Rule #15 Tiefling vs Tiefling

Black Parade and She Royal's side stories will be removed. I need your power votes and comments guys. Hintayin ko munang mag200k reads itong Demonic Rule para sa next UD. 

:)

----------- (unedited #minadali)

WAVE's POV

I know for sure I'm next. Ang angas na nga rin  ni Crimson na nakakasabay na kina Leif at Daisy. Bumuntong hininga na lang ako. Wala rin naman akong idea kung ano ang mangyayari sakin. 

Sana I saw Kristine too. And I hope that Grey guy is treating her well. 

"Okay lang yan. Darating din yung sayo." Napatingin ako kay Leif who sat besides me at tinapik ako sa balikat. 

"I know, it's just that parang ang tagal naman." I said. 

"We should keep moving para masanay mo na rin yang katawan mo kung sakali. We need to get used with this power." Sabi niya. Nagpahinga lang kami kunti pero patuloy pa rin ang paglalakbay namin. 

Lahat na siguro na klase ng anyong lupa nadaanan na namin. Ilang araw at gabi na rin ang nagdaan. 

"I can smell the sea." Sabi ni Daisy. Hindi nga siya nagkakamali dahil sa dulo ng kagubatang tinatahak namin may isang bangin kung saan tanaw na tanaw namin ang dagat. 

"Mermaids." Ash murmured. May mga sirenang kumakanta sa dalampasigan sa may mga malalaking bato. Bumaba kami papuntang dagat. We moved carefully just not to scare the mermaids. 

Tumigil sila sa pagkanta when they saw us. We put down our luggage on the sand. 

"Tila kayo'y naliligaw?" A mermaid asked. Yung mga ibang mermaid ay bumalik sa tubig pero hindi naman sila lumangoy paalis. Dumistansya lang sila sa amin. 

"Napadpad kami dito sa aming paglalakbay." I said. 

"Hindi sila masama, kaibigan sila ni Prinsesa Kristine." Kusang nahati ang tubig dagat. Someone is walking towards us. Wala siyang buntot at paa ang gamit niya. 

She's familiar... 

"You're Agua, right?" Daisy asked her. Lumapit siya sa amin at bahagyang ngumiti. She's right, siya nga yung Agua na laging nakabuntot kay Kristine. 

"Maligayang pagdating sa Kaharian ng Tubig." She smiled at us. Muling nagkantahan ang mga sirena. It was a jolly welcoming song na akala mo nasa movie ka ng Little Mermaid. 

"Nandito ba si Kristine?" I asked her. Marahan siyang umiling at malungkot na ngumiti samin. 

"Dadalhin ko na kayo sa palasyo." She said. 

Sumunod kami sa kanya. Talagang nahahati sa gitna yung tubig. Nakakatakot na nakakaamaze. Hindi naman ganun katagal bago kami nakarating sa palasyo. We were like unexpected guests dahil sa biglaang pagtatago ng mga sirena't sireno kapag nakikita kami. 


"Hi! Maligayang pagdating sa aming kaharian." It was Kristine's sister. Si Ate Pearl. Umakbay pa siya sakin. We've bet her before sa palasyo. 


"Buti naman nahanap niyo rin kami." She said. 


"Medyo natagalan nga rin po eh." Daisy replied her. 


"Agua, dalhin mo na sila sa mga silid nila ng makapagpahinga na sila. Wave sasama ka sakin." She winked at me. Mahigpit ang pagkakaakbay niya sakin. Leif said goodluck to me. 


Dinala niya ko sa labas ng palasyo. Dahil na rin sa pagtretrain ko, nakayanan ko na ring huminga sa ilalim ng tubig. 


"Isa lang naman ang ipapagawa ko sayo." She smiled. Lumingon siya sa likod ko kaya napalingon ako. It was Agua. Lumapit siya sa amin. 


"Si Agua ay hindi purong demon Wave, tao din siya gaya niyo. I took her in noong napadpad ako sa mundo niyo, she's also Kristine's Tiefling. Sa madaling salita, it's either you or her can get the Elemental Weapon." 


My eyes widen not because she knew our language but because of Agua. 


"She's what?" I gasped. 


"She's someone you should defeat. At paalala lang, I was the one who trained her." Pearl said bago bumalik sa palasyo. I was stunned. Napatingin ako kay Agua who was just staring at me. 


She's been trained by a Demon since she could remember and I just started few months ago. 


"W-We need not to fight, I mean you're still a girl--- *cough!* *Cough!*" Nalasan ko ang dugo sa bibig, I didn't even realized kung anong ginawa niya sakin. I just felt that my stomach hurts as hell and I'm coughing blood. 


Kitang-kita ko ang paghalo ng dugo sa tubig. 


This is not so cool. 


I was surprised I managed to block her attacks. Nakatulong din siguro ang pakikipagsparring ko kina Crimson. But still, halatang-halata pa rin ang pinagkaiba ng lakas namin. Malakas ang tama niya sakin and I feel like blocking it is still useless.  


