/19/ Sweet Dreams


"MANONG, dito n'yo na lang po ako hintayin."

Tumango lang ang driver at umibis ako ng sasakyan. Pinayagan ako ni Memo na pumunta rito ngayong araw, iyon nga lang ay pinababantayan niya ako ng maigi sa kanyang driver.

Napahinga ako ng ilalim at hindi ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang tagal na rin simula noong huli akong pumunta rito, hindi pa rin nagbabago ang lugar na 'to, maraming mga puno, sariwa ang hangin at payapa. Tandang tanda ko pa rin ang araw na hinayaan ako nila Mama at Papa na dalhin papuntang mental institution.

Buong lakas loob kong binuksan ang gate at naglakad papunta sa bahay. Hindi maiwasang pumasok sa aking isip ang mga masasayang alaala noon, napangiti ako subalit may kirot sa aking puso.

Nang makalapit ako sa bahay ay kakatok pa lang sana ako nang marinig ko ang isang ingay na nagmumula sa likod-bahay. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon, siniguro kong hindi nila ako makikita at nagtago ako sa likuran ng isang puno.

Sumilip ako at nakita ko sila Mama at Papa na nakaupo. Ang mga maliliit kong kapatid ay masayang naglalaro, si Ate Sara ay nakita kong nag-iihaw at katulong niya si Kuya Samuel. Isa silang larawan ng normal at masayang pamilya.

Habang pinagmamasdan ko sila'y hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha sa aking pisngi na kaagad kong pinahid. Malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang sa pagkupkop at pagmamahal nila sa akin na parang tunay nilang anak. Alam kong wala na akong mababalikan pa.

Magkaiba na ang mundong ginagalawan ko sa ginagalawan nila. Magmula nang makilala ko si Memo ay hindi na naging normal ang takbo ng aking buhay. At dahil mahal ko pa rin sila kahit na nasaktan ako noon, ayokong madamay sila sa kung ano mang kasasangkutan ko sa hinaharap.

Pumikit ako at sunud-sunod na pumatak ang luha sa aking pisngi.

"Maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin noon."

Kailangan kong burahin ang aking sarili sa kanilang mga alaala.

Paalam.

*****

"GOOD bye, Miss Sigrid." The children cheerfully chorused.

"Good bye, kids!"

The children waved at me and I waved back. Nang makalabas silang lahat ay napaupo ako at pinagmasdan ang paligid, hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala sa kasalukuyan kong ginagawa. Finally, I'm doing what I really wanted, the arts. And it's all thanks to them—Memoire.

They are the one who gave me opportunities to pursue painting. Sa kasalukuyan isa ako ngayong teacher sa isang private school. I don't know how they even managed to get me here but I think it's just that the Tito Oryo is just really influential; he's the chairman of Atlas University and co-founder of Memoire after all.

Napatingin ako sa orasan sa pader at nakitang ala una na ng hapon, tsaka ko naalala na mayroon pala akong exhibit na pupuntahan mamayang alas dos, and yes, my own exhibit. Isang taon na rin pala ang lumipas at hindi ko namalayan ang bilis ng oras. Maraming naging pagbabago sa aming buhay at hindi na ako ginambala pa ulit ng batang babae na nagpapakita sa akin.

Dali-dali akong kumilos, nagpaalam muna ako sa headmaster ng school bago umalis. Sumakay ako sa naghihintay na sasakyan sa parking lot, Ford Mustang 1984, na bigay din sa akin ng Memoire, actually lahat kaming miyembro ng Night Class ay binigyan ng sari-sariling sasakyan.

Sinuot ko ang aviator sunglasses na nasa dashboard, binuksan ko ang radyo bago buhayin ang makita.

Si Memo ang nagturo sa akin magmaneho at dahil sa aking photographic memory ay hindi na siya nahirapan na turuan ako. Papunta ako ngayon sa kauna-unahan kong art exhibit sa Sentral City, halos isang oras din ang byahe mula rito.

