Galit ni Angel
Bailon's Pov..
Nagising ako sa isang madilim na lugar. Hinimatay kasi ako kanina. Nandito ako sa isang sulok , at nakatali ang aking mga kamay.
Ang sama ng amoy rito. Parang may bulok na karne .
Namamanhid yung likod ko. Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko magawa.
Bigla kong naalala si aira. Nasan kaya sya ?
"Aira!"
Tinawag ko ang pangalan nya ngunit walang sumagot.
"Aira, nasan ka?"
Ulit ko ngunit wala pa ring sumagot..
Mayamaya biglang nagliwanag yung paligid. May nagbukas nung ilaw..
Napapikit ako sandali.
Pagmulat ko , napansin ko ang pigura ng isang babae sa aking harapan. Di ko makita yung mukha nya. Nasisilaw kasi ako sa ilaw
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya..
"Gising kana pala mahal ko!"
Pagkasabi nya nun ay agad syang yumuko.
"Angel?" Gulat na sambit ko...
"Nagulat ka yata" nakangising sabi nya...
"Nasan si aira? Anong ginawa mo sa kanya.!" Galit na sumbat ko kay angel.
Ngumisi lang sya tapos umalis.
Pag balik nya , kasama na nya si aira...
"Bailon! Wag kang pumayag sa gusto nya... Ang sama sama nya"
Umiiyak na sambit ni aira..
Tumindi ang galit ko kay angel ng makita ko ang hitsura ni aira. Punong puno ng kalmot ang kanyang katawan.. pati ang
"Anong ginawa mo sa kanya angel?"
"Hahaha, dapAt lang yan sa malalanding tulad nya."
Biglang hinila ni angel ang buhok ni aira.
"Arayy.. tama na nasasaktan ako" pagmamakaawa ni aira.
"Tama na angel, NAgmamakaawa ako wag mong saktan si aira, ano ba kasing gusto mo?" Pagmamakaawa ko kay angel . Di ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.
Di baleng ako ang masaktan wag lang si aira. Mahal na mahal ko kasi siya.
Binigyan ako ni angel ng isang makahulugang ngiti.
"Ang gusto ko bailon?
IKAW "
binitawan nya si aira at pumunta sya sa kinaroroonan ko.
"Kung ayaw mong masaktan si aira, sumama ka sa akin. Magpapakalayo tayo bailon at bubuo tayo ng sarili nating pamilya. " tila nangangarap na sambit ni angel habang hinahaplos yung kaliwang pisngi ko.
Binaling ko ang aking tingin kay aira.
Umiiyak sya at umiling. Ayaw nyang pumayag ako sa sinabi ni angel..
"Wag kang sumama sa kanya bailon. Kahit patayin nya ako, wala akong paki alam basta wag mo lang akong iwan... " nagmamakaawang sambit ni aira habang gumagapang papunta sa akin...
Nakita kong naningkit ang mata ni Angel. Nilingon nya si aira at hinila nya ang buhok nito .
Naaawa ako kay aira, punong puno sya ng sugat at pasa. Kitang kita ng dalawang mata ko na nahihirapan na sya.
Dinala ni angel si aira sa isang sulok tapos kumuha sya ng kutsilyo.
At tinutok nya sa leeg ni Aira.
"WAAAGGG" Malakas na sigaw ko. Binaling ni Angel ang kanyang tingin sa akin.
Yumuko lang ako tapos mahinahong nag salita.
"Pumapayag na ako sa gusto mo angel"
Narinig kong tumawa si angel. Pagkatapos ay pinuntahan nya ako at tinanggal yung tali gamit ang kanyang kutsilyo.
"Masaya ako dahil pumayag ka!"
Sambit ni angel sabay yakap sa akin.
tiningnan ko Aira. Umiiyak sya habang tinititigan nya kami ni angel. Alam kong nasasaktan sya. Pero kailangan ko tong gawin , baka kasi patayin sya ni angel. Di ko kaya yun..
"Tara na " pinatayo ako ni angel.
