/23/ Looking Within
"COME in," sabi ko nang may kumatok sa aking silid. "Zia?" tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa may pintuan.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nakapagpalit na siya ng damit at sa palagay ko'y tapos na siyang pag-aralan ng research team ni Dr.Morie ngayong araw.
"Anong maitutulong ko sa'yo?" tanong ko sa kanya at pinaupo ko siya sa tabi ko.
"Gusto ko ring humingi ng pasensya sa inasal ko noon sa barko." Mahinang sabi niya.
"Hindi mo kailangang humingi ng pasensya," nakangiting sabi ko sa kanya. "Naiintindihan kita dahil hindi mo pa lubos na nauunawaan ang kapangyarihang mayroon ka."
Gumati siya sa akin ng ngiti at yumuko siya, "Gusto ko ring magpasalamat sa'yo dahil iniligtas mo ako noon at pati na rin 'yung iba kong mga kasama."
"Ginawa ko lang kung ano'ng sa tingin ko ang tama." Napatingin ako sa kawalan pagkatapos.
Namayani saglit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Zia," tawag ko sa kanya. "Bakit walang alinlangan na sumama ka sa amin?"
Alam kong nakuha ko na ang sagot na 'yon sa kanya noon. Pumayag siya dahil sa kundisyon ko at dahil na rin wala na siyang ibang mapupuntahan. She's living all by herself. I already knew the answer and yet I asked her that question.
"Naisip ko rin, na kung sasama ako sa inyo, kahit paano'y maaaring naroon ang lugar kung saan ako tunay na nabibilang," sagot ni Zia at tumingin siya sa akin. "Ikaw ang unang tao na hindi ako tinuring na halimaw."
I can sense that Zia is a very kind lady, she is so pure and she bears no hatred to this world.
"Tell me, Zia, what is that you desire?"
"Desire?" napaisip siya saglit. "Simple lang ang gusto ko sa buhay, Sigrid. Gusto ko ng payapang buhay. Hindi naman nagtatagal sa mundong to ang mga bagay na mayroon tayo."
Hindi ko maiwasang maalala si Isagani dahil may pagkakatulad silang dalawa.
Naalala ko tuloy noong araw na sumumpa kami sa Memoire, may mga kanya-kanya kaming motibasyon kung bakit kami pumirma. I wanted to learn and teach art badly, si Rare na gusto ng mataas na academic achievement, si Annie na gusto ng pera para hindi na maghirap ang pamilya, si Ruri na gustong magkaroon ng sense of worth, si Kero na gusto ng kaginhawaan at si Isagani... Si Isagani...na walang ibang gusto kundi kapayapaan ng sarili.
"Ahh, I'm jelous."
"Huh?" nagulat siya sa sinabi ko at tinawanan ko siya.
"You're so pure; I wish I'm like that."
"Hindi kita maintindihan."
"Actually, I used to see the world beautifully just like you."
Pero malupit ang mundo.
*****
MARAMING tao ngayong umaga ang naglilisawan sa plaza marahil araw ngayon ng Linggo. Naglalakad ako habang pinagmamasdan ang mga tao na abala sa kani-kanilang sariling buhay. I can't help it but to feel somehow envious to them, mabuti pa sila at namumuhay lang ng normal.
Tumakas lang ako sa HQ kanina dahil gusto ko lang maglakad para makapag-isip, paniguradong kapag nadiskubre nilang nawawala ako'y kaagad nila akong hahanapin. Isa kasi sa patakaran ng Memoire na hindi kami pwede basta-bastang umalis.
Walking somehow lightened my mood, pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng panandaliang kalayaan mula sa aking kakaibang mundo. Walang kaalam-alam ang mga tao rito na totoo ang ilang mga bagay na inaakala nilang imposible, mga bagay na hindi pangkaraniwan.
Habang naglalakad ay nakikita ko ang mga namumukod tangi, nakikihalo sa mga normal na tao, katulad ni Zia ay may mga nilalang akong nakikita na nababalutan ng lila na aura. At katulad ni Zia, alam kong hindi sila pangkaraniwan, hindi lamang nila alam sa kanilang sarili o maaaring tinatago nila ito.
Ngayon ko lang din napagtanto na ang hinahanap naming mga Peculiar ay nasa paligid lang namin. Nagkamali kami noon dahil inakala namin sila na namumukod tangi pero ang totoo'y para lang din silang normal na tao na nakikihalubilo sa nakararami, we became blind because we don't know how to look—we don't have the right eye. Pero nagbago ang aking paningin simula nang mahawakan ng misteryosong batang babae ang aking noo.
Sino ako?
Bumalik ang tanong na 'yan sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang sagot sa tanong na 'yan at hindi ko sukat akalain na ang pagkilala sa aking sarili ang siyang pinakamahirap na gawin.
Pumasok ako sa loob ng lumang simbahan, kakatapos lamang ng huling misa para sa umagang 'to kaya kakaunti na lamang ang tao sa loob. Umupo ako at tumitig sa poon sa altar, isang mortal na pinako sa krus sapagkat siya ang anak ng diyos.
