/4/ Too Late
PINILIT kong pakalmahin ang kalooban ko habang lulan ang sasakyan matapos akong sapilitang isinama nila Morgaine papuntang party ng Zeta Phi. Halu-halo na ang nararamdaman ko, ang bata, si Isagani...
"M-morgaine, b-bakit may bata rito sa van niyo?" lakas loob kong tanong kay Morgaine na nakaupo sa harapan. Lumingon siya sa akin at samantalang nagtawanan lang ang mga kasama namin.
"Nice try, Sigrid, kung inaakala mong matatakot mo kami pwes wala kang magagawa dahil malapit na tayo sa pupuntahan natin," ani Morgaine. Paano siya maniniwala sa akin dahil wala na ang batang nakita ko kanina. "Relax! You'll enjoy the party for sure."
Hindi kaya isa talaga siyang kaluluwa? Pero bakit siya nagpapakita sa akin? Anong kailangan niya? Aaminin kong nagsisimula na akong matakot sa nakikita ko, idagdag pa ang mga misteryosong liham at ang nangyari sa College of Chemistry.
"We're here!" wala pang halos isang oras nang marating namin ang bahay kung saan idinaraos ang nasabing party. Bumaba sila ng sasakyan habang naiwan ako.
"Sigrid, let's go!" napilitan akong umibis ng kotse at tumambad sa aking paningin ang isang marangya at malaking bahay. Palubog na ang araw at dito pa lang sa labas ay maririnig na ang ingay ng kasiyahan mula sa loob.
"Maraming naghihintay sa loob, dear." namalayan ko na lang na nasa harapan ko si Morgaine, ikinawit niya ang kanyang kamay sa aking braso at sabay kaming naglakad papunta sa bahay.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay nakuha namin kaagad ang kanilang atensyon, napatingin silang lahat sa akin. Napansin iyon ni Morga kung kaya't kaagad siyang nagsalita para bumati sa lahat.
"Hi guys!" masiglang bati ni Morga. "This is Maria Sigrid Ibarra, she's our PNM." Katulad ng inaasahan ko kanina ay malaki ang loob ng bahay at maraming tao.
Pakiramdam ko ay hinihintay nila kong magsalita kaya napilitan akong ngumiti.
"Hi." Matipid kong sabi, ngumiti ang ilan atsaka bumalik sa sari-sarili nilang mundo. Inakbayan ako ni Morgaine at niyaya niya 'ko na pumunta sa likod-bahay dahil nandoon daw ang mga senior members. Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang pagmasdan ang paligid. May buffet, may mga makukulay na ilaw, banners, at may mga naglalaro ng card game sa lounge area.
Pagdating namin sa garden ay bumungad ang isang habang mesa at may sampung babae ang naghihintay doon , ipinakilala niya ko sa bawat senior members at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil lahat sila ay nagagalak at pursigido na makilala ako. Niyaya nila 'ko na makisali sa mesa at dito'y nagsimula silang magkwento sa'kin tungkol sa Zeta Phi.
Ipinaliwanag nila sa'kin kung anu-ano ba ang ginagawa ng org nila, mga philanthropic activities, team building at iba pang socializing events. Bukod doon ay may mga napag-usapan din kami na tungkol sa iba't ibang paksa, katulad ng sining, literature, teatro, at marami pang iba.
Mabait silang lahat sa'kin at hindi ko namalayan ang sarili ko na nag-eenjoy sa company nila. I think... I should consider their offer to join pero somehow may isang parte sa loob ko ang nag-aalangan. Mahirap ipaliwanag kung bakit.
"Uhm, maaari ba kong magtanong?" 'agad silang natahimik nang magsalita ako na agad sinegundahan ni Morgaine.
"Oo naman, Sigrid, ano 'yon?" nakatingin silang lahat sa'kin at para bang nasasabik sa aking itatanong.
"Alam kong natanong ko na ito sa'yo, Morgaine, pero gusto ko lang ulit itanong sa inyo kung bakit ako yung napupusuan niyong maging parte ng grupo niyo. At...ano ang ibig sabihin ng PNM?" hindi ko na naitago sa kanila ang kuryosidad ko ngunit sumilay pa rin ang ngiti sa kanilang mga labi.
"PNM means 'potential new member', at ikaw nga 'yon." Sumagot ang isang senior na sinundan kaagad ng isa.
"You're a well-known lady, Sigrid, of course gusto naming isama ka org na 'to just because of who you are. That's all." Kampante nitong sabi sa'kin at tila ipinararamdam na dapat matuwa ako dahil espesyal ako sa paningin nila.
Dahil lang sa kung sino ako? Hindi ko pa rin maintindihan ngunit hindi na 'ko nagtanong pa, nagpatuloy ang usapan naming lahat hanggang sa tuluyang nagdilim at hindi ko na namalayan ang oras. Maya-maya'y may narinig kaming malakas na busina mula sa harapan ng bahay, napatayo si Morgaine at nagpaalam.
