Kasakiman ni Philip
Philip's Pov
"Hanapin nyo si michael, patayin nyo sya. At kung may humadlang man isama ninyo. Lapastangan sya. Pinatay nya ang anak ko"
Sigaw ko sa mga aking mga kalahi...
"Opo mang philip, hindi sya karapat dapat maging pinuno. Pinatay nya si Jenny. Dapat sa kanya ay mamatay din. Mahal ko si jenny kaya tinanggap ko sa sya ang minamahal ni jenny. Pero ang pagpatay nya kay jenny ay walang kapatawaran." sigaw ng isa sa kanila na si Ryle
"Patayin si michael" sigaw nilang lahat pagkatapos ay nilisan nila ang bahay ko at nagsimulang hagilapin si michael.
Pinuntahan ko ang bangkay ni jenny tapos tumawa ako na parang baliw..
"Pano ba jenny? Wala ka nang silbi sa akin! Itatapon ko na lang kaya ang bangkay mo ?
Ay, wag nalang siguro. Baka hanapin ka pa ng mga bobo nating mga kalahi... Tapos na kasi ako mag pakitang tao. Mga bobo talaga, paniwalang paniwala sila na nagluluksa ako sa pagkawala mo.."
Di ko mapigilang humalakhak habang inaalala yung nangyari kanina..
*Flasback*
Tuwang tuwa ako habang nakikitang nag papatayan sina michael at jenny..
Nandito ako sa may punongkahoy , nakakubli .
"hehehe .. sige michael, patayin mo si jenny para kamuhian ka nang lahat at para ako na ang magiging pinuno"
Mahinang bulong ko sa sarili.
Maya maya ay Natumba na si jenny.
Hmmm, mukhang patay na sya...
Hihintayin kong makaalis silang lahat bago ko puntahan ang bangkay ni jenny..
Ilang sandali din akong naghintay bago umalis si michael kasama nung isang babae..
Hinahabol nila yung 2 kasama nung babae na tinangay ng isang manananggal.
Dali dali kong pinuntahan ang bangkay ni jenny...
Nagulat ako ng gumalaw sya..
Di pa sya patay? Tssk masama to..
"Ta..tay , tu..tulungan mo ako."
Pagmamakaawa nya..
Tumawa ako tapos nagsalita...
" oo anak tutulungan kita"
Itinaas nya yung kanyang kaliwang kamay . Ngunit di ko yun inabot. Sa halip , kinuha ko yung maliit na punyal na yari sa bronze.
"Tutulungan kitang mamatay" nakakakilabot na sabi ko sabay tusok nung punyal sa tagiliran ni jenny..
*Kasalukuyan*
' Magiging pinuno ako at walang makakapigil sa akin.. '
Mahinang bulong ko sa aking sarili.
Pagkatapos ay tumawa na naman ako na parang baliw..
A/n:
Hi guys, heto na naman si author... :D Eepal muna ako sandali..
Again , salamat po sa mga nagbabasa at nag aabang ng mga UD ko kahit matagal maka UD .
Taos puso po akong nagpapasalamat sa mga votes at sa walang sawang pagsuporta.
Sana po ay subaybayan ninyo ang nalalapit na pagtatapos ng "Misteryosong baryo"
Ilang chapters nalang po at matatapos na sya.
SEE U in next chapter
*hugs* And *kisses*
-YouWatchThisGirl :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top