Rule #12

A/N: I've been rereading MNMCR. Feeling ko ang masokista ko sa mga pinaggagawa ko sa kanila. XD


Warning: SHORT UPDATE


LEILA's POV

Wala na kaming balita sa apat na prinsesa. Pati si Daemon bihira ko na lang makita. Ramdam na namin ang pagbago ng panahon. Unti-unti ng namamatay ang mga puno't halaman. HIndi na rin nagpaparamdam sina Throne at Hunter. 


"Ano na kayang balita sa kanila?" Tanong ko kay libra na kasalukuyang nagbuburda. Bahagya siyang sumulyap sakin. 


"Ok lang sila. Wag kang mag-alala." She assured me. Napabuntong hininga na lang ako. Buti na lang andyan siya na nag-uumapaw sa positive vibes. Namimiss ko na tuloy sina Jana.  


"Libra, wala ka pa rin bang naalala tungkol sa nakaraan mo?" I asked her. Umupo ako sa tabi niya at tumingin siya sakin. Itinigil niya ang ginagawa niya at hinawakan ang kamay ko. 


"Ayoko ko ng maalala pa. Baka hindi ko makayanan yung malalaman ko." She said. Nalungkot ako sa sinabi niya. Sino kaya ang sumumpa sa kanya? Paano kaya siya naging isang libro? She must be really lonely for so long. 


"Pero alam mo masaya ako dahil nakilala ko kayo. Ang mga alaala kong kasama kayo ang pinakaayaw kong kalimutan." She smiled. Agad ko siyang niyakap. Napakabait niya talaga samin. Buti na lang andito siya kundi baka ang lungkot-lungkot ko na. 


ROSE' POV

Napansin ko ang pagbabago sa lakas at bilis ko nitong mga nakaraang araw. Basta isang araw bigla na lang akong mas bumilis at mas lumakas. Hindi ko naman alam kung bakit baka nga siguro bunga na ito ng pagsasanay ko. 


"Acon, mas bumilis at lumakas na ako." Sabi ko kay Acon. Ilang linggo na rin kaming magkasama. Alam kong hindi ko pa rin siya lubusang napapatawad sa ginawa niya pero nakapagadjust na ko. 


"Natural lang yan dahil nakuha na ng Tiefling mo ang Elemental Weapon." He answered. Natigilan ako sa sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko. Akala ko madali lang saking kalimutan ang nararamdaman ko kay Leif. Siguro nga kaya kong isantabi pero hindi ko kayang bitawan. 


Mas lalim pa yung nararamdaman ko para sa kanya kaysa sa mga hukay na hinuhukay ko araw-araw. 


"P-Pano mo nalaman na nakuha na niya?" I asked. Bahagya siyang tumingin sakin. 


"Ako ang nagbigay ng pagsubok sa kanya." He said. Nanlaki ang mga mata ko at lumapit sa kanya. 


"Andito siya?" I gasped. Tinalikuran niya ko at hindi sinagot pero kinulit ko siya. Gusto kong malaman kung kamusta na si Leif at kung anong ginawa ni Acon sa kanya. Gusto kong malaman kung wala naman siyang matinding pinsalang natamo.


Knowing Acon, I know he would be merciless. 


"Wala na siya dito--"


"You mean, galing siya dito? Bakit di mo man lang sinabi sakin?! Anong ginawa mo sa kanya? Sinaktan mo ba siya? Pinahirapan? Ano Acon?!" hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso para hindi siya makaiwas sakin. I have to know. I need to know.


"Wala akong obligasyong sagutin ka. At wala kang karapatang malaman." He hissed at marahas na tinanggal ang kamay ko sa braso niya. 


I clenched my jaw. "Hindi ako mapapanatag hangga't hindi mo ko sinasagot Acon!!" Singhal ko sa kanya. 


"Yan ang susunod mong kontrolin Rose. Yang emosyon mo dahil yan ang magiging kahinaan mo." He said coldly and went back to the cave. 