Nagising na lang ako isang araw at nakatanggap ng iba't ibang recognitions dahil sa aking pagpipinta. I still can't believe it, people easily recognized me because I am that girl who always wins in piano contests when I was a kid.

The others are also having a great time right now. Si Rare ay nagtapos sa kolehiyo ng may pinakamataas na karangalan. Si Annie naman ay hindi na namumrublema sa pera at itinigil na ang pakikipaglaban sa underground death match. Si Kero naman ay kasalukuyang personal body guard ni Vit at masasabi kong nasusunod din ang luho niya lalo na sa pagkain. Si Ruri ay masayang nakikibahagi sa mga social works. Si Isagani naman na tanging walang ibang hiniling kundi ang makontrol ang kanyang kapangyarihan ay tumutulong kay Memo.

And there's Memo, the busiest among us. Hindi ko siya masyadong maramdaman ngayon dahil nga sa marami siyang ginagawa, siya ang nagmimistulang presidente dahil siya ang nagpapatakbo ng Memoire.

Nang makarating ako sa isang gusali sa siyudad ay kaagad akong sinalubong ng coordinator at inihatid ako sa function hall kung nasaan ang exhibit. Bumungad ang mga kislap ng camera at pagkakamay ng iba't ibang tao na halos hindi ko na mamukaan. It's one of the glorious moments in my life.

It is indeed a sweet dream.

*****

MATAPOS ang mahabang araw ay umuwi rin ako sa bago naming tinutuluyan. Sa headquarters ng Research Center for Paranormal Abilities o RCPA, kung saan ay mayroon kaming sariling mga kwarto. Nagulat ako nang bumungad silang lahat sa common room pagpasok ko, si Memo lang ang wala.

"Congrats, Sigrid!" masiglang bati nilang lahat. Si Kero naman ay pinihit ang party poppers at umulan tuloy ng confetti sa loob ng silid. May dalawang box ng pizza, chocolate cake, at softdrinks sa lamesita.

"Para sa'kin ba 'to?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Of course, it's your special day." sagot ni Annie na tinabihan at inakbayan ni Kero.

"Pasensya na kung hindi kami nakapunta kanina sa exhibit mo." Apologetic na sabi ni Ruri.

"Okay lang naman sa'kin alam kong busy kayo." Sabi ko sabay kuha ng pizza.

Sa totoo lang ay bihira na lang din kaming magsama-sama ng ganito dahil kadalasan ay abala kami sa kanya-kanya naming business at hindi na kami nagkakakitaan kapag umuuwi.

Masaya kaming nagkwentuhan at natutuwa ako na makitang naging komportable na kaming lahat sa isa't isa hindi katulad noong nasa Atlas University pa kami. Napansin kong si Isagani ang hindi masaydong nagkukwento at tahimik lang na nakikitawa sa amin, hindi na rin siya naninigarilyo simula noong nag-training kami rito.

"Ikaw, Isagani, kamusta?" biglang nagtanong si Kero. "Siguro panay pambabae niyo ni Memo, ano? Siguro ang sinulat mo sa kontrata, babae at sigarilyo." At tumawa ito ng malakas.

Medyo nawala yung ngiti ko sa labi nang ngumiti lang si Isagani.

"Pwede rin." Sagot nito.

"Aba, sabi ko na nga ba."gatong pa ni Annie.

"Pinagtutulungan ka ng mga yan palibahasa they're going out." Sumingit si Rare habang nakangisi.

"Hoy Rare, anong pinagsasasabi mo dyan." Biglang naghiwalay ng pwesto si Annie at Kero.

"Nagde-date kayo?" inosenteng tanong ni Ruri sa kanila.

"Hindi ah!" sabay pa silang sumagot.

We continued to talk and laugh hanggang sa biglang tumunog ang orasan. Alas nuebe na ng gabi. Natahimik kami at nagkatinginan. Katulad noon ay mayroon pa rin kaming rules na sinusunod.

"Let's sleep. Maaga pa bukas." Sabi ni Isagani at nauna itong tumayo.

