Epilogue

THIRD PERSON's POV

"But Mom! Aasarin lang ako nina Jason kapag kasama natin sila." Pagdadabog ni Shrainne habang inaayos na ni Lhorraine ang mga gamit nila sa maleta.


"No more buts Shrainne, binyag ngayon ni baby Vine, dun tayo magsstay sa Hacienda nina Tito Leif mo." Vine is Wave and Kristine's second child.


"Pagtutulungan lang naman ako nina Jason, Krive, Leiro at Symon." Angal pa nito.


Shrainne is the only girl na naging anak ng mga Elemental Five at partners nila. Well, except kay baby Vine kasi kakapanganak lang niya.


Jana+Crimson= Jason

Kristine+Wave=Krive

Lhorraine+Ash=Shrainne

Rose+Leif=Leiro

Daisy+Daemon=Symon


Ayos na naman ang Underworld sa pamumuno ni Throne at Leila. Sino nga ba namang mag-aakalang kay Throne mapupunta ang trono? Pangalan pa lang diba?


Tumutulong din sa kanila sina Stella (Libra) at Hunter. May kanya-kanya na rin silang mga anak.


"Come on, Honey. Malelate na naman tayo." Sabi ni Ash sa anak niya at bahagyang tinulak ito papasok sa sasakyan para tulungan si Lhorraine sa pag-aayos ng mga gamit.


"Nagdadalaga na yang anak mo." Lhorraine said to Ash. He chuckled at binuhat na ang ibang mga gamit nila.


"I just hope Vine would grow up fast, para may kakampi na ko." Shrainne mumbled. Halos limang oras din silang bumyahe. Agad din naman silang sinalubong ng mga tauhan nina Leif. Kahit naman iba't-iba na sila ng tinitirhan hindi naman nila nakakalimutang magkita-kita tuwing may mga okasyon.


"Hi po Tito Leif!" Humalik sa pisngi ni Leif si Shrainne.


"Hello princess mukhang nagdadalaga na ang prinsesa namin ah?" Leif grinned. Napanguso na lang si Shrainne sa kanya at nagmartsa na papasok sa mansyon.


"Si Rose nga pala?" Lhorraine asked him. Tinulungan na rin sila ng ibang maids na ibaba ang mga gamit nila.


"Ayun nagluluto. Mukhang kay Crimson at Jana pinaglihi itong si Shrainne, laging badmood." Leif laughed. Inakbayan naman ni Ash si Lhorraine papasok sa mansyon nina Leif.


"Nag-iisang babae eh." Pagkibit balikat ni Ash dito.


"Andito na pala kayo. Wala pa yung iba eh, on the way pa lang." Rose said nang makita sina Lhorraine na pumasok. Nagpaalam naman sina Ash at Leif na lalabas daw muna sila at maglalakad-lakad sa Hacienda.


"You should have let the maids do that." Lhorraine said at hinaplos ang tiyan ni Rose. Nagsign naman si Rose sa kanya na tumahimik siya dahil baka marinig ni Leif. Jana, Lhorraine and Rose are again pregnant. Si Daisy naman six months na yung pinagbubuntis niya. Those three plan to surprise their husbands later tonight.


"WE'RE HERE! WHERE ARE THE MADLANG PIPZ!" Malakas na sigaw ni Jana na umalingawngaw sa buong mansyon.


"Tita Jana! Tito Crimson!" Agad na yumakap sa kanila si Shrainne at hinalikan sila sa mga pisngi.


"Omo! Gumaganda ka atah baby girl!" Jana grinned at her. Shrainne blushed na agad namang pinuna ni Jason.


"Naniwala ka naman! Pangit-pangit mo kaya. Tsk." Irap ni Jason kay Shrainne. Shrainne just glared at him. "Tita Rose, si Leiro po?!"


"Nasa garden, nagdidilig ng halaman." Rose smiled at Jason. Agad namang dumiretso si Jason sa likod.


"Punta lang ako kina Ash," paalam ni Crimson kay Jana bago ito halikan sa pisngi. "Hi Lhorraine, Hi Rose! Dun lang din ako sa likod."


"Mukhang good boy na si Crimson ah?" tukso ni Rose ni Jana. Napabuga naman si Jana ng hangin at tinikman yung niluluto ni Rose.


"Dapat lang! Ako pa?!" Naiiling na sabi nito. Nagkatinginan na lang si Rose at Lhorraine at nagkibit balikat.

------


"Whoah ang cute-cute naman ni Vine." Daisy said while carrying Vine unto her arms. Halos magkasabay lang silang dumating nina Kristine.


"Sana maging kasing cute ni Vine ang baby ko." Daisy said.


"Syempre naman. Wala namang pangit sa lahi natin." Jana said to her. Ngumiti naman si Daisy sa kanya. Pinagpasa-pasahan nila si baby Vine dahil namimiss na rin nila yung feeling na may inaalagaang baby.


