Rule #18 Wind & Earth
ROSE' POV
Napabuntong hininga na lang ako. I just couldn't believe na naniwala si Daemon sa palusot ni Jana kanina. And now, hindi ko na masaway-saway si Jana at Kristine na ngayo'y nag-aaway na naman. Buti na lang wala ang Mahal na Hari at Reyna.
"Stop it. Kumain na lang tayo ng maayos." Lhorraine told them. Umayos naman sila ng upo at nag-irapan.
"This is your fault." I said to Daemon. His eyes widen sabay turo sa sarili niya.
"A-ako? Ako na nainvade ang privacy ang may kasalanan?!" He gasped.
"You did it in public and you're demanding privacy?!" I mocked.
"Oh! Magsasapakan na yan." Jana blurted so I immediately glared at her. She zipped her lips at kumain na lang ulit.
"It's okay. We're partly at fault naman. Wag na nating pag-awayan yun." Daisy told us.
"Why? What happened ba?" Nagtatakang tanong ni Leila sa amin. Andito na rin sina Hunter at Throne kasama naming nagbrebreakfast.
"It's nothing." Daemon sighed. Napanguso na lang si Leila sa kanila at tinuloy ang pagkain.
Dumiretso ako sa Royal Garden after naming kumain. The scents of the leaves and flowers are just so calming. Masarap sa pakiramdam ang magpahinga dito. Umupo ako sa bench sa tabi fountain at humiga doon. I was just gazing at the trees at mga ibong nagliliparan palipat-lipat sa mga puno.
"Hi!"
"Whoah!" *toogsh* "Aray!" I hissed as I massaged my forehead. Dahil sa bigla ko sa pagsulpot ni Leif agad akong napabangon at nauntog sa noo niya.
"Ayos ka lang?" I asked him. Nakaupo siya sa sahig cupping his forehead.
"S-sino ka? Sino ako?" He acted so I laughed.
"Baliw." I chuckled. Ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko. "Guess, narinig niyo na kay Daisy yung side namin." I said.
"Alam ko naman yun nung una pa lang, ikaw pa ba? Eh mahal na mahal mo ko." He confidently said at kumindat pa sakin.
Napabuga na lang ako ng hangin, "Eh ikaw nga may kasama kang babae noong dinalaw mo ko noon! You said you're starting to like her!" Hinampas-hampas ko siya sa balikat and he's strong enough to stop my arms.
"Pinagtritripan lang kita noon, alam mo namang ikaw lang sa puso ko." He grinned. I clenched my jaw para pigilan ang pagngiti. Binawi ko ang mga braso ko mula sa kanya.
"Mukhang nagbago yang ugali mo." He said. My eyes widen. "Feeling ko medyo tumaray ka na."
"Well, lagi kasi akong badtrip noon. Natuturn off ka na ba?" I asked. Umiling siya sakin at pinisil ang pisngi ko.
"Ikaw pa ba? Syempre hindi." Pinisil ko rin yung pisngi niya kaya napahiyaw siya sa sakit. Natawa na lang ako habang maluhaluha siyang nakanguso sakin.
"Sadista ka na rin ba? Kasalan ito nung Acon na yun eh." He said.
"Speaking of Acon, kamusta ka nga pala? Wala namang after effects yung mga pinaggagagawa niya sayo?" I asked.
"Buti na lang wala." He sighed. Tumingin siya sa malayo and held my hand. "Alam mo namiss ko toh." He said.
Hinawakan ko rin ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko and I rested my chin on his shoulder.
"Alam mo, namiss kita." I grinned. He smiled at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.
"Promise me Rose, hindi ka mamatay sa labanan." He said. Nawala ang mga ngiti sa labi ko. I can feel his fear. Ramdam ko ang takot niya na mawala ako. Na hindi na niya muli mahahawakan ang mga kamay ko. Napapikit ako and enjoyed his warmth, his love, his presence.
"I promise. Basta ba ikaw rin." I said. Humarap siya sakin and rested his forehead on mine. Pumikit siya and breath.
"You're the reason why I am still alive and fighting. You're the reason kung bakit tumitibok ang puso ko, kung bakit humihinga pa rin ako."
I opened my eyes and smiled. "Ang korni mo."
He chuckled and mouthed. "I love you, too."
LHORRAINE's POV
I don't know what to say. Ang sama ng tingin niya sakin and I couldn't meet his eyes dahil natatakot akong marinig mula sa kanya na kinasusuklaman niya ko. My heart is breaking everytime I think about it.
"Wala ka bang sasabihin sakin?" He asked firmly. Napalunok ako and tried to look at him but I can't.
"S-Sorry." I sighed. Napaatras ako when he suddenly walked towards me hanggang sa maramdaman ko na lang yung pader sa likod ko. Napakislot ako when he suddenly punched the wall besides my face. I gasped and immediately looked at him.
