Rule #19 Fire and Ice
(A/N: Hirap na hirap ako sa apat na 'to. *cries*)
KRISTINE'S POV
"So, feeling mo ikaw si Jack Frost?" I asked Wave habang nakahalukipkip akong nakaharap sa kanya. Nagkasalubong kami dito sa front yard ng palasyo and nagkaroon pa kami ng wag kang kukurap challenge.
"Bakit? Feeling mo rin naman ikaw si Elsa." He smirked. I clenched my jaw, bwisit talaga itong lalaking toh.
"Infairness, hindi ka na mukhang iyakin." He smirked. Napabuga na lang ako ng hangin. Hindi lang naman siya ang nakapansin, pati ako napansin ko yung pagbabago ko, medyo may pagkainitin na yung ulo ko and nabawasan na yung pagkasensitive ko.
"Infairness, hindi ka na mukhang bakla." I chuckled. He glared at me so I glared back. Nagkakairipan na lang kami.
"Kamusta naman kayo ni Grey?" He asked. My brows furrowed at tumingin sa kanya.
"Why did you ask? Ayos naman kami." I said. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko. He can really be mysterious sometimes.
"May problema ba?"
"Wala, I hope I could be happy for you right now, but I can't." He said. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga pinagsasasabi niya. I cupped his face and looked at his eyes.
"Are you okay? Ano bang sinasabi mo?" I asked. Napansin kong maluha-luha na siya and I'm starting to worry.
"Wala." He sniffed at patagong nagpunas ng luha pagkatalikod niya sakin. I grab his arm para mapaharap siya sakin tsaka ko siya tinignan ng masama.
"Akala mo ba may relasyon kami ni Grey? He was just my master!!" I exclaimed.
Nakatingin lang siya sakin na para bang hindi siya naniniwala. Napabuga na lang ako ng hangin.
"May relasyon sila ni Agua..." I said. Nakatitig lang siya sa mukha ko kaya naasar na ko. "Ano ba?! Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko!"
Bigla na lang siyang ngumiti and pulled me for a hug. Hindi ko na nga rin napigilang mapangiti. Kinatosan ko pa siya and hugged him back.
"Ikaw na ngayon iyakin satin?" I asked as I was sniffing him. Ang bango niya talaga. I missed his scent.
"Akala ko nawala ka na sakin, and it hurts." He said. Narinig ko ang paggaralgal ng boses niya so I grab his face to look at him.
"Wag ka ngang umiyak! Naiiyak din ako!" I said. I brushed his tears at pinunasan din niya yung mukha ko.
"Akin ka lang diba?" He asked. Tumango ako sa kanya and smiled. He kissed me and I kissed him back.
"Gosh! I missed you!" I exclaimed. Muli niya kong niyakap at hinagkan ang buhok ko.
"Namiss din kita. I won't let you go anymore. I'm so sorry if I've been such a jerk." Muli niyang hinawakan yung mukha ko and looked at me in the eyes at umiiyak na ko.
"Thank you for not giving up on me." He added. Umiiyak na talaga ako. We've been through a lot, and here he is fighting besides me. Risking his life for us. Kung tutuusin hindi naman niya responsibilidad ang Underworld, but here he is.
"I won't give up on you no matter what." I sobbed. Ngumiti siya sakin at pinunasan ang luha ko. Napansin ko ang pagbabago sa ugali niya. He became soft. Mas sweet na siya ngayon. Siguro naging gentleman na rin siya.
Hindi na siya mukhang bastos. But still no matter what, siya pa rin ang pipiliin ko.
JANA'S POV
Bakit kaya ang daming nagkikiss ngayon? Kahapon pa sila eh. Tsk. Buti pa ko pawhistle, whistle lang dito sa taas ng puno. Pachill-chill lang kumbaga.
"Hey let's talk."
"Ai! Iguana!" I cursed. Napahawak pa ko sa chest ko sa gulat.
"Iguana?" Kunot noong sabi niya. I looked at him, nasa baba siya at nakatingala sakin.
"Wag ka kasing nanggugulat!" I hissed. Bumaba ako mula sa puno and faced him habang pinapampag yung kamay at damit ko.
