/28/ The Woman Who Led Victory


"THERE are other five provinces in this country, and each of them has a military camp where they're keeping their slaves and the children."

Bumalik kami sa chapel upang magpulong nang pumayag ako sa kanilang kagustuhan na tulungan sila sa digmaan. Nasa loob kaming apat ng isang pribadong silid at itinuro ni Padre Perez ang mapa ng mga probinsya.

May mga nakasinding kandila at lampara dahil inabot na kami ng dilim nang makabalik kami kanina. Mas lumamig ang temperatura kaya binigyan ako ni Chyou ng makapal na balabal upang labanan ang lamig.

"Tell me the current situation, is there any opposition to the military government?" tanong ko at inabot sa'kin ni Chyou ang mainit na tyaa. "Thanks."

"There's a group of rebels who are fighting the army, however, they are short-handed in resources and man-power," paliwanag ni Paladio. "As of the moment, they're not moving because of the huge casualties they suffered from their last attack last month."

Nakaisip ako bigla ng idea, "What are your powers?" biglang tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan si Paladio at Chyou. Nilapag nila ang mga hawak nilang tasa para ipakita sa'kin kung ano ang mga kapangyarihan nila.

Chyou showed me a spoon and she bent it using her mind, she's a Telekinetic, she can move things using her mind like Kero.

Paladio raised his hands and a ball of ice emerged from it, he's the opposite of Rare, he can produce and manipulate ice.

And Padre Perez tapped his face and it changed! Nag-iba ang kanyang mukha at naging kamukha ito ni Paladio, he tapped it again and it changed again. He can copy faces.

"How many Aeons in this order?" tanong ko ulit.

"Eleven, that includes us," sagot ni Chyou. "Do you need them? We're going to summon them—"

"No, the four of us are enough."

Nagtaka sila sa sinabi kong 'yon pero hindi sila nag-protesta at hinintay ang aking magiging paliwanag.

"We're not going directly to war. We'll help the rebels and the rebels will fight for their victory, in other words, we'll lead them to their freedom." Sabi ko at nagsalita si Paladio.

"How can we do that? We can attack them directly, we have powers and we have you."

Umiling ako sa kanya, "No, it will expose our kind."

Hindi nakapgsalita si Paladio at napagtanto ang kanyang sinabi. Iisang paraan lang ang naiisip ko kung paano sila matutulungan. Tama nga naman si Paladio, may advantage para sa amin ang makipaglaban gamit ang mga kapangyarihan namin subalit hindi pa rin ito magiging madali. It will risk the member of the order's life; we have to work in the dark to spark a light in people's hearts.

This is their country's war and they needed to win their own freedom so that it will be written in their history. I'm only here to guide them.

"We'll secretly attack the bases, we're going to free the people and the rebels will have to gather them."

Mukhang madali ang planong inilahad ko sa kanila pero hindi namin malalaman ang resulta kung hindi namin ito gagawin. Napahinga ako ng malalim nang maalala ko na naman sila.

I'm sorry, but they'll have to wait. I've decided to help in this war.

*****

HINDI na naging mahirap sa amin na ma-infiltrate ang military base sa El Salvador, ito ang una naming target na pakawalan ang mga taong kinulong dito at iligtas ang mga bata.

My mind powers are enough to sneak in; my aides are Paladio and Chyou, at si Padre Perez naman ang kasama namin na nagdisguise bilang sundalo ang nagpunta sa surveillance room para patayin ang mga camera. The four of us are in black cloak when we arrived in the prisoner's cell.

Nagulat ang mga taong naroroon nang makita nila kami. Paladio destroyed the locks and the people remained silent.

"Fight for yourselves."

Iyon ang sinabi ko at dali-dali kaming umalis. Naramdaman namin na naglabasan din ang mga tao, we managed to cover them while they're moving, the children are also with them. Nang makatakas ang lahat at bago kami umalis sa military camp ay siniguro kong lahat ng alaala ng mga sundalo ay burado.

"This is the first step to victory." Sabi ko at umalis kami sa lugar na 'yon.

*****

IT was big news the next day.

Ang dating halos walang laman na kalsada'y ngayon ay nag-iingay na. Ang mga dinakip na pinuwersang magtrabaho ay nakabalik na sa kanya-kanya nilang mga pamilya. Nasa plaza ako kasama sila Paladio at Chyou habang pinagmamasdan ang munting pagdiriwang ng mga tao. Kumakalat din ang balita na may apat na nilalang ang nagligtas sa kanila, they called us 'The Cloak'.

