/7/ Voices
Universidad de Atlas
NAKATAYO ako sa entrada ng unibersidad, nakatingala at tinitingnan ang mga ibon na nakadapo sa arko. Napapikit ako saglit atsaka huminga ng malalim.Ramdam ko ang literal na pagnginig ng aking mga tuhod, ngunit nilakasan ko pa rin ang loob ko. Nagsimula akong maglakad kasabay ang ibang mga estudyanteng nagmamadali. Pero... pero parang hindi ko kaya dahil sa mga boses na aking naririnig.
'Late na ko! Oh my God!'
'Sana walang prof para delayed 'yung test!''
'Maybe I'll just drop my subject later.'
'I love you.'
'Cos Sin Tan'
'The energy of our mind presides over matter and that in the new quantum reality, the true value is not only what we do and say but also in how we think.'
Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko, they won't stop, hindi ko alam kung anong nangyayari at kung anong dapat kong gawin. Namalayan ko na lang 'yung sarili ko na nakasalampak sa lupa, tila nawawalan ng lakas. Pinagtitinginan ako ng mga naglalakad, nagtataka silang lahat.
"Miss, are you okay?" may isang lalaki ang lumapit at nilahad ang kamay. 'God, she's gorgeous.' Umiling ako sa kanya, tumayo ako kaagad at patakbong lumayo, wala na kong pakialam kung may mabunggo man ako.
Narating ko ang building ng college namin, I tried to regain my composure; everything's going to be fine, Sigrid. You just need to focus, you're sick, but you'll get through this. Kaagad akong dumiretso ako sa una kong klase, pagdating ko roon ay nagsisimula na palang maglecture si Professor Paciano, umupo ako sa pwesto ko at hindi ko maiwasang makuha ang atensyon nila.
Wala si Richard. And... I feel sad.
Habang nagkaklase ay taimtim akong nakikinig pero heto at bumabalik na naman ang mga boses sa utak ko. Nagsisimula na namang gambalain ang aking isip ng mga boses na hindi ko alam kung saan sila nanggagaling o kung paano nagsimula ito kahapon pa magmula nang ma-discharge ako sa ospital. That guy who saved me, Memo, paid all the bills and yet I do not know where to find him, he said siya ang nagligtas sa'kin at hindi ko pa rin maalala kung bakit at paano ako naaksidente. Buong buhay ko ngayon lang ako may hindi maalala!
Nagising na lang ako ng ganito. Kung anu anong boses sa isip ang naririnig ko. I...I can hear their inner voices. Just...just what the hell happened to me?
'So, first time ma-late ni Ibarra ngayon.' kung hindi ako nagkakamali, boses 'yon ng babaeng nasa likuran ko. Tumingin ako sa kanya at nahuling nakatingin siya sa'kin. 'Bakit siya tumingin?' Kaagad kong binalik ang tingin ko sa harapan.
'Ang ganda talaga ni Ibarra.'
'I want to ask her out.'
'She's not even pretty. Mas maganda ako sa kanya, duh!'
Bakit sa'kin nakatuon yung atensyon nila? Bakit ganon ang iniisip nila sa'kin? Gusto ko silang pahintuin pero hindi ko alam kung paano. Tinakpan ko yung tainga ko pero hindi pa rin sila tumitigil. Halu-halo yung mga naririnig kong boses, hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya.
"Shut up!" hingal na hingal ako. Gulat na gulat silang lahat, napahinto at nakatingin sa'kin. Lalo na si Professor Paciano.
"What do you even mean by shutting me up during class?" galit nitong sabi. Walang nagsasalita at lahat ng mga mata nila ay nakatitig sa kinaroroonan ko.
"I... H-hindi ko po―"
'Hala, bakit siya sumigaw?'
'Hindi na siya nahiya kay prof.'
'She's freaking out, crazy.'
Hindi na ko nagsalita pa at walang anu-ano'y mabilis akong umalis ng klase. This is just...so embarrassing! Tumatakbo ako sa hallway at wala pa ring humpay ang mga boses na naririnig ko.
