Rule #11 The Best Man

Hi! Pls try reading my other stories while waiting for an update here in DR. :) Salamat.


LEIF's POV


It was real. Daisy gained something extraordinary. Mas lumakas siya, bumilis, tumapang and everything. Mas marami na nga siyang nagagawa kaysa sa amin kaya si Crimson ayun inaabuso.


"Daisy buhatin mo nga ito." Utos ni Crimson kay Daisy after they have knocked down a wild boar.


"Kanina ka pa utos ng utos ah?" Daisy hissed as she carried the boar.


"Ok lang yan Daisy para naman may gamit yang armor mo." Gatong naman ni Wave. Napabuntong hininga na lang ako. Si Ash busy sa pagsisibak ng kahoy.


And me?


I am missing her so damn much. Pero hindi ko nakakalimutan kung ano ang purpose namin dito. We came to fight for them para in the end mamumuhay na kami ng masaya kasama nila. Ano na kayang ginagawa niya? I know she's fine, she's Rose anyway. She can protect herself.


I know she's fine. I hope so.


Days passed normally. Wala na rin kaming tigil sa paglalakad. Saan na nga ba kami tutungo? Saan nga ba kami papunta?


"Stars would look beautiful here kundi lang nababalot ng darkness ang lugar na toh." Daisy sighed besides me. Tulog na rin kasi sina Crimson. Napagod siguro sa paglalakbay.


"I hope we're staring at the same sky." I said.


"Bilib din naman ako sayo. Sa feelings mo para kay Rose." She smiled at me. Napabuntong hininga na lang ako.


"I miss her so much."


"We all miss them. Sana nga matapos na lahat para happily ever after na."


I gazed at her and saw sadness in her eyes. We're all feeling the same. But still lahat kami, kumakapit. Lumalaban.


"Oh, mauna na kong matulog sayo. Abusado na masyado sina Crimson eh." She chuckled before heading to the campsite. I smiled at her before gazing again at the sky. Pulang-pula ang buwan. Tahimik ang paligid at wala talagang maririnig na ingay.


Suddenly, nakaramdamam ako ng malakas na lindol.


Then, everything went blank.

.



.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.

"Buti naman at gising ka na."


Napakurap-kurap ako ng may marinig akong boses. Agad rumehistro sakin ang sakit ng katawan at hilo.


"Who are you?!" I exclaimed ng maaninag ko ang itsura ng lalaking nasa harapan ko. He's half human and half-snake. May mga mata siya ng ahas. At may kaliskis sa ibang parte ng katawan niya.


"Kilala ako sa tawag na Acon." He hissed.


"Acon as in AnaCONda?" I asked. He just ignored me at tinuloy ang ginagawa niya. I can't see what he's doing dahil nakatalikod siya sakin. Lumapit ako sa kanya to see what he's doing.


Hindi naman siya nagalit sakin. Nakatingin siya sa tubig na nakalagay sa isang bato. May lumilitaw na imahe sa tubig.


"Rose." I whispered. Napatingin sakin si Acon. I was puzzled.


"Kilala mo si Rose? Bakit mo siya pinapanood?" I asked him.


"Sa ngayon, ako ang tagapangalaga niya." He said. I don't know why pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. I clenched my fist.


"Pwede ko ba siyang makita?" I asked. Hindi niya ko sinagot. Hinawi niya yung tubig sa bato kaya nawala ang image ni Rose.


"Hindi ka nararapat para sa Elemental Weapon. At ang tangi ko na lang magagawa ay ikulong ka dito ng sa gayo'y hindi ka maging banta sa amin." He hissed. I was taken aback. Malaki siyang tao I know. Magkasing built sila ng katawan ng kuya ni Rose na parang si The Rock.


"What are you talking about? Ako ang nakatakda para kay Rose and who are you to decide?!" I almost shouted at him. Naiinis ako. Sino ba siya sa akala niya?


"Ako ang tagapangalaga ng Earth Weapon. Kaya nasa sakin ang desisyon. Hindi ako gaya ni Fulgura. Sa nakikita ko pa lang ngayon. Alam kong hindi ka na karapat-dapat." He hissed.


Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi na ko nakapag-isip ng maayos ng makaramdam ako ng matinding sakit ng katawan. Then I saw my left arm. May dalawang malaking tuldok na dumudugo dito.


It's like I was bitten by a snake. Hindi pa la...


I was really bitten by a snake.


"W-what are you doing?" Hirap na hirap na sabi ko. Halos hindi na ko makahinga. Namamanhid na ang buong katawan ko at nanlalabo na ang mga mata ko.


"A-anong p-problema mo sakin?" I gasped.


"Binubura na namin lahat ng emosyon ni Rose at darating araw pati ang nararamdaman niya para sayo ay mawawala na rin."


I felt so hopeless right now. Ni umiyak ay hindi ko na magawa. I cannot even move a finger. Bumagsak na ko pasubsob sa lupa dahil hindi na kinaya ng mga tuhod ko. Bumigay na rin ang mga mata ko. Nilalamun na ng lason ang buong sistema ko.


Pero may gusto lang akong malaman...


"G-Gusto m-mo ba si R-R-Rose?" Halos mawalan na ko ng boses.


Naaninag ko ang paglingon sakin ni Acon. "Mahal ko siya matagal na." He said.


At dahil dun tuluyan na kong walang narinig. Wala akong maramdamang sakit sa lason pero ramdam ko ang sakit sa puso ko. Ang hapdi, na malamang may iba siyang kasakasama araw-araw. Sa isang nilalang na wala na naman akong laban.