Bwisit!!


LHORRAINE's POV

"Ouch!" I hissed ng dumaplis sa mukha ko ang hawak na espada ni ama. Kasalukuyan kasi kaming nageeskrima. 


"Tama na muna yan, magpahinga muna kayo." I heard Ina said. Napabuntong hininga na lang ako. We've been fighting since last week. Oo 24/7 na kaming naglalaban, walang tigil, walang pahinga, walang tubig at pagkain. 


"Hindi naman para sayo ang pakikipaglaban Lhorraine, dapat nagsasanay ka sa estratehiya at taktika." Sabi ni Ina sakin.


"Kailangan ko rin naman pong matutong ipagtanggol ang sarili ko." I said. Nagkatinginan si Ina at Ama. My Mom held my hand and slightly squeezed it. 


"Lhorraine, makinig ka. Hindi ka para sa pakikipaglaban. Pero may isang bagay na ikaw lang pwedeng gumawa." She said. I was puzzled muling nagkatinginan sina Ama at Ina. 


"Ikaw ang may pinakaimportanteng parte sa grupo niyo." My father said. Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang kaba. Masyado kasi silang pasuspense. 


"Magiging taga-suporta ka Lhorraine. Ang kailangan mo lang gawin ay gamutin ang sugat nila at ibalik ang kanilang lakas sa bawat laban. Iyun ang pinakamahirap na papel na iyong gagampanan." They said. Nangunot ang noo ko ofcourse I was puzzled. That would take a lot of endurance.


"Alam naming alam mo kung ano ang limitasyon mo sa pisikal na labanan. Hindi ka gaya ni Rose at Jana sa lakas at bilis. At maging si Kristine ay hindi mo kakayanin."


Ofcourse that's true. I know that's true. Medyo disappoinment akong nararamdaman but it's okay. Hinawakan ko ang kamay nina Ama at Ina and smiled at them. 


"Okay lang po yun. As long as alam kong mayroon akong magagawa para sa kanila." I said. They slightly squeezed my hand and slightly patted it. 


"Syempre naman. Ikaw ang may pinakamalaking tulong dun." 


KRISTINE'S POV


Daig ko pa si Elsa sa puti ng buhok ko. Simula nung makasurvive ako sa pagkakabaon ko yelo naging ganito na ang kulay ng buhok ko na may konting blue highlights. Para na akong si Grey na nagyeyellow lahat ng nahahawakan at natatapakan ko. 


"Kailangan mong matutunang kontrolin ang kapangyarihan mo." He said. Minsan kasi kahit huminga lang ako nagyeyelo na ang paligid ko. 


Tinuruan na niya rin akong patigasin ang balat ko na parang yelo for defense. Make an Ice Shield and Ice Weapons. Ice Carvings kumbaga. 


But I didn't expect na pati ugali ko magsusuffer. My mind speaks loudly as I used before but now I could barely show emotions. Mas malamig pa ko kaysa kay Lhorraine. 


"Magluto ka muna bago natin simulan ang pagsasanay." Grey said. Bahagya akong napatingin sa kanya. 


"Grey, sino nga ulit ako?" I asked. He was stunned. We've always been like this. I can remember his name but always forget mine. Or kahit ano na related sakin hindi ko matandaan. Grey also said that he only knew my name so he can't tell more about. 


Isa yun sa mga naging side effects ng pagiging yelo ko. Una, I became cold as ice tapos naging makakalimutin ako. Kung ano pa ang ibang epekto nito sakin we'll soon to find out.


JANA's POV

Hindi ko na mabilang kung ilang araw ang ginugol ko sa paglalakbay ng mag-isa. Kung ilang monster na ang napatay ko gamit lang ang mga sarili kong kamay. I know I am the chosen one and that I have to train myself with the most dangerous plans. 


I have to punish myself para mas tumibay ako. I need to discipline myself. Kailangan kong magtiis at maghirap. 


Cause I know, I have to win this battle.


>>>TBC>>> 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top