Rule #1 Jealousy

JANA's POV

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa lilim ng puno dito sa Royal Garden. Busy sila sa pag-aaral at tumakas lang ako.

Nakakapagod kayang mag-aral. Nakakabobo.

Paminsan-minsan sumisilip din ako sa Battle ground, busy kasi sa pagsasanay ang mga tieflings.

Nag-aalala lang ako para kay Daisy, kebabaeng tao pero parang Yancey na kung kumilos. Luls.

Tsaka namimiss ko na rin si Crimson. Ayyiiieee errrrr.

"T*ngina ang hirap ng walang landi life!!" I exclaimed at nag-unat-unat.

"Prinsesa Jana, kailangan niyo na pong bumalik sa silid aklatan." Napatingin ako sa dalawang aliping lumapit sakin.

"Ayoko dun ang boring dun." I pouted. One thing na nakakaasar dito sa Underworld is hindi sila makaintindi ng English.

Feeling ko isa akong alien kapag hindi nila ako maintindihan.

"Kailan ba kami magkakaroon ng physical activities? Physical combat? Nakakabobo na. Puro na lang libro ang binabasa namin." I sighed.

As expected hindi na naman nila ako maintindihan. Bumangon na lang ako at nag-unat-unat.

Sumunod na lang ako sa kanila pabalik sa library. I need to live up their expectations- perks of being the chosen one. -.-

"Jana, halika umupo ka na ulit dito ija." Ngiti sakin ng Mahal na Reyna. Oo siya lang naman ang nagtuturo samin.

Tapos ang kapal ng mukha kong hindi umattend diba? Tch.

"Saan ka na naman ba pumunta?" Kristine whispered to me.

"NagCR nga!" Bulong ko din sa kanya.

"For 3 hours?!"

"Eh ayaw lumabas eh. Nagtwerk twerk pa ko." I chuckled.

"Bastos mo Jana. Magbasa ka na nga!" Nakangiwing sabi niya. Itsura nito parang hindi nagtwetwerk kapag nagLBM.

Nagsimula na silang magbasa. Well ako  patingin-tingin lang sa mga pictures. Tapos napapaWhoah na lang ako kapag may color. They are worth thousands of words naman diba? Eh di mas marami na kong nabasa kesa sa kanila. Talino ko talaga harhar.

"Okay yan lang muna sa ngayon. Dun muna tayo sa dining hall para pag-aralan ang Etiketa." Nakangiting sabi ng mahal na reyna.

Pinong tumayo sina Rose. Pero ako? Ewan nasabit atah sa upuan yung gown ko, may punit sa gilid eh.

Kahit kabisado na namin. Paulit-ulit pa rin nilang sinasabi kung pano humawak ng iba't-ibang uri ng baso, ng kutsara, tinidor at kutsilyo.

Nakakasawa na! Nakakabobo na talaga! Anong makukuha namin dito para iligtas ang Underworld?!

CRIMSON's POV

Tinanggal ko ang helmet ko at nagpunas ng mukha. Katatapos lang naming magskrima.

Napatingin ako sa palasyo. Kamusta na kaya sina Jana? Sa gabi na lang kami nagkakausap at hindi pa ganun katagal dahil parehas kaming pagod.

"Mangangaso daw tayo mamaya kasama ang hari." Tapik ni Ash sa balikat ko.

"Kumuha na lang daw tayo ng bow and arrow sa stockroom." Leif said habang nagpupunas din ng mukha.

"Buti naiintindihan niyo pa yung tagalog nila. Ang lalalim eh." Wave chuckled at bumaba sa kabayo niya.

"You'll get use to it." Ash said.

Mahirap. Yun ang masasabi ko sa training namin ngayon. Kung ganu kahirap noon kina Throne, 5x na mas mahirap ngayon.

Hindi namin alam kung kailan kami makikipagsword fight. Random kasi ang selection.

"Asan na si Daisy? Hindi ba siya sasabay sating kumain?" I asked. Nilibot namin yung tingin namin sa paligid para hagilapin si Daisy.

"Ewan ko. Kasunod ko lang siya kanina." Wave said.

"Hindi pa kayo kakain? Bahala kayo maubusan kayo." Throne said at umakbay pa talaga samin ni Ash.