8 years old na kasi yung mga anak nila. Habang si Shrainne 7 pa lang.


SHRAINNE's

"Wag mo ng itry yan, matutumba ka lang, magkasugat ka pa." Symon said to me. Siya lang naman ang mabait sakin, well paminsan-minsan lang kasi kadalasan inaasar nila ako. Hindi daw kasi ako lalaki kaya hindi sila nakikipaglaro sakin. Dati naman kasa-kasama nila akong maglaro.


"Turuan mo na kasi ako Symon." I pouted. Nasa garden sina Jason, Krive at Leiro at naglalaro atah sa mga psp nila. Buti na lang andito si Symon.


"Saan mo ba balak pumunta?" He asked. Kinuha niya sakin yung bike at sinakyan yun.


"Dun sa may burol! Gusto kong mamitas ng mangga." I grinned. Tinanggal niya yung laman ng basket sa harapan ng bike bago niya ito sakyan.


"Sige samahan na lang kita, tutal wala naman akong ginagawa." He said. I smiled at him widely at sumakay ako sa likod ng bike niya. Nagmamadali akong umakyat sa burol pagkababa ko ng bike at nagpagulong-gulong sa damuhan.


I miss this place. I miss the smell of the grass pati ang hangin dito. Ito na kasi ang pinakamataas na bahagi ng Hacienda.


"Gamitin mo na lang yung panungkit doon." Turo sakin ni Symon dun sa panungkit na nakalagay sa gilid ng puno ng mangga.


"Akyatin ko lang, saluhin mo ha?" I said. Dahil nakashorts naman ako, madali na saking umakyat ng puno. Nasa baba naman si Symon at nakatingala sakin.


"Mag-iingat ka." He said. Nag-Ok sign lang ako sa kanya. Ito naman kasi ang lagi kong ginagawa dito ang umakyat sa puno. Dito ako laging nagtatago kapag inaaway ako nina Jason o pinapagalitan ako nina Mommy at si Symon ang laging nakakakita sakin.


"Oh salo!" Pumitas ako ng mangga at inihulog kay Symon na nasasalo naman niya lahat.


"Tama na toh! Hindi naman natin mauubos lahat toh. Masisira lang."  He said. Agad akong bumaba ng puno. Mas mahirap kasing bumaba kaysa umakyat.


"Waaahhhh!!" I screamed ng biglang mabali yung naapakan kong sanga.


"Ouch!" Symon hissed. I gasped ng mapansin ang posisyon namin. Agad akong bumangon at inalalayan siya.


"S-sorry, ayos ka lang? Nasugatan ka ba?" I asked him pagkaupo niya. I immediately check his face kung may galos ba siya o tama sa ulo.


"I'm fine. Ikaw? Nasaktan ka ba?" He asked.


"H-hindi naman. Sorry talaga."


"Mukhang bumibigat ka atah." He said. Agad ko siyang hinampas sa balikat at napa-aray naman ito.


"Halika na nga! Mukhang okay ka naman! Hmpt!" Pinabuhat ko na sa kanya yung mga mangga. Sabihin ba namang mabigat ako?! Tsk.


"Nakabusangot ka diyan, mas lalo kang bibigat niyan." Pang-aasar ulit ni Symon sakin habang pabalik na kami ng mansyon.


Napabuga na lang ako ng hangin. "Nang-aasar ka na naman." I hissed and he just chuckled.


"Etoh hawakan mo." He said and made me carry some of the mangoes. Syempre mas marami yung sa kanya. Lihim na lang akong napangiti. Dumiretso kami sa kitchen para hugasan yung mga mangga.


"Saan sina Tita Rose? Andito lang sila kanina." I asked Symon.


"Baka andun sila sa kwarto nina Tita Kristine, alam mo na gigil kay baby Vine." He said. Napatango-tango na lang ako. After naming itabi yung mga mangga, nagpaalam na si Symon na pupunta kina Jason. Pumanhik na rin ako sa kwarto nina Tita Kristine.


"Hello po." I said after I opened the door. Andito nga sila, si Mommy ngayon ang may buhat kay baby Vine na tulog na tulog.


Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanya. "Ano pong gusto niyong gender ng magiging anak niyo Tita Rose, Mommy, Tita Jana?" I asked them. Natigilan naman silang lahat sa tanong ko.


"H-how did you know I'm pregnant?" Mommy asked. Kumunot ang noo ko.


"I can see it, Mom. Ano bang klaseng tanong yan, nakikita ko nga yung baby na gumagalaw sa loob ni Tita Daisy." I chuckled.


Nagkatinginan silang lahat na parang may mali sa sinabi ko.


"Have you told your Dad?" Mommy asked. Umiling ako.