Tuluyan na 'ata akong mababaliw.
*****
"YOU mean, you're hearing voices?" sabi ng councillor sa'kin matapos kong ipaliwanag ang pinagdadaanan ko. 'She's hearing voices? That's unusual.' at hindi maitago sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.
"Please, ma'am. I don't know what to do." Desperado kung desperado, sa Counselling Office ako pumunta para humingi ng tulong, inilahad ko sa kanya kung anong nangyayari sa'kin, kung paano ako hindi makapag concentrate, at yung mga boses ng tao sa paligid na naririnig ko.
"Okay, Miss Ibarra," tumikhim siya, 'maybe, she's mentally ill.'
"No! I'm not mentally ill!" nagulat kami pareho sa sinabi ko.
'Wala naman akong sinasabing ganun?' Huminga ng malalim yung counsillor at naaawang tumingin sa'kin. "I guess you need to rest, hija."
Hindi ako kumibo, napayuko lang ako, wala rin pala akong napala kahit dito ako humingi ng tulong. Tama siya, kailangan ko munang magpahinga.
"Mayroon po akong pabor."
"Yes, hija?" 'She just looked distressed.'
"Pwede niyo ba 'kong i-suspend ng isang linggo?"
*****
"AALIS ka?" ito 'ata ang kauna-unahang pagkakataon na si Andrea ang unang kumausap sa akin. 'Alam kong mangyayari 'to.' Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng mga damit sa bag ko, pinayagan akong mag-take ng leave ng school dahil sa kundisyon ko.
Marami akong dapat itanong kay Andrea pero ayokong isipin din niya na nababaliw ako. "Ikaw na lang ang magsabi kay Talia na uuwi muna 'ko sa'min ng one week."
"You're running away," natigilan ako sa sinabi niya. 'Bakit hindi mo harapin kung anong nangyayari sa'yo, Sigrid?'
"Hindi ako tumatakas, Andrea," naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya. "Sa totoo lang marami akong gustong itanong sa'yo, kung paano mo naiguhit sa sketchpad mo ang mga nangyari sa house party—"
"Pinakealaman mo ang gamit ko?!" galit niyang tanong subalit hindi ako nagpadala dahil mas nagugulumihanan ako sa sarili kong kundisyon.
"Sabihin mo sa'kin Andrea, bakit mo ako napapanaginipan? Bakit gusto mo akong paalisin sa unibersidad na 'to? Anong nangyayari?" sunud sunod kong tanong sa kanya at napaatras lang siya, umiiling at tinakpan ang kanyang tainga.
"Umalis ka na." napahinga na lang ako ng malalim, binitbit ko ang aking maleta at nilisan ang silid.
Tama si Andrea sa sinabi niya kanina, I'm running away. Gusto ko nang lisanin ang lugar na 'to sapagkat nilalamon na ako ng mga hiwaga at misteryo. Hindi ko na kayang haraping mag-isa ang mga problema, kailangan ko ng karamay, at wala naman akong ibang matatakbuhan kundi sila.
Ang aking pamilya.
*****
ALAM ko na labis na magugulat sila mama at papa sa aking hindi inaasahang pag-uwi. Hindi sila makapaniwala na sinuspinde ako ng eskwelahan ng isang linggo dahil hindi ko rin muna sinabi ang totoong dahilan kung kaya't hinayaan muna nila 'kong mapag-isa sa aking silid dahil nakita nila na hindi maganda ang pakiramdam ko.
Wala pa ang aking mga kapatid dahil mamayang hapon pa sila makakauwi galing eskwela, buong hapon lang ako nagkulong sa kwarto habang pinapatugtog sa Gramophone ang isang musika, 'Schlaflied' ang pamagat nito na ang ibig sabihin ay lullaby. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Sinubukan kong magpinta ngunit parang nakalimutan ko kung paano kaya nakahimlay lamang ako sa kama.
Hanggang sa dumilim ang paligid, sumapit ang hapunan. Nakarinig ako ng mga katok mula sa pintuan.