*****

THERE ain't no such thing as free lunch, it's a mainstream Economic theory. The proverb simply means that it is impossible for a man to gain something for nothing. It's a law that no one can escape—a nature of life. Though our world is being run through the economy, opportunity costs are all around us. If something is truly free, there is no need to count costs.

Miyerkules. Kalagitnaang araw sa loob ng isang linggo. Tuwing araw na 'to nagsisimula ang responsibilidad namin sa organisasyong ito, ang Memoire. Ito ang araw na kailangan naming sumailalim sa iba't ibang pag-aaral ng mga scientist sa RCPA, isa 'to sa aming responsibilad, isang kabayaran sa lahat ng luho na kanilang binibigay.

Five AM in the morning kailangan gising na kaming lahat. May physical exercise sa open field hanggang six am. Babalik sa dorm, na nasa basement, maliligo at sabay-sabay na kakain ng agahan. Seven AM dapat nasa waiting area na kami ng laboratory, na nasa second floor. Pagkatapos ay isa-isa kaming tatawagin para sa kung anu-anong physical at mental tests.

I don't actually know what exactly they are doing to us but it's just a bunch of tests. Maraming professors, scientist, at doktor, na pribadong nagtatrabaho sa Memoire, ang nag-aasikaso sa amin. Wala naman silang ginagawang nakasasama sa amin at wala rin silang sinasabing detalye.

Memo's not here again, mukhang abala talaga siya sa operation ng organization na 'to.

Pagkatapos ng maraming tests, isa-isa na kaming dadalhin sa kanya-kanya naming training room dahil magkakaiba kami ng abilities kung kaya't iba't ibang specialist ang humahawak sa aming anim. Halos isang taon na kaming sumasailalim sa special training at masasabi kong malaki rin kahit papaano ang naitulong nito.

Pumasok ako sa isang silid na walang ibang gamit kundi isang lamesa na may magkatapatang upuan. Umupo ako at naghintay sa professor. Maya-maya'y bumukas ang pinto at nagulat ako sa aking nakita.

"Hello, Sigrid," nakangiting bati niya sa akin. "It's been a year."

"R-Richard? A-anong ginagawa mo rito?" hindi ko maiwasang mag-utal sapagkat hindi ko ito inaasahan. He's wearing a white coat and I assumed that he's assigned to test me today.

"Relax, Sigrid," he gave me an apologetic smile umupo siya kaharap ako at nilapag sa sahig ang dalang suitcase. Ilang segundo rin kaming nagtitigan lang, walang salita ang kumawala sa aming bibig.

"Ako nga pala ang bagong magte-train sa'yo." Sabi nito habang direktang nakatitig sa aking mga mata, "I am—"

"Richard—" tawag ko sa kanya,

"Sigrid, we can talk outside after this," sabi niya at nilabas mula sa dala ang mga baraha, its Zener Cards. Naglabas din siya ng journal para mag-take down ng notes. "Every session here is being recorded." atsaka ko lang ulit naalala na mayroon nga palang camera na nakatutok sa amin ngayon.

Wala na rin akong nagawa, nagsimula kami sa training at buong magdamag na may bumabagabag sa aking isipan.

*****

LUMIPAS ang mahabang oras, katulad nang napag-usapan ay nagtagpo kami ni Richard sa labas ng institution at nagtungo kami sa botanical garden kung saan walang masyadong makakakita sa amin.

"What now?" sabi ko nang parehas kaming nakatulala lang sa mga puno't halaman. Tumingin siya sa akin at alanganing nginitian ko siya.

"My father offered me to participate in his research," nagsimula na siyang magkwento. "Pinipilit niya 'kong dumalo sa mga underground death match para makahanap ng mga taong may extraordinary abilities, he even invented boosters to improve a human's strength."

Kung ganon siya nga ang nakita ko noong minsan pinuntahan namin si Annie.

"Recently I told him that I need to focus on my studies dahil wala namang kinalaman sa paranormal ang kukuhanin kong major. Until he told me about this Memoire, na merong willing mag-sponsor financially ng research niya."