"You should be the one telling him." I said. Marahan akong inakbayan ni Mommy. I hope magkababy brother naman ako.


"Nagmana ka talaga sa Mommy mo." Tita Kristine smiled at me. I smiled widely at them at pinagmasdan na lang si baby Vine.


THIRD PERSON's POV

"This is so gay Dad, why are we decorating the stage?" Angal ni Jason sa Daddy Crimson niya.


"If you want, dun ka kay Mommy mo at tumulong ka sa kusina." Pambabara nito sa anak niya.


"No way! Tsaka di rin naman lang tutulong dun si Mommy eh. Kakain lang yun dun."


Tumawa lang si Crimson sa sinabi ng anak niya. "Tumahimik ka na lang diyan at baka marinig ka ng Mommy mo. Alam mong matalas ang pandinig nun."


Napairap na lang si Jason at tinuloy ang pagdidikit ng mga pink na lobo sa backdrop ng stage nila.


"Whoah! Ang artistic mo talaga Leiro! Gawan mo nga rin ng lettering yung pangalan ko. Yung panggwapo." Krive said habang pinapanood si Leiro na naglelettering sa card board. Tahimik lang naman si Symon na naggugupit sa tabi nito.


"Krive magbuhat ka na lang ng lumaki naman yang muscles mo." Pang-aasar ni Wave sa anak.


"Dad! Malalaki naman muscles ko ah tsaka may abs kaya ako." He said sabay taas ng shirt at pinakita ang abs nito.


"Abs ba yan? Mukhang drinawing mo lang eh." Dagdag pa ni Daemon. Napanguso na lang si Krive sa kanila at binuhat yung pinapabuhat ng Daddy niya.


"Ugh!! Aish! Mabigat naman Daddy eh!" Pagmamaktol ni Krive.


"Ako na diyan, habulin ka nga ng chix, lampa ka naman." Leiro smirked to Krive na walang kahirap-hirap na nagbuhat ng box. Laglag ang panga ni Krive sa nakita.


"Yan! Ganyan ang muscles! Masculado talaga yang anak mo Leif." Tawa ni Wave.


Symon patted Krive's shoulder at umiling-uling. "Hayaan mo na. Haciendero eh. Sanay sa mabibigat na works." Pangcomfort ni Symon dito.


"Tsk Tito oh! Naghahamon si Leiro ng away! Papogian na lang oh!" Krive whined and they all laughed. Gumabi na rin at nakaayos na lahat ng preparations para sa party ni Baby Vine.


Nagkakantahan at nagsasayawan lahat sila kasama ang mga tauhan sa hacienda.


"Tara sayaw tayo!" Aya ni Symon kay Shrainne.


"Huh? Alam mo namang hindi ako marunong." She whispered to him.


"Ok lang yan! Dali." Hila nito sa kanya papunta sa gitna.


"Nakakahiya." Shrainne whispered to Symon as he guided her arms to his shoulders.


"Witweew! Daemon yung anak mo dumadamoves!" Tawa ni Wave ng makita sina Symon at Shrainne na nagsasayaw.


"Tito Wave!!" namumulang sita ni Shrainne sa kanya.


"Naku nagdadalaga na ang prinsesa natin. Bakuran mo na Ash." Leif chuckled. Mas lalo pa tuloy namula si Shrainne na halos nakayuko na.


"Kasalanan mo toh." She pouted at Symon pero tumawa lang ito. Hindi naman nila pansin ang kanina pang nanlilisik na tinging binibigay sa kanila ni Jason na hindi nagugustuhan ang nakikita niya.


He clenched his jaw at kinuha na lang yung apple juice sa tabi nito at inisang lagok yun.


"Isayaw mo rin kasi kapag naiinggit ka." Krive told him.


"Shut up!" Jason hissed. Nagkatinginan na lang si Krive at Leiro at sabay na napahagikgik. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na rin silang kumain at magkwentuhan.


"We prepared a game." Sabi ni Daisy pagkaakyat nito sa stage. "At dahil I'm pregnant, and Kristine's taking care of Vine. Sina Crimson, Jana, Lhorraine, Ash, Rose at Leif ang sasali."


"Aish! Ano ba yan wag na lang kami yung mga bagets na lang!" Angal ni Crimson na sinang-ayunan din ni Ash at Leif.


Agad namang napatingin sina Jana kina Crimson kaya agad naman silang napatayo.


"Sabi ko nga aakyat na kami. Babagal-bagal ka kasi Leif." Crimson hissed.


"Ako pa sinisi mo, ikaw naunang umangal." Irap ni Leif dito at nagunahan pa silang umakyat ng stage.


Shrainne prepared sits for them at inabutan sila ng marker at white board. "Good luck Daddy, Good Luck Titos." Shrainne winked at them.


"Wag kang ganyan princess, kinakabahan ako." Leif told her.


