/13/ Goodbye
"KERO, pwede bang tigilan mo 'yang ginagawa mo," iritadong sabi ni Annie pero tinawanan lang siya ni Kero at itinuloy pa rin ang ginagawa nito. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan sa kumedor, pinapalutang ni Kero sa ere 'yung bacon at egg atsaka niya ibubuka yung bibig niya para makain 'yon, lazy as ever.
"Huwag kang killjoy, Annie, alam mo namang dito ko na lang nagagamit 'tong powers ko," sabi niya habang ngumunguya. "Gusto mo ba. Say ahhh."
"Tigil-tigilan mo 'ko sa kalokohan mo!" hinawi niya yung mga bacon na pinaikut-ikot sa kanya ni Kero.
"Kero, sayang yung pagkain, huwag mong paglaruan." Nag-aalalang saway ni Ruri.
"Porke wala si Memo rito ang lakas ng loob niyong magharutan," puna ni Rare, neutral lang yung mood niya, hindi galit pero hindi rin tumatawa. Tama si Rare, hindi na namin nadatnan si Memo kanina at pati na rin si Isagani.
"Oo nga pala, nasaan ba sila ni Isagani?" tanong ni Kero at tinigilan na niya si Annie.
"I don't know." Rare just shrugged.
"May importante 'ata silang lakad." Si Annie na hindi rin sigurado sa sagot niya.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila. Wala ng nag-ungkat pa ng tungkol sa pangyayari noong gabi 'yon simula nang makabalik kami rito. Mabilis na naka-recover si Ruri at mukhang maayos naman na ang kalagayan niya ngayon. Napansin ko rin na uma-attend na siya sa training, hindi na rin siya inaaway ni Annie at lihim ko 'yong ikinatuwa. Ruri finally realized her importance to this group despite of her weaknesses, alam kong darating ang araw na lalakas pa siya lalo hindi lang sa kapangyarihan niya.
"Naalala ko tuloy," sabi ni Kero at napatingin kami ulit sa kanya. "Narinig ko dati sila Memo at Isagani na nag-uusap, dalawa dapat ang marerecruit sa Night Class."
"Baka naman guni guni mo lang 'yon?" si Ruri
Umiling si Kero, "Hindi ko rin alam," atsaka natawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. "Pero ayos lang 'yon, pito tayo, we can call ourselves, 'The Lucky Seven'."
"What the hell." Annie rolled her eyes as she drinks her milk.
"Ang ganda nga 'diba. The Lucky Seven." Inulit pa ni Kero sabay kumpas ng kamay.
"Diyan ka na, male-late na 'ko." biglang tumayo si Annie at umalis. Sumunod si Rare at naiwan kaming tatlo nila Ruri.
"It's nice." Matipid kong sabi.
"Wow, buti ka pa Sigrid, na-appreciate ang wit ko." Nakapangalumbabang sabi ni Kero habang kumakain pa rin. Napahinga na lang ako ng malalim at napangiti sa kanya, nagkatinginan kami ni Ruri at ngumiti lang din siya.
*****
DALAWANG araw bago sumapit ang araw ng sabado. As of the moment, normal naman ang lahat, araw-araw ay pumapasok ako ng mga klase 'ko at palagi kaming magkasama ni Richard, hindi na rin namin napag-uusapan 'yung tungkol sa party at hindi na rin niya inuungkat yung nararamdaman niya para sa'kin. I wonder why.
Every day I am trying to live normally like everyone else. Hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko para manlamang ng kapwa. Since Ofelia, the mysterious woman from the mental institution, taught me how to control my power, this is the right way to continue living despite of being not normal. Pero may mga pagkakataon na hindi ko pa rin maiwasan kaya hangga't maaari kinukontrol ko ang sarili ko na gamitin ang kapangyarihang ito.
I sometimes wonder what the scary thing about humans is, sa tuwing naglalakad ako sa gitna ng corridor habang napapaligiran nila atsaka ko napagtanto —you do not know what's inside their heads. But I was wrong, the scariest thing is...to know what they're thinking. It's like a nightmare to see or to hear what really a person is, their inner monologues, their darkest secrets, their perception about this world. Katulad na lang ng ginawa ng mga kapatid ko sa'kin. And so I decided to not interfere in their most private thoughts. It is the best way to live as a Telepath among normal people.
"I found the book."
Napakurap ako bigla at napatingin ako kay Richard na umupo ulit kaharap ko at ibinigay sa'kin ang reference na sinasabi niya para sa research namin sa Biology. Nagpasalamat ako sa kanya matapos kong kuhanin yung libro. Nagpatuloy kami sa pagri-research at halos hindi namin namalayan pareho ang oras at inabot kami ng hapon.