Ano nga ba talaga ang silbi ko sa buhay niya? Sa mundo niya? Bakit ba lagi na lang kaming nagdurusa...


ACON's POV


"Ano na namang ginagawa mo?" Tanong ko kay Rose. Ikailang bulaklak na ba ang naitanim niya sa araw na ito?


"Pinapalibutan ko ng bulaklak ang paligid ng kweba mo, para naman di masyadong negative ang vibes na nakalibot." Irap niya sakin.


"Malalanta din lang naman lahat yan. Tsaka bakit hindi ka pa nagsisimula sa iyong pagsasanay?" Kumunot ang noo ko. Bata pa lang ay kilala ko na si Rose, para nga siyang walang balak na magsanay ngayon.


"Day off ko ngayon, saan ka pala galing kahapon? Buong gabi kang wala?" Tanong niya.


"Kailan ka pa nagkaroon ng pakealam sa mga ginagawa ko?" Sagot ko sa kanya bago ko siya talikuran. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ko lumingon. Bumalik ako sa pinakaloob ng kweba kung saan nakahimlay ngayon ang lalaking labis na tinatangi ni Rose.


Bakit nga ba siya pa? Bakit isang tao pa?


Alam ng pamilya niya kung anong ginawa ko para sa kanya. Kung ano ang mga sinakripisyo ko para sa kanya. Hinayaan ko siyang kamuhian ako para sa kapakanan niya.


Pero hindi ako makakapayag na mapunta siya sa isang tao lamang. Handa akong pumatay ulit para sa kapakanan niya. Wala akong pakealam kahit kamuhian niya ko buong buhay niya. Sinakripisyo ko na ang sarili ko para sa kanya, isinumpa ko na ang sarili ko para sa kanya. At hindi ako makakapayag na mapunta lang yun sa wala.


"R-R-rose..." Mahina ngunit rinig na rinig ko ang paghihirap sa boses niya. Nangunot ang noo ko. Diba dapat patay na siya? Ilang araw na siyang nakalibing sa ilalim ng mga bato. Walang pagkain o tubig.


Dagdag pa ang kamandag na kumakalat ngayon sa katawan niya. Dapat ngayon patay na siya. Puting-puting na ang mga buhok at balat niyang patunay na nawawalan na siya ng dugo.


"R-r-r-ose...." Mahinang paghinga ang huli kong narinig sa kanya. Hindi ko alam kung buhay pa siya dahil wala rin naman akong balak na buhayin pa siya.


Nakarinig ako ng ingay ng batong unti-unting nabibitak. Lumingon ako sa kinaroroonan ng lalaking iyon. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kanyang mga kamay na unti-unting sumisira sa bato.


"Saan niya hinuhugot ang kanyang lakas?" bulong ko sa sarili ko. Unti-unti siyang nakaalis sa batong pinaglibingan ko sa kanya. Bumagsak siya sa lupa at unti-unting bumalik ang kulay ng kanyang buhok at balat.


Unti-unti siyang tumayo sa harapan ko. Ang kanyang mga tenga'y tumulis. Humaba rin ang kanyang mga kuko.


Hindi ko akalaing tatanggapin siya ng lasong sumumpa sakin. Ang lasong naging dahilan kung bakit ganito ngayon ang itsura ko.


LEIF's POV


It's been hell. Ang katawan ko'y parang unti-unting naagnas habang buhay pa ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdalo'y ng lason sa aking katawan at ang pilit nitong pag-agaw sa mga huli kong hininga.


Our memories kept on replaying and it's enough reason to fight. Her smiles, her laughs. Unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko kapag alam kong andyan lang siya. Naghihintay at patuloy na nagmamahal.


Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa katawan. Na para bang lahat ng buto ko ay nababali. The pain was immeasurable, it's killing me. Ayoko pang mamatay.


Hindi isang ahas ang pakakapaghiwalay samin ni Rose.


I was suddenly engulfed in a calm music. Unti-unti kong naramdaman ang pagbabalik ng lakas ko. I was amazed it was easy for me to crack the rock I was buried into. Napansin ko ang pagbabalik ng kulay ko.


I saw Acon infront me puzzled. Hindi siya ang magdidikta ng kapalaran ko.



"Kung tutuusi'y mas marami ka ng isinakripisyo para kay Rose. Oo, mas lamang ka sa effort. Pero mas lamang ako sa pagmamahal." I exhaled.


"Hindi puro pagsasakripisyo lang ang pagmamahal Acon. Minsan dapat niyo ring harapin ang mga problema ng magkasama." Dagdag ko pa.


"I won. I'm the best man for her... Sa ayaw at sa gusto mo. Kami ang itinakda." I hissed.


Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. "Wala na nga akong magagawa. Siguro nga tama ka. Ikaw ang mas karapat-dapat para sa kanya."


Inalis niya ang korona niya sa ulo na may simbolo ng ahas at ibinigay sakin. It immediately wrapped around my arm. Kulay ginto ito na hugis ahas.


"Yan ang magiging armas mo. Magpapalit-palit yan ng anyo depende sa sitwasyon mo. Nasa sa iyo na kung paano gamitin yan."


"P-pano ka?" I asked.


"Kaya ko ang sarili ko. At sa oras na tinawag mo ko darating ako." He said flatly. I knew deep inside him he still has doubts. Alam ko ring hindi pa kami magkasundo.


"Wag kang mag-aalala, Acon. Ang labang ito ay pa rin sa ipinaglalaban mo." I smiled at him.


And in a snap. I was back to the campsite gazing again at the sky.


--------tbc

A/N: Bebe Leif @ the multimedia :)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top