Umupo rin sa harap nila ang mga asawa nila at may sarili ding marker at white boards.


"We will be asking 10 questions about your wives, and dapat masagot niyo yun ng tama. Cause for every wrong answer alam niyo na kung anong magagawa sa inyo ng mga asawa niyo. And ofcourse, ang may pinakamaraming points ay makakakuha ng prize!" Daisy grinned.


"You better win this kundi tatamaan ka sakin." Jana hissed at Crimson.


Rose just smiled sweetly at Leif na mas lalo pang nagpakaba dito. He knew that smile. Yung ngiting may masamang binabalak.


"It's okay. Just enjoy it." Lhorraine held Ash' hand. Mas lalo tuloy itong napressure na galingan. Kahit naman understanding si Lhorraine mas gusto pa rin niyang natutuwa ito.


"1st question. Ano ang paboritong kainin ni Wifey?" Daisy asked. Agad naman silang nagsulat sa kani-kanilang board. "Times up!"


"Let's start with Leif." He wrote fried chicken. "Dad that's wrong." Leiro laughed from the audience. Pinakita ni Rose yung board niya. "Pancit Bihon."


"Ang layo nito sa Fried Chicken, Leif." Rose hissed. Leif gulped at pinagshield yung board s mukha niya dahil mukhang maya't maya'y bubugbugin na siya ni Rose.


""Ash?" He wrote Ube Ice Cream and luckily Lhorraine wrote the same.


"Crimson and Jana.." Crimson wrote 'Anything'


Natawa naman si Jana sa isinulat because she also wrote 'Anything'


"Aish ang daya naman niyan." Angal ni Leif sa mga ito. Aangal ka pa eh, galingan mo na nga lang!" Sita ni Rose sa kanya.  Napanguso na lang si Leif dito.


"Next question, favorite place ni wifey."


Leif and Rose = Beach


Ash and Lhorraine = Beach


Jana and Crimson = Anywhere


Nagtuloy-tuloy pa ang game na wala na ni isa ang nagkamali.


9th question:

"What's your wife's favorite color?" Daisy asked. Ginawa lang talaga nilang madali yung question para dito na isurprise nina Jana ang mga asawa nila.


"Let's start with the boys." Daisy grinned.


"Wala na bang mas madali?" Crimson chuckled.


Crimsom= Red

Leif= Brown or Green

Ash= White


"And the ladies?" Excited na sabi ni Daisy. Nagkatinginan pa silang tatlo at nagbilang ng 1.. 2.. 3..


Jana, Lhorraine and Rose

"I'm pregnant, again."


Everyone gasped. Nawala pa ang ngisi sa mga mukha nina Crimson.


"For real?" Crimson almost whispered. Tumango si Jana sa kanya.


"Oops! No further questions muna." Daisy cut them off. "May final question pa." She grinned.


"You guess the gender of your babies."


They immediately wrote on their boards. Naiiyak na nga rin si Lhorraine at pati yung ibang nanonood.


Leif guessed it's a girl at tumango naman si Rose sa kanya. He immediately hugged and kissed her. "Thank you! Thank you. I love you so much." Naiiyak na sabi nito. Naluluha na nga rin si Rose.


Ash guessed it's a boy. Dun na naiyak si Lhorraine sa sobrag tuwa. Ash immediately hugged her and kissed her head. "Thank you so much sweetie." He whispered to her. Umakyat na rin si Shrainne at yumakap sa kanila.


"Magiging ate na ang baby girl ko." Ash said as he kissed his daughter's forehead, he couldn't help but be thankful for having such a wonderful family.


"Kami na..." Crimson gulped.


He guessed it's a girl. Ngumiwi si Jana. She showed him her board.


"We're having twins. Both girl." Crimson immediately grab the board and showed it to all.


"We're having twins!" He exclaimed.


"Whoah! Ang swerte niyo naman!" Wave told them. Halos nakipagkamay na si Crimson sa lahat sa sobrang tuwa nito. Nagtatakbo ito paikot sa Hacienda at pinagsigawang magkakaroon na siya ng kambal.


Natatawang, naluluha na lang si Jana habang pinapanood ito.


"Grabe, baliw talaga." She sniffed as she wiped her tears.


Siguro nga matagal tagal na rin mula nung unang mabuntis ang dating mga Demons, maybe it's because of family planning o baka hindi kakayanin ng katawang tao nila kapag nagbuntis sila ng halos sunud-sunod. Kahit papano'y Demons pa rin ang mga anak nila. They can suck blood inside their wombs and get hungry easily. Ang pagbubuntis nila ay nagiging delikado na para sa katawan nila.


But still, kinakaya naman nila. All is well kumabaga. Everything fell into their right places.


And they live happily ever after...

THE END
.

.

.

Q&A: Ask me any questions.
Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top