/31/ Surrender
INILIKAS si Memo ng kanyang mga tauhan dahil sa tama sa kanyang balikat. Nakatutok pa rin sa'min ang mga baril ng mga Sentinels na naiwan. Dito na nagdilim ang aking paningin.
Sa sobrang bigat ng puso ko'y nagawa kong kontrolin ang mga isip ng Sentinel at inutusan ko silang barilin ang isa't isa. Humarurot ng mabilis ang sasakyan ni Memo at ng mga iba pang Sentines na natira paalis ng Daambakal. Naiwan kami rito.
"D-diyos ko po!" narinig kong bulalas ni Ruri mula sa aking likuran nang makita niya ang mga katawan nilang nakahandusay sa sahig. Lumingon ako kay Ruri at sinenyasan siyang bumalik sa loob ng tren upang masiguro na hindi makikita ng mga bata ang eksena.
Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni Annie at dito na nanlambot ang mga binti ko. Sumalampak ako sa sahig at tuluy-tuloy na umagos ang luha mula sa aking mga mata.
Bakit? Bakit wala man lang akong nagawa para mapigilan 'to?
Tumingin ako kay Isagani at naalala ang mga salitang binitiwan niya bago niya wakasan ang sariling buhay. Nanatili akong buhay sa puso niya?
Halos pagapang akong lumapit sa kanyang katawan. Nang makalapit ako'y kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay at hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Sobrang sakit. Ginawa niya ang bagay na 'yon upang hindi na gamitin ni Memo ang kapangyarihan niya. Hindi ko pa rin matanggap. Gusto kong sisihin ang sarili ko subalit hindi iyon makakatulong.
"S-Sigrid..." narinig ko ang isang naghihingalong tinig, tumingin ako sa kaliwa at nakita ko si Zia, buhay pa siya!
Kaagad akong lumapit sa kanya upang marinig ang kanyang sasabihin, halata sa itsura niya na ang paghihirap at malapit na siyang malagutan ng hininga kaya sinikap ko siyang intindihin.
"P-patawarin mo a-ako." Malala ang tama ni Zia sa kanyang dibdib mula sa bolang apoy ni Rare kanina, may dugo na sa gilid ng kanyang bibig.
Umiling ako sa kanya, "Hindi, Zia, wala kang dapat ihingi ng tawad."
"P-pakinggan mo ako, Sigrid," pakiusap niya sa'kin. "M-mahal ka ni I-Isagani, a-at alam kong h-hindi ka b-basta mapapalitan sa p-puso niya."
"Zia—"
"G-ginawa lang n-namin kung a-anong sa tingin n-naming t-tama...p-para sa hinaharap."
"P-para sa hinaharap?" pilit pa ring lumaban ni Zia kahit na nahihirapan siya.
"N-nakita n-ni I-Isagani ang t-totoong h-hinaharap... A-at d-dahil kaya kong k-kopyahin ang k-kapangyarihan n-niya'y n-nagawa n-naming i-itago m-mula k-kay Memo ang m-mga t-totoong mangyayari sa h-hinaharap. I-ito ang t-totoong m-mangyayari... Sigrid, i-ikaw ang magsisilang..."
"Zia?"
Hindi na siya nakapagsalita at buong lakas niyang ginalaw ang kanyang braso upang hawakan ang aking sentido. Tila nakuryente ako nang dumampi ang kanyang kamay sa'kin at pumasok sa'king isipan ang napakaraming imahe na tila pelikula ng mga mangyayari sa hinaharap. Kahit na sobrang bilis ay pumasok sa aking isip ang mga detaly. Nawala lamang 'yon nang bumagsak sa sahig ang kamay ni Zia.
Nakita kong wala na siyang buhay at sinara ko ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin, dahan-dahan akong tumayo at napapikit ako saglit.
I just saw the future... The future which Isagani and Zia protected from Memo. They entrusted it only to me and I'm the one who can possibly fulfill it, that's the only way we can defeat Memo.
Dumilat akong muli at tumingala ako sa langit. Kahit anong pilit kong paghinga ng malalim ay hindi pa rin mawala ang bigat sa'king dibdib. Naglakad ako papunta kay Annie para alalayan siyang tumayo.
"A-ano ng gagawin natin? S-si Isagani at Zia rin..." bakas ang panginginig sa boses ni Annie.
Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol siya sa'king balikat. Nang bumitaw ako'y hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.
"Makinig ka sa'kin, Annie," sabi ko sa kanya at sumulyap ako sa paligid sa pangambang baka dumating na ang mga tao sa oras na bumalik sila sa normal, hindi nila pwedeng madatnan ang sitwasyon namin ngayon. "Nakita ko ang tunay na hinaharap na itinago nila Isagani at Zia kaya kailangan mong magtiwala sa'kin."
Nakatulala lang si Annie sa'kin habang namumugto ang kanyang mga mata.
"Tumakas kayo ni Ruri kasama sila Jinnie at Beatrice. Pumunta at magtago kayo sa rest house ni Richard," inabot ko sa kanya ang binigay sa'kin ni Richard na susi at papel na ngalalaman ng address. "Mamuhay kayo ng normal at payapa. Ako na ang bahala."
"Naguguluhan ako. Anong gagawin mo, Sigrid?" tanong niya. "Paano sila?!"
