisa pa lang ito ng muli kong pagbangon, humanda na kayo sa hagupit ng Black Demons." He smirked. Isang nakakasilaw na kidlat ang muling tumama at in a snap wala na sila.

CRIMSON's POV

"Are you okay?" I asked Jana. Wala na sina Hades at tumigil na ang paglindol.

Tumayo si Jana at pinampag ang suot niya. Nakatingin siya sa direksyon kanina nina Hades.

Biglang siyang ngumiti.

I was startled. Bakit siya nakangiti? Halos mamatay na lahat sa nerbyos tapos siya nakangiti lang?

"Jana..." I called her.

She smirked at me bago umalis at bumalik papasok sa palasyo.

"Anong problema ni Jana?" Throne asked me. Napailing ako.

"I don't know, mukhang tuwang-tuwa siyang nakita ang Father niya." I said.

"What can you say Lhorraine?" Hunter asked her. Napatingin samin si Lhorraine.

"I have a bad feeling about this."

----
Tbc.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top