"Sigrid," si Ate Sara. "Halina't kakain na tayo." Mukang sinabi na nila mama sa mga kapatid ko na bigla akong umuwi ngayon. Tumayo ako at pumunta sa pintuan para lumabas. Bumungad sa'kin ang nakangiting si Ate Sara.
"Ate―"
'Bakit nandito na naman ang babaeng 'to.'
Natigilan ako sa narinig ko, hindi bumubuka ang bibig ni Ate Sara subalit narinig ko ang kanyang boses.
"Kakain na tayo," nakangiti niyang sabi atsaka siya tumalikod. Parang nanigas ang mga binti ko at tila nahirapang sumunod sa kanya. Sa kumedor ay naghihintay silang lahat, pagdating namin ni Ate Sara ay tahimik na tahimik ang mga kapatid ko.
"Bago tayo kumain, magdadasal muna tayo." Sabi ni mama at nagsimula siyang umusal ng panalangin.
'Palagi na lang hinihintay si Ate Sigrid bago kami magsimula kumain.'
'Gutom na 'ko.'
'Ang tagal.'
"Amen." Pagkatapos ay dinumog nila ang pagkain sa hapag habang ako'y nanataling tuod.
"Sigrid, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ni papa, napatingin sila sa'king lahat. 'May problema siguro sa eskwelahan kung kaya't umuwi siya rito.'
"Papa," hindi mapigilang mangilid ng luha ko. "W-wala po." Kinuha ko yung kutsara at nagsimulang sumubo ng pagkain. Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha.
'Ate Sigrid, wag kang umiyak.' Narinig ko yung boses ng pinakabata kong kapatid. Nakatingin sa'kin ang batang si Sally. Ngumiti ako sa kanya at gayon din siya sa'kin.
Sabay-sabay kaming natapos kumain at nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat ng aking pakiramdam, kahit na kasama ko ang pamilyang minamahal ko parang may mali pa rin sa nangyayari.
"Sila Sara na ang bahalang magligpit dito. Sigrid, mauna ka na sa kwarto at kailangan mo pang mag-aral." Wika ni papa habang nakatingin lang sa'kin ang mga kapatid ko.
'Sabi ko na nga ba.'
'Si Ate Sigrid naman lagi ang pinapaboran dito.'
"P-papa," kahit nanginginig ay pilit akong nagsalita. "Pagpahingahin mo na sila. Ako na ang bahalang magligpit dito." Kahit na may mga katulong kami rito ay obligado pa ring pagawain ng mga gawaing bahay ang bawat isa, maliban sa akin. Kahit kailan ay hindi ako pinagawa ng gawaing bahay, dahil ang katwiran ni papa ay mas kailangan kong mag-aral dahil matalino raw ko. Buong buhay ko ang akala ko okay lang ang lahat para sa mga kapatid ko. Hindi pala.
May hinanakit sila sa'kin. And that... really hurts a lot.
"Tutulungan ko po si Sigrid," sabi ni Kuya Samuel. Pumayag si papa at umalis lahat ng mga kapatid ko. Naiwan kami at ni Kuya at nagsimula kaming magligpit ng mga pinagkainan.
Habang naghuhugas ng pinggan...hindi ako mapakali sa di malaman na dahilan.
'Sigrid.' Napalingon ako at nakitang papalapit si Kuya Samuel. Ibinalik ko ulit ang atensyon sa paghuhugas ng pinggan. 'Sigrid.' Naramdaman kong nasa likuran ko siya at maya-maya'y lumapit sa likuran ko. "Hindi ka pa marunong maghugas ng pinggan?" hinawakan niya yung magkabilang kamay ko.
"Kuya, lumayo ka sa'kin." Pakiusap ko.
'Mahal kong Sigrid.'
"Kuya―"
'Akin ka lang.'
"Lumayo ka!" sigaw ko at nagulat siya nang damputin ko ang kutsilyo at tinutok iyon sa kanya.