Naalala ko ang aking pamilya, pinalaki kaming relihiyoso at may takot sa Diyos. Natatandaan ko pa ang bawat aral na itinuturo sa amin noon. Subalit nang kapain ko sa aking sarili ay hindi ko na mahanap ang pundasyon ng aking paniniwala—hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.
"Ang tunay na kasagutan ay nasa iyong loob."
Napatingin ako sa aking katabi, ang misteryosong batang babae sa aking panaginip. Hindi ako nagulat nang makita ko siya na nakaupo, hindi katulad noon na nagliliwanag ang kanyang balat—para lang siyang normal na bata.
"Paano ko malalaman iyon? Hindi kita maintindihan." tanong ko sa kanya. Ngumiti ang bata sa akin dahil sa palagay ko'y hindi ako natakot sa kanya o dahil iyon ang unang pagkakataon na naging interesado ako na itanong sa kanya ang pagkilala sa aking sarili.
"Matagal mo ng alam ang kasagutan, subalit naghahanap ka sa labas ng iyong mundo. I-waksi mo ang takot at ang iyong pagdududa sa iyong puso, walang iba lamang kundi isang bukal na pananampalataya," sagot ng bata sa akin. "Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang taludtod na 'yon mula sa Bibliya. Dahil natatandaan ko pa noong bata ako at minsan naming pinag-aaralan ang mga salita ng Diyos ay tinanong ko 'yon sa aking ama, kung ano ang tunay nitong kahulugan.
"S-sinasabi mo bang hanapin ko ang kaharian ng Diyos para malaman ko ang mga kasagutan?" tanong ko ulit sa kanya. "S-saan ko mahahanap 'yon?"
Ngumiti muli ang bata bago ito sumagot, "Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo."
Isang taludtod ulit galing sa Bibliya ang kanyang sinagot. Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos, parang unti-unti kong nauunawaan ang mga sinasabi niya kahit na walang nabubuong konklusyon sa aking isip.
"Sigrid?" halos lumundag ang aking puso nang marinig ang boses na 'yon. "What are you doing here?" nakita ko si Isagani at hingal na hingal siya marahil sa pagtakbo.
"I-Isagani."
Tumingin ako sa aking tabi at nakita na wala na ang batang babae. Muli akong tumingin kay Isagani.
"Kanina ka pa namin hinahanap, alam mo bang sobra akong nag-aalala sa'yo?" bakas ang matinding pag-alala sa kanyang mukha at bigla niya akong niyakap.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kanya.
"Memo," narinig ko pa lang ang pangalan na 'yon ay nagkuyom na ang palad ko. "He found out that you're missing and he used his power to find you."
Hindi na ako kumibo. Isa talagang katotohanan na mas malakas si Memo sa akin. Pero kung hindi ko na hahayaan ang sarili kong bumalik sa Memoire'y kayang-kaya kong protektahan ang aking sarili mula sa kanya, dahil siya ang nagturo sa akin ng iba't ibang technique noon.
Malinaw na minamanmanan ni Memo ang bawat galaw ko dahil ayaw niyang magiging hadlang ako sa mga plano niya. Pero hindi niya alam na hindi niya mapipigilan ang pagdating ng mga kasagutan sa akin.
Palabas na kami ng simbahan nang huminto ako sa paglalakad, nilingon niya ako at kita ko ang pagtataka sa kanyang itsura.
"Sigrid?" tawag niya sa akin.
"Isagani," sinalubong ko ang kanyang tingin. "Can you see the future?"
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng ilang segundo, siya ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi siya naging handa sa tanong ko.
"H-hindi ko na nakikita ang hinaharap."
Napakunot ako sa kanyang sinagot at kaagad akong lumapit sa kanya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Wala siyang maisagot sa akin at hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso. Habang tinitignan ko siya'y isa lang ang nakita ko sa kanyang isip.
"Memo, he is controlling you!"
Tumingin siya sa akin at tila hindi matanggap ang mga sinabi ko. Malalim ang pinagsamahan nila ni Memo at magkapatid ang turingan nila sa isa't isa noon. Pero hindi pa nakikita ni Isagani na nagbago na si Memo, hindi pa nito nakikita ang totoo nitong kulay.
"May mga nakikita ako sa hinaharap na gusto kong baguhin!" napaawang ako nang makita ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. "Alam mo ba kung gaano kahirap sa'kin 'yon? Na makita ang mga bagay na hindi ko gusto?"
"Isagani," mas lumapit ako sa kanya, "anong nakikita mo?" Akma kong hahawakan ang kanyang sentido pero pinigilan niya ang aking kamay.
"We can't escape him," sabi niya. "We can't escape, Memo. He's... he's too powerful."
Kung gano'n ay alam na niya ang mga mangyayari sa hinaharap, alam na rin niya ang totoong agenda ni Memo. Pero mas pinili niyang tanggapin ang bagay na 'yon. Hindi ko matanggap...
Binawi ko ang aking kamay mula sa kanya at nauna akong naglakad papunta sa kanina pa naghihintay na sasakyan.
