Genelyn...
Genelyn's Pov..
Kina umagahan, nang magising ako ay agad akong naligo tapos bumaba na sa sala...
Nandun sina michael, emerald, aira, bailon.. at henry masayang nag kwe'kwentuhan
"Good morning guys" bati ko sa kanila sabay upo sa tabi ni henry ..
"Good morning din" Halos magkasabay nilang bati lahat...
"Mag kape muna kayo" napalingon kami sa nagsalita...
Si aling divina pala, may dala syang isang tray ng kape...
Inilapag nya yun sa maliit na mesa...
"Oo nga pala, Aira , bailon.. PAsensya na kayo kay angel kahapon... Ganun lang talaga yung batang yun... matampuhin at spoiled" nakangiting sambit ni aling divina kina aira..
"Ayos lang po yun" magkasabay na sambit ni aira at bailon..
"Pano mo po nalaman ? " nagtatakang tanong ko..
Binaling nya yung tingin nya sa akin tapos ngumiti sya...
"Sinabi nya sa akin"
"A.. e nasan po sya" tanong ko ulit
"Umalis sya kanina... Pupuntahan nya raw yung mga kababata nya...
O , sha alis na ako ... May aasikasuhin lang sandali"
Nagmadaling umalis si aling divina. At kami naman ay masayang nagkwentuhan habang nagkakape
Pagkatapos magkape, nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako sa bayan... Nais kong bumili ng bagong damit at mga souvenir...At dahil di ko alam ang daan patungo dun, Nagpahatid ako sa kanila hanggang sakayan ng jeep
=====××××=====
Pagkarating ko sa bayan , ay di ako nag aksaya ng oras ...
agad ko itong linibot ....
Marami akong nakitang blouse at iba pa ngunit ni isa ay wala akong nagustuhan...
Nag pabalik balik ako sa mga tindahan ng damit nagbabakasakaling may makita akong magandang bilhin..
Mayamaya may lumapit sa aking matandang Babae
"Hija, ano bang hinahanap mo? Kanina pa kasi kita nakitang pabalik balik dito"
"Ah, naghahanap po ako ng magandang damit kaso wala po akong makita..." nakangiting sagot ko sa kanya...
"Kung gusto mo talaga ng magandang damit, maghintay hanggang alas 7 gabi... Mamaya pa kasi i'dedeliver yung mga bagong damit na inorder namin.. nga pala hindi ka tagarito no?"
nginitian ko sya ulit ..
"Opo, dayu lang po ako... Dun po ako ngayon tumutuloy sa bahay ng kaibigan ko dun po sa Baryo Mystica"
Nagulat ang matanda sa sinabi ko ... Bakas sa mukha nya ang takot
"Umalis kana dun habang may Oras pa..."
Halata sa boses nya ang takot at pangamba...
"An—"
"Marites, bantayan mo muna tong tindahan..."
Magtatanong pa sana ako sa kanya ngunit di natuloy dahil tinawag sya nung kanyang kasama...
Naglakad sya palayo habang ako ay naiwang nakatunganga
Ano ang ibig nyang sabihin?
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng matanda.. Baka nag bibiro lang sya...
Naghintay ako hanggang alas 7 ng gabi at totoo nga ang sinabi ng matanda... marami akong nakitang magagandang damit
Dahil sa nag enjoy ako sa pamimili, Di ko namalayan ang pag lipas ng oras . 11:30 na pala
Nagmadali akong umalis at sumakay sa jeep..
Isa isang nagbabaan ang mga pasahero hanggang sa ako nalang ang natira...
Nagulat ako ng biglang huminto yung driver, ano kayang problema ? Sana hindi nasiraan yung jeep...
"Sorry miss, pero hanggang dito lang po ako."
"Bakit po? Malayo pa po tayo" Magalang na sabi ko sa kanya
"Basta miss. Hindi ako pumapasok sa baryong yan pag gabi"
Halata sa boses ng lalaki na takot sya...
Nakiusap ako sa driver at inalok ko pa sya ng malaking bayad ngunit ayaw niya talagang tumuloy kaya wala akong nagawa kundi bumaba...
Pagkababa ko, agad pinaharurut ng driver pabalik yung jeep nya...
Tahimik kong tinahak ang daan papasok sa baryo .... Bawat hakbang na ginagawa ko ay nakakaramdam ako ng kilabot pakiramdam ko may nakamasid sa akin..
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nahagip na flashlight ang mata ko...
Parang pamilyar ito sa akin..
Nilapitan ko ito at tinitigang mabuti ... Hindi ako maaaring magkamali, kay clyde ang flashlight na to.. pero bakit nababalot ito ng tuyong dugo?
Hahawakan ko na sana yung flashlight ng may biglang humila sa kaliwang paa ko patungo sa talahiban
"Ahhhh.. bitiwan mo ko"
Kahit anong sigaw ko ay di sya nakikinig ...
Nang marating namin ang damuhan ay agad nya akong binitawan
Puno ng gasgas ang katawan ko dahil sa pagkaladkad nya sa akin..
Unti unti akong bumangon at humarap sa kanya...
Magkahalong gulat at takot ang naramdaman ko ng makita ko ang hitsura nya...
Nanlilisik ang mata nyang kulay dugo . Matulis ang kanyang mga pangil . punong puno ng dugo ang kanyang suot na bestida... At may hawak syang itak
Nakakatakot ang hitsura nya..
Akmang tatayo na ako ng bigla nyang hinataw ng itak ang kanang binti ko...
"Arrrrghhhh" napasigaw sa sakit...
Tinaga nya ulit ang binti ko at sa pagkakataong ito ay tuluyan na itong naputol
Pumalahaw ako sa sakit na aking nararamdaman
Humaba ang kuko nung babae at kinalmot nya ako hanggang sa tuluyang namanhid ang aking katawan ...
Wala akong nagawa kundi ang umiyak...
Diyos ko , ito na yata ang katapusan ko. Pakiramdam ko malapit na akong mamatay . Pero sana po ay huwag mong pabayaan si Henry. Mahal na mahal ko po sya... Huwag mo po syang hayaang mapahamak...
Lumapit sa akin ang babae dala yung itak nya...
Unti ' unti nya itong itinaas
"Mag'ingat ka henry, Mahal na mahal kita"
Yun ang huling salitang nasambit ko bago nya tuluyang pinutol ang aking ulo
A/N:
*Genelyn's pic on top*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top