"It won't take a while before the government will notice that something's wrong in El Salvador's military camp," narinig ko ang nag-aalalang boses ni Chyou. "I'm afraid of the repercussions."

"Chyou," tawag ko sa kanya. "The people need to learn to fight for themselves."

"How can you be so sure that they'll fight with the rebels?" tanong niya.

"I only have faith." Sagot ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw at patuloy naming minanmanan ang galaw ng mga tao sa El Salvador. The rebels took the chance and made contact with the people, some joined and some chose to escape. Naiintindihan ko na hindi naman silang lahat ay gugustuhing makipaglaban pa.

My faith remained unshaken for the hope that the people will fight for themselves. At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ni Chyou, nadiskubre ng nakatataas na may mali sa military camp sa El Salvador at natuklasan ang mga activities ng mamamayan kung kaya't nag-deploy sila ng army.

"Terrible news!" sigaw ni Chyou nang makapasok siya sa silid ko. "T-the people are in danger!"

"What happened?" kalmadong tanong ko nang matigil ako sa pagsusulat.

"A-at the plaza!"

Hindi ako nagpatumpik-tumpik at kaagad akong kumilos, kinuha ko ang black cloak ko at sinuot iyon.

"Where are you going?" tanong ni Chyou nang makita akong nagsuot ng balabal.

"I'm going to help them."

"I thought we're not going to risk to expose ourselves?" tanong niya at biglang pumasok sa silid si Paladio.

"We're going to come with you." Sabi ni Paladio na may bakas ng determinasyon.

Padre Perez allowed us to go and the three of us went to the plaza riding in our horses. Nadatnan namin sa plaza na tinipon ang mga tao at ang mga sundalo'y nakapaligid sa kanila. Naabutan naming sumisigaw ang isang general at sa tabi niya'y may isang lalaki na tinutukan ng baril sa ulo. Pinapaamin niya ang mga tao kung ano ang ginawa nila sa military camp subalit walang makasagot.

Pinutok ang baril at bumagsak ang lalaki sa sahig, pangalawang biktima na ito. Hindi pa rin nakuntento ang general.

"No one will tell me the truth?! Then, you gave me no choice," sumenyas ang general sa kanyang mga tauhan at sabay-sabay nagtaas ang mga 'to ng kanilang sandata na nakatutok sa mga tao. "I'll kill of you!"

This country's system is mad and rotten. I need to do something.

"Stop this madness!" naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Lumapit kami sa kinaroroonan nila at humawi ang mga mamamayan upang bigyan kami ng daan.

"Who the hell are you?!" sigaw ng general at ngayon ay nakatutok sa aming tatlo ang kanilang mga baril.

"Leave this place or you'll regret it." Pagbabanta ko.

"What is she thinking?" nabasa ko ang iniisip ni Paladio at Chyou.

Binasa ko rin ang mga nasa isip ng mga taong narito ngayon. Ang iba sa kanila'y nagtataka, at ang iba'y nabuhayan ng loob dahil sa kumalat na kwento tungkol sa The Cloak na siyang nagligtas sa mga preso ng militar.

"Kill them!" sigaw ng general at nang handa nang magpakawala ng bala ang mga sundalo'y kaagad itong inagapan ni Chyou, hindi sila makagalaw.

"W-what are you doing?!" galit na sabi ng general at maging siya'y nagtaka dahil hindi siya makagalaw.

I am furious right now and this is the first time I'm going to do this. I controlled their minds and I commanded the soldiers to point their weapons to each other. Their eyes were filled with horror, and the citizens are surprised at what they are seeing.

Pero hindi ako ganoon ka-walang puso kaya pinakawalan ko rin sila. Nanginginig ang mga sundalo matapos ang ilang segundo, hindi nila mawari kung ano ang nangyari at ang nasa isip nila'y mamamatay na sila kanina. Even the general is speechless.

"M-monsters!" sigaw nito at tumakbo palayo. Sumunod sa kanya ang mga tauhan niya at pagkaraan ng ilang sandali'y nag-hiyawan ang mga tao sa tuwa nang makaalis ang mga sundalo sa plaza.