*****
BUONG araw akong nagkulong sa aking silid nang makabalik kami sa Headquarters ng Memoire. Sumuko na rin sila Annie at Ruri sa pagtawag sa akin dahil kanina pa nila ako pinipilit na lumabas. Hindi naman na nila ako pinuwersa dahil araw din ng pahinga namin ngayon, mukhang nakaramdam sila na gusto kong mapag-isa.
Lumipas ang maghapon at sumapit ang gabi. Nakaupo pa rin ako habang nakatitig sa salamin ng aking mesa. Kanina ko pa napag isip-isip ang mga sinabing taludtod ng batang babae, ang kasagutan ay nasa aking loob. Napagtanto ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaari kong gamitin ang aking mga mata sa paghahanap ng bagay, minsan hindi nakikita ng mga mata ang katotohanan.
Pumikit ako at habang dinama ang nakabibinging katahimikan. Pumikit ako at pumasok sa akong pinakaloob. Look within, because the answers are inside all this time.
Kadiliman. Katahimikan. Kapayapaan.
Habang palalim ako ng palalim sa walang katapusang kadiliman. Bigla kong nakita ang isang maliit na liwanag. Keep looking within. Don't stop looking inside yourself, Sigrid.
Hindi ako bumitaw hanggang sa lumalaki ang bolang liwanag. Lumapit ako rito at sinubukan itong hawakan. Hanggang sa lumiwanag ang lahat. Ang kadiliman ay napalitan ng walang hanggang liwanag, wala akong ibang makita.
Keep looking.
"Mahusay."
Mula sa kawalan ay lumitaw siya, ang batang babae. Nakalutang siya at may limang metro ang layo sa akin. Hanggang sa gumalaw siya palapit sa akin.
"Nandito ka?" sabi ko sa kanya nang siya'y makalapit.
"Matagal na akong nandito. Natagpuan mo rin ako sawakas sa iyong kalooban, ako'y nagagalak."
"Anong ibig mong sabihin? Nasaan tayo?"
"Narito ka sa kalooban ng iyong kaluluwa, hindi ito isang panaginip. Narito ako ngayon dahil ako ang iyong salagimsim ng iyong kaluluwa—ang iyong higher-self."
Salagimsim? Higher-self?
"Kung ganon... ako ay..."
"Ikaw ay ako. Ako ay ikaw," sabi ng bata. "Ako'y naghayag upang gisingin ka at upang ipaalala sa'yo kung sino ka ba talaga at kung ano ang iyong misyon sa mundong ito."
"S-sino ako at ano ang aking misyon?"
Katulad nang ginawa niya noon ay tinaas niya ang kanyang kanang kamay, gamit ang hintuturo nito'y tinuro niya ang aking noo at namuo roon ang isang kulay lilang liwanag.
"Ikaw si Ravi, isang sinaunang Aeon, ang diyos na sinugo ng itim na araw. Hindi na ito ang unang beses na nabuhay ka sa daigdig. At ang iyong misyon... pigilan ang iyong katapat na si Rama."
Biglang nag-iba ang paligid, parang isang pelikulang mabilis na umaandar napunta ang tagpuan sa Diamond Tower sa Sentral City. Sa isang sikretong silid ay may nagtatagong kadiliman, sa altar nito'y may isang puting gasuklay na buwan—isang simbolo.
"Long live, Rama!"
May isang upuan sa altar at prenteng nakaupo siya roon. Nakasuot siya ng puting roba at isang korona na may simbolo ng buwan. Sa harapan niya'y sinasamba siya ng anim na tao, nakasuot sila ng puting balabal, na nakaluhod sa kanyang harapan at sinasamba siya.
Hindi na ako nagulat pa sa aking nakita, si Rama at si Memo ay iisa! Si Memo ang diyos na sinugo ng buwan. Nakita ko na nasisiyahan siya sa pagturing sa kanyang diyos, at naalala ko lahat ng mga sinabi niya noon.
Naalala ko rin ang librong natagpuan ko sa library, ang Secretum Societas. Kung ganoon ay si Memo ang diyos na sinasamba ng tinatawag na Lunar Brotherhood.
"Tama ka. Ang kultong ito ay nagsimula pa noong unang panahon, ang De Fractrum Lunam. Naniniwala sila na kaya silang basbasan ng kapangyarihan ni Rama at sa hangarin nitong tanging mga Aeon lamang ang may karapatang mamuno sa mga mortal." Narinig ko ang tinig ng aking salagimsim.
Kaya pala binalak ni Memo noon na makumbinsi ako na sumama sa kanyang panig, matagal na niyang hinihintay ang paggising ko—ang paggising ni Ravi.
"Kailangan mo siyang pigilan."
"P-paano?"
Napunta ang eksena sa ibang lugar, hindi 'yon pamilyar sa akin at tiyak kong isa 'yong banyagang lugar. Nakita ko ang isang lumang simbahan na nakatirik sa isang burol.
"Sa lugar na El Salvador, hinihintay ka ng iyong mga alagad, Ravi," sabi ng batang babae. "Hinihintay ka ng Ordo Sol Nigrum o ng Order of the Black Sun dahil kailangan ka nila."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top