Umakbay naman si Hunter kay Wave at Leif.

Ngayon ko lang narealize.

Throne liked Jana and Lhorraine before, I mean lagi niyang binibigyan si Lhorraine ng ice cream noon.

Tapos si Hunter, naging ex niya si Kristine and crush niya noon si Rose.

What a coincidence at kami pa talaga ng inakbayan nila.

"Wuuyyy! Pinapatawag tayo ni Daemon sa kanya na daw tayo sasabay maglunch from now on para makasabay natin sina Jana." Lahat kami napatingin kay Daisy.

"Magandang balita yan." Wave grinned at her at inakbayan na siya papasok sa palasyo.

"Jana. Konting tiis na nga lang diba?" We heard Lhorraine.

"Eeerrr nakakabobo eh!" Jana whined.

"Subukan kong kausapin si Ina. Pati nga rin ako nagtataka kung bakit hindi pa nila kayo sinasanay." ---Daemon

"Siguro naman may rason kung bakit ganun?" Leila said.

"Okay whatever na nga lang. Kainan---"

Natigilan sila ng makita kaming pumasok. Nabitawan pa ni Jana yung hawak niyang malaking karne na may buto.

"H-Hi?" Hunter said awkwardly.

Ganito pala ang ayos nila sa umaga. Late na kasi kaming umuuwi at maagang lumalabas kaya nakapantulog lang sila kapag nakikita namin.

"Hello!" Si Leila lang ang sumagot tapos nag-iwas na ng tingin yung iba.

W-what the heck?!

"Nawalan na ko ng gana." Rose said at aalis na sana pero syempre to the rescue ang hero niyong itago na lang natin sa pangalang Leif.

"Uyy nagtatampo ka?" I asked Jana na halos hindi na nguyain yung kinakain niya.

"Bakit kilala ba kita?" She asked me. Napakamot na lang ako sa batok ko.

Bakit ba lahat ng babae moody?

"Ito naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita eh." Paglalambing ko dito.

"Eh yun naman pala eh! Ngayon lang tayo nagkita! Kilala ba kita?!" She hissed at lumamon na ulit. Pero obvious namang nangingilid na ang mga luha niya.

"Jana, please do understand. Alam mo naman kung bakit diba?" I asked her. Tumigil siya sa pagkain at nilunok yung pagkain niya.

"Hindi. Mamaya may babae ka na." She said. Ewan ko kung matatawa ako o ano. She's just so cute.

"Babae? Sino naman ang magiging babae--"

"Sa tingin mo hindi ko alam? May mga alipin na pinapaliguan ang nga kawal! Malay ko kung may nagpapaligo na sayo---"

I cupped her face and brushed her cheeks. I looked at her directly to her eyes and shook my head.

"Hindi---"

"Hindi ka naliligo?" She suddenly chuckled.

"Seryoso ako Jana." I gawked. She zipped her lips at tumingin sakin. "Oh baka naman gusto mong ikaw ang magpaligo sakin?" I laughed.

Biglang namula ang mukha niya at ngumuso sakin. "Kala ko ba seryoso ka? Siguro may babae ka talaga noh? Kaya siguro nitong mga nakaraang araw hindi ka na umuuwi. Kasi may iba ka ng katabing matulog." Umiyak na talaga siya.

Ang sama mang pakinggan pero tumawa na talaga ako. She's just so adorable kapag nagseselos siya. I kissed her cheeks ng maraming beses hanggang sa tumahan siya.

"Baliw, para ka kasing mantika kung matulog, ginagahasa na kita hindi mo pa naramdaman." I chuckled.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at dinuro ako.

"Waaahhhhh!!!!" She screamed. Tumawa na lang talaga ako ng malakas. Her face is totally red kasimpula na atah ng buhok niya.

WAVE's POV

Hindi daw niya ko kakausapin kapag hindi ako kumain. She's the boss eh. Kawawa naman ang kagwapuhan ko nito. Under sa girlfriend ko.

"Done. Kakausapin mo na ko babe?" I grinned. Bigla ba naman akong irapan?!

Aba't sa gwapo kong toh iniirapan niya ko? Pati nga ibang Demons hindi nakapalag sa kagwapuhan ko eh!