Sabay kaming naglalakad palabras ng library nang biglang mapahinto si Richard. Huminto rin ako at nagtatangkang tumingin sa kanya.
"May nakalimutan ka ba?" tanong ko.
"W-wala. May naalala lang ako." but when sometimes when I'm curious, I can't help to peek inside their thoughts... 'Tungkol sa...gabing 'yon.'
"Pwede ko bang malaman?" Halata sa itsura ni Richard na nag-aalangan siyang sabihin kung ano mang nasa isip niya.
'I've been thinking since that night. Ano ang koneksyon mo sa mga taong 'yon?'
I see, he's bothered.
"Uhh. Kailangan ko ng mauna, Sigrid," bigla siyang nagmadali paalis at hindi niya na 'ko nagawang hintayin pa. He suddenly turned like this. Why, Richard?
*****
ISANG hapon at naglalakad ako pabalik ng secret dorm namin sa College of Chemistry nang sumagi bigla sa aking isip si Andrea. Magmula noong pumayag ako sa alok ni Memo ay hindi na ako nakabalik ng dorm dahil si Memo ang nagpakuha sa mga tauhan niya ng mga gamit ko upang dalhin 'yon sa secret dorm namin. Kung kaya't hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng malinaw na pag-uusap ni Andrea.
Nag-iba ako ng direksyon at kaagad akong nagtungo sa dati kong dorm, sa girl's dormitory sa likuran ng main building. Naglalakad pa lang ako sa entrada ay natanaw ko na sa may puno malapit sa entrance door si Andrea, kumaway siya sa akin at dali-dali naman akong nagpunta sa kinaroroonan niya.
"Hi, Sigrid," nabigla ako nang yakapin ako ni Andrea, kaagad din naman siyang bumitaw, bigla tuloy hindi ko mahanap ang mga salitang dapat sabihin sa kanya.
"K-kamusta? Kamusta si Talia?" pakiwari ko'y ang tagal naming hindi nagkita.
"Mabuti naman siya, naiinis pa rin sa'kin," nakangiting sagot ni Andrea, kaagad naglaho ang ngiting 'yon at muli siyang sumeryoso. "Ang totoo, Sigrid, alam kong pupunta ka rito."
"Nakita mo ba na mangyayari 'to sa panaginip mo?" tumango lamang siya at humakbang siya ng isa palapit sa akin. "Andrea, I'm sorry pero... hindi ko na magagawa ang gusto mo na umalis ako rito."
"Alam ko,Sigrid, kahit nakikita ko ang hinaharap, minsan wala akong kakayahan na baguhin ang mga mangyayari kahit pilitin ko," kalmado niyang saad. "Tama ka, sa akin galing ang unang liham na natanggap mo noon."
"Bakit? Bakit mo ako gustong paalisin dito? Bakit mo ako binigyan ng babala?" sunud-sunod kong tanong.
Imbis na sumagot ay kinuha niya ang aking dalawang kamay at nilagay iyon sa magkabilang gilid ng kanyang sentido. Gusto niyang ipakita sa akin kung anong nasa kanyang isip! Alam niya ang tungkol sa aking kapangyarihan!
Mabilis kong nakita sa aking isip mula sa kanya ang iba't ibang mga pigura, may tatlong anino ng mga lalaki, isang itim na diyamante, ilalim ng dagat, ang sarili ko kaharap ang maraming tao sa loob ng lumang simbahan, at isang sanggol na isinilang na nasa aking bisig.
Nang bitawan niya ang kamay ko at ibaba 'yon ay nawala ang mga nakikita ko. Litung-lito akong tumingin sa kanya.
"A-anong ibig sabihin ng mga pinakita mo sa akin?"
"Mga bagay na mangyayari sa hinaharap, Sigrid," sagot ni Andrea subalit nakukulangan pa rin ako.
"Pero... bakit? Hindi ko pa rin maunawaan!"
"Alam kong huli na ang lahat para pigilan ka sa ginawa mo, alam ko na rin ang kapalaran ko, Sigrid, kaya ito na lang ang huli kong masasabi sa'yo... Ang lahat ng bagay ay may mahalagang dahilan, kung ano man ang mangyari huwag kang mawawalan ng tiwala sa kanya, sasabihin niya rin sa'yo balang araw kung sino ka."
"Sino? Sino ang tinutukoy mo?"
"Siya."
"Andrea—"
"Paalam, Sigrid." Iyon ang huli niyang sinabi bago niya ako iwanang tulala.
