Special Chapter
"Na miss mo ba ako?"
Nakangiting sambit nung taong naka tayo ngayon sa may pintuan..
Di ako makapaniwala..
Totoo ba to o panaginip lang ?
Nanatili akong tulala at di makakilos
Maya maya Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi
Kasabay nun ang pagpatak ng masaganang luha sa aking mga mata.
"Michael, buhay ka?"
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya ng kay higpit.
"Michael, buhay ka!
Di ako makapaniwala.. Miss na miss na miss kita.
Akala ko di na kita muling masisilayan pa. Ilang taon kong tiniis ang sakit ng iyong pagkawala.. Pero.. pero ngayon!"
"Shhhh wag kanang umiyak!
Ayokong makitang umiiyak ka emerald! Ako din naman miss na miss din kita"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya .
"Pero, pero diba patay ka na?
Iniligtas mo ako nun!"
Ang masayang mukha ni Michael ay biglang napalitan ng sakit at pagdadalamhati
"bakit ka malungkot? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko...
Mariin nyang hinawakan ang aking kamay at nagsimula syang magkwento
*Flashback*
Michael's Pov
Wala akong magawa kundi ang pagmasdan si Emerald habang naglalakad siya papalayo sa akin. Sobrang sakit sa pakiramdam! Sa totoo lang, hindi ko alam kong mabubuhay pa ba ako. Nararamdaman ko na ang nalalapit kong katapusan!
"Patawad Emerald , pero mukhang hindi ko na matutupad ang pinangako ko sayo ! Hanggang dito nalang talaga ako! Marami nang dugo ang nawala sa akin. Sana makaalis kana rito at sana maging ligtas ka! mahal na mahal kita emerald !"
Haharapin ko na si tito philip. Hihingi ako ng tawad sa aking nagawa .. Sana ay mapatawad nila ako ni tita julie !
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nun ng makarinig ako ng pag sigaw.
"Kilala ko ang boses na yun! Di ako maaaring magkamali ... Si emerald ang may ari ng boses na yun!!"
kahit nahihirapang maglakad, Pinilit kong magmadali.
Nagulat ako ng may humarang sa aking dinaraanan
"Nandito pala ang traydor na si michael" Galit na sambit ng lalaking nasa aking harapan.
"Ry...ryle?" pautal utal na sambit ko ..
"Walangya ka michael! pinatay mo ang tanging babae na minahal ko! dapat sayo ay mamatay din"
"Maniwala ka ryle di ko sina sadyang patayin si jenny ! patawarin mo ako"
"Hindi kita mapapatawad papatayin kita hayop ka!!!"
Naging isang malaking aso si ryle. Handa na syang sugurin ako. Wala nang natitirang lakas sa akin. Siguro dito na magtatapos ang buhay ko ! Ito na rin siguro ang parusa sa pagpatay ko kay jenny !
"grrr" susugurin na sana ako ni ryle ng biglang....
"GRRRRRRRRR" May isang malaking aso na lumundag sa kanya . Naglaban sila at di nagtagal , natalo si ryle at tuluyan na syang nalagutan ng hininga...
"sino ka?" nagtatakang tanong ko
Naging tao yung aso at nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino yun!
"Pa?" gulat pa rin ako.
"sige na michael, umalis kana rito. Ako na ang bahala sa babaeng iniibig mo!" walang emosyong sabi nya
"pe..pero"
"wala nang pero pero michael"
tinalikuran ko sya at nag simulang maglakad papalayo. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nun ng bigla syang nagsalitang muli.
"Sandali lang michael, may sasabihin ako"
humarap ako sa kanya!
"ano yun" nagtatakang tanong ko
"Wag kang mag'alala , hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa babaeng iniibig mo. Pro'protektahan ko sya . Mag ingat ka palagi michael. Maaaring ito na ang huling pag uusap natin. Ingatan mo sana ang sarili mo! Mahal na mahal kita anak"
Pagkatapos nun, naging isa syang malaking aso at nagmadaling tumakbo papunta sa kinaroroonan ni emerald....
Napa iyak ako sa aking narinig. Hindi ko inakalang maririnig ko yun galing sa aking ama.
"Aalis muna ako rito. Hahayaan ko munang gumaling itong sugat ko. Pero pangako, babalik ako rito. Babalikan ko silang lahat! Hindi para maghiganti kundi para ayusin ang gulong ako mismo ang gumawa"
*End of flashback*
Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nag kwe kwento si michael.
"Ka..kaya pala! Bago pa sya namatay tiningnan nya muna si aling divina tapos biglang tumulo ang luha nya" sabi ko habang pinupunasan aking mata
"Nalungkot nga ako nung nabalitaan ko na namatay si papa at ang buo kong pamilya pero ganun pa man, napatawad ko na si tito philip!" nakangiting sambit ni michael
"Nga pala? panu mo kami nahanap ng anak mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya saka nagpaliwanag..
" Nun kasing bumalik ako sa baryo namin, sinabi sa akin ni tita julie na nandito ka sa maynila at sinabi rin nya na buntis ka. Sobrang tuwa ko nun kasi nalaman kong magiging tatay na ako!"
"Teka, eh paano mo nalaman na si Mira ang anak mo?" curious na tanong ko..
Tiningnan nya si mira at nginitian nila ang isa't isa ..
"Nakilala ko si mira sa labas ng school. Napansin kong medyo kahawig mo sya kaya agad ko syang nilapitan. Tinanong ko sya about sa buhay nya at dun ko napag alamang siya ang anak natin.
Sa totoo lang, Matagal na naming kilala ni Mira ang isa't isa. Tinago nya yun sayo dahil gusto naming sorpresahin ka... "
Nagulat ako sa sinabi ni michael. So ibig sabihin, matagal na silang nag lilihim sa akin.. Tumingin ako kay mira at nginitian nya lang ako. Ganun din si michael!
"Kayong dalawa hah. Naglilihim kayo sa akin."
Sumimangot ako at tumalikod kina michael. Narinig kong nagtawanan yung dalawa!!
Niyakap ako ni michael!
"Wag kana magalit please!" Hinalikan nya ang leeg ko.
Humarap ako sa kanya but still with a poker face. Nag pout si michael sa akin..
My god ang cute nya tignan . "Sige na, wag kana magtampo!" pag papa cute ni michael
napangiti ako at agad akong hinalikan ni michael..
Sobrang tagal kong nangungulila sa halik na yun.. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sana hindi to panaginip kasi ayaw kong mawala uli si michael sa akin..
"Mom, Dad. Im still here can you do that later?" napatigil kami nang magsalita si Mira. Nagkatitigan kami ni michael tapos tumawa kami ng kay lakas..
Kinarga ni Michael si Mira...
"Kahit kailan hinding hindi ko na kayo iiwang dalawa. Mahal na mahal kayo!" seryosong sambit ni michael
"mahal na mahal karin namin michael" nakangiting sambit ko...
Binaba ni michael si mira at nagyakapan kaming tatlo..
Bawat sakit ay may kapalit na kaligayahan. Siguro , ito na yung kapalit sa tatlong taon na pangungulila ko kay michael. Buong buhay ko, hinding hindi ko pagsisisihan ang malagim na nangyari sa amin ng mga kaibigan ko. Kasi hindi ako magkakaroon ng masayang pamilya at hindi ko rin makikilala si michael kung hindi kami nagawi sa
"MISTERYOSONG BARYO"
THE END :)
*MIRA'S PIC. ON TOP*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top