Naglakad-lakad kami habang patuloy siyang nagkukwento.

"My father is very enthusiastic, ibinalita rin niya sa akin na sawakas ay nakahanap na rin siya ng mga taong may tinataglay na superhuman powers," napahinga siya ng malalim bago magpatuloy. "At ipinakita niya nga sa akin ito."

Hawak niya rin pala yung journal kanina at ipinakita 'yon sa akin.

"Nandito 'yung profiles ng mga tinatawag niyang Peculiar at nagulat ako... nang makita kita," huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. "Iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag na mag-participate dito."

Sasagot pa lang ako nang unahan niya akong magsalita.

"But don't get me wrong... alam kong alam mo kung ano ang totoong nararamdaman ko sa'yo," ngumiti siya. "Mahal kita, Sigrid. Mahal kita kaya ko 'to ginagawa."

"Richard I—"

"At kahit hindi ako Telepath katulad mo... I can tell that someone already captured your heart and even though it hurts I am fine with that."

"What are you trying to say?"

"What I am trying to say is... I'm doing this just because I want to, and I do not expect anything in return. I'm doing this as your friend. Gusto ko lang sabihin sa'yo yung totoo kong nararamdaman, it's better than keeping it all along to me."

I don't know why but I feel sorry for him, hindi ko magawang ibalik sa kanya ang nararamdaman niya para sa'kin and yes he's right, someone already occupied my heart.

*****

HINDI ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako nakahiga at nakatitig lang sa kisame, bumangon ako. Nakatanggap kami ng isang special assignment mula kay Memo para bukas. Pinakiramdaman ko ang paligid, mukhang tulog na tulog silang lahat marahil sa pagod ng buong araw ng pag-eensayo—maliban sa isa.

Dahan-dahan akong bumaba papuntang common room, patay lahat ng ilaw. Walang liwanag dahil wala namang bintana hindi katulad noon sa secret dorm namin sa Atlas University.

"Can't sleep?" biglang bumukas ang lampshade at sa tabi nito'y nakaupo siya sa sofa.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya at naglakad ako papalapit sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa na kinauupuan niya. "Meditating?"

"Nah. I miss smoking." Natawa ko sa sinabi niya, tiningan ko siya at para siyang batang hindi binigyan ng kendi.

"Then bakit hindi ka manigarilyo?" sabi ko, trying to keep things light.

"Sometimes you need to give up things in order to achieve something." Sagot niya.

"Sounds like an opportunity cost for me."

"Mahilig ka sa Economics ano?"

"Not really."

Namalayan ko na lang na komportable akong nakikipag-usap sa kanya.

"Hey," tawag niya sa akin at napatingin ako sa kanya. "Can you read my mind now?"

"Hmm. I tried it before but I failed."

"Why?" kunot-noo niyang tanong.

"You mastered how to empty your mind."

"Is it even possible to think of nothing?"

"I think so."

Unti-unti siyang umuusod sa kinaroroonan ko at naramdaman ko rin ang pagkabog ng aking dibdib.

"Can you tell me what my future will be?" ako naman ang nagtanong sa kanya.

"I can't."

Atsaka ko napagtanto na ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Ngayon ko lang aaminin 'to sa sarili ko, I'm attracted to him for a long time. I think he also feels the same but we don't act upon our feelings because we're both restraining ourselves.

"What are you trying to do, mister?" tanong ko halos pabulong dahil sa lapit niya.

"Did you know that the universe is conspiring the things that are meant to be?"

"Ha?" natatawa ko sa di malaman na dahilan pero damang dama ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"There are thousands of unseen forces that pulling us into the right places. If I kiss you now do you think it will affect our future?" He suddenly pulled me to meet his lips and I felt his hand pushed at the back of my neck.

Hindi ko alam kung gaano katagal nang bitawan namin ang isa't isa ay bumulong siya sa akin.

"Sweet dreams."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top