*****
SAMPUNG minuto bago mag alas nueve, pero nadadama ko na ayaw pang umakyat ng mga kasama ko sa kani-kanilang silid. Nasa common room kaming lahat abala sa sarili naming mga mundo, maliban kay Memo at Ruri na nasa kanilang mga silid na at nagpapahinga.
Bigla akong napatingin sa direksyon ng bintana at nakita si Isagani, nakasandal siya sa pader habang naninigarilyo. Hindi ko man maaninag ang mukha niya pero nararamdaman ko na nakatingin siya sa'kin—kanina pa.
"Mauna na 'ko sa taas, inaantok na 'ko eh," paalam ni Kero at tumayo, paakyat na siya sa hagdanan nang lumitaw si Ruri sa harapan niya kaya bigla siyang sumigaw at muntik na siyang matumba sa gulat, maging kami rin ay nabigla. "Ruri! Huwag ka ngang manakot!" hawak-hawak ni Kero ang dibdib at hingal na hingal ito.
"Ruri? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Rare.
"S-sorry, Kero. Pero...guys," nangangambang wika ni Ruri sa'min habang bumababa ng hagdan.
"Bakit?" tanong ko, tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Nagkakagulo kasi sa labas. Sa campus," sagot ni Ruri at nagkatinginan kaming lahat. "N-nakita ko lang sa bintana." Sabay-sabay kaming pumunta sa may bintana, malapit sa kinaroroonan ni Isagani, hinawi ni Rare 'yung kurtina at sumilip kami sa labas. Atsaka namin nakita na maraming estudyante ang naglilisawan at nagkukumpulan, sa ganitong oras ay wala ng dapat masyadong gumagala sa labas. Maririnig din ang sirena ng ambulansya at may nakita kaming mga pulis.
"Ano kayang nangyari?" tanong ni Annie pero walang sumagot sa'min.
Use your powers.
Bigla akong napaatras. Parang may kung anong bumulong sa'kin.
Use your powers, Ravi.
Napahinga ako ng malalim, tumalikod ako sa kanila at naglakad kaunti palayo. I placed my two fingers at the side of my forehead, and then I tried to focus to use remote viewing again.
'Anong nangyayari?'
'May namatay daw sa dorm!'
'May patay?!'
Nagkakagulo ang mga tao, unti-unti kong hinahawi ang mga ito. Sa girl's dormitory, nilabas mula roon ang isang stretcher, at isang babaeng wala ng buhay.
S-si Andrea.
Bigla akong nanghina at napaupo ako sa sahig.
"Sigrid?!" narinig ko sila Annie na nagpanic.
Biglang sumikip ang aking dibdib, binitawan ko ang sentido ko atsaka pumikit. Naramdaman ko na dinaluhan nila 'kong lahat.
"Sigrid!"
"...alam ko na rin ang kapalaran ko, Sigrid, kaya ito na lang ang huli kong masasabi sa'yo...Paalam, Sigrid."
Paalam, Andrea.
"What's going on?" sabay-sabay kaming napatingin at nakita si Memo na kakapasok sa loob, galing siya sa labas.
"Memo?" Nagulat kaming lahat dahil ang alam namin ay natutulog na siya sa kwarto niya.
"Saan ka galing?" tanong ni Isagani pero tuluy-tuloy na naglakad si Memo.
"It's getting late." Iyon ang sinabi ni Memo bago umakyat ng hagdan. Tinulungan akong makatayo ni Ruri at wala kaming nagawa kundi sumunod kay Memo.
*****
NAPABANGON ako bigla. Not Again.
Napapikit ako at napasandal sa headboard ng kama. Damang dama ko pa rin yung kaba sa dibdib ko, habol ang hininga, at pagbagsak ng butil-butil kong pawis. Tiningnan ko ang orasan, mag-aalasdos ng madaling araw.
Andrea is dead.
Isang linggo na halos ang nakalilipas magmula nang maganap ang insidente at paulit-ulit akong dinadalaw sa panaginip ng mga alaala niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, ayon sa kumalat na balita ay nagpakamatay daw si Andrea, uminom ng lason at natagpuang walang buhay sa kanyang kama. Hindi ko pa rin matanggap kung bakit, isa sa sinabi niya sa akin na alam niya na ang kapalaran niya, ibig niya bang sabihin na magpapakamatay siya? Pero hindi... Parang hindi...
"Ang lahat ng bagay ay may mahalagang dahilan, kung ano man ang mangyari huwag kang mawawalan ng tiwala sa kanya..."
Mahalagang dahilan? Bakit ang dami niya pa ring iniwang tanong sa akin? Kahit na ipinakita niya sa aking isip ang ilang imahe na mangyayari sa hinaharap, mayroon pa ring kulang na piraso sa misteryo.
