Si michael
Emerald's Pov
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko galing sa bintana .....
Ramdam ko ang sakit buo kong katawan ...
Biglang nag sink in sa utak ko yung pangyayari kagabi ..
Yung kaluskos, yung kamay... yung pagkaladkad sakin...
Napa iyak ako ta's nagmadali akong bumangon...
Kaninong kwarto to? Nasan yung mga barkada ko?
Akmang tatayo na ako ng biglang nagbukas yung pinto
Iniluwa nito ang isang lalake,
Sino sya?
"Gising kana pala! Ayos ka lang ba ?" Nag aalalang tanong nya sa akin.. Tinitigan kong mabuti yung lalake, gwapo sya... maputi , mapula yung manipis nyang labi... Kahawig nya yung crush na crush ko sa EXO na si LuHan, kamukhang kamukha nya talaga..
"Ahhmm a..ayos lang ako!" Medyo nauutal kong sagot sa kanya... Na mesmerize ako sandali sa ka gwapuhan nya..
"Ako nga pala si Michael. Ikaw?"
Nginitian nya ako sabay lahad ng kamay nya...
"E..emerald" inabot ko yung kamay nya tapos ginantihan ko sya ng ngiti ....
"Oo nga pala, nakita kitang walang malay sa may talahiban kagabi... Kaya, ayun dinala kita rito.." paliwanag ni michael..
Talahiban? So ibig sabihin may humila talaga sakin.. Ano kayang klaseng nilalang yun?
"Kagabi , mga bandang 12:30 ay nagising ako sa sobrang uhaw ... Kaya bumaba ako sa kusina para uminom , Paakyat na ako nun nang may narinig akong kaluskos sa may backdoor, bumalik ako sa kusina at tiningnan kung ano yun pero wala kaya sinarado ko ulit yung pinto ... Pagkatalikod ko ay may bigla ulit akong narinig na kaluskos .... Binuksan ko yun ngunit wala pa ring tao,
Bigla nalang may gumalaw sa talahiban . Kahit natatakot ay pumunta ako sa talahiban para alamin kung ano yun...
Hahawiin ko na sana yung talahib ng biglang may kamay na humawak sa braso ko, duguan yun , at mahaba ang kuko .... kinaladkad ako nito papasok sa talahiban, pagkatapos nun di ko na alam ang nangyari " ...
Tumulo yung luha ko habang dinedetalye kay michael ang nangyari kagabi..
"Shhh tama na, wag ka nang umiyak.."
Nagulat ako ng bigla nyang pinahid ang luha ko gamit ang kanyang kamay ...
"Wag ka kasing lumabas kung gabi na... Ayan tuloy , muntik ka nang mapahamak ...
Mabuti pa kalimutan mo nalang yung nangyari.."
Dagdag nya sabay ngiti sakin..
Nakakagaan ng loob yung ngiti nya,
Nginitian ko sya pabalik...
Tama sya, dapat kalimutan ko na yung nangyari ....
Ayaw ko'ng takutin yung mga kaibigan ko...
Ayo kong maging spoiler sa bakasyon na to....
"Hali ka... alam kong nagugutom kana, ipaghahanda kita ng makakain" sabi ni michael sabay hila sa akin palabas
Bahagya akong nagulat paglabas namin sa kwarto nya...
Bahay to nila angel ,
So , siya na kaya?
"Ikaw ba yung kuya ni angel?" Maamong tanong ko sa kanya...
"Oo ako nga" sagot nya sakin..
Pagdating namin sa kusina ay agad nya akong pinaupo tapos naghanda sya ng makakain...
Ang bait naman ni michael, Di ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang pinagmamasdan sya.
Maya maya ay naghain ng pagkain si michael sa mesa..
"Kain kana" sabi nya sabay ngiti...
"S..sige sa..salamat , i..ikaw? Ka..kain kana din" nauutal kong sabi sa kanya...
"Sige busog pa ako.. Mauna kana!" Sabi nya....
Feeling ko malulusaw na ako rito sa kina uupuan ko,
Kanina pa kasi nakatitig si michael sa akin habang kumakain ako ....
"Emerald?"
Pareho kaming napalingon ni michael ng may tumawag sa pangalan ko...
Sina angel pala , kasama nya yung buong barkada...
"Kanina kapa namin hinahanap pero wala ka sa kwarto mo. San ka ba galing?" Nag aalalang tanong ni Genelyn ..
"Ahh, kanina pa ako nandidto .. Kasama ko lang si michael" nakangiting sagot ko kay genelyn...
"Siya ba yung kuya ni angel?" Malanding tanong ni angelie...
"Oo , sya nga " sagot naman ni angel
Lumapit si angelie kay michael tapos kinamayan nya ito...
"Ako nga pala si angelie.." sabi nya sabay pa cute ...
Nginitian lang sya ni michael tapos binawi nya agad yung kamay nya...
Sa tingin ko nagugustuhan ni angelie si michael,
Kunsabagay sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya eh sobrang gwapo at sobrang bait nya...
Pagkatapos kong kumain ay nagyaya si angel na maligo sa falls..
Medyo maalinsangan yung paligid kaya sumang ayon kami.
Sumama na rin sa amin si Michael...
Sa tingin ko , nahuhulog na yata yung loob ko sa kanya, sobrang bait nya kasi sa akin...
×××××××××°°°×××××××××
A/n:
Hi guys, una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga nagbabasa at sumusubaybay sa storyang ito...
Pasensya na po sa mga wrong grammars.
Sana po ay patuloy nyo'ng suportahan ang storyang ito...
Maraming maraming Thank U sa inyo ... xD
More power and godbless,
Pls leave your comments and dont forget to vote.. xD
*michael's pic. on top*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top