Pagtakas..

Emerald's pov..

*Bogshhh*

Nagising ako ng may kung anong nabasag sa baba....

"Ano yun?" Mahinang sambit ko..

Bumangon ako at tinignan si Aira ...

Tulog pa rin sya! Parang walang narinig...

Nag isip ako sandali tapos maingat na bumaba sa aking kama ...

Baka napasok kami ng magnanakaw..  Kailangan kong tignan..

Dahan dahan akong naglakad at maingat na binuksan yung pintuan..

====×××===

Malapit  na ako sa may hagdan nang may narinig akong sumigaw

"Arrggghhh" 

Kinabahan ako bigla.. Parang si henry ... Bakit kaya sya sumigaw?  

Napagtanto ko na baka sinaktan sya nung magnanakaw ...

Kailangan ko syang iligtas...  Nagmadali akong tinungo ang hagdanan ngunit  Hindi pa nga ako nakakahakbang ...

"Arrghhhh"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Napanganga ako sa aking nasilayan...

Totoo ba tong nakikita ko?

Pinutol ni angel yung kamay ni henry..

Wala na ang isang binti ni henry...  Hula ko'y pinutol din ni  angel...

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nasilayan.

Totoo ba talaga tong nakikita ko? Pinatay ni angel si henry..

Napaiyak ako tapos unti unting umatras pabalik sa kwarto namin.. 

Ayoko na dito! Kailangang  makatakas kami ... 

Pagkabalik ko sa kwarto namin ay agad kong    ginising si Aira..

"Hmmmm.. emerald, anong problema mo? Inaantok pa ako..."  pagrereklamo ni aira..

"Gumising kana aira . Kailangan na nating makaalis rito!"

Hinila ko yung dalawamg kamay nya at pilit syang pinabangon..

Nang mapansin nyang umiiyak ako ay tinanong nya sakin kong ano ang nangyari

Pinaliwag ko sa kanya ang nakita ko kanina...

Maging sya ay natakot sa sinabi ko...

Dali dali kaming umalis at  pinuntahan namin si Bailon..

Mabuti nalang at nagising sya agad nang kinatok namin ang kwarto niya...

Di kami nag aksaya ng panahon at agad naming sinabi sa kanya na kailangan naming umalis dahil  nanganganib kami rito.

Di ko mapigilang mapa iyak habang kinukwento sa kanya ang nakita ko kanina...

"Siguro sila rin yung dahilan bakit nawawala yung iba nating kasama . Mga halimaw pala sila.. Talagang kailangan nating makaalis rito bago pa tayo mapahamak"

Namumutlang sambit ni bailon habang nakayakap kay Aira.

Nagmadali kaming bumaba   sa hagdan . Buti nalang at walang tao. Doon kami dumaan sa   may backdoor at sumuot   sa mayabong na talahiban .

====××××====

"Bailon, natatakot ako!" Nanginginig na      sambit ni aira..

"Huwag kang matakot .. Hanggat buhay pa ako at humihinga, hinding hindi kita pababayaan"

Matapang na sambit ni Bailon

Nakalabas na kami sa talahiban .  Binabagtas na namin ang daan  patungo sa masukal na gubat.

Nangunguna ako sa kanila . Si aira naman ay nakayakap kay bailon habang nakasunod sila sa akin. 

Pero bago pa namin marating ang  lagusan papasok sa  gubat   ,   Biglang     may lumabas na babae  mula rito .

Napa urong ako bigla.

Nakakatakot ang hitsura nya. Nalilisik ang kanyang mata na kulay dugo. Mahaba ang kanyang kuko. At  nababalot ng dugo ang kanyang bestida.

"A..aira, Ba..bailon . Tingnan nyo"  nanginginig ang kamay ko habang tinuturo yung babae.

"Ahhhhh"  napasigaw si aira sa nakita nya...

"Takbo"  sambit ni bailon sabay takbo.

Sumunod  kami sa sinabi nya . Tumakbo ako ng kay bilis ngunit nadapa ako ..

"Arghh" nasugatan yung kaliwang binti ko..

Unti unti akong bumangon .. tatakbo sana ako ulit ngunit natigilan ako sa aking nakita. Nasa harapan ko yung babae, may hawak syang itak..

Lumapit siya saakin  at unti unting itinaas yung itak...

"Emerald"  malakas na sigaw ni aira at bailon ngunit 

Wala akong magawa kundi umiyak...

Katapusan ko na!...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #horror