"Wala na tayong magagawa, Annie, patay na sila—"
"Hindi! Hindi sila pwedeng iwan dito!" nag-histerikal muli si Annie at niyugyog ko siya upang matauhan.
"Annie! Nakita na ni Isagani ang hinaharap, kailangan mong magtiwala sa'kin dahil sisiguraduhin kong hindi magtatagumpay si Memo, hindi mababalewala ang mga buhay nila Kero, pangako," kumalma naman siya pagkatapos. "Alam kong sobrang sakit. Naiintindihan kita," pumatak na naman ang luha sa mata ko. "Pero kailangan nating magpakalakas."
"S-Sigrid, a-anong binabalak mo?" napalingon ako at nakita ang luhaang si Ruri na kalalabas lang ng tren.
"Ang mga bata?" tanong ko sa kanya.
"Nasa loob sila ng tren, hindi pa nila alam ang mga nangyayari," sagot nito sa'kin at lumapit siya sa tabi ni Annie. "Anong gagawin natin, Sigrid?
"Umalis na kayo ngayon at pupuntahan ko si Memo para makipagkasundo na hindi na nila kayo guguluhin kapalit ng pagsuko ko sa kanila." Nang sabihin ko 'yon ay halos mapanganga sila sa gulat. Magpoprotesta pa lang si Annie ng unahan ko na siya. "Ito lang ang tanging paraan. Pakiusap, ito ang dahilan kung bakit mas piniling mamatay ni Isagani dahil ayaw niyang ipaalam kay Memo ang mga totoong mangyayari sa hinaharap."
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Pagkaraa'y nagpakawala si Annie ng malalim na buntong hininga. Inayos niya ang sarili, pinahid ang luha at tumingin sa'kin ng diretso.
"Ano nga ba ang magiging kaibahan kung nanatili kami sa puder ng Memoire?" umiling si Annie at hinawakan ako sa braso. "Kahit na sobrang sakit, ito pa rin ang sa tingin kong tama. Kung isasakripisyo mo ang buhay mo para sa'min, wala akong ibang magagawa kundi magtiwala sa'yo, Sigrid."
Tumango ako kay Annie at niyakap ko silang dalawa ni Ruri.
*****
"ANG lakas din naman talaga ng loob mo na bumalik dito matapos mong maglikha ng malaking kaguluhan," iyon ang bungad sa'kin ni Memo nang makita niya akong pumasok sa loob ng conference room.
Gusto ko siyang pagtawanan sa itsura niya, may benda siya sa kanyang balikat at halatang hindi maganda ang kanyang pakiramdam sa biglaang pag-baril ni Zia sa kanya. I found it amusing because he highly thought of himself as a god but look at him, he's wounded and that means he's still vulnerable as human.
Totoong parehas kaming sugo noong sinaunang panahon subalit hindi maitatanggi na parehas kaming inilagay sa mortal na katawan. Parehas kaming hindi makakatakas sa tinatawag na 'kamatayan' dahil sa katotohanan na isa pa rin kaming mga tao at hindi diyos. Ang tanong lang ay kung sino sa'min ang mauunang sunduin ni kamatayan.
"Why don't you read my mind to find out why I came back?" pang-aasar ko sa kanya dahil alam kong hindi na niya 'yon magagawa katulad noon dahil kaya ko nang protektahan ang isip ko mula sa kanya. I'm not that weak anymore.
"Don't test my temper, Sigrid."
Si Richard ang tinawagan ko kanina para sunduin ako, siya na rin ang nagtawag ng mga tauhan niya para ma-recover ang mga katawan nila Isagani, Zia, at Kero upang dahil ang mga 'to sa Beehive. Pero hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.
"Hindi na kita pahihirapan, Memo. Nandito ako para sumuko sa'yo."
Umismid si Memo nang marinig 'yon, "Sumuko para muli kitang ikulong? No, Sigrid. I want you dead," kinuha niya mula sa katabi niyang Sentinel ang baril at tinutok 'yon sa'kin.
"If I were you, I wouldn't do that." kalmado kong sabi sa kanya.
Pumasok ang mga Sentinel na kanina ko pa kontrolado at lahat sila'y mga armado. Nakita ko ang pagtagis bagang ni Memo at halatang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Alam niya na kung anong kaya niyang gawin ay kaya ko ring gawin, we're both equally powerful now.
"Kaya ako pumunta rito dahil ayoko ng may dumanak pang dugo, Memo," sabi ko sa kanya nang ibaba niya ang baril. "Isagani, Zia, and Kero are dead. That's too much for my heart to take; I'm going to surrender myself."
"At ano ang kapalit? Alam kong hindi ka pupunta rito ng walang hinihinging kapalit, Sigrid."
"Hahayaan mong mamuhay ng normal sila Annie, Ruri, at ang mga bata."
"Iyon lang?"
"And I want you to give a proper burial to my friends."
Nagsukatan kami ng tingin ni Memo, pinakawalan ko ang mga tauhan niya at sumenyas siya sa mga 'to na dakipin ako.
"I'll give you what you want, Sigrid," sabi niya. "And I'll make sure that you won't escape the prison again."
I'm not surrendering for nothing. Sometimes, you need to give up for a while in order to gain victory. This is only a step but I'll make sure that he won't prevail in the future.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top