"Uyy babe. Sige na. Hinihearzone mo na naman ako eh." I pouted. Aminado naman kami. Hindi na kami nakakauwi ng maaga, tapos lagi pa kaming pagod kaya diretso tulog na.

"Totoo ba? May mga alipin na nagpapaligo sa inyo?" Kristine asked.

"Uyy hindi ah! Alam ko babe gwapo ako pero hindi ko magagawa yun. Si Hunter at Throne lang." I said.

Napatingin si Libra at Leila samin na kanina eh ngingiti-ngiti lang. Nanlaki ang mga mata nina Throne at Hunter.

Ngumisi na lang ako. Damay-damay na toh tol.

"Kayo talagang mga lalaki kayo! Pareparehas na lang kayong hindi nakunkuntento sa isa!!" Nagngingitngit na saad ni Leila.

"Uyy hindi naman lahat. Hindi ganun si Daemon." Daisy grinned at yumakap sa braso ni Daemon.

Daemon just cleared his throat.

"Tsss. He's the next king Daisy, trabaho talaga ng mga alipin na paliguan siya." Kristine rolled her eyes.

Agad namang napabitaw si Daisy kay Daemon at nawala ang ngisi sa mukha niya.

"Magsama-sama kayo!" She snorted and walked out.

"Ugh! Why are you all so complicated?!" Daemon hissed at sinundan si Daisy.

Napangisi na lang ulit ako. Pero nawala yung ngisi ko ng mapatingin ako kay babe.

"Babe naman. Good boy ako you know that. Sadyang gwapo lang talaga ako--"
Natigilan ako ng bigla na lang siyang umiyak sa harap ko.

Hindi yung iyak na nagtatampo o nagseselos. Yung iyak na nasasaktan ang pinapakita niya. My forehead creased.

"W-why? Babe may masakit ba sayo? Anong problema?" I asked her. I tried to hold her pero umiwas siya.

D*mn! This is frustrating!!  "Babe naman kausapin mo ko." Bigla siyang tumakbo palabas kaya siyempre sinundan ko siya.

I grab her at niyakap ko siya ng mahigpit. She's sobbing. I stroke her hair and hush her.

"Anong problema babe?" I asked softly.

"Ikaw kasi!!" She sobbed habang nakayakap sakin ng mahigpit.

"What is it? Wag ka ng umiyak. You make me weak. I don't wanna see you crying." I said after cupping her face and brushing her tears dry.

"Namimiss na kita." She said. I kissed her forehead. I really love this girl.

"I missed you, too." I said at dinampian ng matagal na halik ang mga labi niya.

"Sorry." She sniffed habang hawak-hawak ang mga kamay ko. I kissed her tears. Those are the most beautiful tears I've seen.

Tears of someone who loves you so much besides your imperfections.

"Ako dapat ang magsorry. Kristine I wanted to protect you. I wanted to be worthy of you. Kaya kong magtiis kahit gano katagal, para lang mapatunayan ko sa lahat na para talaga ako sayo. Na ako lang ang karapat-dapat sayo. I love you so much." I said and kissed her again.

Ngumiti rin siya after the kiss at hinaplos yung mukha ko. "I love you, too kahit playboy ka." She chuckled.

"Uyyy hindi na ah." I just laughed. Pero promise hindi na talaga.

ASH' POV

I should be glad that she's talking to me. Pero alam ko eh. Alam kong may problema. Medyo aloof siya kasi. Medyo umiiwas at tipid lang kung sumagot.

She's trying to sound fine but she's obviously not.

"I heard mangangaso kayo kasama ang hari?" She asked.

"Oo, after lunch. Namaster na rin kasi namin ang paggamit ng mga weapons. Like spear, sword and bow and arrow." I said.

"Ahhh buti naman."

She said. See? May problema talaga siya. Sino ba kasing may sabing may nagpapaligo saming mga alipin???

May mga lumalapit talaga samin. Ganun nga rin ang sabi ng ibang heneral na trabaho talaga yun ng mga alipin pero syempre hindi kami pumayag. Lalo na ako, kay Lhorraine ako.

"You trust me right?" I asked her. Natigilan siya sa narinig at hinawakan yung kamay ko.