"Halos buong buhay ko inilaan ko na para sa pagsisilbi sa kanila. Ako ang karapat-dapat, hindi ikaw." She said. Napahawak ako sa kanang braso ko. Her attacks were so powerful I could barely feel my arm. Feeling ko nabali na ang mga buto ko. 


"You don't have to, I can do it for her." I said. 


She glared, I can see frustration and madness in her eyes. Hindi man ako kasing talino ni Ash, but I know and I'm pretty sure, she's emotionally unstable. 


Muli siyang umatake but I didn't dare to block her attacks. Hinayaan ko lang siyang ibuhos ang sama ng loob niya sakin. It was bearable atleast halos kasing lakas na rin niya sina Leif. But how can I fight a girl who's crying while fighting. 


Napaupo na ko sa pamamanhid ng katawan ko but still I was able to look at her. Nakaluhod na siya sa buhangin and crying like she's doing this against her will. 


She looked at me at dun ko napansin ang isang bagay na nakapulupot sa leeg niya. It's almost invisible, I'm not sure if namamalikmata lang ba ako or what. Napahawak siya sa leeg niya and gasped before attacking me again. Napapahawak siya sa leeg niya everytime I can see hesitation in her eyes. 


This time, sinalo ko na ang suntok niya. Her eyes widen. 


I held her wrist and grabbed the invisible collar on her throat. Pero sa isang iglap lang the collar transferred to my throat choking me. Hinila ako ni Agua paahon sa tubig. I was just struggling trying to remove the collar and catch my breath. 


"Wait lang. Magtiis ka lang." She said. I could hardly see and hear...


THIRD PERSON'S POV


"He set you free didn't he? May pagkabobo talaga yan minsan." Kristine said ng ipahiga ni Agua sa may buhangin si Wave na wala ng malay. 


"Nasa sayo ang perlas mahal na prinsesa, ibigay mo na sa kanya hangga't tumitibok pa ang puso niya." Tarantang sabi ni Agua. 


"Then hindi mo siya dapat binugbog ng ganyan, look at his face, kapag nagkapeklat yan humanda ka sakin." She glared. 


"Alam niyo naman pong kontrolado ako ni Prinsesa Pearl." Halos pabulong na sabi Agua. 


"Bitter talaga yun sa lovelife ko, kasi naman may LQ sila nung kuya ni Rose." Kristine spat. 


"Ibibigay mo sa kanya yung elemental weapon o magrereklamo ka na lang?" Nakahalukipkip na tanong ni Grey kay Kristine. Napanguso na lang si Kristine. Nakatulong nga siguro yung pamamatok sa kanya ni Jana noon para bumalik yung alaala niya. Umupo siya sa tabi ni Wave, she put her mouth against his to transfer the pearl. 


Princess Pearl used to hold the Pearl pero ipinasa niya ito kay Kristine dahil tinamad na daw siyang magbantay dito. At kailan lang narealize ni Kristine na nasa loob na pala niya yung elemental weapon. 


Lalo na't she managed to acquire the Ice element kaya nagkaroon din ng pagbabago ang elemental weapon. 


"Kailangan po talaga nakadikit yung labi?" Agua asked Kristine. Agad naman siyang tinignan ng masama ni Kristine. 


"Wag mo kong simulan Agua, alam ko ang past niyo ni Grey." Kristine said. Agua gasped at nanlaki naman ang mga mata ni Grey. Sabay pa silang napaiwas ng tingin, Agua is just blusing at bahagyang nakanguso kay Kristine. 


Umirap lang sa kanila si Kristine. She removed the collar on Wave's throat na tumigas na bilang yelo. 


"Ipupulupot ko talaga ito sa leeg ni Ate Pearl." Kristine hissed. 


"Oh sige na, ibalik mo na siya sa palasyo and tell Ate Pearl magtutuos kami." Kristine said to Agua. 


WAVE'S POV


 Marahan akong napahawak sa ulo ng maramdaman ang sakit nito. 


"Well, it has been days, buti naman may balak ka pang gumising." I sighed as I heard Daisy's voice. Napahawak ako sa leeg ko. The collar is gone. 


"What happened?" I asked them. Nakasandal sa pinto si Ash at nakapikit. Nakaupo naman sa gilid si Crimson at Leif habang nasa tabi ko si Daisy.


Nagkatinginan silang apat. 


"Welcome to the club, whitehead. Agua's gonna explain everything to you. But as of now, maghanda na tayo sa pagbabalik natin sa palasyo." Crimson grinned.


"Whitehead? Mas makinis pa mukha kay Daisy, paano ako magkakaroon ng whiteheads?!" I shot. Agad akong napahawak sa mukha ko and dumiretso sa harap ng salamin. My face is still my greatest asset. 


Then I realized what they were talking about, literally. 

Baby Wave as Jack Frost @the multimedia xoxo. lols. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top