Pagkatapos pinuntahan nya si aira.
"Anong gagawin mo sa kanya?" Nag'aalalang tanong ko...
"Itatali ko sya, baka kasi makawala sya" seryosong sagot ni angel habang nagsisimulang itali si aira..
"Hindi ba natin sya isasama?"
Lumingon si angel sa akin tapos nagsalita.
"Nahihibang kaba? Syempre hindi. Hayaan nalang natin syang lapain ng mga aswang !"
Aswang ? Ibig sabihin mga aswang pala sila. Kaya pala nawawala yung iba naming mga kasama dahil kinakain nila.
Hindi to pwede. Baka mapahamak si aira dito..
Ayokong iwan sya.. Kailangan mag isip ako ng paraan.
Ayun! Tama
MAY NAISIP NA AKO. Sana gumana
"Angel?" Tawag ko sa kanya gamit ang malambing na boses.
Lumingon sya sa akin tila nagtataka. Hinalikan ko sya bigla. Nakita kong nagulat sya ngunit agad din naman syang tumugon.
Unti'unti nyang nabitawan ang kutsilyo . Nalag lag ito sa sahig.
palihim akong Ngumiti sa aking isipan. Gumagana yung plano ko
"Bailon, ? Bakit? Bakit pinagtataksilan mo ako?"
Mahinang sambit ni aira ngunit dinig ko pa rin. Ramdam ko ang sakit at pighati sa boses nya.
Maging ako ay nasasaktan sa ginagawa ko pero ito lang ang tanging paraan para maligtas kami sa kamay ni angel.
Unti unti kong hiniga si angel sa sahig . Tapos hinalikan ko yung leeg nya. .
Bigla syang puma ibabaw sa akin at siniil ako ng halik .
Unti unti kong inabot yung kutsilyo tapos..
*Tsak* *tsak*
Sinaksak ko si angel sa likuran.
Kinuha ko yung kutsilyo at itinulak ko si angel..
Dali dali kong kinalagan si aira tapos niyakap ko sya ng kay higpit .
"Makakatakas na tayo Aira. Ilalayo kita rito"
"Bailon" yun lang ang nasabi nya. At umiyak sya .
"Tara na" yaya ko kay aira
Ngunit bago pa sya makahakbang
Bigla nalang may sumaksak sa likod nya..
"Ahhh" sumuka sya ng dugo tapos nadapa sya.
Paglingon ko sa likuran, nakita ko si angel. Sa galit ko , agad kong tinarak yung kutsilyo sa puso ni angel. Natumba sya at nawalan na ng hininga.
Pinuntahan ko si aira. Hiniga ko sya sa braso ko. Tapos hinaplos ko yung mukha nya.
"Aira , lumaban ka! Iaalis kita rito. "
Di ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.
Isang mapait na ngiti ang ibinigay ni aira sa akin.. tapos hinaplos niya ang pisngi ko.
"Ma..mag'ingat ka pa..palagi hah! Ka..kahit wa..wala na ako pa..palagi ki..kitang ba..babantayan. Ma..mahal na mahal kita"
Kasabay ng pagtulo ng luha ni aira ang pagkaputol ng kanyang hininga.
"A..aira, aira" tinapik tapik ko ang kanyang pisngi ngunit di na sya gumalaw..
"AIRAAAA" sumigaw ako ng pagkalakas lakas.
Hindi ko kayang mabuhay kung wala sya.
"Sasama ako sayo aira" seryosong sambit ko.
Binunot ko yung itak sa likud ni aira. Pina upo ko sya tapos
umupo ako sa likuran nya. Niyakap ko sya at
itinapat ko yung itak sa tiyan nya , unti unti kong itinusok yun hanggang sa tumagos ito sa likod nya at pinunit nun ang aking tyan Mas lalo ko pa itong idiniin hanggang sa tumagos ito sa likod ko..
Dumidilim na ang aking paningin. niyakap ko si aira at tuluyan na akong binawian ng buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top