"Yeah." She sighed. "Sorry, hindi ko maiwasan."

"It's okay. Just trust me." I said. Ngumiti siya sakin.

"You take care later." She said.

"Oo naman. I will, you'll wait for me tonight?"

"Sige. But you still need to have enough rest. Ayokong napupuyatan ka. Your training is strenuous." She said at nilaro yung mga daliri ko.

I was just looking at her. I don't know, I can't help but smile. Basta kasama ko siya feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Na basta kasama ko lang siya parang lahat na eh perpekto.

"Hey nakikinig ka ba?" She asked.

I smiled at her. "I'm sorry. I was mesmerized by your beauty."

Namula ang mga pisngi niya at inirapan ako. "Hindi ka lang nakikinig eh. I'm worried about you. Kung nakakain ka ba ng maayos? Kung sapat ba yung tulog mo? Tapos niloloko mo lang ako."

Para siyang batang nagtatampo. I pulled her closer at sumiksik naman siya sa gilid ko.

"I hope we could stay like this forever." I whispered as I kissed the side of her head.

And I won't hurt her again...

LEIF's POV

"Oh ayan prutas! Kumain ka!" Utos sakin ni Rose. Kanina pa siya ganyan sakin. Nakakatampo talaga.

"Rose naman, wag kang ganyan sakin." I said with paawa effect. Inirapan lang niya ko at humalukipkip.

Ni ayaw niya nga kong yakapin siya.

"Rose, sige na. Wala naman akong alam na maling ginawa ko. Hug mo na ko para mawala na ang pagod ko."

"Hmpt! Ayoko may iba ka namang pwedeng i-hug ." She pouted.

"Wala ka bang tiwala sakin?"

Nag-iwas siya ng tingin. I walk towards her pero umiwas siya. Lumapit pa rin ako sa kanya and grab her arms.

Nagpupumiglas siya pero hindi ko siya binitawan until I was able to hug her.

"I miss you so much." I whispered. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ko pabalik.

"Gawa na tayo ng Lily?" She chuckled. I pinched her nose. She's very vocal and brave.

But still I respect her.

"Hindi pwede, baka di kita tigilan at hindi ako makapunta sa pangangaso namin." I said.

Yumakap siya sakin and pouted. "You're getting use to your life here?" She asked.

"Mmm pwede na. Pero syempre namimiss ko ang Human World." I said. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin.

"Leif..," she called.

"Hmmm?"

"Ahh wala.. Wala.," she said. I cupped her face.

"What is it? May bumabagabag sayo eh." I said. Umiling lang siya at nag-iwas ng tingin.

"Sige na sabihin mo na." Pangungulit ko. Yumakap lang ulit siya sakin at sinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Will you stay with me forever?" She asked. Natigilan ako sa tanong niya.

"Ofcourse I will." I said as I kissed the top of her head.

"Then, would you want to be a demon?" She asked. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

Actually, I don't really know. Kaya ko bang iwan ang pamilya ko for her? Or kaya ko ba siyang kalimutan?

Both will tear me apart. Both can hurt me too much.

"Ikaw? Kaya mo bang maging tao for me?" I asked her. Alam kong natigilan siya sa tanong ko and maybe thinking the same thing I've thought.

"Hmmm wag muna nating pag-usapan yan." She said at kumalas ng pagkakayakap sakin.

Pero hindi nakatakas sakin ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"Let's not think about that. We'll cross the bridge when we get there." I smiled at her and slightly squeezed her hand.

She forced a smile.

"Busog ka na? Gusto mo pa bang kumain?" Pag-iiba niya ng usapan at kumuha pa ng mga prutas.

"Subuan mo na lang ako." I grinned.

"Ikaw ha? Hindi ka pabebe eh, pababy ka." She chuckled. Binigyan niya ko ng apple at pinagbalat ng orange.

"Kamusta naman kayo? Ano ng ginagawa niyo?" I asked.

"Hmmm studies. Yun pa lang naman as of the moment." She said at sinubuan ako nung orange. "Ikaw? Kaya mo pa ba yung training mo? Kapag nakita mo si Kuya iwasan mo na lang baka pahirapan ka nun."

"Okay naman. Madali lang siya. Kaya pa naman." I grinned.

-------
Tbc.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top