"I think nandito na sila, sasalubungin ko si Hugo." Sabi nito sa amin at umalis siya. Naiwan ako kasama ang iba pang seniors.
"Simulan na natin." Narinig kong sabi ng isa sa isang junior at may inutos ito na hindi ko masyadong narinig.
Balak ko na sana magpaalam at umalis ngunit pagkaraa'y biglang dumagundong ang malakas na musika mula sa loob ng bahay, Girls Just Want to Have Fun by Cyndi Lauper ang kanta, pagkatapos ay nakita ko mula rito na nag-iba ang indayog ng mga ilaw mula sa loob ng bahay. Mukhang kakasimula pa lang ng party.
'I come home in the morning light
My mother says when you gonna live your life right...'
Naguguluhan akong tumingin sa mga Senior, nakita ko silat na hinubad ang mga coat na suot, exposing their skins. Hinila ako ng isa at inanyaang sumama sa kanila sa loob.
"A-anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong dahil parang nag-iba ang atmosphere ng paligid.
"Nagsisimula pa lang ang party, dear, and besides kakarating lang nila." I hid my frown. Sila? Sinong sila? Kinayag nila ko hanggang sa marating namin ang lounge area kung saan masiglang nagsasayawan ang lahat kumpara kanina na kanya-kanyang mundo sila.
"Excuse me, pero I need to go." Paalam ko pero hindi pa rin niya ko binibitawan.
"No, Sigrid, kalahati ng buhay mo ang hindi mo masasaksihan kapag hindi mo tinapos ang gabing 'to," kinindatan niya 'ko pagkatapos at niyayang sumayaw sa gitna, pinakawalan niya na 'ko pero hindi ko naman magawang makaalis dahil napapaligiran ako ng mga nagsasayaw. Halu-halo, may lalake, may babae. Pilit ko silang hinawi para makadaan ako, hinanap ko si Morgaine para pormal akong makapagpaalam sa kanya. Nangingibabaw pa rin ang musika sa paligid.
'Some boys take a beautiful girlAnd hide her away fom the rest of the world...'
Sawakas ay nakita ko na si Morgaine pero may kausap siyang lalaki. Lumapit pa rin ako dahil kailangan ko na talagang umalis, bigla akong sinamaan ng pakiramdam.
"Morga―"
"Sigrid!" gulat niyang sabi. "Tamang-tama na dumating ka. This is Hugo." Itinuro niya ang lalaking kausap, matangkad at matikas ito, maalun-alon ang buhok , "Siya ang leader ng Omega. Hugo, this is Sigrid." hindi pa ako pormal na pumapayag sa alok nila sa'kin ngunit kung itrato nila ko'y parang parte na kaagad ako ng grupo nila.
"Kinagagalak kong makilala ka, Sigrid," hindi ako naging handa sa sumunod niyang ginawa dahil kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan iyon.
Ngumiti lang ako kay Hugo at muli kong hinarap si Morgaine. "I need to go, thank you for inviting me―"
"What? Aalis ka na? Nag-uumpisa pa lang ang party."
"I'm sorry pero, marami pa 'kong gagawin―"
"Okay, okay, pero one hour more of stay please?" pakiusap nito. Wala akong nagawa kundi pumayag dahil mukhang hindi talaga siya papayag na paalisin ako kaagad. Tuwang tuwa si Morgaine, nagpaalam ako na pumunta muna ng banyo at itinuro niya kung saan iyon.
Sa loob ng banyo'y humarap ako sa salamin at napahinga ako ng malalim, my gut is telling me to go back on my dorm... Biglang may kumatok mula sa labas, may gagamit 'ata. Pagkalabas ko'y naglakad-lakad ako sa bandang kusina, baka sakaling makahanap ako ng paraan para makatakas ng walang nakakapansin.
"Hi." Biglang sumulpot si Hugo sa harapan ko at nakangiti siya sa'kin.
"Hi." Ginantihan ko siya ng alanganing ngiti.
"So, kamusta naman ang Zeta Phi?" he already assumed that I joined pero dapat kong sabihin ang totoo.
"No, hindi pa 'ko member, hindi ko pa tinatanggap ang alok ni Morgaine."
"Bakit naman? Hindi ka ba interesado?" nanlalaking mata niyang tanong.
"Hindi." At hindi ko mawari kung bakit siya tumawa sa sagot ko.
"I liked your straightforwardness, pero I assure you, it's fun being part of the Greeks."
"Talaga?"
"Yes," pagkatapos ay nagsimula siyang magkwento, hinayaan ko lang siya dahil baka mas mabilis maubos ang isang oras sa ganitong paraan ng sa gayon ay makaalis na ako rito. Ipinaliwanag niya kung ano ang mga maidudulot ng pagiging miyembro ng isang brotherhood o sisterhood, mula sa benepisyo, reputasyon at koneksyon sa iba't ibang uri ng tao.
Kumuha siya ng inumin para sa'ming dalawa at binigay niya sa'kin ang isang baso. "Baka nauuhaw ka na, ito o." pinasalamatan ko siya at ininom ang binigay niya. Ngumiti si Hugo sa'kin at muling nagpatuloy sa kanyang kwento.