Isang linggo na rin ang nakalilipas pero mabilis na humupa ang balita, pagkaraan lang ng isang araw ay wala ng nagtangka pang pag-usapan ang nangyari. Walang kumakalat ng kwento o balita, walang nakakaalam ng tunay na nangyari.
Minulat ko ang aking mga mata ngunit hindi pa rin mabura sa'king isipan ang mukha ni Andrea at ang mga nakita ko sa isipan niya. Pakiwari ko'y minumulto niya ako at hindi siya matatahimik hangga't hindi ko sinusunod ang gusto niya...
...ang umalis ako sa Atlas.
*****
MEMO is busy right now, he's a part time instructor in Atlas University. Subalit pinilit ko pa ring kumatok sa classroom niya sa College of Chemistry. Pumasok ako sa loob at nakita ko siya na may kasamang tatlong estudyante, kasalukuyan silang nag-oobserve sa isang expirement at napatingin silang lahat sa'kin nang mapansin ang presensya ko.
'Can I talk to you?' sabi ko sa pamamagitan ng isip kay Memo.
"Guys, continue to observe. Excuse me for a while," paalam ni Memo sa mga estudyante at niyaya niya 'kong lumabas kami roon.
"What's the matter?" nakangiting tanong ni Memo at ngumiti ako ng alangin sa kanya. He's wearing his casual white suit. "May problema ba?" I know he can sense. Habang naglalakad kami ay maraming bumabati kay Memo, mga estudyante o iba pang professors, so it's real na popular siya sa university. Well...he's indeed good looking and he has a charming personality. Good thing I learned to protect my thoughts against him, usapan namin 'yon.
"Wala kang klase?" tanong niya at umiling ako bilang sagot.
Pumunta kami sa lounge area, umupo kami pero hindi kaagad ako nakapagsalita.
"Sigrid—"
"I'm sorry," natauhan ako. Alam kong naabala ko siya at naaksaya yung oras niya sa'kin pero kailangan kong sabihin kanya 'to. "I'm...going to quit the Night Class."
He just stared.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Tumingin ako sa lupa, mukhang hinihintay niya ang paliwanag ko kung bakit kaya naman bago ako magsalita muli ay huminga muna ako ng malalim.
"Ang totoo niyan...gusto ko sanang magbreak muna ng isang semester at umuwi sa amin. Wala silang kaalam-alam sa nangyari, gusto kong magpaliwanag sa kanila at alam kong maiintindihan nila 'ko. It's just that... I want to see them."
"I see," napatingin ako sa kanya dahil iyon lang yung sinagot niya. "Kung iyon ang gusto mo walang problema."
I can't believe that he'll let go of me that easily.n
"M-memo—"
"Pero mukhang malabo ka nang makabalik ng Atlas University." Napakunot ako bigla sa dinugtong niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sigrid," humarap siya sa'kin at hinawakan ang kanang kamay ko. "Magmula noong inilabas kita sa mental institution, it feels like you're my responsibility, I've been always checking your family's condition dahil alam kong kinuha kita sa kanila ng walang pahintulot," nakakunot pa rin ako habang nagsasalita siya. "Your family's business is not doing well; I believe that your father can't send you into this university if you quit the Night Class. You see, Sigrid, isa sa mga benefits ng Night Class ang scholarship. I'm afraid that... you can't go back anymore."
It leaves me awed.
"Your dad is sick."
"A-ano?"
"That's why he's having a bad time to handle his business lately," hindi na 'ko nakapagsalita pa, napatingin na lang ako sa kawalan, naramdaman ko na marahang pinisil ni Memo ang kamay ko. "I think it's best for you to stay at Night Class, for your family."
"Kung ganon mas kailangan ako ni papa lalo ngayon."
"Pinag-aral ka nila rito para sa sarili mong kabukasan hindi ba? At isa pa, hindi pa nila alam na nakalabas ka na ng institution na 'yon, you have to stay here and to focus, your father will be more happy in that way."
Kahit na hindi naging maganda ang huling pangyayari kasama ang aking pamilya, kahit na may kasalanan sa akin sila Kuya Samuel at Ate Sara, sila pa rin ang pamilya ko. Ang dami nilang sinakripisyo para lang mapag-aral ako sa eskwelahang 'to, at hindi ko kayang basta-basta masayang ang lahat ng 'yon, dahil mahal ko pa rin sila.
It feels like Memo gave me no choice. I can't really do what Andrea wished for me, I can't leave this place anymore.
xxx
Sigrid
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top