"S-sigrid, ibaba mo 'yan!" halatang nagulat at natatakot, pero hindi ko pa rin ibinaba ang kutsilyo. Damang dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Takot, galit, ang nararamdaman ko ngayon. Lihim niya 'kong pinagnanasaan sa matagal na panahon, hindi ko matanggap. Alam ko na hindi ko sila tunay na kapatid pero nasasaktan ako na matagal na pala silang may kanya-kanyang kinikimkim ng ganito.
"Bakit kuya? Bakit?!"
"Sigrid?! Nahihibang ka na ba?!" nagbalik sa'king mga alaala kung paano siya naging protective sa'kin, yung mga alaalang niyayakap niya 'ko at lihim na pinagmamasdan. Sa pagkakataong 'to hindi ko na napigilan yung luha ko at para 'yong gripo na walang tigil sa pag-agos.
"Diyos ko po!" may kasambahay na nakakita sa'min na kaagad nagtawag dahil nakita nila na nakatutok ang kutsilyo na hawak ko kay Kuya.
"Pakiusap, Sigrid." Tumangka siyang lumapit pero pinagbantaan ko siya na huwag.
"Ang buong akala ko mahal mo 'ko bilang kapatid. Ang sama-sama mo!" sigaw ko sa kanya/ "Bakit kailangan mo 'kong pagnasaan?!"
Gulat na gulat si Kuya Samuel. "Sigrid, a-ano bang s-sinasabi mo?" nauutal-utal niyang sabi dahil totoo ang sinabi ko.
"Sigrid!" dumating si Ate Sara. "Bitawan mo 'yan!"
Oo. Gusto kong sabihin na malapit na kong mabaliw, hindi dahil sa naririnig ko ang mga iniisp nila pero dahil sa kung anong iniisip nila sa'kin. Para kong mamamatay.
Tiningnan ko si Ate Sara na masama ang tingin sa'kin. 'Palagi na lang ikaw Sigrid! Ikaw na lang palagi ang paborito nila mama at papa, ikaw ang matalino, ikaw nag maganda, ikaw ang pinag-aral sa magandang eskwelahan. Nang dahil sa'yo kailangang mahirapan ng mga kapatid natin mag-aral ng mabuti para lang mapantayan ka kahit na hindi ka naman tunay na anak!' Iyon ang sinisigaw ng isip niya tungkol sa'kin.
"Ang buong akala ko... mahal niyo 'ko," sabi ko habang lumuluha. "Pero ang totoo, namumuwi kayo sa'kin. Diba?" Sumunod na dumating sila mama at papa, binitawan ko ang kutsilyo at napaupo ako sa sahig.
*****
"PINAGBINTANGAN niya ng masama si Kuya Samuel, papa," sumbong ni Ate Sara habang nasa sala kaming lima para pag-usapan kung anong nangyari sa kusina. "At maging ako, pinagbintangan niya 'ko."
"Bakit mo pinagbibintangan ng masama ang mga kapatid mo, Sigrid?" galit ngunit kalmadong tanong ni papa sa'kin. "Hindi mo ba alam kung anong sakripisyo ang ginawa nila para sa'yo?"
"Alam ko," sabi ko, matamlay, hinang hina. "Kaya nga galit sila sa'kin. Diba, Ate Sara?"
"Sigrid ano ba naman yang sinasabi mo?" saway ni mama sa'kin.
"Natagpuan ko 'to sa kwarto niya papa," wika ni Ate Sara at may nilabas siyang papel. 'Yung papel na binigay ng counsilor para sa leave 'ko. "Nababaliw na siya papa." Huli na para mahablot ko sa kanya yung papel dahil nakita na 'yon ni papa.
...needs proper medication for hearing voices.
"Kung anu-ano ang ibinibintang niya sa'min ni Kuya Samuel dahil nakakarinig siya ng mga boses .Kailangan niyang madala sa mental institution."
xxx
(Paano bigkasin ang 'MNEMOSYNE' = 'NE-MO-ZE-NE-' or 'NE-MO-SE-NE')
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top