Pag ibig nga kaya?
*Flashback*
Michael's Pov
"Ma, alis po muna ako..." nagmamadaling paalam ko kay mama..
"San ka pupunta anak? Darating na mamaya sina angel kasama yung mga kabarkada nya.. " sabi sa akin ni mama..
"Hahanap lang ako ng makakain sa gubat.. "
"Wag kang mag alala anak, sinisiguro ko ngayong darating na pista ay makakain na tayo ng masarap na pag kain...
Sigurado akong maiibsan ang gutom na nararamdaman mo "
Sabi ni mama sabay himas ng ulo ko.
Nginitian ko sya ...
Sobrang bait talaga ng mama ko, ....
"Mga 12:00 pa ako uuwi"
Sabi ko sabay talikod kay mama..
Pagkatapos kong makakain dun sa gubat ay naglakad na ako pauwi sa amin ...
"Michael"
Napalingon ako sa nagsalita ,
Sabi ko na ngaba , si Jenny na naman..
"Anong kailangan mo?" Walang emosyo'ng tanong ko sa kanya..
"Nais lang kitang kamustahin , masama ba?" Nakangiting sabi nya sa akin...
Tskk.., di ba to marunong umintindi? Ilang beses ko na sya sinabihang lubayan nya ako pero ang tigas talaga ng ulo...
Isa lang si jenny sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin..
Pero kahit sino sa kanila ay wala akong natitipuhan...
Wala sa kanila ang hinahanap ko...
"Umuwi ka na jenny" sabi ko sabay talikod...
"Michael, teka lang..."
Bigla syang yumakap sa akin mula sa likuran...
"Ano ba jenny"
Pilit kong tinatangal yung kamay nya pero di sya bumibitaw..
"Bakit ba kasi di mo ako kayang mahalin? Pangit ba ako? May pag uugali ba akong di mo nagustuhan? Sagutin mo ako michael , nakikiusap ako... gagawin ko lahat mahalin mo lang ako michael..."
Sabi nya habang humahagulhol ng iyak ...
Sinubukan ko ulit na tanggalin yung kamay nya
at sa pagkakataong ito ay tagumpay ako. Humarap ako sa kanya tapos hinawakan ko yung magkabilang balikat nya..
"Tama na jenny, maawa ka naman sa sarili mo.... Itigil mo na to...
Oo, maganda ka nga pero hindi ikaw yung hinahanap ko....
Patawad jenny , hindi talaga kita kayang mahalin"
pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na sya at umalis ...
Nang malapit na ako sa bahay namin ay Napagpasyahan kong dun na dumaan sa backdoor, baka kasi magising yung mga espesyal na panauhin.. mahirap na...
Sumuot ako sa talahiban papuntang backdoor...
Bubuksan ko na sana ito ng may narinig akong yabag ng paa papalapit sa pinto.
Gamit ang kakaibang bilis, agad akong nagtago sa talahiban...
Bumukas ang pinto,
Maya maya , nagsara ulit ito
Agad akong Pumunta dun para buksan ito , ngunit may yabag na naman ng paa
Nagtago ulit ako sa talahiban....
Bumukas yung pinto at may babaeng lumabas...
Papalapit ito sa pinatataguan ko,
Umihip yung hangin at natangay nito ang amoy ng babae,
Matagal tagal na rin akong di nakakakain ng sariwang karne at laman ng tao
Hindi ko napigilan ang sarili kong mag iba ng anyo ..
Nang malapit na sya sa akin ay agad kong hinawakan yung kamay nya at hinila sya papasok sa loob ng talahiban....
Nagpumiglas sya pero sadyang mas malakas ako sa kanya kaya natangay ko sya...
Nawalan nang malay yung babae ,
Humarap ako sa kanya at akmang kakalmutin na sya ng biglang lumakas ang ihip ng hangin ...
Inilipad nito ang buhok nya at dun ay napagmasdan ko ang kanyang mukha...
Sobrang ganda ng babae, makinis ang malaporselana nyang kutis. Mapula ang kanyang labi, ...
Hinawakan ko yung mukha nya tapos inamoy ko ang kanyang buhok..
Sa dinami daming mga babaeng nagkakandarapa sa akin , ngayon lang ako nakaramdam ng ganito... ..
Pakiramdam ko ay nahuhulog na yung loob ko sa kanya ....
Pag ibig nga kaya ito?
"Patawad, di ko sinasadyang takutin ka... "
bulong ko sa babae...
Kinarga ko sya at pumasok na kami sa bahay ...
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad ko syang Inilapag sa kama tapos hinalikan ko yung noo nya ....
Umupo ako sa tabi nya habang pinagmamasdan ko syang natutulog ...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top