Panaginip
Aira's Pov
"God, ba't ang tagal ni Emerald ... sya nalang ang kulang ," maarteng reklamo ni angelie..
"Di pa ba kayo nasasanay kay emerald? Lagi namang late yun ehh" nakangising sabi ni clyde
"Hahaha... oo nga, tama si clyde, at wala na tayong magaawa kundi hintayin sya"
Sabi ko sabay tawa
Pero kahit laging late yang si emerald at napaka daldal nya, sobrang bait nyan
Napakamatulungin, at ubod ng ganda
Sa lahat yata ng magkababarkada siya yung pinakamaganda, para syang dyosa
"Hi guys, im here sorry late ako !" Napadako ang tingin ko sa nagsalita
Si emerald pala
"Hoy babae, ba't ang tagal mo" tanong ni genelyn kay emerald
"Hahaha, sorry talaga late nagising eh" nag peace sign sya
"Buti nagising kapa"
biglang sabat ni henry sa usapan
"Hahaha g*go ka talaga " binatukan ni emerald si henry
Napatawa nalang kaming lahat habang isa isang sumakay sa v'hire . Napagkasunduan namin na si clyde muna ang mag da drive, dun na umupo si angel sa may front seat.
Tapos sa next seat ay si bailon , ako, at si genelyn.
Sa sumunod na seat ay si emerald , si henry ta's si angelie.
Ewan ko lang sa babaeng yan , kung makadikit kay henry parang linta.
Nagsimula na kaming bumyahe
After 4 hours , ay puro mga nag tataasang puno nalang ang nadadaanan namin.
Lininga ko sila sa likod at nakita kong napakahimbing na natutulog si emerald habang nakasandal sa balikat ni henry !
Si angelie naman ay sumandal dun sa may bintana.
Pinikit ko yung mata ko at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising kaming lahat ng biglang hininto ni clyde ang v'hire.
"Wtf clyde, sakit ng ulo ko, nasubsub ako sa bintana. Ba't ka ba kasi huminto?" naiiritang sabi ni angelie
"Sorry guys , naiihi ako eh " sabi ni clyde sabay peace sign
Napailing nalang si angelie sabay buntong hininga,
Si clyde naman ay dali daling bumaba at nagtungo sa tagong lugar.
Napatingin ako sa relo ko
6:30 na pala
Teka asan na ba kami? Napatingin ako sa paligid.
Wala akong nakikitang kabahayan ,tanging ng tataasang puno lamang.
"Creepy place!" Nakahalukipkip na sabi ni genelyn
"Asan na ba si clyde ? Ba't ang tagal?" Reklamo ni emerald
"Dito lang kayo, hahanapin ko" sabi ko sabay baba sa v'hire
"Clyde!" Malakas na tawag ko sa kanya
Di sya sumasagot
Kainis naman to
Bigla akong nakarinig ng kaluskos
Lininga linga ko ang paligid, wala namang tao
Di ko maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman.
"Clyde, asan ka na ba?" Nanginginig na yung boses ko sa kaba at takot.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin, napatitig ako sa mga punong kahoy, sumasayaw 'sayaw ang mga sanga nito , tila nagpapahiwatig na umalis na ako at wag nang manatili sa lugar na yun.
Paalis na sana ako ng may biglang nahulog sa harapan ko.
Napasigaw ako sa takot ng mawari kung ano yun ,
Lasog lasog at punong puno ng dugo ang katawan ni clyde, wakwak ang tiyan at nakatirik ang mata.
Tumakbo ako pabalik sa sasakyan pero ganun nalang ang pagkagulantag ko , patay na silang lahat.
Punong puno ng dugo ang katawan nila , wakwak ang tiyan at may mga kalmot.
Di ko na alam kung ano ang gaawin ko.
Umiyak nalang ako sa takot na bumabalot aking
kalooban.
May narinig ulit akong kaluskus lumingon ako sa likuran ngunit walang tao.
Pagharap ko ay napaamang ako sa takot,
Di ako makapagsalita ....
Isang nakakatakot na nilalang ang nakita ko ...
Mapula ang mata nito, mahaba ang kuko at ang mga pangil, nababalot ng itim na balahibo ang katawan ng nilalang.
Ang pangit ng hitsura , parang aso na parang paniki
ewan ! Di ko Maisplika ..
Napaatras ako at akmang tatakbo na sana ng bigla akong nadapa.
Humarap ako sa kanya at di na ako nakagalaw.
Unti unti siyang lumapit sa akin...
Itinaas niya yung kamay nya para kalmutin ako ...
Nagtakip ako ng mukha at napasigaw nalang sa takot...
Isang malakas na yugyug sa balikat ang nagpabalik sa akin sa ulirat, unti unti kong iminulat ang aking mata.
Nakapalibot silang lahat sa akin.
"Ok ka lang aira,?" Nag aalalang tanong ni emerald
"Bigla ka nalang sumigaw eh, tapos umiiyak ka,
kaya huminto muna si clyde sa pag dra drive " nag aalalang sabi ni bailon
My god , panaginip lang pala,
Akala ko totoo na.
"Nanaginip lang ako, pasensya na sa abala "
Sabi ko sabay ngiti sa kanila
"Kung ano man yang panaginip mo natitiyak kong nakakatakot, lakas mo makasigaw ehh" nakangiting sabi ni clyde
"Baka ang napanaginipan mo ay yung mukha ni angelie, tingnan mo sa sobrang kapal ng make up ay magkamukha na sila ni annabelle nang the conjuring " sabi ni bailon sabay tawa ng malakas
Nagtawanan kaming lahat bukod kay angelie.
"Whatever" Inirapan nya lang kami
"Oo nga pala , malapit na ba tayo?" Tanong ni emerald
"Oo emerald, malapit na tayo , malapit na malapit na " sabi ni angel sabay ngiti nang nakakakilabot
Tahimik lang kami sa byahe
di ko maiwasan ang kabahan,
feeling ko may masamang mangyayari sa amin.
Sana mali yung pakiramdam ko,
sana maging ok lang kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top