Agad kong kinuha yung kamay niya and looked at his knuckles na ngayo'y nagdudugo na.
"What are you doing?!" I shouted at him. I touched his knuckles para gamutin ito pero marahas niyang hinablot ang mga kamay niya mula sakin.
"Ash, stop being like that." I said.
"You stop Lhorraine! Stop pitying me! Ginusto ko ang mga nangyari so stop blaming yourself!" He shouted. I held his triceps at marahan siyang niyugyog.
"Do you know what you're saying?! I made you into a Demon!"
"I told you ginusto ko yun." He hissed. Dun na ko tuluyang napahagulgol. I cried on his chest while grasping his clothes. I said sorry to him again and again. Hindi siya gumanti ng yakap o nagreact he just stood still.
He held my shoulders at marahan akong tinulak. He cupped my face and brush my tears dry. Nakakunot ang mga noo niya while looking at me.
"Pumapangit ka kapag umiiyak ka." Kunot-noong sabi niya sakin. Agad akong nagpunas ng luha.
Napakurap-kurap ako and gazed at his face. My eyes widen when I realized kung anong nabago sa kanya and I cannot be mistaken. His attitude worsen mas mukha pa siyang laging bad mood kaysa kay Crimson.
"Ngumiti ka nga." I asked.
"Aish! Why do I have to do that?! Masaya na ko na andito ka and that's enough!" He suddenly shouted. Napahawak pa ko sa chest ko sa gulat sa biglaan niyang pag-sigaw.
"WAG MO KONG SIGAWAN DAHIL MASAYA RIN AKONG NANDITO KA!!!" I yelled back.
"THEN WHY ARE YOU SHOUTING?!" He snorted.
"YOU SHOUTED AT ME FIRST!" I burst.
"Sige na wag ka ng sumigaw." Mahinang sabi niya pero may bahid pa rin ng inis. I smiled at him.
"Wag ka ngang ngumingiti nakakairita." Kunot noong sabi niya sakin. Napanguso na lang ako. Ang mean na siya sakin.
"Eh masaya akong nandito ka eh tsaka hindi galit sakin." Pagtatampo ko.
"Oh sige na! Sige ngumiti ka na!" Naiiritang sabi nito.
"Ayaw mo naman eh." naglungkot-lungkutan ako. He looks mad everytime I look at him. Nakakunot lagi ang mga noo niya na parang laging may gustong awayin.
"Mas gumaganda ka kasi kapag ngumingiti ka! Naiirita ako!" Tumaas ulit ang boses niya and my eyes widen.
"Naiinggit ka ba? Nababakla ka na ba?!" Napabuga ako ng hangin and looked at him with awe.
"A-Ako? Nababakla?! After ng lahat ng nangyari sa'tin sasabihan mo kong bakla?! Gusto mo ang patunayan ko sayo?! Dito mismo?!" Lumakas na talaga yung boses niya. I gasped at tinakpan yung bibig ko sa gulat.
"A-A-Ang bastos mo talaga!!" Feeling ko namumula na ang mukha ko. I'm starting to feel irritated.
"Subukan mo talagang tawagin ulit akong bakla, makakatikim ka." He smirked. I clenched my jaw and glared at him. Bwisit na lalaking toh!
"I'm walking out! Nakakaasar ka!" I snorted. Naglakad na ko palayo. Nung hindi ko maramdaman na sinundan niya ko, I looked back and saw him standing there. Nakahalukipkip na pinapanood akong umalis.
"Wala ka talagang planong sundan ako?" Napasinghap ako dahil hindi ako makapaniwala sa inaasal niya ngayon.
"Do I have to?" He asked. Napabuga na lang ako ng hangin and clenched my jaw. Inirapan ko muna siya bago ulit ako tumalikod.
"SHRAINNE!"
Agad akong lumingon sa kanya. My brows furrowed. Who the f*ck is Shrainne?!
"Yun ang pangalan ng magiging anak natin." He grinned and I gasped. Feeling ko pulang-pula na ako ngayon dahil ang lakas-lakas pa ng boses niya. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya.
I was about to hit him, "Why are you so annoyed? Matagal pa naman. Don't tell me excited ka." He smirked. I grabbed my shoe and hit him totally.
He was just chuckling. Siya na ang masaya kapag hinahampas ng sapatos.
"Ugh! Pasalamat ka mahal kita!" I snorted after hitting him. Binalik ko yung sapatos ko sa paa ko and fixed myself. He was just laughing then suddenly he pulled me for a hug. It was so tight that I thought he would crush me.
"Hmmm I love you." He said sniffing me. I hugged him back and smiled.
"Shrainne? I like the name..." I smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top