"Seriously, Jana let's talk." Cold na sabi niya.
"Hindi pa ba tayo nag-uusap?" I asked.
"I said seriously." May diin na sabi niya. Napalunok tuloy ako, baka mamaya bigwasan niya ko kapag naasar siya. Sige, pakabait muna ako ng mga 5 minutes.
"Okay? What is it?" I asked. Humalukipkip ako sa harapan niya. No one knows how badly I wanna throw myself to him. I miss him so much. Kaso nahihiya ako.
"Can I have a hug?" He asked. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kinabahan pa nga ko at hindi ako agad nakasagot.
"A-Akala ko ba seryoso?" I stuttered.
"Sineseryoso naman kita." He said. I bit my lower lip. Feeling ko tuloy maiiyak na ko. Ano ba naman kasing sinasabi niya? Nakakahiya kaya! Nakakairita! Hmpt!
"Jana, I know you're not a very vocal person, pero tayo lang ang nandito. You don't need to be shy." He smirked. Ngayon nakangisi na siya eh kanina lang nakakunot ang noo niya. Napanguso na lang ako at nilaro-laro yung daliri ko.
"S-Sino bang may sabing nahihiya ako?" I almost cursed myself. Bakit ba ko nabubulol?!
"Oras na para magpakasweet tayo sa isa't-isa. Hindi ka ba naiinggit sa kanila?" He chuckled. feeling ko pulang-pula na ko ngayon. Siguro nga kami yung couple na hindi showy. Ewan ko ba, eh sa nahihiya kasi ako.
Especially, I am not a sweet person. Obvious naman siguro diba? Forte ko pa naman yung mambara.
"Okay naman tayo ah?" I asked.
"We're not acting like couples." He said. I pressed my lips tightly at bahagyang tumingin sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin, hindi naman kasi ako naorient sa How to Act Like Couples 101 na yan eh.
"Ayaw mo talaga?"
"Ehhh siyempre gusto ko." I almost whispered. Hindi na nga ko makatingin sa kanya ng diretso sa sobrang hiya ko. I gasped when he suddenly grab me.
Grab talaga! Niyakap niya ko ng mahigpit and feeling ko sasabog na yung heart ko sa sobrang lakas magbeat. Binaon niya yung mukha niya sa leeg ko and sniffed me. D*mn!
Enebe!!!
"Amoy araw ka na." He chuckled.
"Bitaw na nga! Nakikiyakap ka na nga lang eh!" Iritang sabi ko. Amoy araw daw ako? Bango-bango ko kaya!
"Ayaw." Hagikgik pa niya at mas humigpit yung yakap niya sakin. I silently smiled. I hugged him back. Namiss ko toh ng sobra.
He cupped my face, nakangiti ang mga mata niyang nakatingin sakin. I brushed his face with my palm.
"Wag ka ngang tumingin ng ganyan." I hissed. He smiled at me pero inirapan ko lang siya para itago yung kilig ko. Makakasira sa image ko kapag kinilig ako kaya hindi pwede.
*tsups!*
My eyes widen when he gave me a smack on my lips. Smack pero pahigop! Gosh! Hihimatayin atah ako.
Madaldal ako pero ayoko ng way niya para patahimikin ako, pacool ako pero dahil sa kanya pinagpapawisan ako, kalmado ako pero lagi akong kinakabahan kapag andyan siya sa tabi ko.
Feeling ko nawawala yung pagkaJana ko kapag andyan siya. Feeling ko para lang akong malanding teenager na kinikilig kapag kasama ko siya.
And it's freakin' not healthy!!!
He kissed me 4, 5, 6 times .... I lost count. Natulala na lang talaga, I didn't even know if I responded or not. Kasi padampi-dampi lang naman. Para akong bata kung halikan niya.
"Nakakarami ka na." I hissed.
"Gusto mo naman." Belat niya sakin. I clenched my jaw para pigilan ang nagbabadyang ngiti sa mga labi ko.
"Wag ka nga!" Tapik ko sa balikat niya at naggalit-galitan. He was just chuckling. Hawak-hawak niya yung kamay ko and I don't know if I can still look at him. Feeling ko pulang-pula na ko.
Gosh! This is not so me!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top