Nag-iba ang ritmo ng tugtog, napalitan ang musika, mabagal. Niyaya niya 'ko na sumayaw, hinawakan niya 'ko sa braso at hinila sa gitna. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata sa 'di maipaliwanag na dahilan, tila umiikot ang buo kong paligid at sumusunod lang sa idinidikta ng kilos ni Hugo. Naramdaman ko 'yung kamay niya na yumapos sa bewang ko at parang wala akong lakas na hindi 'yon pahintulutan.
"Kailangan ko ng umalis," bulong ko. Pilit akong kumalas sa kanya at hinanap si Morgaine. Ngunit umiikot ang aking paningin, hindi ko siya mahanap, namamalikmata lang 'ata ako nang may makita ako na naghahalikan sa isang tabi. Babagsak na ko sa sahig nang may sumalo sa'kin.
"Hey, okay ka lang?" tanong ni Hugo, umiling ako sa kanya. "Come, you need to rest." Bulong niya at inalalayan niya ko papunta sa hagdan, sa itaas ng bahay. Pagpasok naming dalawa ng kwarto ay inihiga niya 'ko sa isang kama.
Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko ng marinig ko na ni-lock niya ang pinto. Unti-unting lumalabo ang aking paningin ngunit pinipilit kong labanan ang nanghihina kong sistema. Nakita ko siya na nagtanggal ng pang-itaas. Mas lalo kong naramdaman ang bilis ng takbo ng puso ko, may masama siyang binabalak, pero...pero masyado akong nanghihina...para lumaban.
Sumampa siya sa kama at sinimulang tanggalin ang butones ng blusa ko. "N-no, please." Pakiusap ko sa kanya ngunit nang makita ko ang mukha niya, kung paanong punum puno iyon ng pagnanasa. "W-wag." Nagsimulang manginig ang buong katawan ko, kailangan...kailangan kong lumaban. "Wag!" buong lakas ko siyang tinulak, nahulog si Hugo sa kama, bumangon ako ngunit nanghihina.
"W-wag kang lalapit." Muli siyang tumayo at naglakad dahan-dahan, tila wala rin siya sa sarili. Hindi siya sumunod at nawawalan na ako ng kahit isang hibla ng pag-asa na makaalis sa lugar na 'to.
"Ravi."
A-anong...
Sa isang gilid ay nakita ko ang batang babae, nakatingin siya sa akin at nagliliwanag ang kanyang balat. Tumulo ang luha sa aking pisngi at kahit alam kong isa lamang siyang kaluluwa ay hindi ko maiwasang mapabulong sa hangin.
"Tulungan mo ako."
Naglaho na parang bula ang bata at namalayan ko na lang si Hugo sa harapan ko.
"Tulong? Anong tulong ang sinasabi mo?" narinig ko ang mala-demonyo niyang boses at pagkahawak niya sa aking balikat ay buong pwersa ko siyang tinulak. Mabilis ang mga pangyayari nang bigla siyang tumalsik sa dingding, pagkatapos ay bumagsak sa sahig at walang malay.
Anong nangyari? Napatingin ako sa aking kamay, habol ko ang aking hininga, gamit ang natitirang lakas ay buong bilis akong lumisan ng lugar na 'yon, hindi na ko nagpaalam kay Morgaine o sa kahit na sino pa man.
Kahit na umiikot ang buo kong paligid ay sinikap kong makalabas ng bahay na 'yon, humanap ako ng kahit anong pwedeng makapitan makaalis lang. Hanggang sa nasa gilid na ako ng kalsada nang mawalan ako ng balanse at mahiga sa konkreto. Hindi ko alam kung anong oras na, dinig pa rin ang malakas na ingay, gagapang na lang ba ko pabalik ng dorm? Hindi ako makabangon. Napapikit ako. Pakiramdam ko mas naubos ang aking enerhiya matapso ang hindi maipaliwanag na pangyayari kay Hugo.
Naramdaman kong may bumuhat sa'kin, pilit akong dumilat at sinalubong ang mga mata na nakatitig sa'kin. Kahit na medyo malabo, alam kong siya 'yon.
"Isagani?" bulong ko sa pangalan niya at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata.
*****
NAALIMPUNGATAN ako matapos ang mahabang tulog, ngunit masakit pa rin aking ulo kung kaya't hindi pa rin ako makakabangon. Gusto kong isipin na panaginip lang ang nangyari kanina pero kahit wala akong kamalayan ay tila alam ng katawan ko ang mga nangyari pagkatapos kong bumagsak sa kalsada. May humahaplos sa'king buhok, nasa dorm ako dahil ito ang pamilyar na amoy ng aking kama.
"Nangyari nga ang napanaginipan ko," sabi ng tinig ng isang babae na siyang humahaplos. "Umalis ka na sana ng mas maaga rito, Sigrid." Si Andrea? "Pero huli na ang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top