Bago pa nila kami pagkaguluhan ay mabilis kaming umalis sa lugar na 'yon, at alam ko na ang pangyayaring 'to ay tatatak sa kanilang puso at isipan na may natitira pang pag-asa para sa kanilang bayan. I am more confident that sooner or later they will move on their own.

"The people saw what we did, what will happen now?" tanong ni Chyou nang makabalik kami sa La Capilla.

"The military won't believe the story that they'll hear from the troupe earlier, it will buy time for the people to assemble with the rebels."

"And then what will happen?" tanong ni Paladio.

"The people of El Salvador will manage to protect themselves, and then we'll continue to infiltrate the other province's military camps."

*****

Year 1990

HELPING them to end a war is not that easy as it seems even if we have special abilities.

Hindi ko na namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras at anim na taon ang lumipas bago tuluyang nagwakas ang digmaan. After the incident at the plaza, people united with rebels to form a strong group against the military. Mysteriously, people with special abilities began to knock on La Capilla's door to join us, dumami ang naging kasapi ng Order of the Black Sun na tumutulong sa infiltration mission namin.

Inabot ng taon ang pag-infiltrate sa military bases dahil nakaramdam sila na may kakaibang pangyayari kaya naghigpit sila. At dahil tago kami kung umatake ay hindi pa rin namin binunyag ang grupo namin sa publiko kahit na nagpaskil ang mga mamamayan ng mga posters tungkol sa paghahanap sa aming 'The Cloaks'.

Tinatanaw ko mula sa bintana ang mga mamamayan sa labas na nagdiriwang ng kanilang kalayaan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nagbunga rin ang lahat ng paghihirap namin noong mga nakaraang taon. Anim na taon na rin pala ang lumipas...

"Sigrid?" napalingon ako at nakita si Chyou na kasama si Paladio. Mayroon ding lihim na pagtitipon dito sa La Capilla, isang munting selebrasyon. "It's time."

Sumunod ako sa kanya at nagtungo kami sa kumedor kung saan naghihintay silang lahat, maraming pagkain ang nakahain sa hapag. Natigil sila sa pagsasalita nang makita ako. Ang dating kakaunting miyembro ng order ay nasa bilang na ng dalawampu ngayon.

Huminto ako sa kanilang harapan at mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang kanilang mga nagliliwanag na lilang aura.

"I can still remember the first time I got here," napahinga ako ng malalim bago magpatuloy. "Back then there's a lot of confusion inside my heart, but I made a decision six years ago to stay here because I believed it was my destiny to come hereafter escaping death."

Taimtim lang silang nakikinig sa mga sinasabi ko kung kaya't nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"We fought the war in obscurity, we are not hailed as heroes, and it doesn't matter."

"You led us to victory, Sigrid," singit ni Paladio at nginitian ko lamang siya.

"During those six years in the war, I discovered our kind's purpose. Being different from the rest and having powers, though we are persecuted, our purpose is to serve mankind with our gifts because that's what the Creator's reason why he put us on this planet. And I want to thank all of you for fighting with me, for fighting with mankind," kinuha ko ang kopita sa mesa at itinaas ko 'yon. "To mankind and to the Order of the Black Sun!"

"To mankind and Order of the Black Sun!" they all cheered.

Hindi na ako nakihalubilo sa kanilang masayang pagtitipon. Tinawag ko sila Chyou, Paladio, at Padre Perez para sa isang pribadong pagtitipon.

"I'm going back," iyon kaagad ang sinabi ko sa kanila at nakita ko ang kalungkutan sa kanilang mga mata. "I'm truly thankful for everything."

"We're the one who's supposed to tell you that." Sabi ni Padre Perez

"I still have one mission left."

They just nodded and promised me that they'll still take care of the history of our order and to seek other Aeons as well.

Inihatid nila ako sa pintuan, kasama ang mga iba pang miyembro ng order. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko sila at ang La Capilla, ang lugar na nagturo sa'kin kung paano tuluyang malugip ang aking sarili at kapangyarihan.

"All hail, Sigrid Ibarra, the woman who led victory!" Padre Perez exclaimed.

Umalis ako ng may basbas nila at masaya akong nagpaalam sa kanilang lahat.

Sa biyahe'y ang daming naglalaro sa'king isip kung anong madadatnan ko sa aking pagbabalik, hindi ko alam kung ano ang kalagayan ng mga kaibigan ko at ni Isagani.

Isa lang ang sigurado ako, handa na akong humarap kay Memo.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top